C2 New Life
Nasa isang mesa sina Balsey and kasama na niya ngayon ang lalaki. Well, g'wapo naman, may datong kasi sagot niya na raw kami. Hindi na ako nagpumilit kasi nga, libre is a blessing in disguise. Hindi lang masculine 'tong lalaking ito, medyo chubby kasi siya.
"You're so beautiful," nakangiting saad ng lalaki sabay pisil sa pisngi ni Balsey. Ang speed masiyado. May papisil agad.
"Enebe, pere keng tenge!" pabebeng saad naman ni Balsey. Sasabunutan ko talaga ang babaeng ito dahil sa kaartehan niya.
"So, how's your sex life?" tanong ulit ng lalaki habang hinahawakan ang kamay ni Balsey. Yuck! Manyak ang dating niya sa akin.
Agad kong t-in-ext si Balsey sanhi para tumingin ito sa akin. Um-action naman ako na ginigilitan ang aking leeg. Gusto kong sabihin sa kaniya na she shoul end the conversation with that dude. Tumingin lang naman sa akin si Balsey at ngumiti, 'yong ngiti ng isang guilty.
Kakarating lang din ng pagkain na in-order namin. Napapapikit nalang ako ng aking mata, hearing Balsey answering those filthy questions ni Mr. Chubby.
"Ang funny mo talaga. I like you ha!" saad ni Balsey habang napapangiti pa. Pinapalopalo niya rin ang lalaki habang napapatili.
Maya-maya pa ay may dumating na lalaki at agad itong lumapit sa kasama ni Balsey. Nakita ko namang itinuro ng kasama ni Balsey ang table kung nasaan ako. Muling nalingat sa akin si Balsey at ngumiti. Sa isang iglap,hindi ko na namalayang nasa harapan ko na ang lalaki.
"Hi, I'm Luis, " pagpapakilala nito.
"Astrid," saad ko naman saka binigyan ko ng tugon ang pakikipagkamay niya sa akin.
Umupo na rin ito sa harap ko. Feeling ko mabait ang lalaking ito. He's wearing an eyeglasses, mukhang matalino. Overall, he got the same looks as Piolo Pascual.
"So, you're Balsey's bestfriend?" tanong nito sa akin.
"Yeah. Do you know her?" tanong ko naman.
"Yes, we're classmates together with John," nakangiti nitong saad sabay turo sa lalaking kasama ni Balsey. So, his name is John.
"Anyway, what brings you here? I mean, in this table." tanong ko rito.
"John texted me na may kasama raw si Balsey. Aalis daw kasi sila ni Balsey and nais niyang ako na lang ang maghatid sa iyo," paliwanag ni Luis. So maganda ang intention niya, ang hindi ko matake, aalis pala si Balsey with that John. Tapos ako siyempre maiiwan kaya para hindi ako magalit, pinapunta rito si Luis para kausapin ako and para maihatid ako. Nice Balsey and John. Nice idea, nice plan. Kukulamin ko talaga kayo!
"I'm sorry pero magta-taxi na lang ako," sagot ko sa lalaki sabay sipsip sa iced tea.
"No, miss, I insist. Don’t worry, mabait naman ako," paglilinaw nito.
"Sigurado ka bang iyon lang ang rason kung bakit ka pumayag?" muli kong tanong.
"Honestly no. Sabi rin kasi ni John sa text na single ka and ready to mingle, single rin ako and wala pa akong natitipuhan. Not until I met you today. " Halos masuka ako sa mga sinasabi niya. Anong ready to mingle? I'll kill that John.
"No wonder, you're John's friend. Mambibilog din ng ulo. And, kindly tell John na tama siya, I'm single but that ready to mingle? I don’t think so," tila naiinis kong saad. Hindi ako naiinis sa kaniya, naiinis ako sa John na 'yon for saying such kay Luis.
"Sorry for saying those words," paghingi nito ng tawad sabay yuko.
"No, it's okay. Wala ka namang kasalanan. It's John and Balsey's plan. Humanda talaga sa akin itong Balsey na iyan, pati tayo nadamay," wika ko at gumihit ng ngiti sa aking labi
"Okay, it seems like ayaw mo naman nang may kausap, I'll leave na lang." malungkot nitong saad
"No, it's okay. Maiiwan lang din naman ako rito and since andito ka na, mag-usap lang tayo. Usap with sense!" pagbabanta ko. I know he look good and professional but who knows, baka manyak din ito tanungin ako ng kung ano-ano about sex. Face can be deceiving.
"I would love to. I think my intuitions are right. For sure masaya kang kausap, ayaw ko kasi sa mga usapang simple lang," aniya.
"So, how old are you?" tanong ko rito sanhi para matawa siya ng bahagya. Inayos naman niya ang kaniyang salamin.
"I'm already twenty-five." saad nito sabay ngiti ng pilit. Mukhang naiilang siya dahil sa edad niya.
"Don’t worry, I'm already twenty, kuya," tila pang-aasar ko sanhi para tumawa na siya.
"Sana hindi ako ma-kuya zone sa'yo," napapatawa nitong saad.
"I'm interested in you. With the way you dress and look. You're the type of girl I'm into," dagdag pa nito.
"Tse!" ani ko. Mukhang masaya naman siyang kausap. Kaunti palang ang palitan namin ng salita pero parang ang gaan ng pakiramdam ko sa kaniya. It’s just that he’s way too fast.
"Ano nga pala ang pinagkakaabalahan mo?" tanong nito sa akin.
"I'm a writer and actually, may mga stories na akong available sa mga bookstore," tugon ko naman. Sana hindi niya maliitin ang ginagawa ko.
"Wow, that's nice. Ako naman, I'm a professor, teaching science subject," tugon niya sa akin. The work he's in is the dream work I want for my future husband.
May mga pinag-usapan pa kami. It continued hanggang sa maitanong niya ang tungkol past relationship ko. Naikuwento ko na rin kasi sa kaniya na my heart is still at mess.
"How long you've been broken na ba?" muli nitong tanong sa akin. Ako naman ang tinatadtad nito ng tanong.
"Seven months na," wika ko.
"Are you done moving on?" tanong nito sa akin.
Hindi naman ako nakaimik.
"So, no? " muli nitong saad.
"This Sunday, free ako. Mind taking a lunch with me?" pagtatanong nito sabay titig sa akin.
"Yes," tipid kong sagot at walang pag-aalangan. Hindi naman siguro easy to get ang dating ko.
"I want to know you more," saad nito sabay titig sa akin ng malagkit.
"Why are you doing this? Liligawan mo ba ako in the end?" tanong ko naman. I know this sounds awkward but I want things to be cleared. I'm so used with men's actions. Tatratuhin ka ng maayos, ipapafeel na special ka but in the end, sasabihin lang nila na what they did means nothing. Na ganoon lang talaga sila sa lahat ng bagay.
"Moves like flash. You're way too fast," natatawa nitong saad.
"Answer it with yes or no," ani ko.
"Yes. I want to know you more dahil liligawan kita. Pero matagal pa, pagkilala na kita," saad naman nito. See? Tama ako.
"Kahit gaano pa iyan katagal, huwag mo akong ligawan," saad ko sa kaniya. Oo, he's the type of guy I'm interested with but the moment he asked me about my past relationship. Everything changed. Kung ang saya ko kanina while talking with him, nang naitanong niya ang tungkol doon, ewan ko pero parang nawalan na naman ako ng interest.
"And why?" tanong ulit nito.
"I'm not yet done moving on," sagot ko. "I know sasabihin mo na matagal pa naman, but mind you. Moving on isn't easy. Don’t love someone who's not done moving on yet. Ikaw lang din ang masasaktan. Ikaw ang nandiyan para sa kaniya but since hindi pa nga siya tapos mahalin ang taong tapos na siyang mahalin, magmumukha ka lang hangin. Kakailanganin lang kapag mainit," paliwanag ko sa kaniya. Hindi ko naman namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Bigla nitong pinunasan ang mga luha ko gamit ang sarili niyang kamay.
"Why so deep?" tanong ulit nito sa akin.
"Because I fell in love with someone who's not done moving on yet. I treated him like my world. I was thinking I am the queen, not knowing that I'm just the princess she used in order for him to get through over her real queen. If you can’t still get it, ginamit niya ako. Yes, rebound. And the time na tapos na siyang mag-move on, he left me hanging," tugon ko naman. Ang layo na ng narating ng usapin namin. Hindi ko alam na aabot kami dito. Umabot kami sa pagkakamali kong pilit kong kinakalimutan.
I want to forget him.
Seven months had already passed but the pain is still the same.
Luis is interested in me and so do I. But, I'm afraid na baka magawa ko sa kaniya ang ginawa sa akin.
But there’s something more ironic. I am becoming forgetful over things, pero ‘yong nanakit sa akin, hindi pa.