+ Add to Library
+ Add to Library

C10 CHAPTER 10

Queen's POV

Kahit kailan talaga won't tatlo.

"Hoy! Huwag niyo akong titigan ng ganiyan! Hindi pwede ang same gender, hindi ko kayo sasamahan!" Agad kong litanya dito.

"Tsk, alam naman namin na magaling ka mag basketball." - Dawn

"Oo nga, noong nandito ka hindi namin alam may alam ka pala sa basketball." - Heaven

"Naalala ko pa, noong pinapasok niya sa ring yung bola tulala yung teacher natin hahaha." - Dove

Tsk, dapat bang alalahanin pa yon? Nakaraan na yun eh-.-

"Ms. Severenity, balita ko ay magaling ka daw maglaro ng basketball, totoo ba 'yon?"

Biglang napunta sa akin ang atensyon ng lahat noong nagtanong yung teacher namin.

"May alam lang sa paglalaro..." Wika ko.

"Psh, maniwala, siguro nga kapag nagkasugat pa yan iiyak na yan." Sabi nito sabay irap na para bang titirik na yung eye balls niya, ang sarap nga dukutin.

"Teacher, saan niyo nalaman yan? Hahaha baguhan pa nga lang yan tapos magaling na agad? Hahaha!" Dugtong pa nung isang babae.

"Bakit? Ano bang alam niyo? Magpaganda? Rumampa sa harapan ng lalaki sabay paawa tapos pa-victim? Tsk, ang haharot naman."

Nagpigil ng tawa yung tatlong katabi ko dito, ewan ko ba. Hindi ko mapigilan kapag sinasabihan ako ng hindi maganda. Kung sabagay, hindi naman nila ako nakilala noong nandito ako nag-aaral.

"I want to challenge Queenie to a match." Nagulat ang lahat ng bigla akong hamunin ni Kieffer. One on one ba ito? Girl vs boy?

"Seryoso ka diyan?" Bakit niya ako hahamunin? Kilala niya ako, may alam ako sa paglalaro ng basketball, siya pa nga nagturo sa akin no'n, bakit bigla niya akong hahamunin?

"Are you afraid?" Pang-iinis nito habang nakangiti. Anong binabalak ng lalaking 'to?

"Nako girl, hinahamon ka ni Kieffer." - Dove

"Parang seryoso naman siya." - Dawn

"Teka, pagsasabihan ko yan..." - Heaven

"No, does he want a fight? Then let's give him what he wants, I never refuse the challenge." Confident kong wika sa tatlo.

"Baka naman pinag-tri-tripan ka lang ng mga yan." - Heaven

"Yeah, Titus Five yan, duh." - Dove

"Tsk, anong akala niyo sakin magpapa-trip sa kanila?" - Me

"Nga naman, si Haisley yan eh, Queen kaya yan. Reyna ng mga pasaway! Huwag ka ng pumatol diyan!" - Heaven

"No, kapag sinabi ko, final na 'yon!" - Me

"Edi go, kapag ikaw nagkaroon na naman ng sugat patay ka sa Mom mo." - Heaven

Ngumiti naman ako ng nakakaloko, harap-harapan Kieffer. Sige, kung ito ang paraan mo para gumanti sa Kuya Nick ko. Pagbibigyan kita sa hamon mo.

Dineklara ng teacher namin ang laban naming dalawa ni Kieffer na gaganapin dito sa basketball court. One on one ang labanan. Hindi pa pala ako nag stretching!

Kami ng bahala kung sino ang unang hahawak sa bola. Sabi ko naman si Kieffer na pero tumanggi siya, ako na lang daw.

Pumito na si teacher at ibinigay na sa akin ang bola, naalala ko mga turo noon sa amin at noong naglaro kami ni Kieffer.

Una ang pag-hawak namin sa bola, yeah mahalaga yon lalo na kapag mag shot ka na sa ring.

Kapag ang lay ups kasi dapat madaming practice gamit ang dalawang kamay. Ang goal kasi dapat pantay-pantay ang pagkakagamit mo sa left and right ng kamay mo. Syempre susuportahan din ng paa.

Kung gagamitin mo sa pagtalon ang kaliwang binti mo dapat kanang kamay naman ang gagamitin mo kapag mag-shoot kana. Kapag kanang binti naman dapat kaliwang kamay ang gamitin.

Kapag ginawa ito dapat malapit sa basket, hindi rin dapat nagdri-dribble at gumamit lamang ng isang hakbang kapag mag-shoot. Syempre mahirap pero kailangan mong pagsikapan.

Kapag naman mag dribble, dapat ang gamitin na pang dribble yung kaliwang kamay at kapag mag-shoot naman gamit kaliwang kamay and vice versa.

Kapag ball handling naman dapat pantay ang pag-gamit mo ng kaliwa at kanang kamay sa pag-dribble.

Dapat mo ring malaman kung paano tumakbo, tumalon, laktawan, pag-hinto at iba pa.

Kasama pa ang pagpasa pero wala naman akong kasamang team so huwag na ako mag explain do'n hahaha tapos offense and defense.

Third Person's POV

Nagsimula na ang laban nila Queenie at Kieffer, noong una ay si Queenie ang humawak ng bola. Parehas silang magaling, matapos makapag-shoot ang isa ay ganon din ang isa.

Kung panonoorin ang laban nila parang alam nila ang bawat kilos ng isa't-isa. May pagkakataon na nasasaktan si Queenie at si Kieffer pero patuloy parin sila.

Hanggang sa natapos na ang laban at nanalo si Kieffer ng isang puntos.

Parehas silang pagod ngunit hindi nila ito pinapansin at agad naman silang nilapitan ng mga kaibigan nila.

"Dude, ang galing nung nakalaban mo!" - Ron

"Parang iisa lang kayo ng katawan! Ang galing niyo sa offense at defense." - Dous

"Akala ko walang babae ang kayang makipag sabayan sa paglalaro ng basketball!" - Vash

"Tumigil na kayo, pagpahingahin nyo muna si Kief." -Crave

"Hehehe oo nga naman Boss." -Ron/Dous/Vash

Dahil sa sakto ang oras ng matapos sila ay pumunta na ang mga estudyante sa susunod na teacher nila.

"Wala ka pa ring pinagbago pagdating sa sports girl!" - Dawn

"Ano na naman ba yang sinasabi mo Dawn?" - Queenie

"Nako Haisley! Kung nakita mo lang mga galawan mo kanina nakakatomboy!" - Heaven

"Eww, tigilan mo nga ako sa ganiyan Heaven, tomboy-tomboy, takot ka nga sumakay ng kotse ko!" - Queenie

"What?! Kotse mo?!" - Dawn/Dove

"Yeah, meron siyang kotse, kagagamit lang namin kahapon noong bumili kami..." - Heaven

"Ano?! Tapos hindi niyo kami sinama?!" - Dove

"Psh, hindi rin naman tayo makakasama puro ka shopping Dove." - Dawn

"Ay oo nga pala Ate Dawn hehehe." - Dove

"Tsk, wala ng pag-asa tong si Dove, pft." - Queenie

Patuloy lang silang nag-uusap hanggang sa makarating sila sa susunod na teacher nila.

Queen's POV

—Fast forward—

"Hayst, nakakapagod." Sabi nito sabay inihiga ni Heaven ang ulo nito sa lamesa at pumikit.

"Hoy Heaven, bawal matulog dito. Mapapagalitan ka niyan kapag nakita ka nila." Yeah, tama naman yung sinabi ni Dove.

Nasa canteen kami ngayon, tapos na kasi yung ibang subjects namin kanina.

"Hmm, pagod ako kaya hayaan niyo muna ako." Wika naman nitong si Heaven.

"Ikaw pa napagod? Kamusta naman kaya ako na naglaro ng basketball?" Grabe naman, dapat ako yung nagpapahinga-.-

"Hahaha, parang wala nga lang sayo yung paglalaro niyo ni Kieffer." - Dove

"Speaking of Kieffer, bakit parang kilala mo siya kung maglaro aber?!" - Dawn

"Ayan na naman tayo sa tanong niyo. Sinabi ko na sa inyo noon, parehas kaming nag-pra-practice maglaro noon." - Pagpapaliwanag ko.

Bakit ba kasi ayaw nila maniwala? Sus, nag-iisip na naman sila ng kung ano. Kung ako sa kanila masisira lang utak nila kakaisip no'n.

"Pero to think of it ah, sa tagal ng panahon parang kagaya parin kayo ng dati. Hmmm, parehas parin ba kayong naglalaro?" - Heaven

Akala ko naman nakaidlip na ang isang babaeng 'to.

"Edi kung parehas kaming naglalaro sana kilala ko yang Titus Five na yan!" Tumango naman sila bilang pag-agree sa sinabi ko.

"Hello girls!" Parehas kaming nagulat ng may lalaking bumati sa amin. Laking gulat ko ng si Rondell ito ng Titus Five.

"Ano na namang gusto mo ha?!" - Dawn

Oh, ang init ng ulo ah. Pagkakita nila kay Rondell bigla akong nakaramdam ng matatalim na tingin hahaha.

"Chill, pagnakikita niyo ako lagi kayong ganiyan sa'kin hehe." - Rondell

"Ang sagot lang naman dyan huwag ka ng pupunta dito!" - Heaven

"Galit ka parin sa'kin?" - Rondell

"Malamang galit na galit na galit parin siya sayo kaya kung ako sayo. LUMAYO KA NA AT HUWAG KA NG MAGPAPAKITA SAMIN!" - Dawn

"Ouch, ang harsh niyo naman sa'kin." - Ang uma-acting pa siya na nasasaktan sa puso niya. "Queenie, tulungan mo naman ako." Sabi nito at lumapit sakin sabay yakap sa braso ko.

Bigla akong nainis sa ginawa niya pero bakit parang may nakatitig sa akin?

"Rondell pangalan mo right? HINDI TAYO MAGKAIBIGAN KAYA BAKIT KITA TUTULUNGAN?!" Dahil sa pagsigaw ko nakuha ko ang atensyon ng lahat pero wala akong pake, agad ko ding tinulak siya sa pagkakayakap sa braso ko.

"Gosh! Ti-tinulak niya si Ron!"

"Tsk, bagong salta pa lang dito gumagawa na ng gulo."

"Tama, tapos kasama pa sa Titus Five. Pag ito nalaman ni Crave malalagot yang babaeng yan!"

Psh, anong akala nila sakin walang kalaban laban?! Wow! Eh kung sapakin ko na 'tong babaeng 'to ng malaman niya kung kanino dapat siya matakot?!

Tumayo naman si Rondell at hinila naman ako nung tatlong powerpuff girls na'to.

"Sinong nagsabi sayong saktan si Rondell!" Galit na sigaw nito. Naghihimutok na nga mukha niya sa sobrang galit o dahip sa makeup niya lang 'to?

"Katawan ko'to! Kung anong gusto kong gawin wala ka ng pakialam do'n! O baka naman gusto mong masaktan ka rin?!" Paghahamon ko dito.

"Baka ikaw ang masaktan! Iisa ka lang at tatlo kami!"

Ohh, issue na yung isa laban sa tatlo?

"Yeah! Iniwan ka na ng tatlo mong kaibigan! Hah! Mga takot naman pala, wala ka ng kakampi!"

Tinignan ko yung tatlo na nasa likod ko at seryosong nakatingin lang sa amin. Mukha namang hindi sila takot, tahimik lang naman sila at ganiyan talaga ginagawa nila kapag may gulo.

Hindi sa natatakot sila or what, simula kasi ng makidnap ako noong bata sinabi ko na sa sarili ko na walang madadamay ng dahil sa'kin.

Simula ng mapasama ako sa gulo sinabi ko na sa kanila na huwag nilang tatangkain na makialam o magsumbong sa mga teachers hanggang sa ayun, nasanay na sila pero kapag tapos na tyaka sila lalapit sa akin at kakamustahin ako.

"Hmm, sorry ah? Hmm, bakit nga pala ako magso-sorry sa inyo, mga wala naman kayong alam!"

Matapos ng sinabi kong yon bigla akong nakaramdam ng init sa pisngi ko, matapos non mga ilang minuto nakaramdam ako ng sakit kaya napahawak ako doon.

"Dami mong sinabi! Ang kapal pala ng mukha mo 'no? Halata kasi nong sinampal kita eh. Ang tagal bago mo naramdaman sampal ko." Confident na wika nito.

"Ohh, akala ko kasi kagat lang ng langgam. Yun na yon? Ang hina kasi, ganito ang totoong sampal." Sabi ko dito at sasampalin ko na sana siya pero tinigil ko. "Ohh, bakit ka pumikit? Wala pa nga pumipikit ka na?" Siguro naramdaman niya na walang masakit sa pisngi niya kaya pagkadilat nito atsaka ko siya tuluyang sinampal ng malakas.

"Ohhhh!" Sigaw naman ng lahat.

"Isusumbong kita sa teacher namin! Makikita mo!" Kahit na gulat pa ito sa nangyare sa kaibigan niya at natakot sinabi niya parin 'yon sa'kin. Tinignan ko yung kaibigan nila na sinampal ko.

Pft, ang ganda nung design, saktong-sakto sa palad ko hahaha. Aalis na sila pero nagsalita akong muli.

"Paalala ko lang, kung gusto niyo ulit masaktan lumapit lang kayo sa'kin ha? Always open naman 'tong palad ko para sampalin kayo sa katotohanan na hindi ako natatakot sa inyo kahit magsama-sama pa kayo! Nga pala, souvenir ko na sa inyo yung signature ko." At 'yon umalis na nga sila habang umiiyak yung babaeng sinampal ko.

Hinawakan kong muli yung pisnge ko na ngayon mainit parin sa pakiramdam.

"Haisley, ok lang ba pisnge mo?" - Dawn

"Gusto mo hintayin natin mamayang uwian yung tatlong 'yon?" - Heaven

"Para saan naman yon?" - Me

"Syempre dapat picturan natin yung palad mo don! Gusto kong makita kung gaano kapula yung pisnge niya ngayon katulad ng maputok na labi niya." - Dove

"Ikaw ba talaga yan Dove? Saan mo natutunan yan? Hahaha." - Dawn

"Bakit Ate Dawn, may sinabi ba akong mali?" - Dove

"Pfft, nagustuhan ko yung sinabi mo Dove. Nice one!" - Heaven

"Hayst, na saan na yung Rondell na yon?" - Me

"Wala na, umalis nong sinampal ka nung babae." - Heaven

"Pumasok na nga tayo sa room. Nawalan naman na ako ng ganang kumain." - Me

"Paano yung sinabi nila, isusumbong ka ulit nila sa teacher." - Dawn

"Hayaan niyo na yun. Hindi naman yun problema. Tapos na din akong maging mabait sa mga estudyante dito. Masusuka lang ako." - Me

Matapos ng pag-uusap naming yon pumasok na kami sa mga room namin. Hiwa-hiwalay kasi mga lesson namin. Hanggang sa uwian na namin pero...

"Ms. Severenity, pinapatawag ka sa faculty office." Tawag sakin nung isang teacher.

Faculty office? Pft, sinumbong talaga nila ako?

"Sige," Sabi ko naman.

Hindi na ako magpapa-alam sa kanilang tatlo. Mukha namang alam nila kung saan ako pupunta at kung saan nila ako iintayin hahaha.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height