Break Up to Me Gently/C6 /I S S U E/
+ Add to Library
Break Up to Me Gently/C6 /I S S U E/
+ Add to Library

C6 /I S S U E/

KADAN's POV

Ramdam ko ang inis ni Marhi sa akin. Kanina niya pa ako tinitingnan ng masama at napapansin ko rin na may sinasabi siya na hindi ko naman marinig.

I can't help myself to smirk, dahil alam kong naiinis siya na pinag-absent ko siya sa klase niya. Kasalanan niya rin naman ang lahat ng 'to. Kung hindi pa naman siya tanga edi hindi sana siya nahulog sa hagdanan at nadumihan ang slacks ko.

"Alam mo isusumpa talaga kita Kadan Dazila!"

Mahina ngunit may diin niyang sabi sa akin. Nasa waiting area kami ngayon ng laundry shop at tinitingnan kami ng matandang may-ari nito kaya iniiwasan ni Marhi na sigawan ako.

Nandito kami sa laundry shop ngayon. Sasamahan pa sana kami ni Akiro pero sinabi kong kaya na naming dalawa. I don't like his presence with Marhi. Nagiging mabait at pabebe bigla ang babae na'to. Hindi naman siya ganyan sa akin. Ako pa naman ang asawa pero she does not treat me good. Don't get me wrong, ayoko lang talaga sa plastic and Marhi was acting out of character with Akiro a while ago.

Ramdam kong mas lalong nainis si Marhi sa akin nang hindi ko pinasama sa amin si Akiro. Marahil ay gusto niya ang presidente ng Seville. Well, hindi sila bagay.

"Kapag ako talaga nabagsak sa major subject namin, I'll make your life miserable!" narinig kong sinabi niya pero hindi ko na siya tiningnan pa dahil napako ang tingin ko sa isang post at picture tungkol sa akin at kay Sabel.

Sa isang picture ay ako, naka blue hood at papasok sa isang restaurant sa Paris. Sa sumunod na picture naman ay si Sabel, naka white-dress na pinaibabawan ng isang brown coat at naka-shades, papasok din sa same restaurant na pinasukan ko. May time stamp ang dalawang litrato kaya halatang magkasunod lang kaming pumasok ni Sabel. Ang caption ng post ang siyang nakakuha ng attention ko. Sabel Himosa, a promising theater actress, and Kadan Dazila, a supermodel and young CEO, are dating.

Agad kong naisip si lolo.

Shit, this is bad.

Hindi pa man ako naka-isip ng isasagot kay lolo patungkol sa issue ay nag-appear na agad ang pangalan nito sa screen ko.

Ramon Dazila Sr. calling.

Hindi ko ito sinagot at hinayaan na mag-ring na lang. I cannot answer him now.

Sunod naman na tumawag sa akin ay si Sabel. I hurriedly answered her call and leave Marhi talking about something.

Pumunta ako samay gilid ng laundry shop kung saan walang tao na dumadaan. As expected she called about our photos that were posted online. We've been together for 2 years pero lowkey lang ang relasyon namin at walang masyadong nakakaalam, except her friend Trina and my cousin, Zheo. Naging maingat kami ni Sabel sa mga Paparazzi dahil ayokong ma-issue lalo na at madaming mga mata ang lolo ko. This is the first time that we are involved in this kind of scandal.

I was expecting that Sabel will be frustrated about the issue pero hindi siya sa issue na-frustrate.

"Kadan, I can't keep hidden forever. Balak mo ba talagang itago ako, tayo forever?"

I can feel the frustration in her voice.

Kinukulit na siya ng manager niya na maglabas na agad ng statement sa public at balak niyang aminin ang relasyon naming dalawa. Hindi ako pumayag sa gusto niya dahil napaka-wrong timing ngayon. I can't lose her, but I also can't lose everything I have now. Paano na ang future namin kung walang-wala ako?

Sabel ended the call. I know she feels bad pero hindi ko pa kayang mawala lahat ng meron ako dahil alam kong kami lang din ang mahihirapan sa huli.

I should talk to Marhi about the breakup. We should start the project as soon as possible before I could lose Sabel.

-------

MARHI's POV

Hinanap ko si Kadan dahil sinisingil na ako ng may-ari ng laundry dahil nalabhan na 'yong slacks niya. May extra naman siyang slacks sa kotse niya and believe me or not, katulad na katulad lang no'ng slacks na pinalabhan namin.

Hindi man lang siya nagpaalam na aalis. Tumalikod lang ako saglit, nawala na siya. I think, it's his habbit to go without saying a word. Mabuti na lang talaga at patient itong si manang laundry. Marahil ay gusto niya si Kadan dahil kanina niya pa kami tinitingnan. I can't blame her, agaw attention naman talaga ang lalake na kasama ko dahil sa suot niya formal attire at taglay niyang kaguwapuhan. Hindi nga lang nag-reflect sa attitude niya. We should never judge a person based on their appearance, just as we should never judge a book based on its cover.

Narinig kong nagbukas ang pinto kaya agad akong napatingin sa gawing kanan ko, expecting that it was Kadan, pero si Ma'am Sanchez ang nakita kong pumasok. Agad kong tinakpan ang mukha ko at tumalikod upang hindi niya ako makita. My goodness! Talagang ibabagsak ako ng matandang teacher na'to kapag nalaman niyang nag-skip ako ng klase para lang magpalaba ng slacks.

Nakaupo ako malapit sa bigayan ng labahan kaya isang lingon ko lang makikita talaga ako ni Miss Sanchez.

Kinuha ko ang sling bag ko and I calmly walk away. Lilipat ako sa may dulo para hindi ako makita. Bahala na si Kadan maghanap sa akin.

Just when I silently walk away ay saka naman dumating si Kadan at confident na tinawag ako. Tumigil ako sa paglakad at napahigpit ako ng hawak sa bag ko. I met Kadan's gaze and his face is confuse on my position. Nakayuko kasi ako at ang sling bag ko ay nakatakip sa may kaliwang mukha ko para sana hindi ako makita ni ma'am Sanchez, pero salamat na lang sa kanya at tinawag ang buo kong pangalan, marahil nakatingin na sa akin ang teacher ko ngayon. Napaka-wrong timing niya! Never pa akong natuwa na makita ang lalake na'to at hindi yata talaga mangyayari 'yon.

"Excuse me, Marhi Deserna?"

Tumindig lahat ng balahibo ko nang marinig ang boses ng teacher ko sa may likuran ko. I stand straight and slowly turn my back to face her. Kabado akong tumingin sa kanya at bumungad agad ang nakakunot na mukha ng teacher ko sa demonstration na hindi ko dinaluhan dahil lang sa lintek na slacks ng lalakeng nasa tabi ko na ngayon.

"Aba at naisip mo pa talagang magpa-laundry Miss Deserna kahit na alam mong last chance mo na kanina for demonstration?"

Mataray at malakas niyang saad sa akin.

"Miss Sanchez, I'm really so—"

Hindi pa man ako nagsisimulang makapag-explain ay tinaas na niya ang kanang kamay niya sa ere.

"Enough of your excuses Miss Deserna. Sinabi ko naman sa'yo noon na bawal ang mababa ang IQ sa education department dahil future teachers ang sinasanay namin. If you can dare miss a demonstration, then what kind of a teacher will you become? Not to mention that this is your second chance for this dahil hindi mo napasa ang first demonstration."

Napahigpit ako ng hawak sa palda ng uniform ko dahil pinipigilan kong maiyak. Nahihiya ako dahil naririnig ngayon ni Kadan ang kabobohan ko sa klase at pinapagalitan pa ako ng teacher ko publicly, idagdag pa natin ang posibilidad na baka ibagsak ako ng teacher ko. Technically bagsak na talaga ako sa demonstration na'to.

Sanay na naman ako pagalitan ng mga teachers sa department ko dahil hindi naman talaga ako magaling at matalino. They claim that I only passed the evaluation because of my surname. Pero hindi ako nagagalit, dahil ayoko namang magtanim ng sama ng loob at baka pumangit pa ako. Kay Kadan lang talaga ako nagtatanim ng inis at galit.

"Pardon me, madam, for interrupting. You're a teacher, you say?"

Halos mapalukso ako nang marinig ang malalim at seryosong tono ng boses ni Kadan. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari dahil pamilyar sa akin ang tono na'to, ganito kasi mainis at magalit si lola kung may narinig man siyang hindi niya gusto.

Tumaas ang kilay ni ma'am Sanchez sa direktang tanong ni Kadan at tiningnan ito mula ulo hanggang sapatos.

"How can a teacher publicly scold her student? Are you claiming that Seville University did not teach you how to talk to students about their grades?"

Pareho kaming napalaki ng mga mata ni ma'am Sanchez sa sinabi ni Kadan. Magsasalita na sana si Miss Sanchez but Kadan raised his hands indicating that she should not talk.

"Let's not discuss it here; do you think it's better to discuss it in the president's office?"

Napalunok ako ng laway. Wala pang nakakapasok sa president's office ng Seville at misteryoso rin ang president ng paaralan namin. May naririnig akong isa rin siyang student sa sarili niyang university, observing the teachers and testing the programs that the school formulated. Pero hindi niya pa pormal na pinapakilala ang sarili niya sa lahat.

Hinawakan ko ng mahigpit ang slacks ni Kadan. Ayokong maging guest ng president at baka katapusan na talaga ng education career ko, dito na nga lang ako magaling.

"I'm sorry Ma'am Sanchez. He's a bit tackless—" ramdam kong magsasalita si Kadan kaya bago pa man siya makapagbitaw pa ulit ng mga salita ay kinurot ko siya sa may tagiliran niya dahilan upang mapahiyaw siya ng mahina.

"We will talk about this PRIVATELY Miss Deserna."

Mataray na sagot ni ma'am Sanchez saka lumabas ng laundry shop.

Binitiwan ko agad si Kadan at tinalikuran siya. I admit, medyo gumaan ang loob ko nang sagutin niya ang malditang teacher ko pero natakot din naman ako, pa'no na lang kung ibagsak talaga ako ng matanda na 'yon?

"You know what, you should never let yourself be treated like that."

Seryoso niyang tugon sa akin. Napalunok ako ng laway dahil ramdam ko ang inis sa boses niya.

"Why?"

Hindi ko alam kung bakit ito ang lumabas sa bibig ko, siguro curius din ako sa magiging sagot niya.

"Because you're my wife," he says. "It's extremely humiliating to witness how someone has just treated you in that manner. Remember, Marhi, you're not just a Deserna; you're also a Dazila, and we don't tolerate humiliation."

Seryoso niyang tugon saka unang lumabas sa laundry shop.

I'm left alone confused and listening to my loud heartbeat. Did he just say I'm his wife and I'm a Dazila?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height