+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Three

Nagising ako sa alarma ng phone ko. Nagset kasi ako ng alarm para hindi ako ma-late sa usapan namin ni Lean. Bumangon ako at almost 6AM palang. Naalala ko na sabay kaming magbebreakfast. Kaya mabilis na akong naligo at nag ayos.

Nakapamili ako ng mga damit sa Singapore kaya pwede na ako mag inarte sa susuutin ko.

"Ito nalang." sambit ko habang inaayos ang mga laman ng paperbags. Nakita ko ang isang gray dress na nabili ko sa may Sentosa. Yun nalang isinuot ko then sinuklay ang buhok ko at dinala ang jacket na binili ni Lean para sa akin. Hindi ko dapat tatanggapin yun but he keeps on insisting.

Dinala ko ang phone ko then lumabas ng kwarto. Naglalakad ako pababa ng C-Deck, sa pinto palang ng dining area nakita ko na si Lean na naghihintay. Ngumiti sya ng makita ako.

"Wow." he said with amusement. Nagtaka ako.

"Wow saan?"

"You look fresh. Maybe because you're wearing a nice dress or maybe you look happy." natawa ako.

"Oo na. Masaya ako. Masaya ka din ba?"

"Yeah." kinuha nya ang kamay ko at sabay kaming sinalubong ng cabin crew. Nagpareserve na pala si Lean ng upuan namin.

"Oh, gusto mo bang sumama sa akin sa Lower Deck mamaya?" nagtataka ako. Hindi pa ako naligaw sa Lower Deck. Ano bang meron dun?

"Ah? Anong meron?"

"Just come with me." hindi na ako nagtanong. Pumayag na ko na sumama sa kanya kahit wala akong idea. Pagkatapos namin kumain, agad nya na akong hinatak sa Lower Deck. Sumakay kami ng elevator.

"Dun ba ang kwarto mo?" tanong ko.

"Nope." Tumahimik na ako. Then maya maya huminto ang elevator at nagbukas ang pinto. May hallway kaming dinaanan. Then huminto sya sa isang pinto.

"A photo exhibit." nagulat ako sa nabasa ko.. " will be held here in Star Cruises this coming Friday." huminto ako.

"This is your exhibit?" natawa sya sa tanong ko.

"It will be this friday." pumasok kami sa loob ng kwarto na parang isang malaking maze na may matataas na divider. Sa bawat pagliko sa mga corners may malaking litrato na naka frame. Pero sa ngayon at hindi pa opening ng exhibit. Nakatakip pa ng mga itim na kurtina ang mga malalaking litrato.

Nilapitan ko ang isang frame na nakasabit. Nacurious ako sa laman kaya sinubukan kong itaas ang nakataklob na tela.

"Uh. No! Don't expose it!" Nagulat ako sa sigaw ni Lean. Nahuli pala nya ako. Hindi ko na tuloy nasilip ang laman.

"Hindi ko ba pwede silipin kahit isa dito?" umiling sya.

"Wait until Friday." nakatawa nyang sagot. Nilibot ko ang kwarto.

"Ikaw lang ba ang may ari ng mga pictures dito?"

"No, madami kami. This exhibit is a big compilations of every photograher's pictures taken during the cruise.

Nagulat ako. During the cruise? Kaya ba sya panay kuha ng mga litrato nung nasa Singapore kami. Nakakahiya, ginugulo ko pa naman sya nun tapos trabaho pala yun ginagawa nya.

"Ganun." natawa sya sa reaction ko.

"Hey, don't think na disturbance ka ha. Your the reason why my pictures have found its meaning." nagblushed ako sa sinabi nya.

"Baka binobola mo lang ako?" he smirks at me. Then kinuha ang DSLR nya.

"Sa isang babae lang ako napalapit bukod sa Mama ko.." huminto sya. "Its you." para akong nanlamig sa sinabi nya. Habang sinasambit nya ang mga salitang yun, kinukuryente naman ako ng mga mata nya.

"Basta, nandito ako sa Friday. Ako ang kasama mo sa exhibit ha." ngumiti sya.

"Yes. Good idea." after namin malibot ang venue.. nagyaya si Lean na uminom kami sa tambayan namin. First time daw nyang uminom kaya parang ako pa ang pasimuno. Dumaan kami ng bar para bumili ng drinks. Bumili sya ng isang bote ng whiskey.

"Kaya mo ba yan?" tanong ko sa kanya habang bitbit nya ang bote at dala ko sa mga balikat ko ang gamit namin.

"Oo. Lalake ako, dapat umiinom ako." natawa ako sa katwiran nya. Matindi ang tama ng whiskey lalo sa taong hindi naman umiinom. Nasubukan ko na yun isang beses at ilan araw akong nakahilata sa bahay. Kaya for sure pagdadaanan nya din yun.

"Maupo nga tayo!" sigaw ko sa kanya at hinatak ko sya. Napaupo kaming dalawa. Binaba ko ang gamit namin. Nakalahatian nya na ang bote habang papunta kami sa open terrace.. kaya medyo nahihilo na sya at kung ano ano ng pinagsasabi nya.

"Alam mo ba, I've never been inloved. Because my dad, wants me to be this, that. Things I don't want to. Napag iwanan na ako ng panahon." he said habang tinutungga ang bote. Natawa ako.

"Kaya naman pala, ganyan ka." sagot ko.

"Ganyan na ano?"

"Ganyan ka. I mean.. hindi ka marunong makipag mingle. Kasi kung oo, dapat may girlfriend ka diba?" he grins . Then.

"Ah.." Nagulat ako ng lumapit sya. Halos magkabanggaan na ang mga ilong namin . Pati ang matalas nyang pagtitig sa kin. Hindi ako makahinga.

"Ano ba yan ginagawa mo Lean!" sigaw ko habang tinutulak sya palayo sa kin but he keeps pushing himself onto me.

"You just said I can't make a woman mine. Right?"

"Hindi ko sinabing ganun." Then natawa sya at sumimangot ako. Trip nya ata ako.

"Hindi mo na pwedeng bawiin." Mas lalo syang lumapit sa akin at lalong di ko na din sya maiwasan. Kahit anong pilit kong paglayo. Kinukulong nya ako sa mga bisig nya.

"I have a question for you." Usal nya.

"A-ano yun?"

"Will you fall inlove with me?" Hindi na ako nakasagot ng maglapat ang mga labi namin. I felt his scent around my face. Para bang nakalutang ako habang ramdam ko ang init na nanggagaling sa kanya at ang lamig na dinudulot ng paligid. Para akong nasa langit, sandali kong nalimutan ang tama namin sa alak at parang nasa katinuan pa kaming dalawa.

Pero mali.. mali ito.

"Lean." Sambit ko ng maghabol ako ng hangin sa pagkawala ko sa halik na yun.Lumayo ako ng bahagya sa kanya. At hiyang hiya pa din ako because I let him in. He's still a stranger to me. Hindi ko alam kung magkakilala pa din kami pagbaba namin ng barko.

"I'm sorry.." Narinig ko sya bago sya tuluyan makatulog. Oo may doubts ako sa kanya. Nandito ako sa barko para makalimot at hindi mainlove ulit, lalo sa isang tao na dito ko lang nakilala. Malay ko ba kung kasinungalingan lang lahat ng sinasabi nya sa akin.. o hindi kaya..

Totoo din? Totoo kaya ito?

---

Nagulat ako sa tunog ng bell. Akala ko nasa bahay ako at doorbell ang naririnig ko. Dumilat ako at napansin ko ang kakaibang disenyo ng kisame na noon ko lang nakita.

"Wow."

"Lean! Andyan ka ba?" namulagat ang mga mata ko sa narinig. Lean? Si Lean ang hinahanap sa kwarto ko? Wait.

Lumingon ako sa paligid... At gosh! Hindi ko ito kwarto! Tumayo ako at sabay inspect agad sa suot ko.

Check! Kumpleto. Walang kulang.

Naalarma ako sa kumakatok. Sino ba yun! Nasaan si Lean? Hindi ko maalala kung anong nangyari kagabi!

"Leandro!" sigaw ng tunog binata sa pintuan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Tatawagin si Lean? Magtataka yun because nasa kwarto nya ako.

"I'm coming!" nagulat ako sa boses ni Lean na nanggagaling sa isang kwarto. Then lumabas sya at..

"Omg!" bulong ko sabay takip ng isang mata ko. He's only wearing his boxers and oh my, ang aga ng appetizer ko. Ganadong ganado sa kainan.

Halos matulala ako, habang pinagmamasdan ang matipuno nyang katawan. Up to his thighs and his buttocks makes it seductive.. Then his well formed muscles from his belly up to his chest. He's sexy. Damn!

Tinakpan ko ang labi ko. I just utter the word "Damn" habang pakiramdam ko tumutulo ang laway ko habang pinagmamasdan sya. Hiyang hiya ako. I find this guy really unbearably hot.. mas nakakapanlaway pa sya kay Joseph.

Nagtago ako sa mga kurtina ng makita kong nagbukas sya ng pinto. Then may kinausap syang isang binata at narinig kong nabanggit nya ang about sa exhibit. For sure kasamahan nyang photographer yun. Sandali pa silang nag usap at halos tubuan na ako ng ugat sa tinataguan ko.

"Okay. Sunod na ko." Pahabol nya sa binata bago ito umalis. Pagkasara nya ng pinto mabilis syang naghablot ng damit sa nakabukas nyang maleta sa ibabaw ng isang table at isang plain shirt na mabilis lang nyang sinuot. Hindi na sya nagsuklay at mabilis na syang umalis. Nakahinga ako ng maluwag nang makaalis sya. Lumabas ako sa pinagtataguan ko.

"I need my things." mabilis kong hinanap ang mga gamit ko bago lumabas.

"Huh?" nakita ko ang passport ni Lean . Binuklat ko yun. He is really Leandro Imperial.. He's from Philippines. Single.

Napangalum baba ako ng makitang single sya. So walang sabit ganun? Bakit ko ba inaalala yun! Binalik ko ang passport nya sa drawers. Then umalis na ako.

---

Kinabukasan ang baba namin sa Thailand. Nag iisip ako kung paano ko sya kakausapin. Naalala nya kaya yun ginawa nya. Nahihiya akong harapin sya. Baka sabihin nya easy to get ako at pumayag akong halikan nya ako.

But that kiss..

Habang pinipisil ko ang labi ko at pakiramdan ko magkalapat pa din ang mga labi namin, lalo kong nasasabi sa sarili ko na may kakaiba sa kanya.. He's different. Different from all the guys.

I felt his innocence.. from its kiss.. his touch and everything..

Napakaswerte ng babaeng mamahalin nya. Pumikit ako at pilit kong kinakalimutan ang nangyari. I should prepare myself sa susunod namin pagkikita.

Nang hapon ng araw na yun, sinubukan kong maglibot around ship. Wala naman kaming usapan na magkikita kami at for sure busy yun dahil inaayos nila ang exhibit nila.Naglakad lakad ako para magpahangin at baka makalimutan ko ang nangyari sa pagitan namin ni Lean. Kahit anong gawin ko, kahit anong iwas ko, he still appears on my mind. Nag iisip anong ginagawa nya, nasaan sya? Hinahanap ko sya.

"Stop this Reena!" sigaw ko sa sarili ko.

"Ahhh!!" nagulat ako sa sumigaw. Isang lalake ang nagdive sa pool at halos magtalsikan ang tubig sa damit ko. Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa pool. Kung saan saan na ako dinala ng paa ko para lang makalimot..

"I'm sorry!" sigaw ng isang lalakeng naka trunks ng umahon ito sa tubig.

"Its okay. Okay lang.." sagot ko habang pinapagpag ang damit ko.

"Are you sure? Take this." nagulat ako ng iabot ng lalake ang twalya nya. Kinuha ko yun saka ipinunas sa mukha ko at sa binti ko.

"Wanna join with us? Were having a pool party.." wala naman akong bathing suit o kahit anong damit pamaligo.. Kaya tumanggi ako.

"No need. I can't." pagtanggi ko.

"Then join us to drink. Dont worry, may mga kaibigan akong babae na kasama.." nakakahiya kung tumanggi ako. Kaya pumayag na ako. Hinatak ako ng isang babaeng blonde na nakasuot ng two piece. Pinaupo nila ako sa isang mesa na may nakahanda ng inumin at pagkain. Light drinks lang naman ang iniinum nila kaya hindi ako tatamaan. Saka wala naman masama kung may iba akong kakilala sa barko bukod kay Leandro. Dahil masisiraan ako ng bait sa kakaisip sa kanya. At least dito malilibang ako.

"Drink more!!" sigaw ko habang inuubos ang laman ng baso na binigay sa akin ni Cali. Isa sa mga babaeng kasama namin sa pool. Nakababad ang mga paa ko sa tubig habang nakaupo sa tabi ko si Jacob.. Sya yun lalakeng nag invite sa akin. Nakabihis na sya ng tshirt ngayon kaya di na ako naiilang na kaharap sya.

"Mag isa ka lang talaga dito?" he asked ng sabay kaming inubos ang laman ng inumin namin.

"Oo. Ako lang. Kayo ba?" balik kong tanong.

"I have my friends with me.. Cali and Allison then si Dave." ngumiti ako.

"Buti pa kayo." bigla ko naramdaman ang pag akbay ni Jacob sa akin.

"Then stay with us." malamig nyang tinig habang unti unti syang dumidikit sa akin. Gusto ko umiwas pero hawak nya ako. Did I just let my guard off again? To a stranger?

"She's drunk!" sigaw ng isang lalake at nagulat ako sa jacket na bumalot sa akin. Then I smell a familiar scent. It was from Leandro.

Tumingala ako at nakita ko ang isang matangkad na lalake na naka plain shirt. Then ang hazel brown nyang buhok na sige sa pagsayaw dahil sa malakas na hangin.

"Who are you!" narinig kong tanong ni Jacob.

"I'm Leandro.. And I'm her friend." sagot nya. Sabay kinuha ang kamay ko at tumayo ako. Basa na ang mga paa ko ganun din ang laylayan ng dress ko. Hindi na ako makasagot pa sa kanilang dalawa dahil nahihilo na ako.

"Reena told me na wala syang kasama dito." sigaw ni Jacob saka ako hinawakan.

Parang namalikmata ako, but I saw Leandro how aggravated he is.. Salubong ang kilay nya habang nakatingin sya kay Jacob at mas lalo pa syang nainis when Jacob grab my other hand.

"Don't touch her!" sigaw ni Lean saka ako binuhat dahilan para tuluyan ng bumitaw si Jacob.

"Nobody can't touch her. And she's not alone. She's with me." huli nyang sinabi bago tuluyan umalis. Kinuha nya ang gamit ko at sinabit sa kanang balikat nya habang buhat nya ako. I felt like I was carried like a new married woman.. Na pinangarap kong gawin ni Joseph sana sa akin kung natuloy ang kasal namin.

At ngayon itong estranghero na nito ko lang nakilala ay dala dala ako sa mga bisig nya and he just told everyone na walang pwede humawak sa akin na para bang sa kanya lang ako.

He just admit na I'm his possession..

Nakakakilig..

---

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height