+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Birthday

"Ito, mas bagay sa 'yo ang damit na ito," saad ni Luis sabay abot sa akin.

"Bakit pula? Alam mo namang ayaw ko sa pula 'di ba? " saad ko naman pero ngumiti lang siya.

"Bakit nga ba pula? Eh ano bang mayroon bukas?" patanong nitong sagot sa akin.

"Ewan ko sa 'yo. Hindi pa naman kita sinasagot kaya walang celebration," ani ko at nag-pout.

"Astrid nakalimutan mo na ba? Birthday mo na bukas," wika nito sanhi para magulat ako. Birthday ko na pala bukas tapos ako naman na si tanga nakalimutan ko pati special day ng buhay ko.

"Bakit ko iyon makakalimutan? Siyempre alam ko. Tinitest lang kita kung alam mo talaga," palusot ko ulit. Maliban kasi sa pagsusulat, may angking galling din pala ako sa pagpapalusot.

"Sige na kunin mo na lahat ng gusto mo riyan, sagot ko naman," aniya habang itinuturo ang mga damit.

"Ako na, sagot na kita," wika ko naman sanhi para kumunot ang noo niya.

"Ako na Astrid. Sakto at hindi ko pa nagagastos ang s'weldo ko last month," saad naman nito. Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Sagot ko na dahil ngayong araw, sinasagot na kita," nakangiti kong saad habang nakikipagtitigan sa kaniya.

"As in tayo na?! " gulat nitong tanong habang hinahawakan ang mukha ko.

"Oum," pacute kong sagot sabay tango.

"Yes! Yes! Yes!" sobrang saya nitong saad. Napapatalon pa siya at nagsususumigaw. Akmang hahalikan niya ako sa labi kaya tinitigan ko siya with meaning. Sa halip na sa labi, sa noo nalang niya ako hinalikan. For me, may tinatawag akong two months rule. Hindi pa akong pwede halikan sa labi hanggat hindi pa kami nagto-2 months na mag-on. Naipaliwanag ko na iyon kay Luis at tinawanan lang niya ako n'on pero sa huli, pumayag naman siya.

Marami kaming mga pinamili. 'Yong iba raw doon ay regalo niya sa akin. Binilhan niya rin ng damit si Mama. Si Luis ang bunso sa kanilang magkakapatid. Lahat sila may mga trabaho na at siya nalang at ang kuya niya ang walang asawa sa kanila. Apat silang magkakapatid, at dalawa sa kapatid niya ay mga Abogado at ang single niyang kuya ay isang doktor. Mayaman talaga sila kaya wala silang pakialaman sa perang kinikita ng bawat isa sa kanila.

-----

"Happy Birthday Astrid!" bati sa akin ng ilan sa mga kaklase ko. March 29 na kaya birthday ko na nga talaga.

"Salamat nga pala sa pagpunta niyo," saad ko sa kanila. Nagtataka ako kung bakit hindi nila kasama si Balsey. Where the hell that idiosyncratic girl is?

"Happy Birthday Astrid Khalestine Adira!" bat isa akin ni Balsey na bigla na lang sumulpot mula sa kung saan.

"Aray nasasakal ako!" reklamo ko naman saka pinaghahampas ang mga braso niya. Tawa lang naman nang tawa ang gaga.

"Happy Birthday Astrid!" bati naman sa akin ni John sabay abot ng regalo niya. Mukhang tumino naman itong si John, itong si Balsey kaya kailan kaya ito titino.? Mas matanda ito sa akin pero ang kilos pang-18.

"Asan si Luis?" tanong sa akin ni John nang mapansin niyang wala pa nga rito si Luis.

"Sabi niya male-late raw siya kasi may dadaanan muna siyang importante," paliwanag ko naman.

"That guy is such a busy man. Hayaan mo darating iyon." saad naman ni John. Eight months na si John at Balsey. Akala ko nga manyak talaga itong si John pero sabi ni Balsey, ganoon lang talaga iyon magsalita. Sabagay, mas kilala siya ni Balsey kasi mag-classmates sila together with Luis. I must not judge John.

"Anyway, tuloy kayo. Andoon 'yung pagkain. Balsey ikaw na bahala kay John total halos dito ka naman na tumira sa amin," ani ko dahilan para tumawa si John. Balsey is not just a best friend but also an Ate. Ate ko naman talaga siya kasi 25 na siya. But the term "Ate" that I meant for her is 'yong kapatid na talaga ang turing. She even borrow my panties pero hindi ko na ipinapabalik sa kaniya. Ganoon siya kapag naglalayas sa kanila.

Hindi ganoon karami ang tao, nandito lang mga classmates ko, sina John at Balsey at ang ilang kaibigan ni Mama.

"Ate!" tawag sa akin ng isang bata. His voice sounds familiar. The voice of a kid that I missed.

"Andrew? Andrew!" sigaw ko saka tumakbo palabas ng gate. Nakita ko kasi roon si Andrew, my brother. Anak siya ni papa sa ibang babae and yes, I am from a broken family. I never treated Andrew as a rival nor something that isn't good. He's my full-blood brother, that's what I believe. Wala naman siyang alam sa kasalanan na ginawa ng mga magulang niya.

"Ate, Happy Birthday!" saad ulit nito sabay yakap sa akin.

"Sinong kasama mo baby boy?" tanong ko sa kaniya habang nakaluhod. Siyempre para magka-height kami.

"Siya po!" saad nito sabay turo sa kaniyang likuran. Nakita ko naman sa kaniyang likuran ang anghel na binigay sa akin ng Diyos, si Luis.

"Paano mo nalaman kung saan siya nakatira?" tanong ko sa kaniya.

"Nakalimutan mo na naman ba? Hinatid natin siya one time noong bumisita siya rito," paliwanag nito . Buti pa si Luis hindi makakalimutin.

"Tara na baby sa loob," saad ko.

"Ako ba?" tanong ni Luis dahilan para panliitan ko siya ng mata.

"Unggoy hindi ikaw. Si Andrew!" saad ko saka kinarga si Andrew. Bata pa talaga si Andrew, he's only five. Bumibisita naman siya rito dahil ihinahatid siya ni Tita Malou, ang mama niya saka iiwan dahil papasok ito sa trabaho. Ako naman na sabik sa pagbabantay sa bata lalo pa't walang bata rito sa bahay, enjoy na enjoy.

"Asan si Mama mo?" tanong ko rito.

"Asa bahay alaga papa," inosente nitong sagot. Napapaluha nalang dahil sa sinabi niya.

Pinunasan ko muna ang aking luha bago tuluyang pumasok sa loob ng bahay.

"Astrid anak mo 'yan?" pabirong tanong ng mga classmates ko.

"Oo kasi fifteen pa lang ako noong nabuntis ako!" sarkastiko ko namang sagot sanhi para magtawanan sila.

"Andrew, pa-kiss si Ate Balsey," saad ni Balsey na agad kaming hinarang nang makitang karga ko si Andrew. Agad namang inilapit ni Andrew ang kaniyang mukha kay Balsey. Halos kainin na ni Balsey ang kapatid ko sa tadtad na halik na binibigay niya.

Nasa likod ko lang naman si Luis. Hindi naman ito ang unang araw na bumisita siya rito sa bahay, ewan ko kung bakit parang first time pa rin. Kung sa bagay, first time niyang pupunta rito as my boyfriend.

"Ma, rito na muna si Andrew. I'll just entertain my friends. Mamaya kukunin ko siya ulit," saad ko saka ibinaba si Andrew. Napangiti naman si Mama nang makita si Andrew.

"Kahit hindi mo na siya kunin. Kahit dito nalang muna siya sa akin kasi tutulungan niya ako magluto. 'Di ba, baby?" tanong ni Mama saka kinarga si Andrew. Tumango lang naman ang kapatid ko.

"Hala si Andrew! Baby, sino mas gusto mo, si Ate o si Mama Therese mo?" tanong ko kay Andrew.

"Si Mama Telet," sagot naman nito na nabulol pa sa S.

Pinunsan ko muna si Andrew bago ko siya halikan. Ew, baka andito pa ang rabies ni Balsey.

"By the way Ma, andito ulit si Luis," saad ko kay Mama. Agad namang lumapit si Luis kay Mama saka nagmano.

"Magandang araw po,Tita." May bahid ng hiya ang pagkakasabi nito.

"Ano, kayo na ba ng anak ko?" tanong ni Mama sanhi para mas lalong mahiya si Luis.

"Ma!" tila pagsaway ko kay Mama. Mabait naman si Mama, ayaw niya lang na nasasaktan ako. Alam niya kasi kung gaano iyon kahirap lalo pa't nakita niya ang pagmo-move on ko kay Eliseo.

"Yes po, Tita." Nananatili pa rin ang hiya sa kaniya.

"Kung ganoon, call me Mama nalang. Huwag na tita," nakangiting wika ni Mama. Akala ko pa naman mag aala-tigre na naman siya.

"Sige po, Ma," tugon ni Luis. Masunuring bata.

Agad na kaming nagtungo ni Luis sa mga bisita ko. Ang mga bisita naman ni Mama ay nandoon sa labas, naghihintay sa magiging pulutan nila na iniluluto palang ni Mama.

"Siya pala 'yong palagi mong kinuk'wento sa amin," saad ng isa kong kaklase nang ipakilala ko sa kanila si Luis. Nasa kabila lang naman sina Balsey, naglalambingan na naman ni John.

"Huwag ka ngang maingay!" saad ko.

"You're already 21 girl, while you're?" tanong ng isa kong kaklase.

"25," tapat na sagot ni Luis.

"Ah, four years," wika ng isa kong kaklase.

"Yes. Actually hindi naman ganoon kalaki ang 4 years para sa amin," sagot naman ni Luis. Ang bilis niyang mag-adjust. Nakakausap niya kaagad ang mga kaklase ko na para bang matagal ng kilala.

"Astrid told us that you're a professor, is it true?" paninigurado ng classmate ko.

"Yes. Totoo iyon," sagot naman ni Luis.

"Hep hep hep. Stannap na. Kumain na muna tayo," saad ko naman. Baka kasi kung saan pa umabot ang tanungan nila. I know my classmates well. Mga malisyosa sila.

"Kayo, kailan kayo magkakaininan?" pabirong tanong ng kaklase ko.

"Mga mamaya pag wala na kayo," pabiro ko namang sagot.

Nagsipila na nga sila. Natawa nalang ako nang makita ko ang isang kong kaklase na hinaharot si Mr. Cater Boy. Well, he's cute rin naman.

Busog na busog ang lahat ngayon. Nag-inuman din kami pero kaunti lang ang ininom ko. Kasalukuyan kami ngayong nagtatawanan dahil kumakanta ngayon si Balsey habang sinasayawan si John. Game na game rin naman si John dahil lasing na.

Dalawa ang videoke sa bahay, 'yong isa nasa labas para sa mga kaibigan ni Mama at 'yong isa andito sa loob. May kalawakan naman dito sa loob at isa pa kaunti lang naman bisita ko. Pangalawang kanta na ngayon ni Balsey, jusko feeling ko nakakahiya 'to. Nasa verse three na siya ng Banyo Queen ni Andrew E. kaya itong si gaga parang hayok na hayok sa kama.

Kinanta nito ang tatlong naunang linya nito sumensenyas kay John na lumapit. Lumapit naman ang lasing na bugrit. Tandem sila sa kalasingan at kaharutan.

Ipinagpapatuloy nito ang pagkanta habang sinasayawan si John. Umaarte rin ito na pinapahiran ang pawis niya. Nasa likod naman niya si John na sabay na sabay sa kaniyang sayaw. Todo tawa na kami at maging ang mga kumare ni Mama ay nakisilip na rin.

Bigla na lang siyang tumuwad sa harap ni John nang ipinagpatuloy niya ang pagkanta. Nakahawak naman si John sa baywang niya.

"Punyeta ang baboy!" sigaw ko sabay bato sa kanila ng chicharon.

Umabot na si Balsey sa line kung saan may tila umuungol at bigla na lang niyang ni-butt attack si John sanhi para matamaan ang pagkalalaki nito. Wala naman siyang sakit na naramdaman dahil sa kalasingan pero natumba siya.

Si gagang maharot naman ay bigla nalang nag-twerk sa harap ni John. This is rated spg. Tawang-tawa lang naman ang gago habang hinahampas-hampas ang p’wetan ni Balsey. Bigla na lang pinatayo ni Balsey si John at ipinagpatuloy ang pagkanta.

Muli siyang nag-sexy dance sa harap ni John. Hinawakan niya ang dibdib ni John at pababa at pataas nitong hinahaplos ang katawan ng boyfriend niya.

Halos 'di kami makahinga sa kababuyan na pinaggagagawa nina Balsey. Pawis na pawis silang naupo ni John at nagre-request pa ng isang song. Hindi nagtagal isa-isa nang nagsiuwian ang mga bisita ko. Buti nalang talaga at hindi ako nalasing, baka natulad na ako sa pinaggagagawa ni Balsey.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height