C8 Kabanata 7
Kabanata 7
Babaero
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at lumayo sa kaniya ng upo. Pinagmasdan niya lang naman ako at walang sinabi. Ang kaniyang kulay berde na mga mata ay tutok na tutok sa akin na parang ako ang pinakapaborito niyang palabas sa telebisyon. Hindi ko tuloy magawang maging komportable, pakiramdam ko kasi, pinagmamasdan niya ang bawat galaw.
Tumikhim ako, napatingin ulit sa kaniya