Caressed By Your Name/C9 Cycle of Pain
+ Add to Library
Caressed By Your Name/C9 Cycle of Pain
+ Add to Library

C9 Cycle of Pain

Nahihirapan akong kilalanin ang bulto na nasa harap ko. Nasisilaw ako ng suot na mayroon ito. Lahat ng suot nito ay kulay puti at dahan-dahan itong lumalapit sa akin. Ang aking luha ay walang tigil sa pag-agos nang mapagtanto kong si Luis pala ito. Nakangiti siya habang naglalakad palapit sa akin. Pero kita ko sa mga ngiti niya ang nakatagong lungkot dito. Ang mata niyang walang ibang ipinapakita kung hindi ang pagmamahal niya ay bigla na lamang binalot ng pagdadalamhati at pagsisisi.

"Patawad, Astrid. Patawad kong hindi na tayo makakapaglibot pa sa buong Pilipinas. Palagi mong tandaan, mahal na mahal kita," nakangiti nitong saad. Subalit habang ngumingiti ito, lumuluha rin siya.

"M-mahal. Ma-ha--" pinipilit ko ang aking sarili na ibukambibig ang salitang "Mahal na mahal kita" pero hindi ko magawa. Hindi ako makapagsalita pero patuloy lang ako sa pagluha.

Nasa likod siya ni Balsey dahil yakap ni Balsey ang nanghihina kong katawan. Lumapit si Luis sa akin at ipinatong ang malamig niyang noo sa akin. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at at idinampi ang kaniyang labi sa akin. Ipinikit ko rin ang aking mga mga mata para madama ko rin ang kaniyang malamig na halik. Ang halik na kahit sa hangin na man lang.

Biglang tumahimik ang buong paligid nang ipikit ko ang aking mata. Ang kaninang panghihina ng aking katawan ay tuluyan na talagang nawalan ng lakas.

Nang imulat ko ang aking mata, nagulat na lang ako sa aking nakita.

"Luis?" tawag ko sa lalaking nakatalikod at nakatayo malapit sa may dalampasigan.

Agad akong nilingon ng lalaki at tama nga ako sa aking pagtawag, si Luis nga.

"Astrid!" nakangiti nitong sabi saka agad na naglakad palapit sa akin. Madilim na at ngunit pinapaliwanang ang gabi ng mga bituin at buwan sa kalangitan. Andoon rin ang maliit na liwanag mula sa mga barko na matatanaw sa may kalayuan.

Agad akong niyakap ni Luis nang makalapit siya sa akin. Puti ang suot niyang damit at ganoon na rin ang mahaba at manipis niyang salawal.

Hindi ko alam pero naiiyak ako habang nararamdaman ko ang dahan-dahang paglamig ng kaniyang mga yakap.

Kumawala na siya mula sa pagkakayakap sa akin. Hinawakan niya ang mukha ko at marahang nakipagtitigan.

"I love you," saad nito bago ako halikan sanhi para mapapikit ako.

"Happy first monthsary! " masiglang sabi nito dahilan para imulat ko ang nakapikit kong mga mata. Pagdilat ko, wala na kami sa may dalampasigan. Andito na kami ngayon sa sinehan.

"Natatakot ka pa ba?" tanong nito sa akin habang mahigpit na hinahawakan ang aking kamay. Napansin kong nagsisigawan ang tao. Nanunuod pala kami ng IT Chapter II. Tinitigan ko siya matapos kong masilayan ang mahigpit na paghawak niya sa aking kamay.

"Hindi. Salamat at pinapalakas mo ang loob ko," ani ko at nginitian siya.

"Kung pang habang-buhay lang sana, hinding-hindi ko na bibitawan ang kamay mo. Para sa tuwing natatakot ka, andito ako para sayo. Patawad. Patawad kung hindi ko na kailanman mahahawakan pa ang kamay mo gaya ng higpit ng hawak ko sa 'yo ngayon." Muli na namang naglandas ang aking mga luha. Bakit? Bakit ganito ang nangyayari? Bakit 'to sinasabi ni Luis? Ano ang nangyayari?

"Hawakan mo ang kamay ko na para bang ito na ang huling araw natin. Huwag mo akong bibitawan."

Hindi na siya nakasagot, bigla kasing nagdilim ang buong sinehan at ni katiting na liwanag ay wala akong nakikita.

Bigla nalang ako napulaw ng dahil sa sobrang liwanag. Nang maging maayos na ang lahat, nakita ko nalang ang aking sarili na kayakap si Luis.

"Sobrang lamig talaga dito sa Baguio,' no?" tanong sa akin ni Luis. Balot na balot kami ng makapal na jacket habang magkayakap.

"Oo, pasalamat ako at andiyan ka para painitin ang nanlalamig kong puso," banat ko naman pero hindi siya natuwa. Bigla na lamang siyang nalungkot. Masama ba ang banat ko? Corny ba?

"Patawad. Patawad kasi hindi ko na kailan man pa magagawa pang iparamdam sa'yo ang mainit kong pagmamahal. Patawad Astrid. Patawad, mahal ko," sasagot pa sana ako pero hindi ko na nagawa. Bigla na lamang niya akong hinalikan.

Alam ko na ang kasunod na mangyayari. Sa oras na ipikit ko ang aking mga mata. Mapupunta na naman ako sa ibang lugar kasama si Luis. Pero paano kung sa muli kong pagdilat, hindi ko na siya kasama. Naguguluhan ako sa nangyayari.

Lumuluha na ang aking mga mata at ramdam ko na ang hapdi dahil nilalabanan ko ang sakaling pagpikit nito. Bigla na lamang akong napapikit nang ginamit niya ang kamay niya bilang pantakip sa mata ko. Bakit niya 'yon ginawa?

"Sobrang ganda talaga dito sa Palawan," saad ni Luis.

"Tama ka," tipid kong tugon dahil sa pagkamangha ko.

"Pero mas maganda ka," muli nitong saad saka inakbayan ako.

Palagi niyang pinaparadam sa akin na ako ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. Na ako lang ang bukod tanging babae na nangingibaw sa kaniyang paningin.

"I will miss this," ramdam ko ang lungkot sa kaniyang pagkakasabi.

"What do you mean?" tanong ko naman kasi wala akong kaide-ideya tungkol sa sinasabi niya.

"Ang ganito. Iyong ipaparamdam ko sa 'yo na wala na akong ibang babaeng makikita maliban sa 'yo," sabi nito saka tinitigan ako.

"Bakit may kabit ka ba? Huy may kabit ka no?" tanong ko sa kaniya habang pinapalo siya.

"Wala, pero hindi na mauulit ito," saad nito. Bigla na lamang niyang tinakpan ang aking mga mata. Nabigla ako sa kaniyang ginawa. Nang tanggalin niya ang kaniyang kamay, nagulat ako na sobrang lapit ko na pala sa Tarsier.

"Tara, picture tayo," anyaya ni Luis. Agad naman akong tumango sabay ngiti. Agad niyang hinugot ang kaniyang cellphone at nagselfie kami.

May timer pala, ten seconds pa man din. Habang hinihintay hanggang mag-zero, bigla na lamang niya akong hinalikan.

Napulaw naman ako dahil may flash ang front cam niya. Nang idilat ko ang aking mata, nabigla ako nang makita ang mahabang sand bar. Sobrang linaw din ng tubig.

I knew it. Nasa Kalanggaman kami. Muling nagbalik sa akin ang lahat. Alam kong nangyari na ito. At 'yong biglang pagbabago ng lokasyon ko kasama si Luis, alam ko ring nangyari na 'yon. Tapos na 'yon. Pero bakit paulit-ulit na pinapakita sa akin ang mga lugar na iyon kasama si Luis? Ano ba ang nangyayari?

Nakarinig ako ng pagtunog ng gitara mula sa aking likuran. Tama nga ako, nangyari na nga ito. Kakantahan niya ako ng Marry Me at sasabayan ko siya roon. Nasa likod ko na nga si Luis. Napapangiti ako habang tinitigan ang nakangiti niya ring mukha. Ilang sandali pa, kumanta na siya.

Pero mali ako, hindi Marry Me ang kinanta niya.

The One That Got Away ni Katy Perry ang kinanta niya.

Habang kinakanta niya iyon, gusto kong sumabay pero hindi ko magawa. Hindi ako makaimik. Pinipigil ang aking pagsabay sa kanta ng walang tigil na luha na lumalandas sa aking mga mata.

Agad akong tumakbo sa kaniya at niyakap siya. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko na nagawa pang mahawakan o maramdaman ang katawan niya. Nagsisisi ako kung bakit ako napapikit. Bakit kasi ako pumikit? Akala ko kasi mahahagkan ko siya.

Muli ko nang idinilat ang aking mata. Pero sa pagkakataong ito, walang Astrid at Luis akong nakikita. Walang Luis akong nasisilayan sa aking tabi.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height