Caressed By Your Name/C7 Song of Love
+ Add to Library
Caressed By Your Name/C7 Song of Love
+ Add to Library

C7 Song of Love

Sinulit namin ni Luis ang mga araw na magkasama kami. Matagal pa naman ang October pero sa panahon kasi ngayon, kukurap ka lang, magugulat ka na lang at bagong buwan na.

We went to Palawan. Doon namin ipinagdiwang ang fourth monthsary namin. It was my first time to visit there. Sobrang mangha ko roon. Parang naging panata na namin na magtravel tuwing monthsary. Kaya iyon talaga ang palagi kong nilo-look forward.

On our fifth Monthsary, I was able to capture the beauty of Chocolate Hills and tarsiers.

The last monthsary we had together was our sixth monthsary. That was when we were in Kalanggaman Island where he sang the song Marry Me by Jason Derulo for me.

Masaya kong pinapakiramdaman ang tubig at ang puting buhangin dito nang biglang makarinig ako ng tunog ng gitara. Nang lingunin ko kung saan iyon galing, nakita ko si Luis na may hawak nito at kasing lawak ng karagatan ang lawak ng ngiti niya.

He started strumming the guitar and so as singing.

Pakiramdam ko ay huminto ang paligid at tanging si Luis at ako lamang ang gumagalaw. Nawaglit din sa aking isipan ang tungkol mga kumpas ng tubig, at maging ang pagbulong ng hangin sa akin. I would never get to find another man Luis. Nasa kaniya ang lahay.

I stood up as he gets closer to me. His unending love is sneaking into his tantalizing eyes. I joined him in singing as he continued. We're both singing and just letting our hearts out. Wala na talaga akong hahanapin pa kay Luis. He may be too good to be true but for heaven's sake, he's existing. Our hearts joined the loving melody of the song. We were both smiling while enjoying the song. The song I would really love to answer with a YES!

He sang the line that meant to ask a girl's hand. Sa bawat kanta niya ng mga linyang iyon. Ibinubulong ko naman sa hangin ang sagot kong yes. Kung tatanungin man niya ako ng "Will you marry me?" ngayon, my answer will be YES.

This is the most memorable monthsary we had. Tinalo nito ang mga nakaraan naming lakad sa nag-uumapaw kong nararamdaman sa monthsary na ito.

-----

October na. Ang buwan kung kailan nakatakda siyang umalis. Bukas na nga pala siya aalis so I decided to spend the whole day with him. Andito kami ngayon sa kwarto niya. Grabe ang lawak ng room niya, sabagay, mansion naman talaga kasi ang bahay nila. Kaagad kaming nagtungo sa terrace ng kuwarto niya. Kasalukuyan kaming nakatayo at yakap niya ako habang parehong pinagmamasdan ang langit.

"Nakikita mo 'yang mga bituin na iyan?" tanong nito sa akin. Naka-back hug siya.

"Oo, hindi naman ako bulag eh," sarakastikong sagot ko dahilan para mapatawa siya. Sobrang lapit ng labi niya sa tenga ko, and everytime he speaks, It give chills to me.

"Alam mo bang isa ka riyan?" muli nitong wika. Alam kong babanat na naman siya at aatake na naman ang pagka-jologs niya.

"Bakit? Kasi isa lang ako sa mga bituin mo? Isa ako sa mga babae mo?! " pangbabara ko sa kaniya.

Napasinghal n alamang siya saka hinalikan ako sa aking pisngi.

"Kasi katulad ng mga bituin na iyan, palagi kang umaagaw ng pansin. Kahit hindi ka ganoon kaliwanag, sapat na iyon para makawala ako sa kadiliman," ani nito. Humarap ako sa kaniya at ipinatong ang aking mga braso sa kaniyang balikat. Bigla ko siyang kinulong sa aking mga braso nang magtagpo ito sa likod ng leeg niya.

I stared at him while smiling. I suddenly closed my eyes and met his lips. Everything feels like it was our first time. How lovely it is staring at those stars and now, they are our living witness, they witnessed the kiss of our love.

Another romantic goal of mine has been achieved and it is being kissed by someone I love under those thousand stars.

Bigla kaming nahiga sa comforter na inilatag namin. Halos mag-agawan kami sa pagturo kung alin ang pinaka-malaki at pinaka-makinang na bituin.

"What does star symbolizes for you?" he asked. Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya habang pinipisil-pisil ko ang matangos niyang ilong. Sinusuklay naman niya ang buhok ko gamit ang sarili niyang nga daliri.

"Hope. Hope that there's always a light even on our darkest times," sagot ko sa kaniya. Niyakap ko siya habang nagsasalita siya. Gusto kong ganito nalang kami hanggang sa dulo. 'Yong magyayakapan lang hanggang sa pagtanda namin.

"Ako naman, naniniwala ako sa mga paniniwala ng mga matatanda. Na ang mga bituin ay ang mga namayapa nating minamahal. Kaya ikaw ha, sa oras na mawala ako, tumingala ka lang sa kalangitan at kausapin mo ako." Bigla na lang kumawala ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. Natatakot ako, hindi ko alam kung bakit. 'Yong sinasabi niya, parang may pinapahiwatig. I want to stop him from going to States.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nito. Siguro naramdaman niya ang luha ko nang bumagsak ito sa kaniyang damit.

"Pwede bang huwag ka nalang umalis? Pwede bang dito ka nalang?" Para akong batang nagmamakaawa. Katulad noon sa kung paano ako magmakaawa kay Papa na manatili sa amin.

"Mabilis lang naman ako roon. Uuwi rin agad ako," saad nito habang pinupunasan ang luha ko.

"Babalik agad ako, siyempre may mga gagawin pa tayo. Promise, the moment I came back, magtatravel ulit tayo. Okay ba 'yon sa 'yo?"

I was moved with what he said. But what I hate, there's this feeling na para akong pinagsasabihan na malabo iyong mangyari. Why?

"Maghihintay ako sa'yo. Bilisan mo ah kasi magcecelebrate pa tayo ng Monthsary," wika ko.

Napabangon kami at umupo. Isinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang siya naman ay nakaakbay sa akin.

Ilang saglit lang ang lumipas ay bumalik na kami para matulog. Siya ang unang nakatulog samantalang ako ay gising na gising at pinagmamasdan ang nakapikit niyang mga mata.

Naiiyak ako habang tinititigan ko siya. Para akong tanga. Bakit ako maiiyak eh natutulog lang naman siya. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. Iyon ang gabi kung kailan kami naghalikan sa ilalim ng kalawakan. Ang bawat yakap ko sa kaniya ay parang tawag ng isang paalam. Ang bawat ngiti sa labi niya ay iba ang dating sa akin. Isang babala. Isang pagbabanta.

Gusto kong manatili kaming magkayakap habang dinadami ang tamis ng halik namin. Katulad ng gabing iyon. Katulad ng huling gabi ko, kasama si Luis.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height