C39 Realization
Nakatulala lamang ako habang nakatingin sa harap ng pinto ng kwarto ko. Kanina ko pa hinihintay na may pumasok na Denver dito at sabihing nakita na nila si Licorice. Halos mag iisang araw na din mula nang makarating kami dito sa ospital ngunit wala pa rin pumapasok na Denver na may dalang balita na nakita na nila si Licorice