Caressed By Your Name/C8 Catastrophic State of Heart
+ Add to Library
Caressed By Your Name/C8 Catastrophic State of Heart
+ Add to Library

C8 Catastrophic State of Heart

Maaga akong nagising. Pagmulat ko ng aking mga mata, nakita kong nakabihis na si Luis. Mabuti na lang at may mga damit ako rito sa kanila, hindi ko na kakailanganin pang umuwi para magpalit. Agad akong nagbihis para sabay kaming bumaba. Ngayon na ang flight niya papuntang States. Same feeling pa rin noong kagabi, kinakabahan ako sa pag-alis niya.

"Wala na ba talagang atrasan 'to?" I asked him while combing my hair.

"Ito na talaga ang araw ng aking pag-alis," sagot niya. Iba 'yung dating sa akin ng salitang "pag-alis". Mas lalo akong nalungkot.

"Huwag kang umiyak. Pumapangit ka tuloy," saad nito habang pinupunasan ang aking luha.

Pinilit kong ngumti at tumingin sa kaniya.

"Okay na ba 'to?" tanong ko na halos makita na ang kadulo-duluhan ng aking ngipin.

"Make it natural," wika niya at ginulo ang buhok ko. Kasusuklay ko lang tapos guguluhin niya lang kainis. Pero paano magiging natural ang pagngiti ko eh nalulungkot nga kasi ako.

"Ano ba'ng gusto mong pasalubong ha?" tanong nito sa akin habang inaangat ang mukha ko para magkatitigan kami.

"Ikaw," nagpapa-cute kong saad habang dahan-dahang lumalapit sa kaniya.

"Hayaan mo, ibabalot ko ang sarili ko pag-uwi ko rito," pagbibiro nito at hinalikan ako sa noo.

"Baliw!" naiinis kong sabi saka pinaghahampas siya.

Andito na kami sa airport ngayon. Nagulat ako at nandito rin pala ang mga gagong mag-jowa. Ayaw ko sa nais ipahiwatig ng ngiti ni Balsey nang makita niya kaming papalapit.

"Buti at nakapunta kayo," bungad ni Luis sa kanila. Bumeso naman siya kay Balsey at nag-manly hug sila ni John. They all look so professionals. Well, ganoon naman talaga. Ang importante lang dito ay hindi sila mag-inom. Jusko, kung ano-ano ang nagagawa.

"Siyempre naman, pare, ikaw pa ba," saad ni John na nasa katinuan.

"Hoy, girl saan ka natulog kagabi?" biglang kalabit sa akin ni Balsey.

"Sa kanila, bakit?" seryoso kong sagot.

Bigla na lang sila nagtitigan ni John at sabay silang nagtaas-baba ng kanilang kilay. What's with this couple? Ang sarap nilang hampasin.

"I knew it!" naka-ngising sabi ni Balsey.

"What do you mean?" tanong ko sa kaniya.

"Come on, umamin ka na lang, nag-sex kayo kagabi no?" muli niyang itinaas baba ang kaniyang kilay. Pareho naman kaming nagulat sa tanong niya.

"Hoy, Balsey 'wag mo kaming itulad sa inyo ni John," biglang saad ni Luis.

"Oo nga at porque magkasama ng isang gabi may nangyari na? Ikaw Balsey ha," giit ko naman.

"Why so defensive guys. Okay lang naman sa amin kung umamin kayo." sabat naman ni John. Muli kong naalala ang kaharutan nito noong una ko siyang nakita.

"Excuse me. Bakit naman kami magtatalik? Mag-asawa ba kami?" inis kong tanong. Conservative ako kaya ayaw kong pagbintangan lang ng ganoon ang pagkababae ko. When topic like this, nagiging OA talaga ako.

"Kailangan ba mag-asawa lang ang magtatalik? OMG! John, I think mag-asawa na talaga tayo," wika ni Balsey na mas lalo kong ikinagulat.

"Siyempre gagawin niyo 'yon kasi aalis si Luis. Iyan 'ata ang pa-despedida mo eh," sabat naman ni John. Muli silang nagtitigan ni Balsey at parehong tumawa. Pareho naman kaming napailing ni Luis.

"Ang laswa niyo!" saad ko saka pareho ko silang tinarayan.

"Few more minutes at aalis na ako," biglang sabi ni Luis sanhi para malungkot na naman ako. Wala na akong pakialam sa mga tao sa paligid namin. Agad ko siyang hinalikan at niyakap.

"Kagaya ng kagabi, huwag ka na lang umalis, please," saad ko habang isinusubsob ang mukha ko sa balikat niya

"I'll be back naman. Huwag ka lang umiyak hindi naman ako mamamatay," Alam kong sinabi niya iyon para patahanin ako pero iba ang naging epekto sa akin. Mas lalo akong naiyak.

"Mangako ka," saad ko habang pinapabayaan lang ang pag-agos ng aking luha. Humiwalay na rin ako mula sa pagkakayakap at magkaharap na kami ngayon.

Bigla siyang yumuko at ipinatong ang ulo niya sa ulo ko.

"Pangako," saad niya saka hinalikan ako. Ayaw ko nang kumawala sa halik na iyon. Kahit maghalikan nalang kami forever basta huwag lang siyang umalis.

Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang nakatakdang oras ng kaniyang pag-alis.

Naglakad na siya palayo sa akin at lumuluha na rin siya. Akala ko didiretso na siya at binalikan niya muna ako.

"Itong tatandaan mo. Mahal na mahal kita," iyon ang huling kataga na binitawan niya. Hinalikan niya muna ako bago muling naglakad palayo sa akin.

"Luis Claydeen Aristeo, I love you! Hihintayin ko ang pagbabalik mo!" malakas kong sigaw. Halos magtinginan naman lahat ng tao sa akin. Wala naman akong pakialam.

Kumaway siya sa akin habang pinupunasan ang kaniyang mga mata. Winawarak ang puso ko sa bawat hakbang na ginagawa niya. Muling may nag-uudyok sa akin para habulin siya.

"Girl, babalik din 'yon," saad ni Balsey habang hinihimas ang aking likod. Nakalimutan ko na ngang may kasama pala ako.

"It's okay Astrid, ganiyan talaga kapag masyado kang naa-atttach," wika naman ni John.

"Wipe your tears girl. May pasok ka pa."

Nakalimutan ko na may pasok pa pala ako. Hindi ako ginaganahang pumasok ngayon. Gusto kong magkulong sa kwarto ko hanggang sa bumalik siya pero hindi p'wede. Huli kong nasilayan ang ngiti at ang kaniyang pagkaway bago siya tuluyang makapasok sa loob ng eroplano.

Habang dahan-dahang tumatalikod. Bigla kaming binulabog nang may sumigaw ng,

"Umalis na kayo rito, may bomba!" Agad kong hinanap kung saan galing ang sigaw pero hindi ko nakita.

Puro hiyawan na ang mga tao rito sa airport. Napadapa naman kami nina Balsey.

Habang ang lahat ay nagtatakbuhan, nanatili naman kaming nakadapa. Muli na namang may sumigaw.

"Sa eroplano!" agad kong nilingong ang eroplano. Habang bumubukas ito para pababain ang mga pasahero, bigla na lang itong sumabog.

Ang puting kulay na eroplano ay biglang nilamon ng apoy. Ang malakas na sigawan ng tao ay ginapi ng malakas na pagsabog.

Ang oras ay bumagal habang ang luha ko ay nagsimula nang umagos. Naramdaman kong hinawakan ako ni Balsey pero agad kong ibinalikwas ang kamay niya.

"Luis!" malakas kong sigaw habang tinatakbo ang daan papunta sa sumabog na eroplano

May kung sinong humigit sa aking kamay sanhi para mawalan ako ng balanse. Natumba ako at ang aking katawan ay kinulong sa mga braso ng hindi ko nakikita ang mukha.

"Luis!" patuloy kong pagsigaw.

"Bitawan mo ako, kailangan kong puntahan si Luis!" pagmamakaawa ko habang pilit na lumalaban para kumawala.

Labis akong nanghina sanhi para maging madali sa kaniya na hugutin ako pabalik sa kung nasaan si Balsey.

Nilingon ko kung sino ang nagpipigil sa akin pumunta sa sumabog na eroplano at doon ko napagtanto na si John pala.

Muli akong napaluhod habang pinagpapapalo ang sahig at paulit-ulit na sinisigaw ang pangalan ni Luis.

Naradaman ko ang mainit na yakap ni Balsey habang patuloy din ang pagluha niya.

Habang pilit na nilalakasan ang pagsigaw at ang aking pagwawala, naramdaman ko na lang ang aking panghihina. Pakurap-kurap na ang aking mga mata ngunit pilit ko itong minumulat hanggang sa may imahe ng isang lalaki ang nahagilap ng aking mga mata.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height