C13 Kabanata 12
Kabanata 12
Labi
"Ate Raya! Nandito ka lang po pala, kanina ka pa po hinahanap ni Sir Abe," nakita ko ang tumatakbong si Batseng papunta sa direksyon ko.
Hinintay ko siyang makarating sa pwesto ko bago ko muling ibinaling ang atensyon sa pagdidilig ng halaman sa maliit na bakuran ng bahay namin. Binuksan niya ang gate para lumakad papalapit sa akin