C20 BOLCT-20
BOLCT-20
MARINEL
NAALIMPUNGATAN ako dahil sa malakas na pagkatok sa pinto ng kuwartong okupado ko.
"Nel! Lumabas ka riyan!" Napakunot-noo ako dahil sa narinig ko.
Ano na naman kaya ang problema nitong magaling kong pinsan! Lumapit ako agad sa pinto para buksan ito.
"Ano–"
Napahawak ako agad sa pisngi ko dahil sa sampal na natanggap ko mula sa kanya.
"Malandi ka!" paratang nito sa akin