+ Add to Library
+ Add to Library

C5 Kabanata 4

Kabanata 4

Kuya

"Raya! Apo, pakitignan nga muna nitong niluluto ko," tawag sa akin ni lola. Pumasok ako sa kusina ng mansyon.

Nakita ko roon si lola na abala sa pagluluto ng tinola. Tumingin sa akin si lola at nginitian ako. Ngumiti naman ako pabalik, tapos ay naglakad papunta sa kaniya.

"Ikaw muna rito, maganda kong apo hah. Ako'y mag-aayos lang ng silid ng Don Montealegro, pauwi na raw kasi galing sa may bayan..." agad na ginaya ako ni lola sa kaniyang niluluto.

Sa totoo lang ay babantayan ko na lang naman iyong luto kasi nailagay na naman na lahat ni lola iyong sangkap sa tinola. Bumuga ako ng hangin at pinakatitigan ang tinola. Nakaramdam rin ako ng gutom dahil sa amoy, ang bango at nakakaengganyo kasi kumain.

Kapag si lola talaga ang nagluto, ibang klase. Kahit busog na ako, gusto ko pa rin magluto.

Wala sa sarili akong napangiti, nakaalis na si lola at ako na lamang ang nandito sa loob ng kusina. Matanda na ang lola ko pero napakalakas pa rin niya para sa isang matanda na ang edad ay setenta'y ocho na. Kaya naman bilib na bilib talaga ako sa kaniya.

Mahaba pa talaga ang buhay ng lola ko. Makikita niya pa akong grumaduate sa college. Kaya nga pinagbubuti ko talaga ang pag-aaral ko, para kahit papaano ay masuklian ko ang pagtataguyod niya sa akin.

Habang nag-iisa sa kusina, inabala ko na lamang ang sarili ko sa pagliligpit ng kaunting mga baso at kutsara roon. Magtatanghali na rin kaya siguro pagkatapos ng niluluto, ihahanda ko na rin ang hapag. Mabuti na lang talaga at wala akong ginagawa ngayong Linggo.

Minsan kasi, iyong mga schoolworks ko dinadala ko rin dito.

"Ate Raya?" napatingin ako sa tumawag sa akin.

Sa bukana papuntang hapag, nakatayo roon si Batseng habang may dala-dalang tray na walang laman.

"Oh, Batseng? Bakit?"

"May gagawin ka po ba mamayang gabi?" tanong niya sa akin bago unti-unting naglakad papalapit sa akin.

Bumaling ako sa hinuhugasan ko. "Wala naman, bakit?"

"Magpapatulong po sana ako sa inyo, hmm, magpapaturo po pala..."

Tinapos ko muna ang ginagawa bago muling binalik ang atensyon sa kaniya.

"Tungkol saan naman?"

"Sa ano po... Sa pagluluto po, pwede po ba?" napaisip naman ako kung bakit gusto niya sa aking magpaturo magluto.

Sino naman kaya ang ipagluluto niya?

Naningkit ang aking mga mata ng may mapagtanto. Teka, hindi kaya dahil sa crush niya? Si Sir Yaeb?

"Sabihin mo nga sa akin, kaya ka ba nagpapaturo magluto ay dahil kay Sir Yaeb?"

Kita ng dalawang mata ko kung paano pumula ang kaniyang pisngi na para bang nahuli ko siyang may ginagawang hindi kaaya-aya.

Agad siyang umiling sa akin. "H-Hala, hindi po!" tanggi niya sa paratang ko sa kaniya.

Pero nanatilili ang pagdududa ko. "Sugurado ka?"

Tumango siya ng mabilis at paulit-ulit sa akin. "Opo, gusto ko po kasing matuto talaga magluto. Malapit na rin po kasi magbirthday ang isa ko pong kapatid. Gusto ko pa sanang ipagluto sila kahit papaano," doon nawalanang pagdududa ko sa kaniya.

Nginitian ko siya at hinaplos ang kaniyang buhok. "Oh siya sige, hintayin mo ako dito sa kusina mamayang gabi... Sus alam ko lang talaga, ipagluluto mo rin si Sir Yaeb no?" biro ko na siyang ikinapula ulit ng pisngi niya.

Nagpaalam ako sa kaniya na maghahanda muna ako ng hapag, pero nagpresinta siya na tumulong kaya hinayaan ko na lang rin.

Habang naghahanda ng hapag, napatingin kami sa lalaking bumaba galing sa taas ng mansyon. Ang supladong mukha nito ang bumungad sa amin. May pagkakahawig rin ito kay Sir Ambrose, at hindi rin maikakaila ang kagwapihang taglay niya. Napailing ako ng basta niya lang kami nilagpasan.

At katulad iyon ng inaasahan ko, si Sir Yaeb iyon. Palagi siyang tahimik at hindi inaabala ang sarili sa pakikipagsalamuha sa ibang tao. Gaya ng mga usapan sa school namin, suplado nga.

Bumaling ako kay Batseng na natigilan, pula na naman ang kaniyang pisngi, halata iyon dahil maputi siyang dalaga.

Sa totoo lang, maganda si Batseng, ni hindi nga siya mapagkakamalang katulong lamang dito sa mansyon. Mahinhin ang kaniyang kilos palagi, mas mahinhin pa sa kung paano ako maglakad. Sa edad na kinse, hindi lingid sa kaalaman ko na marami talaga ang nagkakagusto sa kaniya.

Sa hacienda man o sa school.

Maamo ang kaniyang mukha, mahiyain at napakabait na bata.

Kaya nga minsan hindi ko maisip kung bakit siya nagkagusto sa katulad ni Señorito Yaeb. Halos hangin nga lang siya ituring ng tao, pero sa tuwing nakikita ay laging namumula ang pisngi, at kung minsan pa ay buong mukha.

Napatingin rin sa akin si Batseng, naningkit ang mata ko sa kaniya. Umiwas siya ng tingin sa akin at muling nag-ayos ng hapag. Natatawa akong muling naghanda.

Bumalik kami sa kusina ni Batseng matapos maayos ang hapag, nilagyan namin iyon ng mga kutsara at plato. Sakto naman ang pagdating ni lola.

"Nariyan na ang Don, ako na ang maglalagay ng pagkain sa hapag. Mga apo, pakitawag naman sina Galan para makakain na rin sila." Utos sa amin ni lola, nagkatinginan naman kaming dalawa ng Batseng.

"A-Ah, ako na ang tatawag kay Sir Yaeb..." sabi niya at mabilis na lumabas ng kusina.

Napailing ako at napakagat ng labi. Ibig sabihin, ako ang tatawag sa ibang nasa taas.

Bumuga muna ako ng hangin bago hinila ang sarili papunta sa taas ng mansyon. Hawak ko pa ang kulay puti kong bestida habang naakyat sa malaking hagdanan roon. Noong unang tapak ko rito sa mansyon, hindi ko mapigilan na mapahanga sa ganda ng loob.

Halatang mayaman ang nakatira, lalo na kapag makikita ang kakaibang disenyo ng mansyon. Pang-ibang bansa ang dating ng disenyo, isama pa ang iba't ibang pinta galing sa mga kilalang pintor. Halos lahat ng bagay din dito ay kumikintab na parang ginto.

Nang makarating sa itaas, isang mahabang pasilyo ang bumungad sa akin. Kumanan ako at pinuntahan ang unang pinto na nakita ko. Agad akong kumatok sa pinto.

"Pinapababa na po kayo, kakain na po..." bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Sir Demaro na may earpads sa tainga.

Nakangiti ito sa akin, nakahinga ako ng maluwag na sa kaniya pala ang kwartong kinatok ko.

"Hey, Raya! Thanks for telling me, ako na rin magpapababa sa mga kapatid ko..." sabi niya, agad akong nagpasalamat at tatalikod na sana para umalis nang magsalita muli siya. "...oh by the way, pwede bang ikaw na lang ang tumawag kay Kuya Abe? He's a little bit scary," napaawang ang labi ko na siyang ikinatawa niya.

Tinuro niya sa akin ang pinto ng kwarto ni Sir Ambrose. Gusto ko sana umapila pero agad niya na akong iniwan doon, para tuloy ako tanga na nakatayo sa gitna ng pasilyo.

Kinagat ko ang aking labi bago naglakad palapit sa pinto. Lumunok pa ako, medyo kinakabahan sa pagkatok.

Marahas akong bumuga ng hangin tapos ay kumatok ng marahan. Pero ilang segundo ay wala pa rin akong narinig na responde. Muli akong kumatok, mas malakas kumpara kanina.

"Sir, pinapababa na po kayo." Pero wala pa rin akong nakuhang ni ha o ni ho.

Bumaba ang tingin ko sa doorknob, iniisip na buksan iyon. Humawak ang kamay ko roon at dahan-dahang pinihit. Akala ko naka-lock, pero pagkapihit bumukas ang pinto. Malamig na simoy ng hangin agad ang naramdaman ko pagkabukas palang ng pinto. Kunot ang noo akong pumasok.

Madilim ang buong kwarto, ngunit may naaninag pa rin naman kahit papaano. Ang kurtina ay nakababa, sarado rin ang bintana.

Nilibot ko ang paningin sa buong kwarto. Ang akala ko, bubungad sa akin ang makalat na kwarto pero sobrang linis at ayos noon. Nasa tamang ayos ang bawat gamit na makikita, ang kulay itim na kama ay maayos na maayos, nakatiklop sa isang sulok ang unan at makapal na kumot.

Sobrang laki ng kwarto, doble ang laki sa kwarto ko, o baka mas triple pa nga e.

Nahagip ng mata ko ang isang kwintas na naroon sa gilid ng kama. Marahan akong naglakad palapit doon, kinuha ang kwintas pinakatitigan. Simple lang iyong kwintas pero nagsusumigaw ang pagiging mamahalin, ang pendant noon ay isang pahabang dyamante na may nakaukit na Montealagro ng pahalang.

Ito ang palatandaan nila ng pagiging Montealegro. Wala sa sariling hinaplos ko ang pendant ng kwintas.

"What are you doing here, Sor?" naibalik ko sa kinalalagyan ang kwintas at mabilis na humarap sa nagsalita.

Pero agad akong nagsisi sa pagharap, dahil tumambad sa akin ang hubad na si Sir Ambrose na tanging tuwalya lamang ang tumataklob sa ibabang bahagi ng kaniyang katawan. Ang tubig mula sa kaniyang buhok ay tumutulo pa sa kaniyang maskuladong katawan.

Mabilis akong umiwas ng tingin sa katawan niya, pilit ko ring tinago ang pag-iinit ng pisngi ko.

"I didn't know that you're a naughty girl," may kung ano sa kaniyang beses ang nagpailing sa akin bigla.

Humarap ako sa kaniya. "Hindi! W-Wala kasing sumasagot kanina nang kumatok ako, akala ko kasi natutulog ka pa. K-Kaya pumasok na ako,"

Tumaas ng bahagya ang kaniyang kilay, hindi naniniwala sa sinabi ko. "Uh-huh," nakagat ko ang labi ko.

"Pinapababa ka na kasi, tanghali na rin, kaya kakain na." Mahina kong sabi sa kaniya.

"Sige po, sir. Baba na po ako."

Mabilis akong tumalikod sa kaniya at lalabas na sana ng kaniyang kwartong nang higitin niya ang aking braso. Isinandig niya ako bigla sa gilid ng pintuan, tapos ay nilapit ang katawan sa akin.

"S-Sir?"

Umigting ang kaniyang panga sa pagtawag ko sa kaniya. "Next time don't enter my room without my permission, have some self-conscious, little girl."

Huh?

"P-Po?" wala akong naintindihan kahit isa sa mga sinabi niya. Naliliyo ako sa sobrang lapit namin, isama pa na naaamoy ko ang kaniyang panlalaking sabon.

"Damn it. You're still young," literal na lumaki ang mata ko ng mas bumaba ang kaniyang mukha.

Unti-unting bumaba ang kaniyang mukha habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.

Hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking kanang pisngi. Napahawak ako sa kaniyang braso, kumukuha ng lakas dahil nanginginig ang tuhod ko. Sobrang lakas rin ng tibok ng puso ko at halos mawalan pa ako ng hangin. Lalo pa't ang isang kamay niya ay lumapat na sa aking beywang.

Halos sampung segundong nakalapat ang kaniyang labi roon ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya kaya mabilis ko siyang naitulak palayo sa akin.

"What the?" bumungad sa may pintuan si Sir Yaeb na salitang nagpabalik-balik ang tingin sa aming dalawa.

Napatingin ako kay Sir Ambrose na malamig ang tingin kay Sir Yaeb, wala na ang mapaglarong awra at napalitan ng pagkaseryoso.

"What the fuck, Abe?" malutong na mura ni Sir Yaeb na tuluyang pumasok sa kwarto.

At bago pa sila mag-away ay agad akong nagpaalam na umalis. Halos takbuhin ko pa pababa ang hagdan, makaalis lang roon. Nakatungo akong dumaan sa may hapag, ni hindi binibigyan ng tingin ang mga tao roon. Nang makarating sa kusina ay napabuntong hininga na lang ako.

Nararamdaman ko pa rin ang pag-iinit ng pisngi ko. Pati na rin ang init ng labi ni Sir Ambrose sa aking pisngi ay parang tumatak na sa aking balat.

Napapikit ako at nanghihinang umupo sa may upuan sa kusina. Ilang beses na paulit-ulit na bumabalik sa aking isip ang nangyari kanina sa kwarto ni Sir Ambrose. Naitaklob ko ang aking palad sa aking mukha. Hindi na dapat maulit pa iyon. Hindi na dapat.

Isa siyang Montealegro, at hinding-hindi ako mahuhulog sa isang katulad niya.

Sumapit ang gabi, tapos ng maghapunan ang mga Montralegro, at kaming dalawa na lamang ni Batseng ang natira sa baba kasama ang ibang mga kasambahay.

Gusto raw matuto ni Batseng na magluto ng adobong manok, kaya naman iyon ang ituturo ko sa kaniya. Magluluto kami ngayon at ang mailuluto ay iuuwi niya sa kanilang bahay para sa hapunan ng mga kapatid niya.

Alas-siete palang naman, maaga rin kasi naghapunan ang mga Montealegro.

"Ihanda mo muna ang mga gagamitin mo sa pagluluto, tapos iyong rekados simulan mong gayatin." Sabi ko sa kaniya na agad niyang sinunod.

"Pagkatapos, habang hinahanda mo iyong mga rekados, pakuluan mo iyong manok para lumambot..." lahat ng sinabi ko ay kaniyang sinunod.

Mukhang seryoso pa nga siya sa kaniyang ginagawa. Hinayaan ko siyang kumilos sa pagluluto, habang ako ay sinasabi lang ang mga dapat niyang gawin. "Okay na iyan, hintayin mo na lang na maluto."

Nakangiti siyang tumango sa akin, para pa siyang bata na pumalakpak.

Ilang saglit pa ay nagpaalam siya aayusin ang mga gamit na naiwan sa Maid's Quarter.

Naiwan ako roon na pinagmamasdan ang kaniyang niluto. Napangiti ako ng maamoy ang aroma ng adobo ni Batseng, amoy palang mukhang masarap na. Hindi na masama sa baguhang magluto, para pa ngang sanay na siya magluto kanina.

Hinalo ko ang luto ni Batseng at kumuha ng kaunting sabaw para tikman. At napakasarap non, siguradong kapag natikman ito ni lola, baka mapalakpak iyong sa tuwa.

Narinig kong may pumasok sa kusina, mukhang si Batseng iyon.

Kaya nakangiti akong humarap sa kaniya. "Batseng tikman mo itong niluto mo-" unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi ng makita ko si Sir Ambrose na nagsasalin ng wine sa kopita.

Nasa harap siya ng nakabukas na refrigerator. Binalik niya ang bote sa loob ng ref bago sinara iyon. Sumandal siya doon tapos ay humarap sa akin, nakahalukipkip siyang hawak ang kopita sa kaniyang kaliwang kamay.

"So you're still here," paos ang kaniyang boses.

Bumaba ang tingin ko sa kaniyang suot, nakapajama na kulay itim siya na parang kumikintab ng dahil sa telang ginamit, habang puting sando naman ang suot sa kaniyang pang-itaas. Kaya kitang-kita ko ang mga muscles niya sa kaniyang braso.

Agad akong umiwas ng tingin sa kaniya.

"Ikaw po pala, Sir Ambrose. May kailangan po ba kayo?" tanong ko ng hindi tinitignan ang kaniyang mata.

"Yeah," tumingin ako sa kaniya bago muling umiwas.

"Ano po iyon?"

Naglakad siya papunta sa harap ko kaya napasandal ako sa gilid ng lababo. Muli akong binundol ng kaba sa uri ng tingin na binibigay niya sa akin. Sumimsim siya sa kaniyang kopita bago iyon ibinaba sa may gilid malapit sa akin.

Itinuon niya ang kaniyang dalawang kamat sa magkabilang gilid ko. Tapos narinig ko ang pagpatay niya sa apoy ng niluluto ko.

Titig ang mga mata ko sa kaniya.

"I need you..." nahigit ko ang aking hininga ng magsalita siya. "...to stop calling me sir."

"B-Bakit po?" halos manginig kong tanong sa kaniya.

"Just stop calling me that way, and stop using po on me." Kunot ang noo niya habang sinasabi iyon.

"S-Sige, edi kuya n-na lang?"

Kita ko ang mariin niyang pagpikit pati na rin ang paggalaw ng kaniyang panga.

"Fuck, kuya? Really?" ramdam ko ang inis sa kaniyang tono.

Umiwas ako ng tingin ng hindi ko na makayanan. "M-Mas matanda ka sa akin!"

"Yeah right, just call me by my name okay? Not kuya, not that fucking one!"

Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Hindi ba dapat ay galangin ko siya? Kasi 'di hamak naman na mas matanda siya sa akin ng maraming taon. Ang alam ko nga bente kwatro na siya. Pitong taon ang tanda niya sa akin, kaya dapat lang na tawagin ko siyang kuya.

Bumalik ang tingin ko sa kaniya. Nakita ko kung paano mas nagsalubong ang kaniyang makakapal na kilay, halos magdugtong na nga iyon.

"Kuya Ambrose, ano bang mali doon?"

"Kuya Ambrose?" ang tono ng kaniyang boses ay parang nainsulto sa tinawag ko sa kaniya.

Ilang mura ang lumabas sa kaniyang boses.

Nagsisimula na rin mamuo ang inis ko sa kaniya. "Bakit ba kasi hindi pwede ang kuya?!"

Marahas siyang bumuga ng hangin. "Do you really want to know, huh?"

Kunot ang noo akong tumango. Pero nawala rin iyon ng mas inilapit niya ang kaniyang katawan sa akin, katulad ng pagkakalapit namin noong nasa kwarto niya kami.

"B-Bakit?" nanginig ang boses ko, gayon din ang aking tuhod.

"Because a brother would never think of kissing his little sister, Sor..."

"A-Ano? Ano namang mali kung humalik sa pisngi ang kuya? Normal naman iyon ah!"

Nangngitngit ang kaniyang panga sa sinabi ko. Tapos ay naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking pisngi at hinaplos iyon.

"I never said in cheeks. Hindi sa pisngi, Sor.... Sa labi mo," kasabay non ang pagbaba ng haplos ng kaniyang daliri sa aking labi.

Naging madilim na berde ang kulay ng kaniyang mata. Napalunok ako sa kaniyang sinabi at mabilis siyang itinulak.

A-Anong ibig niyang sabihin?

#CHOSKab4

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height