C12 BOLCT-12
BOLCT-12
MARINEL
HETO kami ngayon sa klase, gumagawa ng activity. Simula kanina pa ay walang imik si Enzo matapos ang practice namin kanina sa pool. Kahit na si Andy ay tahimik din.
"Sorry nga pala," pukaw ko sa matinding katahimikan.
"You are doing great, Nel. There's nothing to apologize," sagot niya.
"Oo nga naman, Nel. Perfect routine naman 'yong ginawa niyo kanina