C18 BOLCT-18
BOLCT-18
MARINEL
TATLONG ORAS na akong nakatanga at nakatingin lang sa kisame. Halos wala na rin akong mailuha na. Ganito pala ang pakiramdam kapag unang beses mong ma-in love sa isang tao. Iyong tipong nasasaktan ka ng todo dahil lang sa may nararamdaman ka sa taong 'yon. Ang masaklap pa, may mahal itong iba. Akala ko puro saya ang isang pagmamahal, 'yon pala kapag natuto ka na