+ Add to Library
+ Add to Library

C8 Tears

Nakatingin lang ako kay Lucy na masayang kumakain. Nang matapos silang mag- bike ni Denver ay naglaro muna kami saglit tsaka nagpahinga at naisipang kumain na ng tanghalian dahil quarter to twelve na rin.

“Ate, ansarap naman po ng pagkain dito. Hindi pa po kasi kami nakakakain ng ganito eh. Kapag may pera si Lola, madalas ay yung sa mumurahing fast food lang po niya kami pinapakin eh.” Inosenteng sabi ni Lucy habang kumakain.

“Lucy, you don’t need these foods to be full, kung anong inihain sa inyo ng Lola niyo ay iyon kainin niyo. Pinaghirapan iyan ng Lola niyo kaya wag niyong aksayahin.” Matamang sabi ko sa kanya.

“Alam ko naman po iyon eh. Minsan nga po ayoko na lang pong kumain sa mga fast food kasi po nahihirapan si lola sa pagtatrabaho.” Inosenteng sabi naman ni Lucy. Napaling naman ako kay Lola na kumikislap ang mga mata dahil sa mga luhang nagbabadyang pumatak.

Lucy is just a child, but she thinks rationally. Her mind was more mature than her age. Maybe it’s because of her experience in life. Maybe her experience makes her brain more mature than usual.

Nang matapos kaming kumain ay nagbayad na ng bill si Denver. Pinauna na niya kaming lumabas dahil nandoon na iyong sundo namin. Tinawagan niya pala kanina si Mang Kiko yung driver ng nirentahan niya ng van. Nagpresinta na rin kami na ihatid ang mag- Lola kahit na ang sabi nila ay malapit lamang ang bahay nila rito ay nagpumilit pa rin kami.

“Kayo talagang mga bata kayo. Sinabi ng wag niyo na kaming ihatid dahil malapit lang naman ang bahay namin dito.” Pagtanggi nito nang makalapit kami sa van na sasakyan namin.

“Sige na po. Ihahatid na po namin kayo para hindi na kayo mahirapan nila Lucy.” Nakangiti kong sabi.

“Oo nga naman La. Ngayon lang ako makakasakay sa ganitong sasakyan. Pagbigyan niyo na po ako,” sabi naman ni Lucy na nasa tabi lang ni Lola at hinihila ang laylayan ng damit nito.

“O sige na nga.” At tinignan ako habang ako ay nakatingin kay Lucy na nagkukumahog na pumasok sa loob ng van. Nawala ang ngiti ko nang maramdaman ko na may umakbay sakin. Siniko ko naman si Denver.

“Lumayo ka nga sakin.” Nakasimangot kong sabi sa kanya.

“Arte mo naman. Aakabay lang eh. Mabango naman ako ah.” Inismiran ko na lang siya at ibinaling sa kaharap namin ang atensyon na ngayon ay nakangiti samin.

“Bagay na bagay talaga kayong dalawa.” Napangiwi naman ako sa sianbi ni Lola.

“Sabi sayo bagay talaga tayo eh. Kaso Lola ang arte nitong babaeng to. Masyadong pabebe.” Nagtawanan naman ang dalawa habang ako ay masama ang tingin kay Denver.

“Ah ganon. Pabebe pala ha? Sige. Maghahanap ako ng hotel room mamaya.” Napatigil naman sa pagtawa si Denver. Si lola naman ay nakangisi habang pinapanood kami.

“Wala ng available na hotel room.” Seryosong sabi ni Denver.

“Simple. Edi maghahanap ako ng ibang hotel,” sabi ko at naglakad na papasok ng van. Inaya ko naman si Lola na pumasok na sumunod naman samin si Denver.

“Paano pag wala ng available sa malapit na hotel?” Sabi niya ng makaupo sa tabi ko. Nasa likod kasi ang mag-lola.

“Edi...makikihati ako ng room sa ibang guest.”

“Pano pag lalaki yung guest?” Takang tanong naman nito.

“Ayos lang basta hindi ikaw,” sabi ko sa kanya pero hindi siya nagsalita kaya nilingon ko siya. Nagulat na lang ako nang makita ko ang galit sa mga mata niya.

“Really?”

“Yeah. Really,” sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya.

“No. You’re not going anywhere else without me. You can call me selfish because you’re not going to get out of my sight.” And after that, he didn’t even say anything until we reached Lola Susan’s house. I’m still dumbfounded and confused about what he just said.

Kung hindi pa kami bababa ng sasakyan ay hindi pa ako babalik sa wisyo. Bago kami umalis ng bahay nila Lola Susan ay nagbigayan kami ng numero para komunikasyon.

Nang makarating kami sa hotel ay wala pa rin kaming imikan. Pero nang makapasok kami sa loob ay biglang nagsalita si Denver.

“Don’t ever think to separate room, Chandria. I’m warning you,” sabi niya at dumeretso na ng lakad. Habang ako naman ay nakatulala lang habang naglalakad papuntang elevator.

Bakit siya ganon? Ano bang problema niya? May topak ba siya? Ngayon lang naman siya naging ganyan sakin dahil ngayon ko lang din naman siya inasar ng ganon kaya nakaka confused na nagkakaganon siya. Yes, he is protective of me, but it never goes beyond like this. He never got beyond the line. We are in between friends and enemy. Maybe we are casual, but we are concerned about each other.

Nang makarating kami sa hotel room ay wala pa ring nagsasalita sa amin. Dumeretso na ako sa kwarto ko. Nahiga ako sa kama at nakatulala lang ako sa kisame.

Ilang minuto akong nakatulala hanggang sa napag isipan kong lumabas muna at magpunta sa bar. Hindi na ako nagpalit ng damit at kinuha ko lang ang sling bag ko kung nasaan ang mga gamit ko.

Pagkalabas ko ng kwarto ay siyang paglabas din ni Denver sa kwarto niya. Nagulat man ako ay hindi ko pinakita sa kanya iyon. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

“Saan ka pupunta?” Nakahalukipkip at nakakunot noong tanong niya.

“Sa labas,” sagot ko, “Bakit?” Tanong ko at pumunta muna sa kusina upang uminom ng tubig. Ramdam kong nakasunod sakin si Denver pero hindi ako nagpatinag. Nang matapos kong uminom ay dire diretso lang ako ng lakad papuntang pinto.

“I’m warning you, Chandria. Don’t separate your hotel room with me or else-“

“Or else what? You know what? You don’t have a say in my decisions. Why do you have to meddle with my decision? You are not some who can change my decisions!” Inis na sabi ko sa kanya. Nablanko ang mukha niya. Wala siyang pinapakitang emosyon. Napakunot naman ang noo ko.

“And I’m confused. You were never been like this to me. I have so many things on my plate. So please, don’t make me think about this shit going on about you and your attitude towards me.” And before I turned my back to him. I saw tears falling out of his eyes.

Habang naglalakad ako papuntang elevator ay may tumulong luha sa mga mata ko. Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. Tears of relief and guiltiness may be.

Relief because it feels good na nailabas ko yung kinikimkim ko kahit maliit na bagay. Guiltiness may be because of what have I said to Denver. And one thing is for sure that foreign feelings in me have grown when he showed me his protectiveness.

-End Of Chapter-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height