C5 His Promise
Natapos na ang selebrasyon kung saan ang iilan ay pagod na pagod, tulad ni John at Balsey.Hindi naman muna umuwi sina Balsey. Pinatulog ko si Balsey sa k’warto ko at sa guestroom naman si John. Mas mabuti na rin 'yung nag-iingat. Baka gawin nila ang pinagkakanta kanina ni Balsey.
"Ma, 'asan si Andrew?" tanong ko kay Mama na masayang nakikipag-inuman sa mga kumare niya.
"Andoon sa kwarto ko, anak, nakatulog iyon kanina eh," sagot nito.
Nagpunta kami ni Luis sa k'warto ni Mama. Mabuti na lang talaga at hindi lasenggo itong si Luis. Pareho kaming marunong magcontrol.
"Baby," mahina kong saad. Chini-check ko rin kung gising na si Andrew. Padilim na kasi at kailangan na niyang umuwi.
"Ate?" tugon nito sa aking tawag habang kinukusot ang kaniyang mata. Kagigising niya lang, halata naman.
"Tara na, baby boy, uuwi na tayo," saad ko kaya napabangon ito. Agad ko na siyang kinarga at nagpaalam kay Mama.
Muling nakatulog si Andrew habang nasa daan kami. Naaawa ako sa kaniya kasi wala siyang alam sa nangyayari sa pamilya niya.
Andito na kami ngayon sa labas ng bahay nila, tahimik ang malaki nilang bahay. Nakita ko naman ang dalawa nilang katulong na naglilinis sa labas.
Agad akong nag-doorbell at pinagbuksan naman agad.
"Manang, asan po sina Tita Malou?" tanong ko kay Manang Ismeralda, ang pinakamatagal na katulong dito sa bahay nila papa. Mayaman talaga sina Tita Malou. May trabaho siya samantalang pag-aari naman ng kanilang pamilya ang hindi gaano kalaking kompanya.
"Andoon sa k’warto ng papa mo Ma'am." tugon nito. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Manang, sabi ko naman sa 'yo call me Astrid. Bata pa ako para tawaging Ma' am," saad ko dito. Natawa lang naman siya.
Agad kaming nagtungo sa kwarto ni papa. Kumatok muna ako bago ko ito buksan, nakita ko namang nakahiga si Papa at nakatulog naman si Tita Malou habang nakaupo. Pansamantalang tumigil kakatrabaho si Tita Malou dahil sa kalagayan ngayon ni papa.
"Anak, tuloy ka," saad ni Papa na nangingilid na ang luha. Agad namang nagising si Tita Malou at lumapit sa akin. Ibinigay ko naman ang kapatid kong muling nakatulog.
"Maiwan ko muna kayo," saad nito saka lumabas.
"Labas muna ako. I'll be back," wika naman ni Luis.
Mabilis akong umupo sa tabi ni Papa at hinawakan ang kamay niya.
"Happy Birthday, anak!" nanghihina nitong saad.
"Salamat pa, wala akong ibang wish kung hindi ang gumaling ka," saad ko at hindi ko na napigilan pa ang pagluha ng aking mga mat ana kanina pa mahapdi habang papunta pa lang kami rito.
"Napakas'werte ko at may anak akong katulad mo. Sa oras na ma-" Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya dahil muli akong nagsalita.
"Shhh! Gagaling ka," saad ko. Maging si papa ay naluha na rin. Hindi alam ni Andrew ang tungkol sa kalagayan ni papa. Kailan lang kasi nang magsimula si papa na magkaganito.
Ayon sa doctor, hindi na raw nagfa-function nang maayos ang lungs at liver ni Papa. Dahil daw ito sa kakasigarilyo at kakainom niya ng alak. He's a heavy drinker since then and a cigarette monster as well.
Dapat talaga ico-confine si Papa but he refused. Ayaw niya kasi total mamamatay lang daw din naman siya. We were actually confronted by the doctor. Hindi na raw tatagal si Papa. Siguro iyon ang rason kung bakit niya naisipang 'wag nalang magpa-confine.
He also wished na si Tita Malou ang magbantay sa kaniya at huwag nang mag-hire ng personal nurse. He want to spend his remaining days with his family daw, not with other people.
"Anak, ang hilig mo talagang umasa. Kaya ka nasasaktan," saad nito sa akin. Sa akin naman niya ibinaling ang sakit.
"Papa, I'm happy now. Nakalimot na ako about kay Eliseo. May nagmamay-ari na ngayon ng puso ko," saad ko kay papa at napangiti lang naman siya. He knew how broken I was when Eliseo left me. There was time na halos idemanda na si papa ng pamilya ni Eliseo dahil sinuntok niya ang gagong iyon.
"Gusto ko siyang makausap," saad nito kaya naman ayka agad kong tinawag si Luis.
"Iho, huwag mong susubukang saktan ang anak ko. Sa oras na gawin mo iyon, muli akong babangon sa hukay para patayin ka," pagbabanta ni Papa.
"Papa, after fifty years pa 'yon," saad ko naman. Nalulungkot ako sa tuwing pinaparamdam sa akin ni Papa na wala na talaga siyang pag-asa pang gumaling at any time mamamatay na siya.
"I won't po, Tito. I know how Astrid struggled over her ex. Ayaw ko na ulit mangyari iyon," saad naman ni Luis.
Kahit nasa iba nang pamilya si Papa, he's always been my personal diary when it comes to love. Lahat ng nagiging boyfried ko ay pinapakilala ko sa kaniya. Actually tatlo pa lang talaga.
"I don't want my daughter to experience her Mama's suffering no'ng iniwan ko sila," saad ni Papa at naluha na nga siya. Muli na naman akong naiyak dahil sa sinabi ni papa.
Papa is a womanizer, that's the trait I hate about him. Mama decided to broke up and end her connection with Papa bago pa man nito nakilala si Tita Malou. Labis iyong sakit na idinulot ni Papa kay Mama before. But matagal na 'yon. I was only ten that time. Nakita ko kung paano umiyak si Mama at pilitin si Papa na huwag umalis at maglayas.
But papa was so dumb. Mas pinili niya 'yong babaeng kakikilala niya lang. I hate him so much for what he did to Mama. I hate seeing him, kahit kasi hiwalay na sila ni Mama bumibisita siya just to see me.
Mahal ako ni papa, but 'yung pagmamahal niya ba sa akin bilang anak wasn't enough to make him stay sa amin?
Pero biglang nagbago si Papa nang makilala niya si Tita Malou. Ipinakilala sa akin ni Papa si Tita. At first ayaw ko rin kay Tita, siyempre masakait makita na your own father is happy with someone. And that someone isn't your Mama.
Akala ko mananatili ang grudges ko at ni Mama towards kay Papa. Pero lumipas din. Mas na-realize ni Mama na hindi siya maghihirap at masasaktan kung wala nalang si Papa sa kaniya. That was one of the best decisions she did. Doon ko rin napagtanto na, we sometimes have to let go of someone. Letting go doesn’t always mean you're weak and a loser. You will let someone go because you know that that's the only way for you to be happy again. Why hold on? Bakit ka pa kakapit kung paulit-ulit ka pang namang sasaktan. Once a cheater, always a cheater.
"I'm so blessed to have Astrid as my daughter. Tinanggap niya si Malou at maging ang anak namin," dagdag pa ni Papa.
I was fourteen when I decided to accept Tita Malou to be my Papa's forever. Ayaw ko nang masaktan si Mama and isa pa, it was Mama's decision. One more thing is, pareho silang walang plano magbalikan. How sad it is knowing na si Mama at Papa ang real example ng "pinagtagpo pero hindi tinadhana".
"Tita Malou treated me well, kaya hindi ako nahirapan sa pagtanggap sa kaniya," saad ko kay Papa.
"Anak, ikumusta mo ako sa Mama mo. It has been a month since nag-usap kami. Buti nalang at hindi katulad ng ibang babae ang mama mo," muling wika ni Papa. Mas lalo tuloy akong naiiyak.
"Saan ba magmamana ng kagandahang loob si Astrid?" biglang singit ni Tita Malou sanhi para mapalingon ako sa kaniya.
"Papa, hindi na kami magtatagal dito. Babalik nalang ako bukas kung maaga matapos ang class naming," saad ko kay Papa
"Buti nalang talaga at linggo ngayon," saad naman ni Tita Malou.
"Tita Malou, ikaw na muna bahala kay Papa," bilin ko kay Tita Malou saka nagmano.
"Ikaw naman Papa, huwag kang pasaway. Hindi ka na bata. Nga pala, nakailang babae ka noong kabataan mo?" pabiro kong tanong kay Papa.
"Hindi ko mabilang eh," pabiro rin nitong sagot sa akin.
"Sige na, Pa. Aalis na kami," saad ko saka nagmano sa kaniya.
"Happy birthday ulit, Anak!" saad nito kaya niyakap ko siyang muli.
"Happy birthday nga pala Astrid. Bukas ko na ibibigay ang regalo ko sa'yo," saad ni Tita Malou.
"Iho, tandaan mo ang pagbabanta ko sa iyo," wika ni Papa kay Luis. Pareho naman kaming natawa ni Tita.
"Noted, Sir. I will forever love her. Until the day na ikasal kami. You must be there," sagot naman ni Luis saka nagmano kay Papa.