+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Hang Out

I am sitting in my swivel chair in my office while signing some papers for the company when my secretary knocked on the door.

“Miss Santilles. Someone is looking for you. He says it’s Mr. Javier.” Then my day will be h*ll.

“Let him in.” After I said that to my secretary, Denver enters the office.

“Ano na namang trip mo at nagpunta ka na naman dito?” Every time he has time, he will pursue to go here to my office. Pupunta lang siya dito para lang bwisitin ako.

“Bakit ba? Wala naman akong ginagawa sa office ko eh.” At ‘yan palagi ang dahilan niya sakin tuwing pupunta siya dito. “Bago na naman ang secretary mo? Ayaw na naman akong papasukin eh.” That’s true.

“Bakit ba? Masyadong pabebe yung huli kong secretary eh. Hindi ko kailangan ng secretary na ganun.”

Napatango naman si Denver sa sinabi ko. Sa totoo lang sobrang strict ako sa mga employees ko lalo na sa trabaho nila. I treasure this company because these are the results from the hard work of my parents.

“Hmm. Sige ikaw bahala. Company mo naman ito. Alam ko naman na kaya mong i-handle ang company ng parents mo,” sabi niya at nahiga na sa couch na nasa sulok ng opisina. Ganyan naman siya palagi.

Pupunta dito para manggulo at matulog pag hindi niya ako trip bwisitin, pwede naman dun sa office niya. Madami siyang pwedeng bwisitin dun.

Hinayaan ko na lang siya na matulog at tinuloy ang ginagawa ko bago siya dumating. Sobrang daming nakatambak na papeles sa mesa ko dahil sa naiwanan ko lahat to dahil sa business trip ko. Kaya kailangan ko na din agad itong mapirmahan dahil kukuhain na ito sakin mamaya ng bawat department.

Malapit ko ng matapos ang mga pinipirmahan ko nang biglang may kumatok sa pinto.

“Come in,” I said.

“Miss, in ten minutes po. You have a meeting with Mr. Alonzo.” Si Mr. Alonzo, ay isang matandang manyak. Yun ang sinasabi ng mga naging secretary niya dahil yung ibang secretary niya ay minsang nang nag- trabaho dito.

“Okay,” tipid kong sagot. Nang makalabas ang secretary ko ay nag- ayos muna ako ng sarili ko.

Pagkarating ko sa conference room ay nandoon na si Mr. Alonzo. Binati lang ako ni Mr. Alonzo pero nginitian ko lang siya. Nagsimula na ang presentation. Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila pero wala talaga akong balak papasukin sa kompanya ko ang isang manyak.

Pagkatapos ng meeting ay pumunta na ako sa office. Naabutan kong tulog pa rin si Denver. Napatingin ako sa orasan. Sh*t! Nalipasan na naman ako ng gutom. Alam kong workaholic ako pero hindi ko pinapabayaan ang health ko kahit na palaging may trabaho ay nagwo- work out pa rin ako kada weekends and balanced naman ang mga kinakain ko.

I call my secretary via intercom to orders foods from the nearest fast-food chain. Kahit naman galit ako kay Denver ay may konsensya pa rin ako para pakainin siya ng tama. Kargo de konsensya ko pa pag nagkasakit yan. Lalo na’t palaging nandito sa office ko yan.

Napatingin naman ako kay Denver. Ang haba ng pilik- mata niya. Tss. Parang babae naman. Tapos kissable lips pa. Pero hindi ko sinabing gusto ko siyang halikan. Napaka-imposible naman na magustuhan ko siya. Pero napapaisip ako kung ilang babae na yung nai-kama niya. Matinik sa babae itong si Denver. Kaya hindi pwedeng magustuhan ko itong bwisit na to dahil alam kong maloko ito sa babae. At nasaksihan ko kung gaano kababaero itong si Denver. Alam na alam ko kung paano niya tratuhin ang mga babae. Lalong-lalo na sa kama.

Napapitlag naman ako nang biglang kumatok ang secretary ko. Dala na niya yung mga pagkain namin. Pinalagay ko na lang sa may coffe table. Nang makalabas si Sheryll ng office ay ginising ko na agad si Denver. Pag ito hindi agad gumising hindi ko na ito papakainin. Niyugyog ko ang balikat niya at tinapik ang pisngi niya.

“Oh? Bakit? Anong nangyari, Chandria?” Nakakatawa yung mukha niya ngayon. He looks likes a sh*t.

“Kung di mo aayusin sarili mo may mangyayari talaga,” sabi ko at nagpunta na sa coffee table at hinain ang mga pagkain, “Bilisan mo diyan kung ayaw mong mawalan ng pagkain.”

Nang sabihin ko iyon ay nagmadali siyang mag ayos ng sarili at nagpunta sa coffee table.

Nilukob ng katahimikan ang buong opisina nang magsimula kaming kumain. Nakita ko si Denver na maganang kumakain. Napailing na lang ako. Parang bata kung umasta.

“Hey, Chandria. Are you going to eat your food?” Hindi ko napansin na nakatulala na pala ako, “Ikaw ha! Nakatitig ka na lang sakin eh. Nagwa-gwapuhan ka no? Crush mo ko no?” May hawak akong steak knife at inamba ko itong isaksak sa kanya.

“Pwede ba manahimik ka na lang diyan?” I rolled my eyes at him. The heck?! Pano ako magkakaroon ng crush sa kanya?

Napahawak ako sa aking ulo nang bigla itong tamaan ng kirot. Pinanatili ko lamang ang sarili ko sa maayos na postura, nang sa ganoo'y hindi makahalata si Denver sa sakit na aking iniinda. Sa kalagitnaan ng kainan, naramdaman ko na lang ang pagdilim ng paligid kasabay ng pag-ikot ng aking paningin. Tanging pagpikit na lamang ang nagawa ko, dala ng aking pagkahilo.

“Hey. Chandria, are you okay?” Tumango na lang ako para hindi na siya mangulit, “You sure? You look pale. C’mon, I’ll take you to hospital.” Gaya ng sabi ko, makulit talaga siya. Pero hindi ko na lang pinansin at ipinikit ko na lang yung mga mata ko para mabawasan ang pagkahilo ko. Maya-maya lang ay nawala na rin ang pag ikot ng paningin ko.

Tinignan ko si Denver at halatang nag-aalala siya sa akin. Ganyan siya. Greatest enemy namin ang isa’t-isa, but we still care for each other.

“Okay na ako. Ituloy na natin ang pagkain.” Tinuloy ko na lang ang pagkain ko at hindi na pinansin si Denver. Maya-maya lang ay nagsalita si Denver.

“Alam mo, Ria. Magpahinga ka na muna kaya ng one week. Just take a rest because it’s for your own good. Pati kikita naman ang company mo kahit di ka pumasok sa trabaho. Siguro kaya ka nagkaka ganyan dahil sa trabaho mo.” Napaisip naman ako sa sinabi ni Denver. Kaso hindi ako sanay ng walang ginagawa. Lalo pa at mag-isa lang ako sa unit ko.

“Ano naman gagawin ko sa unit ko? Alam mo naman siguro na hindi ako sanay ng walang ginagawa.”

“May nabili akong ticket. Trip to Palawan for 5 days. Dapat saming dalawa ng kapatid ko yun eh.” Parang nangongosensya pa bago ibigay ah.

“Alam mo. Kung di mo naman ibibigay, wag mo na lang sabihin sakin.” Natawa naman siya.

“Ang sarap mo talaga asarin. Ibibigay ko naman sayo yung isa eh.” Tss.

“Okay. Kanino naman yung isa?” Napaisip naman ako. Teka, wag mong sabihin na-

“Sakin syempre! Sa isang araw yung trip. Kaya be ready,” wika nito saka ako kinindatan. Napailing na lang ako. Akala ko naman matatahimik na ako ng isang linggo. Hindi pa rin pala.

Pagkatapos namin kumain, tinuloy ko na lang yung trabaho ko. Dahil sobrang dami ko pang tatapusin at kailangan na pirmahan. Kung aalis man ako, gusto ko wala na akong maiiwan na trabaho. Ayoko na mangyari ulit yung nangyari ngayon na natatambakan ako ng trabaho. Pero never pa naman ako nag over time sa trabaho ko. Si Denver naman nag stay pa dito. Syempre, natulog na naman. Porket tumatakbo yung company niya kahit wala siya ganyan na yan.

Ipipikit ko lang sana ang mga mata ko upang ipagpahinga ang mga ito pero hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

-End of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height