+ Add to Library
+ Add to Library

C6 Drunk

Pagkatapos namin magpalipas ng oras ay pumunta na kami sa restaurant malapit sa hotel kung saan kami magkikita ni Doc. Um-order muna kami ng drinks habang hinihintay si Doc Windell. Pagkarating namin doon ay naghintay lang kami ng ilang minuto ay dumating na si doc.

“Good evening, Chandria,” sabi niya sakin at kinamayan ako. Napatingin naman siya sa katabi ko.

“Oh, this is Denver,” sabi ko sa kanya. Pero yung tingin niya ay parang may hinihintay pang may sabihin ako. Ano naman ine-expect niyang sabihin ko?

“Let’s order first before we talk about my condition.” We ordered first for our food and when the server leaves we immediately talk about my condition.

Kwinento ko sa kanya ang mga natatandaan ko sa mga panaginip ko. Some of them are vivid, but most of them are blurry, just like the man when I faint at the restaurant.

“It’s normal siguro hindi mo namamalayan na may nakakasalamuha ka mula sa nakaraan mo kaya natri-trigger nila ang memories mo. Ang sabi mo sakin dati ay mostly ay mga memories mo noong bata ka pero nitong nakaraang linggo ay nagbago at naging teen age life mo na ang lumalabas sa panaginip mo or let’s say na memories mo.” Tumatango lang ako sa mga sinasabi niya. Si Denver naman ay tahimik nakikinig sa tabi ko. Seryoso niya ngayon ah.

Maya-maya lang ay dumating na ang pagkain namin. Habang kumakain ay nagtatanong tanong pa si Doc about sa mga napapanaginipan ko at mga nararamdaman. Iyon lang halos ang napag- uusapan namin over the dinner.

“Also, don’t restrain yourself again your self on remembering your memories. Kapag pinilit mo iyon ay maaaring hindi na bumalik ang alaala mo kaya don’t stress yourself too much about your memories.” Pahabol pa na sabi ni Doc Windell bago umalis.

Nang makaalis naman si Doc ay tahimik lang kami at naglalakad sa mga sun loungers sa labas ng hotel. Napag-usapan namin na tumambay muna rito sa labas bago kami umakyat sa suite namin.

Tahimik kaming umupo doon at tumitig sa buwan. Full moon. I always adore the moon. It lights up the dark world. Sometimes it’s my inspiration to remember my memories. When I see a moon, I always think that maybe someday, someone will light up my dark world. Someone who can lift me up from the ground where I am and stood properly and confidently in front of other people.

It’s hard to have this condition. Baka hindi ko namamalayan may gusto palang pumatay sakin mula sa past at nakakasalamuha ko na iyon ng hindi ko nalalaman. I am always wary of other people. I don’t trust that much.

I trusted someone because of my desperation at remembering. That’s when I meet Denver. He saw me being almost harassed by that person.

I did that because I’m so impatient. It’s been 1 year that time when I got this fvcking amnesia and I don’t remember many things about myself. It’s frustrating. That’s why I trusted that person, because he introduced himself as a family friend.

Napabuntong hininga na lang ako sa pag- iisip ko. Napatingin naman ako kay Denver nang magsalita ito.

“Is it hard? To have amnesia? Not remembering some things about yourself?” He asked while looking at the moon.

“Well, yeah. At first it’s frustrating. Lalo na noong nagising ako na wala akong maalala sa buhay ko. Even my childhood, that time I can’t even remember it. Nakita mo naman siguro ako in my desperate state, diba? Doon ako natauhan na hindi magandang magtiwala, lalo na at ganito ang kondisyon ko. Halos wala akong kakilala sa past ko. Nakakatakot din minsan...” na baka isa ka sa taong ayaw sakin sa past ko. Hindi ko na idinugtong iyon.

I don’t know what I really do to those people who I can’t remember. Baka gantihan na lang nila ako ng hindi ko nalalaman.

“Do you trust me?” Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya. Nakita kong may takot sa mga mata. Takot na baka hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

Do I trust him? Well, maybe. Hindi naman siguro ako palaging makikisama sa kanya kung hindi ko siya pinagkakatiwalaan. But I don’t want to say that I trust him. Pero iba ang lumabas sa bibig ko.

“Hindi naman siguro ako sasama sayo dito kung hindi kita pinagkakatiwalaan diba?” After I said those words. I can see relief in his eyes.

“Well, that’s good. You can trust me all the time and you should.” Sabi niya sakin at ngumiti siya. Assurance is in his smile, but I can see the pain in his eyes. But it immediately turns into a playful look.

“Maybe we should head back to our suite and then have some wine or beer. You think?” I was stunned by his expression that I can only do is to nod at what he is saying.

“So let’s go?” Bumalik lang ako sa hwisyo ng tumayo siya nag- alok ng kamay para makatayo. Hinawakan ko ang kamay niya at tumayo na.

Medyo lutang pa ako ng makarating kaming hotel. Bumalik ako sa katinuan nang tumunog ang elevator. Pumasok na kami at napatingin ako sa kamay naming magkahawak hanggang ngayon.

Padarag kong binitawan ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. Nakangisi siya ngayon sakin at may nangaasar na tingin kaya mas nairita ako.

“Gusto pala ako ka-holding hands di mo sinasabi. Sabihin mo-“ Naputol ang sasabihin niya nang hinampas ko siya sa dibdib niya. Pero ako pa ang nasaktan pero hindi ko na pinakita sa kanya.

He has muscles in right places. Malaki ang katawan niya pero hindi nakakatakot tignan. Bagay naman sa kanya eh. Maybe he has abs down there.

What the fvck? Ano ba tong iniisip ko?

“Tsansing ka pa eh. Gusto mo atang hawakan ang katawan ko. Oh no, my precious body!” He said that and reacted like I harass him. The fvck?!

“Tumigil ka diyan. Sa mukha mo na tatama tong kamao ko.” Pero hindi niya pa rin ako sineryoso at tinawanan pa ako. Pumikit ako ng mariin at inisip kung bakit ko ba kasama tong gagong ito sa bakasyon ko. Bwisit.

Nang makalabas kmai ng elevator ay hindi na siya tumatawa pero alam kong nagpipigil siya ng tawa niya. Hanggang makarating kami sa hotel room namin ay ganoon pa rin siya.

Hindi ko na lang siya pinansin at pumasok na sa kwarto ko. Nag-shower na ako at nagbihis na para matulog.

Nang matapos akong maligo ay pinatuyo ko muna ang buhok. Bago matulog ay nag isip isip muna ako. Tulad na lang ng napagusapan namin ni Denver kanina. Hindi niya masyadong nababanggit iyon kahit na alam niya ang tungkol doon.

We never talked about it. I find it uncomfortable sometimes. We just talked about it once.

When we met, I feel devastated and betrayed. Devastated because of the loss of my memories. Betrayed because I trusted that person, but he just betrayed and fooled me.

Pero ngayong magkakilala na kami ni Denver, I am embarrassed. Because come to think of it, I broke down in front of a stranger.

Sobrang gulo ng isip ko nang mangyari iyon. Hindi ko alam kung ano ang una kong iisipin. Yung tao bang iyon o ang mga dapat kong malaman pati na rin ang kung sino dapat ang pagkatiwalaan.

When that thing happened, that was the big blow for me. That this is reality. You can’t change the fact there are people that we can’t trust. The fact that I am lost. A lost woman in her own mind. A lost woman in this world.

Nakatulog na ako sa pag iisip ng mga nangyari dati at nagising na lang nnang may narinig akong kumalabog sa labas.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ang oras. It’s 2 o’clock in the morning.

Mataas naman ang security ng hotel na to kaya di ako kinakabahan na lumabas dahil alam kong si Denver lang iyon.

Nang makalabas ako ay hinanap ko si Denver at nakita ko agad siya sa kusina. Umiinom ng beer. Pero kaunti pa lang ang lata ng beer doon at mukhang lasing na agad siya. Bumaba siguro ng di ko namamalayan at doon unang uminom.

Pumunta ako sa ref at kumuha ng tubig. Lumapit ako sa kanya at umupo sa upuan sa harap niya. Tinignan naman ako ni Denver na parang nag iisip pa kung sino ako. Tahimik lang ako doon habang tinitignan siya

Bigla naman nagliwanag ang mukha niya at tinuro ako.

“Ah! Ikaw nga yon...yung babae na...” Bigla namang bumusangot ang mukha niya na parang may naalala,

“Buti na lang naalala ko. Baka... malagot ako nito,” sabi niya at tinampal ang noo.

“Anong ako?”

“Wala yun.” At humalakhak siya. Inismiran ko na lang siya at kumuha rin ng beer.

“Ano nga ulit pangalan mo?” Nagtatakang tanong niya. Nakakalimot pala ng pangalan to kapag nalalasing eh.

“Secret.” Pagtri-tripan ko muna tong lasing na to.

“Andaya naman nito. O sige. My name is Denver. What’s yours?” Alam ko yung ganyanan niya. Ginagamit niya yan sa panlalandi ng mga babae niya. Pinitik ko naman ang noo niya dahil sa ginagawa niya.

“Secret nga eh.” Sabi ko habang nakangisi. Si Denver naman ay hindi pa rin alam na pinagtri-tripan ko na lang siya.

“Okay. So, Secret pala talaga ang pangalan mo.” Ayos pala talaga to pag lasing eh. Mas masarap pagtripan. Gusto ko ng humalgapak ng tawa pero hindi ko magawa dahil sa tingin ni Denver.

Mariing nakatitig sakin si Denver na para bang may sinusuri.

“Alam mo may kamukha ka. Kamukhang... kamukha mo siya.”

“Sino naman?”

“Basta. Kamukha mo siya. Parehong pareho pa kayo ng itsura, ang pagkakaiba niyo lang mahal ko yon...” Napapangiti siya habang sinabsabi yon habang ako ay gulat na gulat dahil sa sinabi niya. Yumuko siya at tumawa.

“...mahal na mahal ko yun. Kahit limot niya na ako...kahit masakit mahal ko pa rin siya. Kahit walang kasiguraduhan na maalala niya ako, mahal ko pa rin siya. Mahal ko eh. Kahit di niya ako maalala...proprotektahan ko pa rin siya...masakit man sa parte ko pero wala eh. Mahal ko talaga eh,” sabi niya habang nakatungo. Nag angat siya ng tingin at inihilamos ang palad sa mukha niya. Tahimik lamang akong nakaupo habang pinapanood ko siya.

Uminom siya sa beer niya at hindi nakatakas sa paningin ko ang pamumula ng mata niya. Hindi na ako nagulat nang may tumulong luha sa mga mata habang umiinom siya.

“Maa-appreciate niya naman siguro ang mga ginagawa mo kapag naaalala ka niya. Pero kung patuloy kang nasasaktan sa ginagawa mo at hindi ka na masya, siguro mas maganda itigil mo na yan. Hindi ko alam kung bakit hindi ka niya maalala-“

“Hindi niya ako maalala na dahil na rin sakin...isa ako sa mga rason kung bakit hindi niya ako maalala.” Halos pasigaw niyang sabi pero mariin ang mga bawat salitang sinasabi niya. Nagulat naman ako doon at hindi na ako nakapagsalita pa dahil doon.

“Kaya ginagawa ko ang lahat...lahat para kapag naalala niya ako...alam mo na hindi na siya masyadong magagalit sakin...pero hindi eh...kahit anong gawin ko hindi ako makuntento hangga’t hindi niya ako naalala at napapatawad.” Dugtong niya pa. Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan na lang siyang umiyak hanggang sa makatulog na siya.

Tinitigan ko siya. Kahit pala ang masayahing tao may problema. Kahit pala ang huling papasok sa utak ko na may problema meron rin pala. Ang akala ko hindi siya namo- mroblema sa ganyan. Siguro nga sa iba ay maliit na problema lamang iyon pero para sa kanya ay malaki na.

Problema niya sa taong mahal niya. Masakit siguro iyon. I don’t know what it feels like to love someone, but I know that it hurts when he or she doesn’t love you. Inilagay ko ang sarili ko sa sitwasyon ni Denver para sa taong mahal niya. Masakit at mabigat sa dibdib habang ini-imagine ko ang ganon.

I am hurt for him by loving someone who can’t remember or even know him. He loves her just because he loves her. Nothing more. Taking risk of yourself for your love is such an idiotic thing to do, but maybe it satisfies him for her safety. He’s protecting her, even though he’s not sure if the girl can remember him.

Nakakatakot pala talaga magmahal. Hindi ko alam kung kaya kong gawin ang mga ginagawa niya para sa taong mahal niya. Walang kasiguraduhan sa mundo kaya hindi ko alam kung kaya kong magsakripisyo para sa taong mahal ko.

But maybe it’s all worth it if you sacrifice for your loved ones.

-End of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height