C25 EPILOGUE
EPILOGUE
MARINEL
NAPAMULAT ako agad nang maramdaman kong wala na si Enzo sa tabi ko. Pasado alas-dos na ng madaling araw nang tumingin ako sa relo ko. Nakalimutan naming kumain ng hapunan. Ang haba rin nang naitulog ko. Siguro ay dahil sa matinding pagod sa kaiiyak mula pa kahapon. Bumaba ako sa kama at hinanap si Enzo sa buong kuwarto pero wala siya dito