+ Add to Library
+ Add to Library
The following content is only suitable for user over 18 years old. Please make sure your age meets the requirement.

C1 KABANATA 1

"Maghiwalay na tayo." Malamig at walang awa ang kanyang tono. Walang emosyon ang mga mata niya nang sabihin niya ang mga masasakit na salitang iyon.

Walang magawa ang mga luhang namumuo sa mga mata ko. Nanahimik ako. Ang aking puso ay marupok at nadudurog, mahal ko siya, pero may lakas pa rin siya ng loob na sirain ang halaga ko.

Nanginig ang labi ko nang idausdos niya sa akin ang mga papel na nasa mesa. Nang makita kong malinaw ang pirma niya, parang nabasag ang puso ko sa isang iglap. Pakiramdam ko ay nagdurugo ito sa loob ng dibdib ko.

Tumama ang anino niya sa akin nang tumayo siya. "I already called your dad about this, so you don't need to worry about his reaction." Malalim at malamig ang boses niya.

Pinagmasdan ko kung paano siya tumingin sa kanyang relo nang hindi man lang ako sinusulyapan. "After signing the papers, you can put it inside my drawer. You can ask Sebastian to drive you back to the Daño's mansion if you want to." Ang kanyang mga mata ay hindi nababahala. "Aalis na ako."

Hinintay kong magsara ang pinto bago kumawala ang basag kong boses sa aking maputlang labi. Masakit. Sobrang sakit! Nanlalabo ang paningin ko kasabay ng mabilis na pagbagsak ng mga luha ko.

Sa loob ng tatlong taong paghihirap, ito ang mismong sandali kung saan ang aking limitasyon ay hindi na makakayanan pang kumapit. Mahal ko siya. Sobra ko siyang mahal kahit gaano siya kalamig sa akin. Wala akong pakialam kung hindi tumingin sa akin ang kulay abo niyang mga mata, o medyo hindi kaaya-aya ang pakikitungo niya. Kuntento na ako sa dalawang salita niya araw-araw.

Ang mga salitang 'Magandang umaga' ay napakaligaya sa aking pandinig noon, ngunit ngayon ay nababasag ako nito.

Pinulot ko ang panulat, dahan- dahan kong pinirmahan habang humihikbi. Hindi ko alam kung nasa tamang lugar ang pirma ko dahil hindi ko na makita ang mga papel dahil sa luha ko. Naramdaman ko pang nabasa ang mga papel.

Paano? Paano nasira ang aming masayang pagsasama? Paano nauwi sa lamig ang aming pagmamahalan? Hindi naman ganito! Hindi ito ang gusto ko.

Pagkatapos ng isang oras na pag-iyak, dali- dali akong pumunta sa kotse ko at nagmaneho kung saan ako dadalhin ng isip ko. Thirty minutes akong nagmaneho nang marating ko ang lugar na puno ng alaala. Pagkatapos kong na park and kotse ay lumabas na ako para maramdaman ang malamig na simoy ng hangin.

Maganda ang paglubog ng araw ngunit hindi tulad ng dati, nasaksihan ko itong mag-isa. Wala siya, wala. Nag- iisa lang ako, nasaktan at nasasaktan.

Walang ibang babae. Hindi siya nanloko. Ipinaliwanag niya kung ano ang kanyang dahilan ngunit mas lalo lang akong nasaktan.

'I'm sorry, I fell out of love.' Nakakatawa diba? Nagising daw siya isang araw, narealize niya na hindi na niya ako mahal. Pinaramdam niya sa akin na parang simpleng kaso lang ito. Wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman ko. Gusto lang niyang putulin ang aming relasyon.

"Princess..."

Lumingon ako para tingnan kung sino ang nagmamay-ari ng pamilyar na boses. Ang pagmamasid na may lungkot, na may habag sa kanyang mga mata ay naging dahilan upang gusto kong wakasan ang aking buhay nang labis.

Marahan niya akong niyakap at hinaplos ang likod ko habang umiiyak ako ng sobra. "Ok lang anak. Lahat ng ito ay magiging okay din."

"B-bakit dad? What did I do to d- deserve this? N-naging mabuti akong a-asawa. Alam niyang m-mahal ko siya ng s-sobra." Nauutal ako habang sinasabi ang mga katagang iyon.

"Tahan na anak. Nandito na si Daddy, gagaling ka." Iginiya niya ako para tumayo dahil puno ng buhangin ang damit ko. "Alam ko kung gaano mo siya kamahal. Alam ko rin na minahal ka niya. Baka may mas magandang plano ang tadhana para sa inyong dalawa."

"Punta muna tayo sa Villa, hinihintay ka na ng mama at mga kapatid mo." Malambing niyang sabi tyaka akoa tumango.

Sinulyapan ko ang araw pero huli na ang lahat. Kinain na ito ng tubig at ulap. Ang liwanag ay naglaho at ang dilim ay lumitaw, tulad ng kung paano natapos ang aming kuwento ng pag- ibig.

Sinundan ko si papa sa Villa namin malapit sa beach at sinalubong ako ng mga gwapo kong kapatid. Kahit papaano, binago nito ang malungkot na kapaligiran.

"Princess!" Inatake ako ng triplets ng mahigpit na yakap na nagpainit sa wasak kong puso. "Bumalik na kami!" bulalas nila.

Ngumiti ako pabalik. "So all of you decided to come home after knowing that I'm broken hearted? Should I be touched about it?" I tried my best para gumaan ang mood ko.

Si Andrew, ang aming panganay ay ngumiti pabalik at tinapik ang aking ulo na parang alagang hayop. "Syempre ikaw yan ih. Si Casper nga hindi na sumali sa meeting niya sa Los Angeles nang tinawagan kami ni papa."

Tumawa si Casper saka nag cross arms. Umupo siya sa sofa habang nakatingin sa amin. "Kung ikukumpara sa ginawa ni Dean? Hindi man lang naging isyu ang pagkansela ng international meeting." Mapaglaro niyang sabi.

Napatingin kaming lahat kay Dean, ang kuya ko na inosenteng nakatingin sa amin with his charismatic face.

He shrugged his shoulders before saying, "My baby told me to comfort my dear sister though. Damn it! She just fucking postponed our honeymoon?!"

"Ang bibig mo Dean Mathew Daño!" Napuno ng tawanan ang sala nang umalingawngaw ang galit na boses ni mommy. Ayaw niya sa mga taong mahilig mag curse.

Hinampas ni mama ang mga braso ng mga kapatid ko bago niya ako tuluyang tinitigan ng marahan. Unti-unti na namang nanghina ang katawan ko.

Ang mga mata ng aking ina, alam ko kung ano ang nasa loob ng mga iyon. Alam kong nasasaktan din siya.

"Anak, pasensya na at natagalan si mama." Dahil sa sinabi ni mama, napaluha na naman ako. Sabi ko na nga ba! Naawa sila sa akin.

"Alam kong minahal ka ni Black, pero sa tingin ko, kasalanan namin ang pag-aayos ng kasal niyo ng masyadong maaga. Sana mapatawad mo si mommy at daddy." Malumanay ang boses niya kaya gusto ko itong pakinggan ng paulit-ulit.

Tumango ako ng maraming beses bago nila ako niyakap lahat. Isang family hug.

"Don't worry princess, andito ang mga gwapo mong kapatid. Well, aside from dad na ang panget."

"Ano ang sinabi mo?!" Umalingawngaw ang malakas na boses ni Dad nang kulitin siya ni kuya Andrew.

Bumuntong-hininga si mama at kinurot ang tenga ni dad na nakakuha ng mga ngiti namin. Talagang ginawa sila para sa isa't isa. Sana kami din, pero malupit ang mundo.

Naramdaman ko ang malambot na palad ni mama sa mga kamay ko bago nagsalita si kuya Casper, "Anong gusto ng prinsesa namin? Ibibigay sa kanya ni Kuya Casper."

“Ang guwapo mong kapatid na si Dean ay magbibigay din sa iyo nga regalo mahal na prinsesa, kung hindi, patutulugin ako ng baby ko sa sahig." Napangiti ako nang marinig ko ang sinabi ni kuya Dean. Talagang dramatic. Kahit papaano, napagtanto ko na hindi pa ito katapusan ng mundo.

Naramdaman kong tumulo ang luha ko sa huling pagkakataon. Ang ginawa ko lang ay mahalin siya, binigay ang lahat para sa kanya pero hindi pa rin sapat. Isinusumpa ko na ito na ang huling luha ko, ang huling pag- asa ko, at ang huling pag-iisip ko sa kanya.

Sa sandaling bumalik ako, magiging mas malakas at matapang na ako. Ipaparamdam ko sa kanya na ang pagpapakawala sa akin ay ang kawalan niya at hindi saakin. Na kaya kong mabuhay ng wala siya. Na kaya kong magmahal ng ibang lalaki bukod sa kanya. At ito, mamarkahan ko ang mga salitang ito.

***

This is the FILIPINO version of my story CLAIMED BY MY EX-HUSBAND. The original language of this story is english.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height