+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 Her Life

Astrid

Years ago

I can't focus on writing my new story. I am a writer for two years and three of my eleven stories are already published in a private publishing company. Days had passed since I realized na nagiging makalilimutin na ako. Is this a sign of aging? I guess no, I'm only twenty.

"Ma, nakita mo iyong cellphone ko?" pasigaw kong tanong kay mama na nandoon sa sala at nanunuod ng telebisyon.

"Astrid, you can find it somewhere in your room," sagot lang naman sa akin ni Mama.

"Ma, hindi ko talaga makita. And isa pa, nakalimutan ko na kung saan ko iyon inilagay!" giit ko naman. Mayamaya pa ay nakarinig na ako ng mga yabag ni Mama na papalapit dito sa kwarto ko.

"Use your eyes in finding something not your mouth!" tila galit nitong saad sa akin.

"I already did. I won't ask for your help if I can do it by myself, " saad ko naman at sumimangot lang si Mama habang tinititigan ako. Hindi nagtagal ay lumapit siya sa akin at pinalo ang itaas na bahagi ng aking hita.

"Are you looking for your cellphone, sweetie? Better start finding yourself," sarkastiko nitong saad sabay suksok ng kaniyang kamay sa aking bulsa. Nang iangat niya ito, nagulat naman ako na nasa loob lang pala ng bulsa ko ang cellphone ko.

"Thank you, Ma. I can always count on you!" I thanked her and gave her a warm hug after.

"You're being forgetful since last week. I already told you, take some rest. Don’t drain yourself in writing story while facing that eye-destroying laptop of yours," she seriously said. "Better go to hospital and have a check-up," she added while keeping some of my hair strands at the back of my ear.

"Stop overreacting Ma, this is nothing," saad ko naman sa kaniya. Bigla niyang hinawakan ang aking mukha at muling nagsalita.

"I always got your back. Just tell me your problems, okay?"

She already walked out from my room and continued watching her favorite drama on the television.

I was about to sit and start thinking when someone called. My phone rang and in just two seconds or three, I immediately answered it.

"Astrid Khalestine Adira!" sigaw ng babae. Hearing my full name being spoken by someone, I'm a hundred percent sure that the one who's calling is Balsey, my bestfriend.

"Stop calling me with that fucking long name of mine. I've been telling you for how many times, just call me Astrid!" I exclaimed.

"Sweetie, who's with you?" sigaw ni Mama. Grabe, abot pala sa sala ang sigaw ko.

"This is Balsey callling, sorry for the loud voice," ani ko habang inilalayo ang cellphone. Siyempre, baka masira ang pandinig ni Balsey sa sigaw ko bilang pagsagot kay Mama.

"So, why did you call?" I nonchalantly asked.

"This will give you e-x-c-i-t-e-m-e-n-t!!" she spelled while yelling. For sure, sumasayaw na naman ang babaitang ito habang nagsasalita.

"Come on, say it!" saad ko naman sabay lundag sa aking kama.

"Remember DarkForest? He will be having a fan meet-up later at the Sun's Square Plaza!"

I started screaming in my room habang tumatalon-talon. Pinagbabato ko rin ang aking unan saka nagpagulong-gulong sa kama. I can feel the butterflies inside my stomach. DarkForest is my ultimate crush since I was 18. He's one of my favorite writers but what makes him different from other is that, he's the one who inspired me to start writing. With my admiration in him, look at me now. I already consider myself as "successful writer".

I immediately fixed myself. Isinara ko ang laptop ko at inihanda ang bag ko. This is it, muli na namang magtatagpo ang landas namin ni DarkForest. I just don't know what will happen if I touch his muscles again.

Actually, may mga pictures na kami ni DarkForest, hindi ko alam sa sarili ko every time na dadalo ako sa mga fan meeting and booksigning niya, everything is being restarted. Parang pagkikita pa lang namin, na para bang first time ko siyang makakasalamuha.

-----

Magkasama na kami ngayon ni Balsey. I can already see some of his fans na nagkukumpulan. I don't know what's with DarkForest but everytime na may fan meeting o di kaya ay boo signing siya, it always happen in a public and open space. Isa pa, hindi rin naman lahat ng lugar may mga mahilig magbasa lalo na ngayon, kung ano-ano na ang pinagkakaabalahan.

He kept receiving rants and nonsense words from bashers because of the place he always choose during his event. Well, I get some of his basher's point because he always take the crowd. However, DarkForest always answer them with his touching line, "I'm after my fans' accessibility and in fact, even though I’m doing this in public my fans are organized and we always end our day with a successful smile."

On my part, I agree with him. Based on my experience, some of my readers aren't able to join my book signing since it is in a private space. There's only a maximum number of individuals who can get their books signed. Anyway, every writer has different way of writing and on way how they are going to sign books. It depends.

"Bakit pumipila na sila?" Balsey asked causing me to look at her confused face.

"First come, first serve." I answered.

"Look at those BlackTrees, we were once like them," Balsey said while looking at those BlackTrees falling in line. Ayon kasi kay DarkForest, para raw kaming mga puno kapag nakapila kaya ganoon ang nais niya. BlackTrees, that's the name of DarkForest's fandom.

"Anong we were once, excuse me! Ganoon pa rin ako, hindi lang ako pumila agad kasi tamad ka!" giit ko naman.

"Aren't you curious why does he calls his fan BlackTrees?" pagtatanong sa akin ni Balsey habang inilalapit ang kaniyang mukha sa akin.

"Yuck!" pabiro kong saad sabay tulak sa kaniya. She's too close to my face, someone might saw us at sabihing tomboy ako. Malakas lang namang tumawa si Balsey.

"BlackTrees because he's DarkForest, maybe that's the answer that lies behind your question," sagot ko at inayos ang pagakakaupo.

"It could be. But, where did he got his pen name? DarkForest? Sounds intriguing! Hmm." Balsey asked me again while holding her chin, kunwari nag-iisip.

"DarkForest maybe because he loves darkness," I seriously answered causing Balsey's expression to change

"You don’t get it girl. It's DarkForest because his body's forest is dark!" she exclaimed and started laughing while shaking my body.

"Stop with your green joke uncultured swine. But who knows? To see is to believe," pabiro kong sagot at sinabayan siya sa mala-bruhang tawa.

Sumali na rin kami ni Balsey sa pagpila. Hindi ko lang napansin kanina, may kaunting harang pa lang ginawa sa bawat gilid ng plaza. Weekday ngayon kaya medyo kaunti lang naglalakwatsa.

"I'm sorry," saad ko sabay hawak sa likod ng babaeng naitulak ko. Magalaw kasi ang mga tao sa likuran ko. They're pushing us, kung hindi lang talaga tinuruan ng magandang asal, I don't think they can still leave this place with a functioning feet.

"Sorry your face!" mataray nitong saad. Mukhang balak akong subukan ng bruhildang ito. Pero huwag, masyadong maliit lang iyon na bagay para pagtalunan.

Hindi nagtagal ay nakarinig na ako ng hiyawan. OMG! Andito na si DarkForest, as always, everything he wore is black. Nakisabay na rin ako sa pagsigaw. Bahala na, nagtutulakan na naman sila kaya natutulak ko na naman ang mga nasa harap ko.

"I love you DarkForest!" malakas na sigaw no'ng isang babae.

"Buntisin mo ako!" halos mapahawak na lang ako sa dibdib dahil sa sinabi ng babaeng iyon. Buntisin? Grabe ka na girl. Ikalma mo ang k’weba mo. Feeling ko pa naman malahigante itong kay DarkForest kaya girl, kapag ikaw mawarak, hindi ko lang alam.

This is what I hate about DarkForest's booksigning and fanmeeting, for me hindi siya organized. Gusto ko kasi, nakaupo lang ang mga readers ko tapos isa-isa silang lalapit sa akin without shouting and pushing others. Pero bahala na si DarkForest, siya naman daw masusunod kahit sinasabihan siya na gawin ito sa mga gym, o di kaya sa mall, kaso ayaw niya.

Nakaupo na ngayon si DarkForest at sa harap niya ay ang mesa. Nasa tabi niya naman ang dalawa at palagi niyang kasama. To some, lalo na sa hindi mahilig magbasa, DarkForest is nothing but an ordinary person na pwede dadaan-daanan mo lang pero para sa aming mga fans niya, hindi ganoon. Nagsimula na rin siyang magsalita.

"Maraming Salamat my dear BlackTrees for coming. Seeing you in that line feels like I’m in a forest," saad niya. "I'm sorry if it took some time bago ako makaabot dito. And, sorry kung nakaupo ako habang kinakausap kayo. For some kasi, this is a sign na hindi marunong rumespeto ang tao."

Masyadong mahaba ang sinabi niya. Nang tingnan ko naman ang ilan kong kasamahan na nakapila, halos tumulo na ang mga laway nila kay DarkForest. Ang g'wapo niya kasi. Maputi, mapungay ang may pagka-chinitong mga mata, matangkad, may pink-colored lips na pakiwari ko'y masarap halikan at maayos ang hulma ng katawan. Uhm, ulam!

Isa-isa nang lumapit ang ilan sa amin. They got their book signed and took a picture with DarkForest. Buti na lang talaga at nakapagdala ako ng isang libro niya, ito 'yung kaka-publish lang niyang libro.

Hindi ko namalayan na ako na pala ang susunod. Pareho kaming nagkaroon na ng booksigning pero hindi ko pa siya ka-close like other writers. Isa pa, buhay na buhay pa rin ang pagka-fan ko sa kaniya.

"Thank you for coming. Nice seeing you again," saad nito while signing. Hindi ko naman namamalayan na halos sunggabin ko nalang siya dahil yukod na yukod ako at malapit lang ang mukha ko sa kaniya. Nakakahiya!

Tumayo muna siya at pinalapit ako sa kaniya. Kung kanina nakaupo lang din ang iba habang nagpapapicture sa kaniya, sa akin naman ay tatabi talaga ako sa kaniya. This is my time to shine. Go, Astrid!

Agad akong lumapit sa kaniya, habang kinukuha ko ang cellphone ko, bigla itong nalaglag at sabay kami ni DarkForest na nag-aagaw para masalo ang cellphone ko.

Mabuti nalang at tumama ang cellphone ko sa matigas niyang tiyan at agad ko itong naharang sa bandang ilalim ng pusod niya.

Gusto kong sumigaw sa kilig! Nahawakan ko ang pagkahaba-haba at matigas niyang—sinturon. Sayang at hindi pa bumaba ng bahagya 'yong phone ko. Pati ang ilang BlackTrees ay nagsigawan din. Mainggit kayo please.

"Sorry," paghingi ko ng paumanhin, kunwari nagsisisi ako. Nagsisi naman talaga ako kasi bakit sa dinami-rami ng matigas na mahahawakan ko, bakit sinturon pa? P’wede namang abs at muscles. Depende sa klase ng muscle.

"No it's okay. Don't feel sorry for what happened," saad naman nito sabay ngiti sa akin. Hawak niya ngayon ang balikat ko. Mukhang okay lang ‘ata sa kaniya, maka-take two nga.

"Ang tagal mo naman, Miss!" matapang na sigaw ng isang babaeng nasa likod. Hindi ko lang siya makita kasi natatabunan siya. Hindi 'ata ako kilala nito, baka nga nakapagbasa na ito ng mga stories ko eh. Hindi lang ito fan kasi hindi ako lalaki.

Ako na sana ang hahawak ng cellphone nang agawin niya ito sa akin. Naramdam ko ang malambot niyang kamay. Sobrang lambot talaga, ano kaya ginagawa nito aside from writing. Baka wala rin.

Inilapit ko talaga ang sarili ko sa kaniya. Ang mga kamay ko ay nakalapat sa kaniyang dibdib. Ang tigas talaga, para kaming magka-love team na nagpapa-picture. Naging mabilis ang paglalakbay ng oras hanggang sa matapos ang event. Pero, bago kami magsiuwian, nagkaroon muna kami ng group picture kasama siya.

“Uwi na tayo,” wika ko kay Balsey ngunit pinanlakihan lang ako nito ng mata. “What?” tanong ko kaagaad.

“May ime-meet ako,” sagot nito sabay kindat sa akin. “Sumama ka baka kasi ito na ang chance mo para madiligan.”

Tinarayana ko na lang siya at napailing. Bakit ba kasi ako nakpagkaibigan ng isang malandi? Hell!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height