C32 Denial
Wala akong ibang nakikita kung hindi puro kulay itim. Gano’1n pa man, ramdam ng aking katawan ang malambot na kama na aking hinihigaan. Ang ilong ko naman ay paikot-ikot sa pagsunod sa mga naaamoy nito. Marahil mga kemikal. Ang tainga ko naman ay kanina pa gising at marahan na sinusundan ang mga yabag na kanina pa pabalik-balik. Hindi ko pa man iminumulat ang aking mga mata
