+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Vacation

Tulala lang ako hanggang ngayon. Hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi ni Denver kanina. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin yung tungkol doon. Gusto niyang makaalala ako pero takot siya ganun? Bahala siya sa buhay niya. Saka ko na lang iisipin yun.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko para makatulog na lang ako at hindi na mag-isip isip ng kung ano ano.

Pagkagising ko ay nag ayos na ako sakto naman ang pagpasok ng doctor para sa huling check up. Pagkatapos akong i-check up ay sinetle ko na ang bills ko at umuwi na. Buti na lang dinala ni Denver ang kotse ko dito kaya hindi na ako nag- taxi.

Pagdating ko sa bahay naligo muna ako dahil nine o’clock na tsaka ako nagluto ng pagkain ko. Habang nagluluto ay naalala ko na naman yung kagabi. Napailing iling na lang ako at tinuloy ang pagluluto.

Pagkatapos kumain ay nag-impake na rin ako ng mga kailangan ko.

Habang nag iimpake ay may nag door bell. Alam kong si Sheryll iyon kaya agad ko itong pinagbuksan.

“Pumasok ka muna. Kumain ka na ba?”

“Ah, opo.” Tumango lang ako at pinaupo ko siya. Kumuha muna ako ng maiinom niya tsaka ko kinuha ang mga paeles na kailangan pirmahan para sa monthly report.

Agad ko namang pinirmahan ang mga papeles at binigay sa kanya. Hindi ko naman na kailangang basahin kung ano yon dahil alam kong binasa na yon ng secretary ko bago ibigay sakin. Binibigay niya lang agad yung mga importanteng papeles.

Umalis rin naman siya kaagad.

Papunta pa lang ako sa kwarto ko ng may mag door bell na naman. Napakunot naman ang noo ko. Sino kaya yun? Pinagbuksan ko naman agad kung sino man yun.

“At bakit ka nandito ha?” Iyon agad ang pambungad ko kay Denver na nasa harap ng pinto ko ngayon.

Napatingin naman ako sa suot niya. Nakasuot siya ng navy blue plain v-neck shirt and khaki shorts and then old school shoes. May nakasabit pang shades sa damit.

“Wala lang. Patambay na lang muna. Tapos na rin naman ako mag impake eh,” sabi niya lang sakin at nagdire-diretso na sa loob. Minsan lang naman siya magpunta dito dahil palagi akong nasa office at doon siya tumatambay.

“Hoy wag kang gagalaw ng gamit diyan ha? Lalo na yung mga sapatos ko at heels. Malilintikan ka talaga sakin.” I have a shoe collection na nakalagay sa isa mga kwarto sa unit ko. I have three rooms here in my unit. Yung ay ang kwarto ko at ang isa naman ay guest room. Ang natitirang room ay closet ko.

“Oo na. Baka palayasin mo pa ako pag may ginalaw ako doon eh.” Noong nakaraan kasi ay nailaglag niya yung isang pares tapos natapakan niya. Hindi naman niya sinabi sakin akala niya siguro hindi ko mapapansin yun.

Dumiretso naman ako sa kwarto ko para maligo muna. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako. Nagsuot lang ako ng tank top and wears a cropped top jacket and a pair of ripped jeans. I braided my hair into a ponytail.

Lumabas na ako ng kwarto dala dala ang mga essentials ko at nilagay ko sa luggage ko na nasa closet ko. Pagkatapos kong ilagay ay pumunta na ako sa living room.

“Hoy hindi pa ba tayo aalis?” Malapit na kasi mag alas dose.

“Tinatamad naman na ako. Wag na nating ituloy ‘to.”

“Okay, sige. Edi maiwan ka dyan. Di naman kita gustong makasama,” sabi ko lang sa kanya. Napatingin naman sakin si Denver.

“Wow ha. Ayaw na ayaw mo talaga sakin eh no? Tara na nga.” Pagkasabi niya nun ay lumabas na siya. Sumunod naman ako sa kanya. Sinecure ko muna ang unit ko bago kami tuluyang umalis.

“Yung akin na lang gamitin nating sasakyan para hindi hassle,” sabi niya sakin habang nasa elevator pababa sa parking lot. Tinanguan ko lang siya. Nang makarating kami sa parking lot ay dumeretso kami sa kotse niya at nilagay ang luggage ko sa compartment.

“Sure ka ba talagang okay ka na? Ha?” Pangugulit niya sakin.

“Oo at wag ka ng magtanong dyan dahil pupuntahan ko naman yung doctor ko doon,” inis na sabi ko sa kanya, “Tsaka almost 2 years na akong ganito. Kaya shut up ka na lang diyan.” Yeah. That’s true I’m suffering amnesia for almost two years.

Hindi ko alam pero matagal yung process ng pagbabalik ng memorya ko. Sabi ng doctor yun daw ay dahil hindi pa masyadong natri-trigger yung mga nawala kong alaala kaya daw medyo matagal.

“Okay. Ayoko lang ng alagain sa trip na to.” Pang aasar pa sakin ni Denver. Inirapan ko na lang siya at hindi pinansin.

Buti na lang maaga kaming umalis ng unit ko dahil quarter to 1 na kami nakarating sa airport dahil sa traffic. Pagdating namin doon ay nag check-in na agad kami. Naghintay lang kami ng forty-five minutes bago kami makasakay sa eroplano.

Mabilis lang naman ang naging byahe namin papuntang Palawan. After two hours, ay nasa Palawan na kami. Nag rent na si Denver ng sasakyan namin para hindi na kami mag commute.

Habang nasa byahe kami ay kapansin pansin talaga ang pamumuhay ng tao dito na mas maayos kaysa sa Manila.

Habang nasa byahe kami papuntang hotel aay nakatingin lang ako sa labas samantalang si Denver naman ay tanong ng tanong kay kuyang driver. Nakikinig lang naman ako sa kanila.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa hotel na tutuluyan namin.

“Oo nga pala, Chandria. Isang hotel room lang ang binook ko-“

“Hoy anong sabi mo? Bakit isa lang?!” Gulat na gulat panigurado ang mukha ko habang nakatingin sa kanya.

“Oo. Isa lang. Pero may dalawang bedroom. Di mo kasi ako pinapatapos muna magsalita eh,” sabi niya sakin habang nakangisi. Bwisit talaga.

“Di mo naman kasi nililinaw.” Inirapan ko lang siya at naglakad na papunta sa lobby ng hotel at si Denver naman pumunta sa receptionist.

Habang hinihintay ko si Denver ay nag- ring ang cellphone ko. Si Doctor Windell.

“Yes, Doc Windell?”

“I think I can meet you this evening.”

“That’s good. I’ll send the address where we can meet and the time as well.” I’m not sure if he can advise me something because it’s the first time na nangyari ang ganito. Ever since na nagkaroon ako ng amnesia.

“Okay. I’ll just wait for it.” And then we bid goodbye because Denver said that we can go to our room.

“Ikaw ha. Nag-eexpect ka siguro na magkakasama tayo sa iisang kwarto no? Gusto mo yun no?” Pang-aasar niya sakin. Napairap naman ako. Tinext ko na agad kay doc kung saan at kung anong oras kami magkikita.

“Bat ko naman gugustuhing makasama ka sa kwarto? Ha?” Sabi ko sa kanya habang inis na inis ako sa kanya.

“Malay ko sayo. Baka lang naman kasi gusto mo eh. Pwede naman akong lumipat ng kwarto eh.” Nakangisi niya pang sabi. Inirapan ko lang siya at sakto namang bumukas ang elevator.

Sumakay na kami ng elevator at hanggang doon ay kinukulit pa rin ako ni Denver kung gusto ko siyang makasama sa kwarto. As if naman gagawin ko yun. Hindi ko na lang pinansin ang pangugulit niya dahil baka lalo lang akong mainis kapag pinansin ko pa.

Inilibot ko ang tingin ko sa hotel room namin. Parang condo unit na din ang itsura. May sariling kitchen kung saan pwedeng magluto dahil may mabibilhan naman ng pwedeng lutuin sa labas. Kapag nadaanan mo ang kusina ay makikita mo ang sala at ang dalawang pito na sa tingin ko ay kwarto namin. Pumunta ako sa veranda na nakita ko. Kitang kita dito ang tanawin sa labas.

Sumandal ako paharap sa tanawin. Mukhang maganda nga magbakasyon dito. Maganda ang tanawin kaya makakapag- isip isip ako.

Naramdaman kong tumabi sakin si Denver.

Nilingon ko siya at nakasandal siya patalikod sa railings. Mabilis kong ibinalik ang paningin ko sa labas.

Hindi ko alam pero simula ng magpakita sakin yung lalaking walang mukha ay natakot na ako.

Natatakot na akong bumalik ang mga alaala kong nawala. Pakiramdam ko ay hindi maganda ang mangayari kung makaka-alala ako. Isama mo pa yung mga sinabi ni Denver kagabi. hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Hindi ko maintihan kung bakit? Bakit ayaw niya akong maka-alala? Bakit ayaw niyang bumalik ang mga alaala kong nawala? Iyon ang mga tanong na kagabi ko pa iniisip.

Ang hirap ng ganito yung wala akong maalala sa mga taong nakakakilala sakin. Yung lalakeng nakakita sakin sa mall. Alam kong parte siya ng nakaraan ko pero hindi ko siya maalala. May ilang beses ng nangyari ang ganoon pero hindi ko na lang pinapansin.

“Hoy nakikinig ka ba sakin?” Napalingon naman ako nang magsalita si Denver na nasa tabi ko.

“Bakit?” Masyado na ata akong nalunod sa iniisip ko kaya hindi ko narinig na nagsasalita na si Denver.

“Sabi ko maganda ka kaso bingi ka,” sarkastikong sabi niya sakin. Napaikot naman ang mga mata ko sa kanya.

“Ano nga yun?” Inis na sabi ko sa kaya. Tinawanan niya lang ako.

“Sabi ko kung makikipagkita ka sa doktor mo. Sasama ako.”

“Hindi pwede,” simpleng sabi ko sa kanya.

“Hindi naman ako nagpapaalam eh. Sinasabi ko lang sayo na sasama ako. Pati halos ako lang kaya ang kasama mo palagi kaya dapat alam ko kung anong gagawin ko.” Napairap na lang ako.

“Bahala ka sa buhay mo.” At kinuha ko ang luggage ko na nasa sala at pumasok sa isang kwarto.

Inayos ko muna ang mga gamit ko bago ako nagpalit ng damit. Nagsuot lang ako ng short in white printed shirt na pinatungan ko ng blazer and sandals. Malamig kasi ang simoy ng hangin sa labas kaya paniguradong lalamigin ako. Ang buhok ko naman ay hinayaan ko lang na nakalugay.

Napatingin naman ako sa relong suot ko. Mamaya pa naman kami magkikita ni doc pero baka mag ikot-ikot muna ako sa labas.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nakita ko si Denver na naka upo sa couch sa sala. Mukhang nagpalit na din siya ng damit niya. Nakasuot na siya ngayon ng buttoned-down polo shirt and beach shorts. suot niya pa rin yung old school shoes niya.

“Sasama ka ba talaga?” Pagtatanong ko sa kanya. Ayoko naman kasi talaga siyang isama sa pag- uusap namin eh.

“Oo nga. Kaya tara na.”

“Teka mamaya pa yun. 8 o’clock pa naman kami magkikita. Maglilibot lang sana muna ako habang hinihintay ang oras.” Pagpapaliwanag ko sa kanya.

“Sama ako,” sabi niya sakin habang naka beautiful eyes pa. Bumalik na naman ang pagkabaliw nito.

“Bahala ka.” Napairap na lang ako umiling- iling habang naglalakad palabas ng hotel room. Nakasunod naman sakin si Denver.

Paglabas namain sa hotel ay umikot ikot kami hanggang mapunta kami sa dalampasigan. Malapit lang ang hotel namin sa dagat kaya mabilis lang kaming makarating doon.

Napayakap naman ako sa sarili ko ng humangin ng malakas. Ipinikit ko ang mata ko at dinama ang malakas na simoy ng hangin. Nakaka relax pala talaga dito. Napakapayapa sa pakiramdam. Masyado siguro akong maraming iniisip nitong nakaraang araw kaya ganito ang pakiramdam.

Iminulat ko ang mga mata ko at tinignan ang papalubog na araw. Umupo na lang ako sa buhangin habang pinagmamasdan ang sunset.

Kahit wala kong maalala sa nakaraan ko ay masaya na ako. Pakiramdam ko kasi kapag naalala ko ang nakaraan ko ay magugulo yung nangyayari ngayon pati na rin ang hinaharap. Katulad na lang ng sinabi ni Denver kagabi. Ganun din iniisip ko minsan kasi natatakot ako.

Natatakot ako na baka kapag naalala ko ang nakaraan ko ay baka hindi maganda ang idudulot nito sakin. Natatakot ako na baka yung ibang taong nakakasalamuha ko ay parte naman pala talaga ng nakaraan ko.

Paano kung may hindi talaga magandang nangyari noon kaya hindi ako makaalala? Hindi ko alam ang gagawin ko lalo na at wala akong masasandalan. Wala akong mapagsasabihan ng mga iniisip ko.

Naging malamig ang pakikitungo ko sa mga taong nakapaligid sakin simula ng mangyari ang insidenteng yun kaya wala akong naging kaibigan ng panahon na kailangan ko ng karamay.

Tanging si Denver lang ang nakakasama ko at ang nakakatiis sa ganitong ugali ko.

Napatingin naman ako kay Denver na nasa tabi ko. Lumingon naman siya sakin at nginitian. Nawala ang ngiti niya nang makitang seryoso akong nakatingin sa kanya at hindi nag- iiwas ng tingin.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko kay Denver. Lalo na sa mga sinasabi niya nitong mga nakaraang araw. Gusto ko na siyang pagkatiwalaan pero may pumipigil sakin. Mas lalo akong nagka- kutob nang dahil sa mga sinabi niya sakin. Hindi naman ako tanga para hindi ko maintindihan ang mga sinabi niya sakin.

It’s either na parte siya ng nakaraan ko o may alam siya nakaraan ko.

-End of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height