+ Add to Library
+ Add to Library

C11 CHAPTER 11

Queen's POV

"Ms. Serevenity..." Paninimula ng prinsipal. "You need to teach Mr. Cresty, no buts." Dagdag nito.

Wait, namamali ba ako ng dinig or not?

"Is this a punishment for me or this is an order?"

"Both Ms. Severenity."

Tsk, both? "Then why me? Pwede naman yung ibang students na valedictorian or mismong teacher?"

"I said no buts..." Aba, alam ko naman yun!

"I'm just asking Mr. Prinsipal." Diba? Nagtatanong lang naman ako, psh.

"Ok, if you're curious about this..."

Wala ng nagawa pa si Mr. Prinsipal at sinabi na niya sa akin.

Matapos kong malaman iyon ay umalis na ako doon. Bukas ako magsisimula kaya naman kailangan kong maghanda. Teka, need pa ba 'yon?

Malamang! Siya lang naman yung Crave na 'yon! Ano pa bang aasahan ko sa gunggong na 'yon? Another problem? Of course.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad dahil uwian naman na namin at pagod na ako!

Hinanap ko yung kotse ko at nagulat ako ng makita si Kieffer na nag-iintay sa may kotse ko habang naka tayo.

Anong ginagawa niya dito? Malamang school 'to Hais ano ba naman yung tanong ko.

Dumeretyo na ako papunta sa kotse ko kaya naman umayos na ito sa pagtayo at nilapitan ako.

"Kaya mo mag-drive?" Tanong agad nito sa akin.

"Malamang naman siguro hindi ba? Para saan pa at may kotse ako?" Wala naman itong reaksyon sa sinagot ko.

Papasok na sana ako sa loob nang harangan niya ito kaya hindi ako nakapasok sa loob.

"Ok, spill it. What do you want?" Pag ito hindi maganda aalis agad ako.

"Is that true? May sinaktan ka na naman daw." Oh, alam na niya. Siguro alam na din ng lahat sa campus. Ang bilis talagang kumalat kapag ganitong may nasasaktan o away. "I'm asking you, my Queen."

"Brrrr, tigilan mo na yang my Queen na yan dahil nilalamig ako sa sinasabi mo at hindi bagay sayo."

"Totoo? You didn't answer." Hayst, gusto niya talagang malaman, obvious naman sa dami ng estudyante kanina na nakakita.

"Hayst, ano naman kung totoo? Nakakasuka naman sila, hindi lahat pero madami naman sila kaya ok lang. Teka nga, bakit curious ka doon?"

"Nothing..."

Pagkasabi niyang iyon ay umalis na agad ako at sumakay na ng kotse ko.

Wala naman siyang nagawa at nakita ko sa side mirror ko na umalis na siya. Hmm, may nakausap pa siya sa cellphone niya.

Hindi ba niya alam na ako magtuturo sa leader nila? I meam, member sila ng Titus Five so dapat alam nila ito at situation ng leader nila?

Siguro hindi pa nila alam, magtatanong din naman si Kieffer tungkol doon kung alam niya. Tungkol nga lang sa nangyari kanina curious na siya doon pa kaya hindi?

—Heaven's Calling...—

Hala! Nakalimutan ko silang tatlo! Jusko! Siguro mga galit na 'to ngayon.

Hindi ko alam kung sasagutin ko tawag ni Heaven o hindi. Kasi naman, alam ko kasama yung dalawang magkapatid.

Kukunin ko na sana yung phone ko pero nahulog ito at hindi ko naman abot kung saan ito nahulog kaya hindi ko na kinuha. Magandang dahilan na din kaya hindi ko naisagot yung phone ko.

Kailangan ko na lang bilisan pagmamaneho ko. Nasa bahay na siguro yung tatlong yun.

*Krungg*

Ahhh! Bwisit na tiyan 'to! Bigla akong nagutom! Malapit na din kasing dumilim. Pesteng yan, natagalan ako dahil sa madaming reminders ni Mr. Principal.

"Hayst! Bibili muna ako nang makakain ko! Ayokong maghintay sa wala."

Agad akong nagpaharurot papunta ng mall. Bakit ba? Hindi pa naman ganoon ka dilim. Bibilisan ko naman pagbili ko. Para may peace offering din ako doon sa tatlo.

Pagkarating ko sa mall ay may mga tao pa. Hayst, siguro madaming tao nandito ngayon. Ayoko pa namang mag-intay ng sobranggg tagallll.

"Haisley?" Lumingon ako ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ms. Agape?" Agad akong lumapit dito at nagsalita. "Gabi na Ma'am, bibili din kayo?"

"Yes, ikaw din ba?" Hmm, bibili ba ako or what?

"Uhm, hindi na siguro Ms. Agape. Mukhang madaming tao sa loob. Maghihintay ako ng matagal."

"Hindi naman madami mga tao ngayon. Kung dumami man ang bumili, madami namang cashier na naghihintay."

"Seryoso kayo Ms. Agape?" Tumango lang ito sa tanong ko at ngumiti. "Let's go." At bigla niya akong hinila papasok ng mall. "See?" Pagkapasok namin ay hindi naman madami mga tao. Siguro dahil pagabi na.

Napagdeaiayonan naman namin na sabay na kaming bumili habang nag-uusap. Hmm, minsan na lang din akong makapamili ng may ibang kausap.

Si Heaven kasi noong bumili kami siya halos lahat bumili ng pagkain at mga gamit. Jusko, parang wala na nga akong ambag haha.

"May nasaktan ka na namang babae Haisley."

"Parang krimen naman yung nagawa ko Ma'am, hindi ko maiwasan lalo na kapag hindi naman ako nagsimula."

"I know, pero may isa ka pang nasaktan..."

"Yung Rondell? Tsk, as if I care sa isang 'yon. Si Heaven lang naman kailangan niya."

"You know na may past sila ni Heaven?" Tumango lang ako. "Naaalala mo kung anong sinabi ko sayo noong unang araw mo ulit sa university?"

Hmm, ano nga ba yung sinabi nya noon?

"Never trust anyone." Wika nito.

"Oo, yan nga yun. Bakit yan sinabi mo Ms. Agape?"

"Pft, hindi ka talaga magalang kung magsalita." Natawa ako sa sinabi niya. Bakit naman kasi napunta doon yung usapan? "Madaming tao sa university na patalikod kang aatakihin. Naintindihan mo naman siguro ako?"

Patalikod? Anong sinasabi ni Ms. Agape? Anong ibig niyang sabihin?

"Halika na, kanina pa ako nakakaramdam na may nagmamatiyag sa atin."

Nagmamatiyag? Lumingon lungon naman ako pero wala naman akong nakita. Nang tignan ko naman si Ms. Agape, nakatingin ito sa may cashier.

Pansin ko sa babae na sobra kung makatingin sa akin or kay Ms. Agape? Kung kay Ma'am, bakit naman? Anong kailangan nila sa teacher ko?

Tinignan ko ng mabuti yung cashier pero wala naman siyang hawak na kung ano. Dahil nakatago o wala talaga siyang dala?

"Halika na." At hinila ulit ako ni Ma'am sa kamay ko. Huminto kami sa number 15 na cashier. Nasa number 13 naman yung babae na tinignan namin ni Ma'am kanina.

"Seryoso kayo Ms. Agape? Mukha namang wala siyang magagawa sa atin. Lalo na nandito tayo sa madaming tao. Imposibleng magdala siya ng kung ano kung kasama siya sa..."

"Yuko!"

"Huh? Bakit yuyu—" Magtatanong pa sana ako kaso biglang hinila pababa ni Ma'am yung ulo ko pagkatapos non dinig na dinig ko ang pag putok ng baril.

"Sh*t! Let's go Haisley. Pumasok ka sa kotse ko, bilis!"

"What?! Pero!"

"Damn it!"

"Ok ok fine, papasok na ako. Grrr, goosebumps."

Edi ayon, pumunta kami sa kotse ni Ma'am at pumasok doon habang siya prino-protektahan ako. Sheesh, bodyguard ko ba siya?

Pagkapasok si Ms. Agape agad ko siyang tinanong.

"Saan galing yung putok ng baril?"

"I don't know, basta nakita ko na lang ang daming may hawak ng baril."

Madami? Dito? "Sa mall pwede silang humawak ng baril? Imposible naman ata Ms. Agape."

"Psh, walang imposible lalo na sa mga mafia org." Bulong nito pero tama lang para marinig ko.

Mafia? May alam siya tungkol sa mga mafia?!

"What? Anong tinitingin tingin mo dyan?"

"Wala Ms. Agape, pero ang galing! Napansin mo 'yon agad!" Manghang tanong ko dito kahit na kunwari lang.

"Hayaan mo na yon, kailangan nating umalis ngayon na!"

"Papaano naman yung kotse ko?"

"Tsk, iisipin mo pa talaga yon? Buti nga nakaalis tayo agad ng hindi nila napapansin."

"Paano naman kasi nagkagulo na lahat sa loob Ms. Agape, mahirap makita lahat ng tao kapag madaming nagpa-panic."

"I think hindi yon basta-basta Haisley. Sige, pumunta ka na sa kotse mo at pumasok ka agad. Huwag kang papahalata sa kanila."

Dahil sa pagpayag ni Ms. Agape unti-unti ay lumabas ako ng kotse ni Ma'am pero hindi namin napansin nasa labas pala yung iba.

"Anong akala niyo? Makakatakas kayo samin?!" Wika nitong isang lalaki na parang kasali sa men in black. Mafia ba ito o adik? Uso pa mga gano'ng suot ngayon? Jusko!

"Hais—"

"Lumabas na kayo diyan bago ko pasabugin mga bungo niyo!" Seriously? Lumang linyahan na yan.

Agad na hinawakan nito ang dalawa kong pulso ng magkadikit. Damn it! Sa laki ba naman ng kamay niya malamang kaya ng isang kamay niya dalawang pulso! Ano ba namang gabi 'to!

Hihilahin pa niya sana ako pero bigla akong yumuko at itinaas ko paa ko sa likod upang matamaan nito ang ulo niya. Flexible ako, bakit ba?

Pagkatama non ay binitawan niya agad ako at hinawakan ang ulo niya. Hinila ko naman si Ms. Agape at agad kaming tumakbo papunta sa kotse ko. Buti hindi malayo kung saan ako nag-park kanina.

Pagkapasok namin agad akong nag suot ng seat belt gano'n din si Ms. Agape.

"Bilisan mo Haisley! Hahabulin na nila tayo!"

"As you wish Ms. Agape."

Hinigpitan ko hawak sa steering wheel at agad tinapakan ang accelerator ng kotse nang makaalis kami sa may parking lot.

Kahit na mabilis ang pagtakbo ng kotse ay tinitignan ko ang speedometer kung lumagpas na kami, ayokong makulong dahil sa mabilis ang pagtakbo ng kotse ko.

"Nandito na sila Haisley!"

Agad akong tumingin si rear view mirror ng sabihin iyon ni Ms. Agape pero hindi ko makita kaya sa side view ko tinignan at tama si Ms. Agape. Hindi ko inaasahan na mabilis ang pagtakbo nila ng kotse!

"Mapapabilis mo pa ito Haisley?" Doon ako nagulat sa tanong ni Ms. Agape. Pabibilisin ko pa lalo? Paano kung... "Just say yes, wala na tayong choice Haisley!"

"Argh! Ok, sige sige! Humawak ka ng mabuti!"

Agad itong humawak ng mabuti. Nagsimula na akong tumingin sa harapan at mas lalong pinabilis ang takbo ng kotse. Nakasunod parin sila sa amin. Kanina isa lang ito pero ngayon tatlo na nakikita kong kotse.

Paano kami makakaalis sa mga 'to!

"Pmunta tayo sa place ko pero bago 'yon dapat mailigaw muna natin sila! Hindi nila pwedeng malaman kung saan tayo pupunta!"

Hayst, mukhang magpapaliwanag pa ako sa tatlo bukas at lalo na sa pamilya ko.

"Sige, ako ng bahala sa tatlong yan. Sabihin mo sakin Ms. Agape kung na saan yung lugar."

Kumaliwa agad ako ng makita kong wala masyadong kotse. Pagkatapos non ay tinignan ko ulit kung nandiyan pa sila.

Sh*t! Nandiyan parin sila. Paano kung...

Third Person's POV

Wala ng ibang choice kaya kahit na not sure kung gumana ay ginawa parin ni Haisley ang plano niya.

[The heck! Habulin niyo yung babae! Kapag hindi niyo nahabol at naipakita sakin ang babaeng 'yon huwag kayong babalik dito!] Sigaw ng boss nila mula sa cellphone.

"Ye-yes Boss!" At pinatay agad nito ang tawag. "Bilisan natin Ravin!"

"Anong balita diyan Gavin?" Tanong ni Ravin.

"Nasa kaliwa na ako, ikaw Cavin nasa position ka na ba?" Tanong naman nung Gavin.

"Yeah..." Tipid na sagot naman ni Cavin.

"Harangan niyong dalawa!" Utos naman ni Ravin.

"Tol, kumalma ka nga! Babae lang yan, ang harsh mo naman, makipaglaro muna tayo." - Gavin

"Seryoso kayo diyan?! Babae din ako! Hoy Gavin baka gusto mong makutos pagkabalik natin ng hideout!" - Lava

"Yeah, except sayo! Tomboy ka kasi!" - Gavin

"How dare you!" - Lava

"Bleeeh! Hindi mo ako masasapak ngayon! Magkaiba tayo ng kotse!" - Gavin

"Grrrr! Makakatikim ka talaga sakin mamaya!" - Lava

"Anong ginagawa niya?!" Matapos ng pagsisigawan nila sa speaker ay agad bumaling ang tingin nila sa kotse ni Haisley.

Tinutulak ni Haisley ang kotse ni Cavin na ngayon ay naiipit na sa pagitan ng kotse nito at sa wall na nakaharang.

"The f*ck! Anong balak niya?!" Takang tanong ni Ravin habang nakatingin sa dalawang kotse. Hindi naman alam ni Lava kung anong isasagot sa tanong nito.

Habang hindi nila alam kung anong gagawin nila masaya naman si Haisley sa ginagawa nito.

Paulit-ulit nitong tinutulak ang kotse sa gilid at dinidiin pa nito ito lalo kaya naman hindi maiwasan ng tatlong lalaki kung anong balak nito.

Patuloy lang si Haisley sa ginagawa nito nang makita nito ang isang bagay na iniintay nito.

Matapos nang paulit-ulit na pagdiin nito sa kotse ng lalaki ay hinayaan na niya ito hanggang sa matamaan ng poste ang kotse nito dahilan para masira ng tuluyan ang kotse ng lalaki.

"The heck!" - Ravin

"Damn it!" - Gavin

"Goddamn it!" - Cavin

Mura na lang ng tatlo at agad na nagpreno ang dalawang lalaki ng makita nila ang kapatid nila na may onting sugat sa ulo habang dumudugo ito.

"Tol! Ok ka lang?!" Tarantang tanong ni Gavin sa kapatid nito sabay batok naman ni Lava dito.

"Malamang hindi siya ok! Jusko naman Gavin ikaw ba naalog ng utak o wala ka talagang utak?!" - Lava

"Ang harsh mo talaga sakin! Babaeng mangkukulam!" - Gavin

"STOP! TUMIGIL NA KAYO KUNG GUSTO NYO LANG MAG-INISAN DOON KAYO SA HIDEOUT 'WAG DITO!" Malakas na sigaw ang narinig nila Gavin at Lava mula kay Ravin na ngayon ay sobrang galit na.

Habang sila Haisley naman ay nagpatuloy papunta sa lugar ni Ms. Agape.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height