Can't Get Over With It/C2 Jewelry Shop
+ Add to Library
Can't Get Over With It/C2 Jewelry Shop
+ Add to Library

C2 Jewelry Shop

“Why don’t we have a deal? In this deal, you’ll get more benefits,” sabi ng lalaking hindi pa masyadong katandaan kaharap niya ang isa pang lalaki na pamilyar sakin. Pareho silang pamilyar. Habang nag uusap sila ay natanaw ko ang dalawang bata mula dito sa kinatatayuan ko. Isang batang babae at lalake na naglalaro sa hardin.

“Clark! Tignan mo! Ang ganda ng mga bulaklak!” Sabi nung batang babae habang dala-dala niya ang isang

manika.

“Oo nga. Pero mas maganda ka naman diyan, Ria!” Sabi naman nung lalake. Siya ata yung Clark. Si Clark ay medyo chubby pero bagay naman sa kanya.

“Talaga? Maganda ako?” Si Ria naman ay sakto lang ang katawan pero mahahalata mo ang kaputlaan nito sa mukha na parang may sakit.

“Oo. Maganda ka,” nakangiting wika ni Clark kay Ria.

“Gusto ko paglaki ko ikaw papakasalan ko Clark ha?”

“Sige ba. Basta ikaw ang papakasalan ko. Pangako.” At niyakap ni Clark si Ria.

Naramdaman kong may yumuyugyog sakin. Minulat ko ang mga mata ko at nakita si Denver na nakatingin sakin. Malapit na palang gumabi. Naaalala ko yung napanaginipan ko. Napaka-simple lag ng panaginip ko pero napalaking tulong na nito sakin.

“Kung hindi pa kumatok yung secretary mo. Hindi pa ako magigising.” Nakikitulog na nga lang sa office ko. Nagrereklamo pa.

“Buti nagising ka pa.” I smirked at him.

“Tss. Tara na nga. Umuwi na tayo.” Inayos ko na yung gamit ko. Pero habng inaayos ko yung gamit ko biglang nagpatay-bukas yung ilaw. Malamang si Denver may kagagawan niyan.

“Denver, itigil mo nga yang ginagawa mo.” Pero hindi pa rin siya tumigil sa pagpatay ng ilaw. Kaya naman nilapitan ko na siya. Binuksan ko yung ilaw nang makalapit ako dun.

“Pwede ba, Denver? Tigil-“ Pagharap ko sa kanya sobrang lapit ng mukha namin sa isa’t-isa. Natigilan ako at pinagmasadan ang mukha niya. Mula sa mata hanggang sa labi niya. Bumalik ang ulirat ko nang maramdaman ko ang pagkilos niya.

Naitulak ko siya dahil kaunti na lang magdidikit na yung labi namin. Naramadaman kong bumilis ang tibok ng puso ko pero di ko pinahalata na naging uncomfortable ako.

“Lumayo ka nga sakin. Pangit ng mukha mo. Tara na at umuwi na tayo.” Hindi ko na siya pinagsalita at lumabas na ng office.

“Uuwi na po kayo, Ma’am?” Nandiyan pa pala si Sheryll.

“Ah. Oo. Good night sayo, Sheryll.” Nginitian ko siya at tumalikod na ako.

“Good night din po!” Pahabol na sabi ni Sheryll. Saktong-sakto bumukas yung elevator. Pumasok agad ako para hindi na ako maabutan ni Denver.

Pagkapasok ko ay napahawak na lang ako sa dibdib ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. After that accident happened. This is the first time that I feel nervous in front of him. First time din kasi na nangyari samin yung nangyari kanina.

Napapitlag ako nang marinig ko ang pagtunog ng elevator. Masyadong pre occupied ang utak ko dahilan para magulat pa ako sa maliit na tunog ng elevator.

Dumiretso agad ako sa kotse ko. Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang fast-food chain. Nag drive-thru na din ako dahil hindi na din ako makakapagluto sa lagay ko.

Nang makarating ako sa unit ko ay kinain ko muna yung mga binili ko.

Nang matapos kumain ay nag-shower na ako. Pinatuyo ko muna yung buhok ko. Habang nag-papatuyo ako ng buhok ko ay naisip ko yung nangyari kanina.

Hindi ko alam kung ano at bakit ako nakaramdam ng ganun pero sa tingin ko kailangan ko munang isantabi yun dahil gratest enemy ko siya at babaero siya. Naisip ko naman yung trip namin sa Palawan sa isang araw. Sana maging maganda yung mangyari doon kaso feeling ko hindi eh. Kasi andun si Denver. Mambwi-bwisit lang yung sakin eh.

Pagkatapos kong magpatuyo ng buhok ay natulog na agad ako. Ayoko munang isipin yung mga mangyayari sa trip namin.

Kinabukasan ay naligo agad ako, pagkatapos ay kumain na at dumiretso na agad ako sa company dahil may kukuhanin ako doon. May nakalimutan akong dalhin kagabi pag-uwi ko dahil nagmamadali ako.

Pagdating ko sa office ko ay bumati sakin ang secretary ko. At sinabing nasa loob ng office ko si Denver. Tss. Manggugulo na naman siya.

Pagkapasok ko sa office ko ay nakita ko si Denver na nakahiga sa couch at nagce-cellphone. Napairap na lang ako sa ginagawa niya. Napakatamad talaga.

“Oh? San ka pupunta? Bakit hindi ka naka office attire ngayon?” Sabi na nga ba at magtatanong agad to eh.

“At bakit? Wala ka ng pake kung saan man ako pupunta ngayon,” sabi ko habang kinukuha ko yung mga nakalimutan ko.

“Sama ako. Wala din naman akong pupuntahan eh. Pati wala rin akong gagawin sa office ko.” Napaka kulit talaga ng lahi nitong bwisit na to.

“Wag ka ng sumama. Maninira ka lang ng araw.” Talagang ayokong kasam tong mamili ng kahit ano. Ako pag-babayarin niya ng mga kinukuha niya eh.

“Dali na kasi. Wala naman kasi akong gagawin.” Hindi ko na siya pinansin at tinuloy ang pagliligpit ko ng gamit ko. Pagkatapos kong magligpit ay lumabas na ako at dumiretso na ako sa parking lot.

Pagkapasok ko sa kotse ay sumunod si Denver.

“Oh? Bat andito ka? May kotse ka naman ah.” Hindi na niya ako pinansin at nagsalpak agad ng earphones sa tenga niya. I rolled my eyes because of what he did. Hinayaan ko na lang siya doon. Gagawin ko na lang siyang taga bitbit ng mga bibilhin ko.

Maya-maya ay nakarating na kami sa mall dahil malalapit lang naman ang mga establishment sa company ko. Pagkarating namin sa mall ay naghanap muna ako ng pagpa-parkingan. Nang makahanap ako ng parking ay lumabas na ako ng kotse at hindi na hinintay si Denver. Hindi na siya bata para hintayin ko pa. Hanggang ngayon ay inis pa rin ako dahil sa nangyari kagabi.

Maglilibot muna ako bago mamili sa supermarket. Habang naglilibot ako ay may nakita akong jewelry shop. Hindi ko alam pero bigla na lang akong natulala at hindi ko namalayang tumutulo na pala ang mga luha. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko dahil kahit kailan ay di pa ako nakakapunta sa jewelry shop na iyon.

Biglang may nagtakip ng mata ko at ipinaharap ako sa kanya at niyakap alam kong si Denver yon dahil sa amoy ng pabango niya. Hinayaan niya lang akong umiyak ni Denver. Pero mas lalo akong naiiyak nung niyakap niya ako. Gulong-gulo na ako. Ganito na lang ako palagi kapag may nakikita akong lugar o bagay na hindi ko alam. Maya-maya lang ay tumigil na ako sa pag-iyak.

“Hey. Are you okay now?” Tumango na lang ako dahil feeling ko ay pag nagsalita ako ay maiiyak ulit ako. Ngumiti na lang si Denver sa sinagot ko.

“Let’s go to the ice cream parlor. I know na gagaan ang pakiramdam mo kapag kumain ka ng ice cream.” Napangiti na lang ako sa offer niya. Medyo gumagaan na yung pakiramdam ko kapag naiisip ko yung ice cream.

“Your treat ha? So, let’s go na Clark.” Hindi ko alam pero bigla kong nasabi yun. Nakita ko naman si Denver na parang gulat na gulat.

-End of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height