+ Add to Library
+ Add to Library

C4 BOLCT-4

BOLCT- 4

CALVIN ENZO

"NEL!" I called but she was too far now.

"She's gone dude." Andy tap my shoulder. Napahilot na lang ako sa sintido ko.

"You really owed her. Patay ka talaga sa parents mo kapag bumagsak ka bro," Andy said.

"Dapat 'di niya ginawa 'yon. It is really my fault," sagot ko.

"And to tell you something, pinsan niya si Ms. World. What a coincedence nga naman."

"I know. Magkasama kami ni Nel kanina no'ng tinawag siya ni Moana," sagot ko. We sat down on the empty bench.

"I have a nice idea since you really need this. Humingi ka kaya ng tulong sa kanya para magkabalikan kayo ni Ms. World," Andy suggested. Napakunot-noo ako.

"Is it going to be work?" I hesitately said.

"Why don't you give it a try dude? But? One more thing, labas na ako riyan kung ano man ang mangyayari. Ilang beses na kitang pinayuhan to stop this craziness of yours pero dahil sa matalik kitang kaibigan e susuportahan kita. One thing for sure, it is really up to you," mahaba niyang litanya.

Napasimangot na lamang ako.

"I'll think about it first."

Would it be okay? Well, I should try to do it than do nothing. Tumayo na ako.

"Oh? Saan ka na naman pupunta?" Andy asked me.

"To Nel, I want to apologize and maybe I will take your advice," I answered.

"Tss! Ewan ko sa 'yo! Nasa tapat siya ng condo unit na tinitirhan mo nagtatrabaho. I saw her there kahapon nang magkape ako roon." Tinapik ko siya sa balikat.

"You're really my savior bro," I said at sumakay na agad sa kotse ko.

"Ewan ko sa 'yo," nakabusangot niyang sabi.

I just shrug my shoulders and headed way back home. Nang makarating ako sa home place ko, itinigil ko 'yong kotse ko at napatanaw sa katapat na coffee shoppe. I saw Marinel entertain some customers. So she work hard? What a tough girl. Nag-park muna ako sa kotse ko saka ako tumawid sa kabilang lane. I really need to apologize to her formally. Walang-wala talaga ako sa utak ko kanina. All the time I was just only thinking of what should I do para balikan ako ni Moana. It's just so happen din na magpinsan pala silang dalawa ni Marinel. Siguro kailangan kong subukan 'yong payo ni Andy sa akin.

Pumasok na ako sa coffee shoppe at naghanap ng bakanteng mesa. All eyes are looking at me, especially girls. Hindi ko na lang sila pinansin at matamang nagmasid kay Nel. Mukhang hindi niya pa ako napapansin dahil sa sobrang abala niya. Lumapit naman sa akin 'yong isang kasamahan niya. I just smirked the way she showed some intimacy on me. Talagang inayos niya pa ng konti ang damit niya at sadyang tinanggal ang pagkakabutones para lang makita ko ang hinaharap niya. Dumukwang naman siya ng konti habang panay ang punas sa mesang occupied ko kahit wala namang dumi.

"May I take your order, sir Enzo?" I grinned.

"I'd like Marinel to take my order, please?" I said.

Napataas naman siya ng kilay at padabog na umalis sa harapan ko. Nel was holding a tray nang bigla na lang siyang binangga ng kasamahan niya. I immediately stood up and helped her.

"Nako, sir! 'Wag na po… Enzo!?" gulat niyang sambit nang makita ako. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nel! Pambihirang bata naman 'to oh!" galit na bungad sa amin ng isang may edad na lalaki.

Tumayo ako at hinarap 'yong manager ni Nel.

"I'll pay the damage," I said.

Gulat naman ito nang makita ako.

"Sir!? Nako, sir Calvin 'wag na po." I shrug.

"I'll pay it Mang Elton and I insisted," I said again.

Nag-aalangan pa siyang napatango na lamang. Nel was stunned for awhile. I just smiled at her. I forgot to tell you guys, regular customer ako dito and my cousin owned this coffee shoppe. Hinapit ko siya sa baywang at bumulong.

"I'll wait you right after your shift." I winked at her at dumiretso na sa counter.

I ordered a mocha latte and grab some magazines at bumalik nang upo sa mesa ko kanina. Witch is my favorite spot where I can see all the customers here in coffee shoppe. Sounds too boring but nah! I am cool with it.

MARINEL

"HABA ng hair! Nag-rejoice ka ba girl! Haba ng hair! E-palmolive natural!" asar sa akin ng mga katrabaho ko.

"Tigilan niyo nga ako sa kakaasar diyan," inis kong sita sa mga katrabaho ko.

Panay din naman ang irap sa akin ni Aira.

"Grabe ah! Bagong salta pero nakabingwit agad! Talagang si sir Calvin pa," pagpaparinig ni Aira sa akin at agad na lumabas ng kitchen.

Napapikit na lang ako ng mariin para pigilan ang inis ko. Bagong lipat lang kasi ako sa branch na 'to. Grabe siya kung magbentang. Hindi ko naman kasalanan 'yon a! Padabog akong lumabas ng kitchen at kumuha ulit ng mga order. Gulat man ako at walang ka-ide-idea ay pinanatili ko lang na kalmado ang kilos ko kahit na medyo nakaiilang sa pakiramdam na may nakamasid sa akin. Panay din ang pasimpleng asar sa akin ng mga kasamahan ko. Si Aira rin, panay ang masid sa akin. Napapairap din at napapaismid sa tuwing napapansin niyang sumusulyap sa akin si Enzo. Napapaisip tuloy ako kung bakit kailangan niya pa akong hintayin. Binayaran niya pa 'yong damage na nangyari kanina. Kung tutuusin ay kasalanan iyon ni Aira dahil sinadya naman niya talagang banggain ako. At impossible ring maniwala si Manager kung magsusumbong naman ako sa maling inasal ni Aira sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako. Balita ko sa mga kasamahan ko ay regular na customer daw si Enzo dito at bukod pa roon, pagmamay-ari ito ng pinsan niya. Kung ganoon ay nabibilang siya sa mayamang pamilya. Kotse niya pa lang na Porsche, malamang ay milyon din ang presyo nito.

NAPASULYAP ako sa relo ko at napaunat ng katawan.

"Ay kapagod!" reklamo ng mga katrabaho ko.

"Una na ako ha," paalam ko at hinubad na 'yong apron kong suot.

"Ingat ka Marinel!" sabay nilang sabi sa akin maliban na lang kay Aira na isang wagas na irap ang ibinigay sa akin.

Hindi ko na lang siya pinansin. Animo'y parang kinikilig pa ang mga kasamahan ko. Napailing na lang ako at kinuha ang mga gamit ko sa locker. Nang matapos ako ay agad na akong lumabas ng shop.

"Nel?"

"Ah!" gulat kong tili habang sapo ang dibdib ko.

Pakiramdam ko'y lumabas yata ang kaluluwa ko sa tindi ng gulat.

"God! I am so sorry if I scared you," may pag-aalala sa tono niya pang paumanhin sa akin.

Napasandal ako sa pader dahil nanghihina rin ang mga binti ko.

"May balak ka bang patayin ako ng maaga?" tanong ko sa kanya.

Pinagkukuha naman niya ang mga gamit ko na nagkalat sa aking paanan.

"I am so sorry Nel," malungkot niya pang sabi.

Naman e! 'Yang mukhang iyan? Tatanggihan ko? Ano ako, diyosa? Tsk!

"Okay na, buhay pa pala ako. Salamat," sagot ko at kinuha ang mga gamit kong hawak niya.

"Ang akala ko’y umalis ka na kanina," sabi ko pa.

Hindi ko na kasi siya nakita kanina.

"Nag-fresh'in up lang saglit," nakangiti niyang sagot.

Napatango na lang ako.

"May sasabihin ka pa?" tanong ko ulit.

Ayaw ko mang maging magaspang pero hindi ko talaga matanto kung ano ang sadya niya sa akin. Inagaw naman niya 'yong mga dala kong gamit at hinila na ako. Para namang tinambol ang pagpintig ng puso ko dahil sa biglaan niyang paghawak sa kamay ko. Sinubukan kong kumawala sa hawak niya pero laking gulat ko nang bigla niyang padaanin ang mga daliri niya sa bawat pagitan din ng mga daliri ko. Kung kanina ay hawak lang, ngayon ay holding hands na! Pesti! Para akong naistatwa sa ginawa niya at pakiramdam ko ay tagaktak ang pawis ko kahit malakas naman ang simoy ng hangin. Pansin ko ring umiinit ang magkabila kong pisngi. Ang laking epekto sa akin ang simpleng paghawak niya lang, holding hands pa kaya. Ni hindi ko man lang magawang umimik at hinayaang magpatianod na lang sa kanya.

Bahagya naman niya akong nilingon at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Ang sarap mong halikan! Ang tanga Nel! Psh! Kung ano-ano tuloy ang pumapasok sa kukute ko.

"Enzo saan ba tayo pupunta?" alanganin kong tanong sa kanya.

Patawid naman kasi kami sa kabilang kalsada. At mukhang sa kanya itong kotseng Chevrolet sports car dahil dito mismo kami huminto kung saan ito naka-park. Pinagbuksan niya ako ng pinto at inalalayang pumasok sa kotse. Foots spa! Sing bango niya 'yong kotse o sumatutal 'yong pabango niya ay siya ring pabango ng kotse.

"Enzo?" untag ko ulit.

"Hmm? Relax. Trust me, it will be fun," sagot niya pa.

Putik! Kinakabahan na nga ako, paano ako magre-relax. Ikinabit naman niya 'yong seat belt ko kaya amoy na amoy ko siya ngayon. Nakakabangag ang amoy niya. Para siyang...

"Strawberry," wala sa huwisyo kong sambit.

Narinig kong napatawa ng mahina si Enzo.

"What's with strawberry?"

"Strawberry?" ulit ko pa.

Ugh! Ang gaga! Nel mag-isip ka ng dahilan!

"Huh? Strawberry? Ah... Oo! Tama... Naiwan ko sa kaibigan ko 'y-yong strawberry. Baka ano... Nakain na nila 'yon," nauutal kong sagot habang napapakamot sa ulo ko.

"Alright, I'll buy you. Stop worrying, okay?" Napatango na lang ako. Napapadyak ako ng mahina at napatakip ng mukha. Nakakahiya!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height