+ Add to Library
+ Add to Library

C4 Kabanata 3

Kabanata 3

Taste

Matapos ang nangyari sa may ilog, ay hindi ko na muling nakita pa si Sir Ambrose. Hindi, mas tamang sabihin na pinilit ko talagang hindi ko siya makita. Hindi ko kasi alam ang nararamdaman ko sa tuwing kumikidlit sa aking utak ang nangyari sa may tabing ilog.

Ilang beses kong pinilit na kalimutan iyon pero hindi ko magawa. At sa tuwing maaalala ko ay awtomatikong bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi na normal, para bang laging may hinahabol iyon sa sobrang bilis.

Dalawang linggo na rin ang lumipas mula noong dumating ang mga apo ng Don. Hindi ko alam kung hanggang kailan sila magtatagal dito, pero narinig ko, ang sabi ni lola, isa't kalahating buwan lang daw ang mga iyon na mananatili dito. Pagkatapos ay babalik na ulit sila sa syudad at ang mananatili na lang ay ang bunso na si Seymour.

"Raya, halika na! Magsisimula na PE class natin," tawag sa akin ni Lisle.

Mabilis ko namang kinuha ang mga gamit ko na nagkalat sa damuhan. Naroon ang ilang mga notebooks, ballpen, at ibang mga libro. Nilagay ko iyon isa-isa sa bag bago ako mabilis na tumakbo papunta kay Lisle na naghihintay sa akin sa Senior High Building.

"Sorry, marami kasi akong ni-review e." Paliwanag ko sa kaniya.

Ngumuso naman siya sa akin at kinuha ang bag na dala ko. "Hay nako, malayo pa naman ang entrance exam, magchill ka nga muna!" nakamot ko ang aking sentido sa sinabi niya.

"Hindi ako pwede mag-chill, Lisle. Syempre mag-a-apply rin ako ng scholarships no," umirap naman siya sa akin at inakbayan ako.

"Naku, baka ma-stress ka niyan talaga. Alam ko na, sa Sabado pumunta ka sa amin, magkakaroon tayo ng pajama party!" parang bata niya na sabi.

Tumatawa naman akong napailing sa kaniya. "Anong pajama party? Marami akong gagawin sa sabado no, alam mo naman na tuwing weekends nasa mansyon ako ng mga Montealegro..."

Pumalatak ang kaniyang dila sa sinabi ko. "Lagi ka na lang may gagawin!" at alam ko, magsisimula na siyang magmaktol.

Bumuntong hininga ako at napasuko na rin. "Okay, sige na. Pupunta na ako sa inyo sa Sabado."

Malaki naman ang ngiti niya na niyakap ako. Tapos ay agad na hinigit pabalik ng locker area para ibalik ang mga gamit ko. Habang nasa daan ay pansin ko ang pagbubulungan ng mga estudyante, partikular sa kababaihan. Mukhang may pinag-uusapan sila, hindi ko na sana papansinin pero si Lisle naman ay nakisali sa pag-uusap.

Hinigit niya pa ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang magpatianod.

"Anong mayroon mga mare?" tanong ni Lisle.

"Ay Lisle, mabuti nandito ka! Alam mo ba, may bibisita raw mamaya rito sa school natin..." dinig kong pag-uusap nila. Napakamot ako sa aking ulo.

"Talaga? Lalaki o babae? Gwapo ba? Ano?" atat na tanong pa ng kaibigan ko na siyang ikinailing ng aking ulo.

Kahit kailan talaga ang isang ito.

"Ang sabi kasi, narinig ko lang ito hah, mula sa members ng Faculty,"

"Oh ano nga? Paputol-putol ka naman e, atat na atat na akong malaman kung gwapo ba iyang bibisita."

Natawa naman sila kay Lisle.

"Oo na, ang sabi kasi isa sa mga Montealegro ang bibisita!" tapos ay para silang kinilig na nagtilian.

Syempre kasama na roon si Lisle. Siya ata iyong may pinakamatinis na tili sa kanila. "Hala gwapo nga, mga mare! Omg! Anong oras ba dadating para makapaghanda naman tayo, baka mamaya haggard tayo ng dumating..." kinuha ko na lamang kay Lisle ang bag ko.

"Mauna na muna ako hah," tumango lang siya at nakipag-usap na ng tuluyan sa mga estudyante roon.

Wala talagang titibag sa pagiging fangirl ni Lisle sa mga Montealegro.

Habang naglalakad ay inayos ko ang pagkakalagay ng gamit ko sa bag, basta ko na lang kasi sinalansan iyon kanina dahil sa pagmamadali. Kinuha ko na rin ang susi ng locker ko, at nang makarating sa dulo ng pasilyo, agad kong hinanap ang locker para mailagay na agad ang mga gamit ko.

Nang maayos ko na, agad kong isinara iyon. Ilang beses ko pang ni-check kung talagang nakalock iyon. At ng makuntento, ay tumalikod ako sa locker para sana umalis, pero napatigil ako ng biglang makita ko ang taong pilit kong iniiwasan.

Nanlaki ang aking mata ng makita siya, akala ko ay hindi niya ako mapapansin pero bigla siyang bumaling sa akin. Nakasuot siya ng suit, at mukhang propesyonal talaga siya tignan.

T-Teka, so ibig sabihin siya iyong bibisita rito sa school namin.

Malamig ang kaniyang berdeng mga mata na nakatitig sa akin, bigla tuloy akong hindi naging kumportable sa suot kong shirt na may logo ng school, na pinaresan ng kulay itim na cotton short, aabot iyong hanggang sa kalahati ng hita ko, may suot naman akong cycling para hindi ako masilipan.

Ang hawak ko sa water bottle na kinuha ko sa locker ay napahigpit kaya gumawa iyon ng kaunting ingay.

Pero mabuti na lang at may umakbay sa kaniya kaya nawala ang pagtitig niya sa akin.

"Oh hey, Raya! I haven't seen you for a week, busy?" sabi ni Sir Demaro.

"Ah opo, marami na rin po kasing ginagawa rito sa school." Napatango naman siya sa akin.

"Your class already done? Wanna grab some snack with us?" nawala sa kanila ang atensyon ko ng mapansin na mas lalong dumami ang taong dumadaan, ang iba ay napapatigil para tignan ang kausap ko.

Bumalik ang tingin ko sa kanila at mabilis na umiling. "Hindi na po, may klase pa rin po kasi ako. Sige po, alis na po ako!" natatarantang tumakbo ako paalis doon.

Dumiretso na ako sa maliit na soccer field ng school namin. Doon kasi kami magkakaroon ng PE class. Nakita ko na rin doon si Lisle, kasama ang ibang mga kaklase namin.

At ng makita ako ay parang bata siyang kumaway sa akin. Ngumiti ako sa kaniya, tapos ay nilapitan siya.

Inakbayan niya ako bago kami umupo sa damuhan roon. Pasado alas-dos na kaya medyo mainit sa parteng ito, mabuti na lang at may ilang building na naroon para hindi ganoon kainit.

Dumating ang instructor namin, pinagstretch niya muna kami bago tuluyang magsimula sa aming activity.

Hindi ko kapartner si Lisle sa stretching, pero ang bunganga ay talaga walang pigil. Nang magsimulanna akong magstretch ay kung ano-ano ang sinasabi.

"Yes! Raya baby! Ituwad mo pa, yeah!" nakagat ko ang labi ko at napatigil sa pagstretch para sawayin siya.

"Lisle!" sigaw ko sa kaniya. Natawa naman sa amin ang ibang mga kaklase namin.

Pula ang pisngi na bumaling ako muli sa harap, pero mas lalong namula ang pisngi ko ng mahagip ko ang titig ng isang partikular na tao. Nakita kong nakatingin si Sir Ambrose, hindi kalayuan sa kinaroroonan namin. Nag-init lalo ang aking pisngi.

Hindi ko alam kung bakit sa tuwing naiisip ko siya ay nag-iinit ang pisngi ko na para bang sinisilihan. Nagsimula ito noong huling kita namin sa may ilog doon sa gubat, doon sa Nimpo kung tawagin ng mga tao sa Hacienda Monte.

Mas lalo akong hindi naging komportable, pinilit ko na lang na hindi pansinin si Lisle na patuloy pa rin ang pang-aasar sa akin.

Pagkatapos ng PE class namin, agad kaming dumiretso sa sari-sariling locker. Bumuga ako ng hangin at pagod na minasahe ang aking batok. Ngayon lang ako pupunta sa locker ko, kasi inutusan pa ako ng instructor namin. Si Lisle naman ay nauna na sa aking pumunta ng classroom para maghanda ng gamit. Uwian na rin kasi namin.

Habang naglalakad sa walang katao-taong pasilyo, napatigil ako ng may humigit sa akin sa beywang. Malakas akong napasinghap at halos sumigaw kung hindi ko lamang naamoy ang pamilyar na pabangong panlalaki.

"S-Sir Ambrose?" ramdam ko ang kaniyang braso sa aking beywang na nakapulupot mula sa likod.

Sinubukan kong magpumiglas pero pinigilan niya ako. "Stay still," seryoso niyang sambit na awtomatikong ikinatigil ko.

Lumunok ako at hindi mapigilang dalawin ng kaba, nakagat ko pa ang aking labi ng bahagyang manginig ako. Ramdam ko ang paggalaw niya, hanggang sa may itali siya sa beywang ko.

Bumaba ang tingin ko sa aking beywang para lamang makita ang coat na suot niya kanina, nakapulupot na iyon roon. Naramdaman ko ang paglayo niya sa likod ko kaya agad akong humarap sa kaniya. Ang mga mata ko ay nagtatanong sa ginawa niya.

Nakapamulsa siyang tumitig sa akin.

"Bakit?"

Binasa niya ang kaniyang labi at umiwas ng tingin sa akin. "May tagos ka. Hurry up, we'll be waiting you in the parking lot." Huh? Wala akong naintindihan kahit isa.

At bago pa man ako nakapagtanong ay agad niya na akong tinalikuran, umalis ng hindi man lang hinihintay ang komento ko.

Kagat ang labing pumunta ako sa classroom. "Oh bakit may ganiyan ka sa beywang?" tukoy ni Lisle sa coat na inilagay kanina ni Sir Ambrose.

"Mayroon kasi ako. Tapos ka na ba?"

"Yup, halika na uwi na tayo. Gusto ko na humiga sa kama ko e," nauna siyang naglakad pero hindi ako sumunod.

"Hoy, ano na?"

Napakamot ako sa aking sentido. "Kasi kanina nakita ko sina Sir A-Ambrose, tapos sabi hihintayin raw nila ako sa parking lot."

"Wait! Ambrose? Iyong nakaraan na pumulupot ang braso sayo? OMG. So ibig sabihin, Montealegro nga ang bumisita dito? Oh my gosh! Teka sabi mo diba naghihintay sa parking lot? Hala! Halika na, girl!" siya na mismo ang kumuha ng bag ko at nagdala.

Nagmamadali siyang hinigit ako papunta ng parking lot. Busangot naman ang mukha ko sa kaniyang ginawa. Sa malayo palang, kita ko na ang magkapatid na Montealegro na naghihintay sa akin. At ng makita ko ay umayos sila ng tayo, labag sa loob na nagpatianod ako sa higit ni Lisle.

Mas nauna pa ngang pumasok si Lisle at talagang sa may passenger seat pa talaga siya umupo habang si Señorito Demaro naman ay driver seat, mukhang siyang magdadrive.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumasok sa may back seat kasama si Sir Ambrose. Hawak ko ang aking bag na nakalagay sa ibabaw ng hita ko.

Huminga ako ng malalim ng nanuot muli sa aking ilong ang kaniyang pabango. Tahimik ang buong sasakyan, akala ko nga ay magdadaldal su Lisle pero mukhang tinamaan siya ng antok.

"Kuya, daan lang ako sa may Drive Thru, anong gusto niyo?" sabi ni Sir Demaro.

"Just the usual," sabi ng katabi ko.

Bumaling naman sa akin si Sir Demaro. "How about you, Raya?"

Siguro kahit tumanggi ako ay ipagpipilitan niya pa rin.

"Fries and sundae lang po," ngumiti naman siya salamin.

Pagkadating sa Drive Thru ay agad na nag-order si Sir Demaro. Tumanggi si Lisle kanina at bumalik sa pagkakatulog kaya para sa aming tatlo lamang ang inorder. Ilang saglit lang ang hinintay, agad na dumating ang order.

Pumarada muna kami para kainin iyong order, tahimik lamang ako na kinakain ang fries. Sinasawsaw ko pa iyon doon sa sundae kaya engganyo akong kumain.

Tahimik naman si Sir Demaro sa harap, may kausap rin siya sa kaniyang earpads, habang katabi ko naman at tahimik rin.

Ni hindi niya nga kinakain ang inorder sa Drive Thru, basta ay tahimik lamang siya.

"Sor..." napatigil ako sa pagkain at hindi sinasadyang napatingin kay Sir Ambrose.

Nakatingin siya sa akin at pinagmamasdan ang aking mukha. Hindi ako nakagalaw ng nilapit niya ang kaniyang mukha sa akin. At katulad noon ay hindi na naman ako makagalaw, para lang akong tuod na pinagmamasdan ang bawat galaw niya.

Tumingin siya sa labi ko katulad noon, tapos ay sa mata ko. "S-S-Sir," halos wala ng hangin na tawag ko sa kaniya.

"Can I have a taste?" sabi niya gamit ang paos na boses. "Just one taste," mas lalong lumapit ang mukha niya sa akin.

"P-Po?" kinakabahan na tanong ko.

Anong ibig niyang sabihin? Taste? N-Ng ano?

Nakita ko naman ang pagngisi niya bago humawak sa palapulsuhan ko. Nilapit niya sa kaniyang bibig ang kamay ko na may hawak na fries, naisawsaw ko na iyon sa sundae.

Umawang ang labi ko ng isubo niya ang fries sa kaniyang bibig. Natataranta akong lumayo sa kaniya, nabitawan niya ang pagkakahawak sa kamay ko.

Ngunit ngisi lang ang binigay niya sa akin at hinayaan akong lumayo sa kaniya.

Hanggang ngayon ay tulala pa rin ako sa mga nangyari nitong nakaraang araw. Lalo na sa tuwing makikita ko si Sir Ambrose, hindi ko maintindihan ang gagawin sa tuwing magtatama ang aming mga paningin.

Bumuga ako ng hangin at humiga sa kama ni Lisle, wala akong maintindihan kaya pinikit ko na lamang ang aking mata pero siya namang pagbungad sa akin ng mukha ni Sir Ambrose. Kaya agad rin akong napamulat.

"Alam mo, ilang araw ka ng ganiyan. Okay ka lang ba?" pagpansin sa akin ni Lisle na inaayos ang mask sa kaniyang mukha.

"May iniisip lang ako," sabi ko at tumingin na lamang sa kisame.

Ang tanging ilaw lang sa kaniyang kwarto ay ang LED lights niya, kulay blue iyon.

"Si Abe iyan no? Yieee, aminin mo..."

"Hindi!" agad kong deny sa sinabi niya.

"Kow, nahiya ka pa. Parang noong nakaraan lang kinekwento mo iyong tungkol sa coat na binigay kasi may tagos ka raw pero wala naman talaga,"

Kumunot naman ang noo ko. Ano naman ngayon? Kwinento ko lang naman kasi iyon kasi naguguluhan talaga ko.

Sabi kasi may tagos ako kaya pinagamit niya sa akin iyong coat pero noong umuwi naman ako, nakita kong wala naman pala akong tagos. At hindi pa ako dinadatnan.

Kinuha ko ang unan ni Lisle sa gilid at itinakip iyon sa aking mukha.

"Crush mo na iyong si Abe talaga, in-denial ka lang!"

Umiling lamang ako sa sinabi niya.

Crush? Gusto? Sa isang Montealegro? Imposible, wala akong balak magkagusto sa isa man sa kanila. Hindi sa isang Montealegro, hindi kailanman.

#CHOSKab3

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height