C17 Sixteen
Reena's POV
Naiinip na ako sa paghihintay sa kanya. Nangako sya na uuwi ng 5PM at heto ayaw pa kumain ng bata na hindi sya kasabay.
"Mama? Nasaan na po si Papa?" matamlay na tanong ng bata.
"Darating na sya." pinilit kong ngumiti kahit na naiinis na ako kay Liam. Isang oras na nyang pinaghihintay ang bata.
"Just watch tv muna. Okay. I'll call you pag nandyan na si Papa