+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Hospital

Nakatingin ako dun sa mga batang umaaway kay Clark. Pipigilan ko sana sila nang biglang dumating si Ria.

“Hoy! Anong ginagawa niyo ha?! Tigilan niyo nga iyan!” Tanong ng batang si Ria sa mga batang umaaway kay Clark.

“Bakit may angal ka? Eh tabatchoy naman itong kaibigan mo dapat ang mga kaibigan mo yung mga katulad namin na cool. Hindi yung mga talunan,” Sabi ng batang nakahawak sa kwelyo ni Clark.

“Ayoko sa inyo, mga bad kayo. Kapag di niyo yan tinigil tatawagin ko si teacher!” At dahil mga bata pa sila ay nagtakbuhan naman. Ang isang bata ay papunta sakin kaya umiwas ako ngunit pag harap ko ay biglang may tumatakbo ulit na bata papunta sakin at hindi ko ito nailagan. Kaya napapikit ako.

Pagmulat ng mata ko ay nasa ibang scenario naman ako.

May nakita akong babae na mas matanda na. Sa tingin ko ay highschool na itong babae. At may nakita akong mga babaeng nakapalibot sa kanya. Nagulat ako nang biglang tinulak yung babae ng mga babaeng nakapalibot sa kanya. Parang pamilyar itong scenario na to sakin. Ah! Oo naalala ko sila yung mga classmate ko.

“Ano na namang pagpapa-pansin yung ginawa mo kanina ha? Nagbida-bida ka na naman! Bakit? Kasi nandun si Clark?” Lalapitan ko na sana sila ng biglang may sumigaw.

“Ria! Ikaw ba yan?” Maya-maya lang ay may lalaking lumapit mula sa likod ko. Ito na ata si Clark.

“Hey! What do you think you're doing to Ria?” Tanong ni Clark sa mga babae. Nakatalikod sakin yung lalake kaya di ko makita yung mukha niya. Yung mga babae naman ay parang hindi na mapakali.

“Sorry talaga Clark di na namin uulitin. Promise talaga.” Parang mga batang nagsitakbuhan ang babae. Ewan ko ba kung bakit biglang natakot sila kay Clark.

“Ano yan nasa mukha mo ha? Ano na namang pakulo mo mo yan?” Nagtatakang tanong ni Ria kay Clark. Lalapitan ko na sana silang dalawa nang biglang dumilim ang paligid.

Pagmulat ng mata ko ay nasa isang kwarto ako na sa tingin ko ay osiptal dahil puro puti ang nasa paligid.

Babangon sana ako nang maramdaman ko may nakahawak sa kanang kamay ko. Napatitig ako sa kanya at naalala ang nangyari kanina. Napailing na lang ako dahil doon. Kawawa naman iyong babaeng yun.

Bumalik na lang ako sa pagkakahiga. Nakatitig lang ako inaalala yung panaginip ko. Hindi ko pero nagiging madalas na yung pananaginip ko tungkol sa dalawang bata na iyon. I have this gut feeling with that dream. I have to call my doctor.

Kinuha ko ang kamay ko kay Denver at kinuha ko phone ko sa side table. Lumayo muna ako kay Denver because it’s private. In this thing, I don’t want others to interfere just because. I dialed the number of the doctor.

After a few more rings, someone answered the phone.

“Oh. Hi Ms. Santilles.” Sagot ng baritonong boses sa kabilang linya hindi mo aakalain na nasa 40s ang kausap mo.

“Hi, Dr. Windell. Can I have an appointment with you? I want to share some things with you personally.” Habang nakatingin ako sa labas ng bintana ay napansin kong padilim na. Mukhang kanina pa kami dito sa ospital.

“I want to, but I can’t. I’m at the conference in Palawan.” Napaisip naman ako. Tutal pupunta naman kami doon bukas. Doon ko na lang kakausapin ang Doktor.

“I have a trip there tomorrow. Are you free tomorrow?” It’s just that I really need to talk to him.

“I’m not sure. But I’ll contact you for sure.” Pagkatapos ng pag-uusap na ayun nagpaalam na kami sa isa’t-isa. Niyakap ko ang sarili ko habang nakatingin sa mga tao at sasakyan na dumadaan.

Si Dr. Windell ang psychologist ko. It’s not that I have a mental illness. It’s just that I got into an accident and boom, I have amnesia. It’s selective amnesia. That’s what the doctor said to me. Well, it’s true. Of course, the doctor said and I can remember my parents from my childhood but there is some missing memory like my grade school and high school memories. Even my college memories. But I can still remember some of them. My doctor said that the memories that I forget are the one that are so traumatizing to me. I know that there is someone who missing from my memories because my doctor said I tend to forget memories or people because of something that happened in the past.

Biglang may kumatok sa pinto kaya napatigil ako sa pag-iisip at pumasok ang isang nurse.

“Ms. Santilles, Doc. Alvarez said that you will get discharged tomorrow because you need to be observed tonight since you have amnesia and you’re also anemic. So you need to rest for now.” Napatingin naman ito kay Denver na natutulog bago napatingin sa kanya. Nakakunot naman ang noo niya habang nakatingin ng what-look.

“Ikaw pala yung kasama ng lalaking nagwawala kanina sa labas.” Mas lalong napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.

“Palagi niyang sinasabi na I can’t lose her again. Paulit-ulit niyang sinasabi yun kanina habang wala kang malay. Sige na aalis na ako. Pupunta na lang si Doc dito mamaya para i-check ka.” Napatingin naman ako kay Denver. Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa nalaman ko. Pake ko naman sa sinasabi nitong mokong na’to.

Naramdaman kong nagugutom ako kaya lumapit ako sa kanya at kinuha yung at hinampas sa kanya. I know it’s rude, but I don’t care. Gutom ako di ko man lang natikman yung pagkain kanina. Dalawang beses ko siyang hinampas ng unan sa ulo para dama niya at nagising naman.

“What?!” Sinamaan ko naman siya ng tingin dahil sa pagsigaw niya sakin.

“I’m hungry. Sundae and fries are also my favorites. Go now.” Habang si Denver nakatingin sakin na hindi makapaniwala. “What? May angal ka?”

“May patago ka bang pera? Kung magpabili ka parang binigyan mo ko ng pera ah.” Sinamaan lang niya ako ng tingin at umalis na. Nag-inarte pa, gagawin din naman pala. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pagkalikot ng phone ko.

Maya-maya lang ay dumating na si Denver at may kasama siyang doctor.

“Hi, Miss Santilles. Ipinagkatiwala ka muna sakin ni Doc Windell kasi nasa convention siya sa Palawan.” Paliwanag ng Doctor. “By the way, I am Doc Alvarez.”

Tinanguan ko lang si Doc."It’s okay. Pupunta naman akong Palawan bukas kaya baka magkita kami at pag-usapan yung tungkol sa nangyari sakin."

Tinanguan lang ako ng Doctor at chineck-up na ako. Habang chine-check up ako ay naalala ko yung lalake sa panaginip ko. Nap-frustate na din ako minsan dahil sa amnesia ko. Minsan ko ng pinilit na makaalala kaso na-ospital lang ako dahil don.

Matapos akong i-check up ay lumapit sakin si Denver dala dala ang mga pagkain na pinabili ko.

“Oh. Ayan na pinabibili mo mahal na prinsesa,” sarkastikong sabi niya sakin. Inismiran ko lang siya at nagsila ng kainin ang sundae and fries.

Tinabi ko muna yung iba. Nakita ko naman na napapailing na lang sakin si Denver. Naalala ko naman yung sinabi sakin ng nurse kanina.

“Hoy anong trip mo kanina sa labas ha? Sinabi sakin ng nurse na nagwala ka raw don.” Pang-aasar ko sa kanya. Umiwas naman siya sakin ng tingin at hindi na sinagot ang tanong ko.

Nag-cellphone na lang siya sa sofa habang nakahiga doon. Nabalot kami ng katahimikan daahil walang nagsasalita samin.

“Itutuloy pa ba natin yung pagpunta sa Palawan bukas?” Pambabasag niya sa katahimikan.

“Yeah. I need to have a check-up with my doctor. I also want to refresh my mind,” sabi ko naman sa kanya.

“Pwede bang umuwi ka na muna. Nabwi-bwisit na ako sa pagmumukha mo eh. Magsasama na nga tayo the next five days eh.”

Naalala ko lang naman kasi magkakasama kami sa bakasyon sa palawan. Sawang- sawa na ako sa mukha niya.

“Magtiis ka. Babantayan muna kita hanggang makatulog ka.” Sabi niya sakin nang hindi ako tinatapunan ng tingin.

Parang nag-iba ang mood niya mula ng makabalik siya dito. Nagkibit-balikat na lang ako at tinuloy ko ang pagkain ko.

Sh*t. Hindi pala ako nakapagsabi sa secretary ko na mawawala ako kaya tatawagan ko muna siya. Napatingin naman ako sa orasan malapit na pala mag- nine o’clock. Gising pa naman siguro yun. Mabilis namang sinagot ni Sheryll ang tawag.

“Yes, Ma’am Santilles?”

“I want you to cancel all my appointments for this week.”

“Yes, mam. The financial department wanted you to sign the monthly report for this month.” Katapusan na pala ng buwan ngayon.

“Okay. Send all the papers for the monthly report in my unit tomorrow.” Gagawin ko muna iyon bago kami umalis bukas. Hapon pa naman ang flight namin.

“Okay ma’am.” Pagkatapos ay pinatay ko na ang tawag at tinabi ko na ang cellphone ko pati na rin ang pinagkainan ko para matulog na.

I felt so tired because of so many thoughts going on in my mind.

“Goodnight,” Sabi ko na lang kay Denver at umayos na ako ng higa. Pero hindi agad ako nakatulog pero nakapikit lang ako.

Malapit na sana kong makatulog nang maya-maya ay makarinig ako ng kaluskos at naramdaman kong may umupo sa gilid. Naradaman kong may humawak din sa kamay ko na nasa gilid. Hindi ko na rin sinubukang buksan ang mata ko.

“I want you to get your memories back, but sometimes I want to be selfish and don’t want you to remember. I want us to stay like this. No more hurting ourselves because I know once you get back your memories, you will change. But I really hope the best for you. Always remember that.” He holds my hand to his face, and I felt a liquid on my hand. I can hear him sobbing because he is crying. He stayed like that for minutes. He kissed my forehead before leaving.

Napamulat naman ako nang marinig kong sumara ang pinto.

“What the hell is that?” Pabulong kong tanong sa sarili ko.

-End of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height