+ Add to Library
+ Add to Library

C7 Lucy

Uminom lang ako saglit ng tubig bago pumuntang kwarto ni Denver at kumuha ng kumot. Hindi ko naman kayang buhatin to papuntang kwarto niya. Bago ako tuluyang pumasok sa sariling kwarto ay gumawa muna ako ng kalokohan kay Denver.

Nang makapasok sa kwarto ay ni- lock ko ang pinto dahil baka bawian ako nun kapag nauna siyang magising.

Nagising ako ay maliwanag na sa labas. I felt relieved because I didn’t dream about my past or I didn’t regain any of my memories of my dream. I feel light-hearted when it happens.

Naligo muna ako bago lumabas. I wear a dress today for a change. White floral dress. Sleeveless na rin para presko and then I wear beige color sandals.

Pagkalabas ko ng kwarto ay dumeretso ako nakita ko si Denver na nakasimangot. Gusto ko siyang tawanan pero naalala ko yung mga pinagsasabi niya kagabi. Inalis ko na lang sa isip ko iyon dahil baka mabanggit ko pa sa kanya.

“Ano bang ginawa ko sayo kagabi at sinulatan mo pati mukha ko pati leeg ko?” Pambungad tanong niya nang makalapit ako sa kanya. Hmm. Mukhang nakalimutan na ang mga pinagsasabi niya kagabi ah.

“Wala naman. Abala ka lang sa tulog ko. Pambawi ko lang.” Nakangising sabi ko sa kanya kahit na gusto ko siyang asarin sa ga pinagsasabi niya kagabi. May paiyak effect pa talga siya eh.

“Pag ako bumawi sayo. Ewan ko na lang.” Sinamaan ko naman siya ng tingin.

“Sige subukan mo. Lilipat ako ng hotel at hahanap ng tourist guide.” Pagbabanta ko sa kanya. Pero bat hindi ko ba naisip na kumuha ng sarili kong hotel room.

“Fine. Fine. Kumain ka na lang.” Umismid siya at tumuloy sa pagkain.

“Saan ba tayo pupunta ngayon?” Tanong ko sa kanya pagkatapos sumimsim sa kape.

“Sa Bay walk park tayo mamaya. Tapos pwede din naman na maggala tayo sa iba or mag swimming sa beach.” Sang-ayon naman ako sa plano niya.

“Malayo ba yang park na yan?” Tanong ko.

“Hindi naman pero baka mag-rent tayo ng bikes. Kung gusto mo tawagan natin si manong yung naghatid satin kahapon,” sabi niya at tumayo na para maghugas ng kamay sa sink.

“Hmm. Rent na lang tayo ng bike. Malapit lang naman pala sabi mo eh. Tsaka na lang natin tawagan si manong kapag malayo yung pupuntahan natin,” sabi ko sa kanya. Nang matapos ako kumain iniwan ko na lang iyon doon dahil may maglilinis naman niyan mamaya kapag umalis kami.

Pumunta akong kwarto at kinuha ang beige body bag ko na may mga gamit ko. Nang makalabas ako ay nag aantay na si Denver sa sofa.

“ Let’s go?” Anyaya ko sa kanya.

“Nakapag-rent na ako ng bike sa hotel.” Tinanguan ko lang at lumabas na ng hotel room. Nakasunod naman siya sakin palabas.

Napatitig naman ako kay Denver dahil naisip ko naman yung mga sinabi niya kagabi. Masyado siyang matapang para sa pag ibig na ganun. Naiisip ko pa na ako yung nasa ganoong sitwasyon parang hindi ko kakayanin ‘yon. Pakiramdam ko susuko na agad ako. Siguro ganon nga talaga kapag sobrang mahal ang isang tao. Gagawin mo lahat kahit na nasasaktan ka na. Kahit na walang kasiguraduhan kung lahat ba ng ginagawa mo ay kaya ng ibalik sayo.

His selfless love can do anything for her. What a lucky girl. That’s all I can say for that girl. She’s very lucky to have Denver on her side.

Nang makalabas kami ng elevator ay iwinaglit ko na sa isipan ko iyon at inisip na lang ang kung ano mang gagawin namin ngayon.

Nang makalabas kami ay nandoon na nga sa gilid ang bike na gagamitin namin. Two bikes that look like a bike in a Japanese movie. Nilapitan ko ang puting bike at ang kay Denver naman ay iyong sky blue. Nilagay ko ang bag ko sa basket sa harap.

“Sabayan mo na lang ako. Alam ko naman kung saan ang daan papunta sa park. Wag kang mawawala ha? Baka mahiwalay ka sakin,” sabi niya sakin sa tonong may pag aalala.

Inismiran ko siya, “Hindi naman ako mawawala. Ano ako bata?” May panunuyang sabi ko at sumakay na ako sa bike at ganun din siya. Nauna nga siya sakin pero nakakahabol naman ako sa kanya. Hindi naman mabilis ang pagpe-pedal niya.

Tinignan ko ang paligid nang makalayo kami sa hotel. Gandang ganda talaga ako sa mga beach or sa mga tubig habang umaalon ito. Ang gandang tignan habang kumikinang ito dahil sa repleksiyon ng araw sa dagat.

Hindi ko namalayang napatigil na ako sa pag- pedal. Napatingin naman ako sa unahan. Wala na si Denver sa unahan. Hindi niya siguro namalayan na hindi na ako nakasunod sa kanya.

Pinasadahan ko ng daliri ko ang buhok ko. Hindi na lang ako umalis sa pwesto ko dahil alam kong babalik naman siya pag namalayan niyang wala na ako sa likod niya. Tinignan ko na lang ang tahimik na dagat.

Hindi nga ako nagkamali dahil maya- maya ay nakita ko si Denver na galit. He is furious, but I don’t know why. Nang makalapit siya sakin ay halos mapaatras ako dahil sa galit niya.

Nagulat na lang ako ng hinila niya ako at niyakap. Hindi ko naman kasi inaasahan to dahil sa nakita kong ekspresyon niya kanina. Nang makabawi ako sa gulat ay tinulak ko siya ng marahan at nakita ko sa mukha niya ang halong galit, takot at pag- aalala.

“Sabi ko sayo sumunod ka sakin bakit ba bigla ka na lang nawala?”

“Napatigil lang ako kasi may tinitignan ako.” Sabi ko sabay tingin sa dagat sa harapan namin. Naramdaman kong natigilan si Denver sa tabi ko. Nagkibitbalikat na lang ako.

He looked at the sea and murmured some things.

“Tara na. Para makapasyal pa tayo doon.” Pag aanyaya ko sa kanya nang makalipas ang ilang minutong pagmamasid sa dagat.

“Sumabay ka na sakin. Wag ka na sa likod ko para hindi ka maiwan,” sabi naman niya at lumapit sa bike niya. Ako naman ay sumakay na sa bike at nag pedal palapit sa kanya. Nang makalapit ako ay nagsimula na siya mag pedal.

Nauuna lang siya ng kaunti sakin pero halos magkasabay lang kami. Hindi na ako masyadong lumingon sa paligid dahil baka maiwan na man ako. Lumilingon naman si Denver paminsan- minsan sakin pero hindi ko pinapansin. Diretso lang ang tingin ko sa daan.

Nang makarating kami sa Bay walk park ay nagpahinga muna kami sa isang bench. Si Denver ay umalis muna saglit para bumili ng tubig. Nakamasid lang ako sa paligid nang umalis siya.

Nagulat naman ako nang biglang may lumapit na batang babae sakin at inilahad ang kulay pulang rosas na hawak hawak niya. Maputla ang bata.

Nginitian ko ito, “Para sakin ba ito?”

“Opo. Nakita ko pa kasi kayo kanina noong dumating ka po. Ang ganda niyo po,” sabi niya sakin habang nakangiti siya. Tinanggap ko naman ang rosas at lumuhod sa harap niiya para makapantay ko ito.

“Ikaw din ang ganda ganda mo. Anong pangalan mo?” Tanong ko gamit ang maliit na boses.

“My name is Lucillia. You can call me Lucy and I am 7 years old. Kayo po? Ano pong pangalan niyo?” Napangiti naman ako sa gestures niya habang nagpapakilala.

“My name is Chandria. You can call me Ate Chandria.” Sabi ko sa kanya. “Nasaan ang mga magulang mo? Bakit mag isa ka lang?” Nang maitanong ko sa kanya iyon ay saktong may tumawag sa bata.

“Lucy! Ikaw talaga. Wag ka ngang takbo ng takbo bigla,” sabi ng matanda na papalapit habang may tulak tulak na stroller ng bata. Nang makalapit ang matanda ay hingal na hingal pa ito. Maya-maya lang ay dumating na din si Denver na may dalang tubig.

“Ayos lang ba kayo, La?” Nag aalalang tanong ni Denver sa matanda. Tinignan naman niya ako ng may pagtataka sa mukha. Lumapit ako sa kanya at kinuha yung isang tubig na hawak niya para ibigay kay lola.

“Eto po maiinom. Upo po muna kayo dito,” sabi ko at inalalayan na makaupo sa bench na kaninang inuupuan ko.

Nang makaupo ito ay ininom niya ang tubig na ibinigay ko sa kanya. Si Lucy naman ay lumapit kay Denver at kinausap ito. Pero hindi ko na narinig ang pinag uusapan nila.

“Mabuti na lang at nakita mo itong batang to. Naku, aatakehin ako sa puso kapag nawawala to sa paningin ko. May sakit na nga eh takbo pa rin ng takbo.” Tuloy tuloy na lintanya ng matanda. “Naabala ba kita ineng? Pasensya ka na dito sa batang ito ha? Ang kulit kulit.”

“Naku hindi naman po. Binigyan nga po ako ng rosas nitong si Lucy eh.” Nakangiting sabi ko sa kaniya at ipinakita ang rosas na hawak hawak ko.

“Ako nga pala si Susan. Anong ang iyong pangalan ineng?” Tanong naman ni Lola Susan.

“Ako po si Chandria. Nagbabakasyon lang po kami dito. Nasabi niyo pong may sakit si Lucy. Pwede po bang malaman kung ano at kung bakit siya nagkasakit?” Nagtatakang tanong ko. Bigla naman naging malungkot ang mga mata ni lola.

“Bata pa lang si Lucy ay may sakit na iyan sa puso. Mula bata ay lumalaban na yan para sa buhay niya. Pabalik balik yan sa ospital ngunit nang lumaon ay nabaon sa utang ang mga magulang ni Lucy kaya madalang na lang ang pagdadala sa kanya sa ospital. Ang magulang naman nito ay nagkaroon pa ng isang anak. Itong si Aaron.” Sabay turo sa sanggol na nasa stroller.

“Namatay ang nanay nila sa panganganak kay Aaron. Sumunod naman ang tatay niya makalipas ng ilang buwan dahil sa pagpapakalasing. Kaya mga ulila na itong mga apo ko. Ako na lang ang malapit na pamilya nila kaya kinupkop ko na din.” Madamdaming sabi ni Lola.

Marami pa siyang sinabi sakin lalo na at umalis si Lucy at Denver upang mamasyal. Tulad na lang ng lubog pa sila sa utang at kulang pa ang perang kinikita ni lola sa pagtitinda sa karinderya. Nag alok ako ng tulong ngunit tinanggihan ito ni lola.

Nang makabalik si Denver at Lucy ay may dala na itong mga cotton candy at pop corn. Mukhang mabilis na nagkasundo ang dalawa. Lumapit naman ang dalawa at inalok kami ni Lola ng pagkaing dala nila. Kinuha ko ang cotton candy. Si Lola ay hindi pwede sa matamis kaya popcorn na lang ang kinain niya.

“Close na close na kayo ah,” sabi ko naman kay Denver na nasa katabing beach lang habang kandong kandong niya si Lucy.

“Nagpapaturo nga po ako mag bike eh. Ayaw naman ni kuya,” sabi ni Lucy na nagsusumbong sakin. Lumapit naman ako sa kanya at kinarga siya.

“Hindi ka pwede don mapapagod ka lang. Diba bawal yun sayo?”

Sumimangot naman si Lucy at nagkamot sa ulo, “Andami naman po kasing bawal sakin. Pati tumakbo bawal. Tapos po pag nakikipaglaro ako sa mga kapit bahay ay saglit lang,” sabi ng inosenteng batang si Lucy. Napatingin naman ako kay Denver na nakakunot ang noo ngunit makikitaan mo ng awa at concern sa mukha dahil sa mga sinasabi ni Lucy.

Bumaling ako kay Lucy at tinanong, “Gusto mo talagang gawin yon?” Tanong ko sa kanya.

“Opo gustong gustong!” Excited na sabi ni Lucy.

“Pero may kondisyon. Hindi ka pwedeng mag- pedal sa bike, iaangkas ka lang ni kuya o ni ate okay?” Napaisip naman ang bata sa sinabi ko. Nakakawili siyang panoorin na pag isipan ang sinabi ko.

“Hmm. Sige po. Okay na yun ate. Tapos laro tayo taya tayaan,” sabi naman ni Lucy.

“Okay basta. Buhat ka ni kuya Denver mo sa taya- tayaan. Magpaalam ka muna kay lola mo,” sabi ko sa kanya at ibinaba siya at pumunta kay Lola Susan.

“Anong sakit ang sinasabi mo?” Pang aagaw pansin ni Denver.

“Hmm. May sakit sa puso iyang si Lucy mula pagkabata.” Simpleng sabi ko sa kanya habang nakamasid kay Lucy na nagpapaalam kay Lola Susan.

“Ayos na ate! Pinayagan na ako ni Lola.” Masayang sabi niya sakin. Lumapit naman siya Denver. “Kuya tara na. Angkas mo na po ako sa bike,” sabi ni Lucy habang hinihila ang kamay ni Denver.

“Mag ready muna kayo. Mag rent ka muna ng gear doon sa nadaanan natin kanina. For safety,” sabi ko naman sa kanya.

Hinarap niya si Lucy, “Baby, kukuha lang ako ng gear mo para safe ka kapag nag bike na tayo, okay?” Marahang sabi ni Denver sa bata.

“Sige po. Pero bilisan niyo po ah.” Sabi niya at umupo sa tabi ko.

Tumingin sakin si Denver at ipinilig ang ulo niya habang nakatingin sakin at parang nagtatanong. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Umiling naman siya at tumawa tsaka lang siya umalis. Binalewala ko na lang ito at ibinigay ang atensyon kay Lucy.

Habang nakikipagkulitan kay Lucy ay hindi mawala ang ngiti ko. I admire this girl for fighting for her own life since she was born. I admire her for being happy in her situation. I admire her for being innocent in the world. I admire her for being a kid.

I don’t want her to grow up because it’s freaking scary to know the world. But I know that it was good to feed up from reality and truth. It’s not always good to hide from your innocence because sometimes the world will feed you lies.

“Ate ayan na si Kuya Denver!” Masayang balita ni Lucy nang makita niya si Denver na may dalang gear for her.

Nang makalapit si Denver ay isinuot na niya kaagad kay Lucy ang gear at umangkas na sa bike ni Denver.

“Kumapit ka lmang kay Kuya, okay? Wag kang bibitaw.” Paalala ko sa kay Lucy. Binalingan ko naman si Denver. “Ikaw naman. Ayusin mo ha?” Nagbabantang sabi ko sa kanya.

“Ang sweet sweet mo sa kay Lucy. Tapos sakin parang galit na galit ka?” Nakangusong sabi ni Denver sakin.

“Manahimik ka. Ayusin mo na lang ang gagawin mo. Now. Go,” sabi ko sa kanya at umupo ulit sa bench. Nakangisi na si Denver bago sila umalis.

Nakakainis talaga yan si Denver. Lalo na pag ganyan siya. Parang nanloloko na hindi maintindihan. Minsan mabilis lang naman siyang basahin pero madalas ay sobrang hirap niyang intindihin.

He is mysterious, yet half of me wanted to trust him. I know that last night when I said that I trust him, I know that half of me was still undecided. I know that for myself that he is surely earning my trust when he is always with me.

Maybe, in no time, he will surely have my trust.

-End of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height