C11 Kabanata 10
Kabanata 10
Alis
Tumigil ako sa pagsusulat at tumulala sa kawalan. Wala akong ganang bumuga ng hangin habang pinagmamasdan ang mga magsasakang nagtatanim ng panibagong pananim. Narito ako ngayon hindi kalayuan sa aming bahay. Mag-isa at gumagawa ng takdang-aralin sa ilalim ng malaking puno. Araw ng linggo ngayon kaya inabala ko na lamang ang sarili sa mga gawain sa paaralan