+ Add to Library
+ Add to Library

C12 CHAPTER 12

Queen's POV

"Woh! Sa wakas at nakarating din tayo dito. Anong gusto mo, juice, water—" Hindi ko na pinatapos sasabihin ni Ms. Agape nang magtanong ako dito.

"Ms. Agape? Bakit tayo sinusundan ng mga 'yon? Hindi ba nila tayo titigilan ng dahil lang sa nakatakas tayo sa mall?" Wala naman akong nakuhang sagot dito kaya naman sinagot ko na lang tanong niya. "Ok, juice na lang Ms. Agape."

"Good, wait for me here and don't touch anything in here." Tumango na lang ako sa sinabi nito saka naman ito umalis.

Inilibot ko ang aking mga mata sa bahay ni Ms. Agape. Masasabi kong ang yaman talaga ni Ms. Agape, ikaw ba naman sa laki ng bahay na ito mala mansion na, kulang na lang maging palasyo pero bakit wala akong nakikitang ibang tao dito like maids or what?

Hmm, siguro naman meron siyang kasama dito sa bahay hindi ba?

Lumapit ako sa mga picture na naka display dito sa may sala ni Ms. Agape. Ang dami, at ang daming trophies din dito pati medals! Kaya siguro gustong gusto siya ng mga teachers dahil matalino si Ms. Agape.

"Interesting right? Anong tingin mo diyan sa trophies at medals?" Hindi ko napansin katabi ko na pala si Ms. Agape. "Here's your juice." Pagkabigay nito sa akin ay sinagot ko ang tanong niya.

"Ang galing niyo naman Ms. Agape, ang dami mong achievements." Manghang sabi ko at hahawakan sana yung trophy nang magsalita ito.

"Hindi yan sakin, sa dalawang kapatid ko 'yan." Dalawang kapatid? Te-teka, hindi ko alam may kapatid pala siya? "Yang mga trophies at medals lahat yan sa panganay kong kapatid at sa bunso kong kapatid."

Achievers pala mga kapatid niya? Pero saan yung sa kaniya?

"Yung akin ba? Nasa taas, nakikita mo yang mga certificates? Sa akin yan lahat." At doon ako biglang tumingala at nanlaki mga mata ko nang makita ko kung iilan ang nandito sa taas.

"Bakit ang konti Ms. Agape?" Hindi naman sa ano ha. Umaasa ako na madami siyang nakuha dahil...teka, wala naman akong basehan.

Si Ms. Agape kasi yung klase ng teacher na gusto ng lahat, as in lahat. Ang dami niyang kaibigan sa loob at labas ng school. Kaya siguro...

"Yan lang talaga ang sa'kin, ang konti nga kumpara sa dalawa kong kapatid."

"Pero Ms. Agape, ang daming estudyante naman ang may gusto sayo at madaming naghahanap ng katulad mo ngayon."

"I'm not into academics Hais, kinuha lang nila ako dahil sa mga kapatid ko."

"Sino naman iyon?" Curious lang talaga ako kung sino yung dalawa niyang kapatid.

"Ang principal..." Huh? Si Tito Kirshawn? "At si..."

Biglang nag ring ang phone ko kaya naman hindi ko na pinansin kung ano ang sinabi ni Ms. Agape at agad na sinagot iyon.

[Hoy babaita! At saang lupalop ka na naman ng planeta napunta ha?!] Sigaw agad ni Heaven ang nadinig ko mula sa kabilang linya.

Hayst, ito talaga ang ayoko, hilig niyang sumigaw jusko!

"Huwag mo akong masigawan Heaven! Nasa phone lang ako jusko akala mo naman hindi masakit sa tenga!"

[Eh bakit ka rin sumisigaw! Teka nga! Na saan ka ba ngayon! Sabihin mo!]

Magsasalita na sana ako ng kunin ni Ms. Agape yung phone ko. Aba, kinuha niya lang basta-basta?

"Hello, si Ms. Agape ito, nandito siya sa bahay ko. May ipapagawa lang ako sa kaniya dahil sa ginawa niya kanina. H'wag niyo na siyang intayin ngayon, ako nang bahala sa kaniya." Matapos ng sinabi niyang iyon ay pinatay na agad nito ang tawag.

"Ms. Agape, anong gagawin natin dito ngayon?"

"Simple lang, matulog ka diyan at may gagawin lang ako, ok?"

Tumango na lang ako sa sinabi niya at umalis na siya dito. Nagtungo siya sa kusina niya at ngayon ako itong gumagala dito sa bahay ni Ms. Agape.

Alam niyo yung pakiramdam na para kang prinsesa? Kasama sa mga royalties? Ganda kasi ng pagkaka-layout sa bahay niya. Hayst, na miss ko tuloy mga magulang ko, the real one ok? Sila Mom and Dad na nag-ampon sa akin, I loved them pero iba parin ang sarili mong kadugo, kapamilya.

"Lalim nang iniisip mo ah." Lumingon ako at nakita ko si Ms. Agape na nag-aayos ng pagkain.

"Tulungan ko na kayo Ma'am." Nandito ako sa may bookshelves at si Ms. Agape naman bigla niyang hinawakan ang kamay ko ng hindi ko namamalayan! Ang bilis niyang kumilos!

"Huwag kang kikilos, diyan ka lang." Doon ko lang na realized na muntik na palang tumama sa ulo ko yung vase. "Next time mag-iingat ka lalo na't hindi mo ito bahay. Hindi mo alam kung anong structures at mga bagay ang nandito." Nakahinga naman ako ng maluwag.

Patay na ako kapag tumama sa ulo ko yung vase, hindi na ako makakauwi ng buhay sa bahay. Paglalamayan nila ako at hindi na ako makakaganti sa kalaban nila Mom.

"Let's eat, huwag kang mahiya. Tayong dalawa lang naman nandito." Hmm, nakakagutom din naman nangyare sa amin kanina.

Kumain kami ni Ms. Agape habang ako napapaisip sa nangyare kanina "Paano pala yung kotse niyo? Nandoon parin sa mall hanggang ngayon."

"Wala namang mahalaga sa kotse ko, mas mahalaga ligtas tayo. Hindi pwede kung mawala agad ako nang hindi ko pa siya nahahanap."

"May hinahanap kayo Ms. Agape? Ano naman iyon?"

"Hindi mo naman kilala ang taong 'yon Hais, lahat naman nakalimutan na siya, alam ng lahat patay na siya."

"Hindi naman sa chismosa ako, gusto ko lang tumulong. Baka makatulong ako Ms. Agape?"

"No need, mapapahamak ka lang Hais. Alam ko wala kang alam sa mundong ginagalawan namin."

"Mundo? Huwag mong sabihin na alien ka Ms. Agape? Isa ka din bang diwata? Hala! Baka naman goblin's bride ka na kaya ang yaman mo! Ay teka baka isa kang godd—ouch!"

"Ikaw bata ka, lahat ng binanggit mo wala ni isa doon! Kumain ka na at baka magbago isip ko."

Dahil sa mainit na ang ulo ni Ms. Agape hinayaan ko na siya habang hawak-hawak ko yung ulo ko na pinalo niya ng sandok, ouch! Ang brutal niya, porke wala kami sa school brutal na siya?

"I'm done, pagkatapos mo diyan ilagay mo na sa hugasan at pumunta ka sa taas. Don't worry hindi mo yan huhugasan, iwan mo na yan diyan." Bilin niya sa akin kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagkain ko.

Teka, may isa pang plato dito? Hmm, may isa pa ba siyang kasama dito, bukod sa akin? Totoo ba sinabi ko? Baka may kasama siyang alien tapos invisible at kanina pa namin siya kasama?

Agad naman akong lumayo doon sa may plato at kumain habang nasa kabilang upuan. Baka mamaya magpakita sa akin yung alien, hindi ako expert pagdating sa ganiyan!

Hindi naman gumagalaw yung pagkain sa lamesa, naka steady lang ito.

"Hindi ka ba kakain? Uhm, ok lang naman sa akin. Hi-hindi naman kita guguluhin." Baka nga ako pa guluhin mo.

"Anong ginagawa mo?" Natigilan ako sa ginagawa ko nang makarinig ako ng boses lalaki?

Lumingon ako upang makita kung sino ito at nagsisisi ako sa kung sinong lalaki ang nasa pintuan ngayon.

"Crave?!"

"Psh," at iyon, umalis na lang siya bigla at nagtungo sa taas.

Bakit nandito ang damuho na iyon?! Inilagay ko na sa hugasan yung mga pinagkainan namin ni Ms. Agape at nagtungo na nga ako sa taas pero nakasalubong ko si Crave habang suot ang pangbahay nito.

Dumaan lang ito at hindi ako pinansin. Well, ok lang naman yun. Subukan niya akong i-bully makakatikim siya ng sapak!

"Oh, nandito ka na pala Crave, may pagkain na diyan. Kumain ka na bago pa lumamig yan." Pagkatapos nang sinabi ni Ms. Agape ay agad itong nagpunta sa kusina at kumain. Habang kami naman ni Ms. Agape nagpunta sa kwarto niya at pinaupo niya ako.

"Hindi ba tatawag mga magulang mo? Ako kakausap sa kanila, tutal nadamay ka ng dahil sa akin." Nadamay? Hindi ba magnanakaw mga taong yun sa mall kaya kami sinusundan kasi...teka, hindi ko alam kung anong sagot dyan. Siguro dahil kita mga mukha nila? "Anong iniisip mo diyan?"

"Mag iiwan na lang ako ng message sa kanila Ma'am. Tumawag naman sila Heaven baka alam na nila Mom na nandito ako sa bahay niyo."

"Mabuti naman kung ganon." Umupo na ito sa study room niya at nagbasa.

"Ms. Agape, bakit nandito si Crave?" Tumigil ito sa pagbabasa at tumingin ito sa akin.

"He's my son" what?! "Pft, halatang hindi mo alam iyon. Si Crave ay anak ko, sikreto lang iyon ah? Shhh..."

"Bakit naman po sikreto iyon?"

"Gusto kasi siyang kunin ng ama niya sa akin, kaso ayoko, please huwag mong sasabihin Hais." Wala naman akong magagawa, nalaman ko na kaya isikreto ko na lang. "May isa pa siyang kinikilalang magulang, yung isang Mom niya nasa hospital."

"Hospital?!" Gulat na tanong ko bigla namang tinakpan ni Ms. Agape yung bibig ko.

"Anong nakakagulat doon? Oo sa hospital, bakit?"

"Wala naman, pero ok sa inyo iyon may second mother siya?"

"Yes, kapatid ko din naman yun kaya ok lang." Ohh, kaya naman pala.

"Hmm, dito ba ako matutulog sa bahay niyo Ma'am?"

"Yes! Kaso wala kaming kwarto na pwede mong higaan."

"Ok lang yung sofa Ma'am, doon na lang ako." Pumayag naman ito, maliit lang kasi higaan niya. Hindi ko alam bakit ang liit kahit na ang lawak ng bahay nila. Ang laki nga ng bahay tinipid naman sa gamit.

"Kung gusto mo kumain meron lang dyan sa kusina o sa refrigerator. Gusto mo ba magpalit? May damit ako dito na pwede mong gamitin." Umiling ako sa alok nito dahil ayokong gumamit ng hindi ko naman gamit. Ok lang naman sa akin yung suot ko. Natutulog nga ako ng naka uniform.

Yeah, naka uniform lang talaga ako simula kanina pa.

"Paano naman klase mo bukas?"

Sinabi ko kay Ms. Agape yung tungkol sa pagtuturo kay Crave. Naintindihan naman niya yung tinutukoy ko. Imbis na pumasok, tuturuan ko si Crave dahil yun naman pinapagawa sa akin. Gusto ko din itanong sana kung bakit kailangan niya pa ng tuturuan? Kaso 'wag na, inaantok na din naman ako.

Nagpaalam na kami ni Ms. Agape sa isa't-isa at nagtungo na kami para matulog.

Pagkababa ko ay nakita ko si Crave na busy sa pagdutdot ng cellphone niya.

"Baka lang naman hindi mo alam, tuturuan kita bukas. Hindi ko alam kung bakit pero 'yon ang sinabi nila."

"Ok,"

Huh? Yun lang sasabihin niya?!

Haynako makapunta na nga lang sa may sofa.

Humiga na ako sa may sofa at pumikit hanggang sa makatulog na ako.

———Kinabukasan———

"Hais, haisley..." Nagising ako ng may marinig akong tumatawag sa pangalan ko.

Si Ms. Agape pala, ang aga naman nigang gumising. "Ikaw ng bahala dito, wala palang pagkain kaya ikaw na bahala magluto hehe, kung ok lang naman ah pero kung hindi mo kaya magluto huwag na lang."

"Ang aga niyo naman Ma'am, papunta na kayo ng school?" Tanong ko dito habang siya inaayos na mga gamit niya. Sumagot naman ito ng "Oo," wala nga pala siyang kotse kaya siguro ang aga niya. "Sige na Haisley, aalis na ako. Kapag may problema tawagan mo lang ako." Matapos non ay nagmadali na siyang lumabas kahit hindi pa ako sumasagot.

Hayst, hindi na ako matutulog, magluluto pa ako dito at mag-aayos bago pa magising yung lalaki na 'yon.

Tumayo na ako nang bumagsak yung kumot kaya naman nagtaka ako. Wala naman akong kumot na ginamit bago ako matulog? Baka inilagay ni Ms. Agape, hmm makaluto na nga.

Nagtungo na ako sa kusina at nagsuot ng apron dahil naka uniform nga ako, ayokong madumihan uniform ko 'no.

Pagkarating ko ng kusina tinignan ko kung anong laman ng refrigerator nila. Hmm, may itlog, baccon, gatas, hotdog, at iba pa na more on frozen foods. Seryoso? Ito kinakain nilang mag-ina?

Kinuha ko na mga pagkain na lulutuin ko kasama yung sa pancakes. Meron kasi dito at na miss ko din na kumain kaya iluluto ko na din. Nagsaing ako kasabay non yung pag-prito ng mga pagkain na kakainin namin.

Ewan ko kung anong kinakain ng isang yon kaya magluluto ako ng iba't-ibang pinirito pero onti lang. Kung anong hindi niya kainin edi kakainin ko. Para hindi sayang. Mindset ba mindset. Atsaka yung pancakes tapos nag-init ako ng tubig. Gusto ko magtimpla ng kape, bakit ba?

Habang nag-iinit ako ng tubig naghugas na din ako ng plato. Ito yung kinainan kagabi, dapat pala hinugasan ko muna kagabi bago matulog.

"What are you doing?"

Natigilan ako sa paghuhugas ng marinig ko si Crave mula sa taas at nakatingin dito.

"Wala naman, kakain ka na ba? Tapos naman na yung niluto ko. Don't worry hindi yan sunog, kung gusto mo may mainit na tubig din dito." Bumaba naman ito at tinignan lahat ng niluto ko.

"Tulungan na kita." Uhm? Ang bait nga ngayon, dahil ba kagigising niya lang?

Kinuha niya lahat ng pagkain dito at inilagay sa lamesa at inayos niya iyon lahat, plato, baso, kutsa at tinidor at nagsandok na din siya.

Ganito siya kabait pagkagising? De joke lang pero sana palagi dba? Pft!

"Are you done?" Umiling ako dahil hindi pa naman ako tapos.

Kakatingin mo kasi yan Haisley, haynako.

"Ako na d'yan." Lumapit ito sa akin at gustong kunin yung sponge

"Ako na dito, tutal hinayaan ako ni Ms. Agape na matulog dito."

"Kumain ka na, or do you think na bubuhatin pa kita para umupo doon?"

"Wow, hayaan mo na lang kasi ako dito. Good mood ako ngayon kaya huwag mong sirain. Kumain kana doon."

"Psh, bahala ka, huwag mong sabihin kay Mom na hindi kita tinulungan."

"Tsk, pakitang tao lang pala."

"What did you say?"

"Wala, kung binge ka hindi ko na uulitin, tsk!" Mas lumapit pa ito sa akin at tinignan ako sa mukha with panlilisik ng mata pa.

Hinawakan nito ang balikat ko at nagsalita. "Kami ang may-ari ng bahay na ito, kaya sumunod ka na lang." Psh, sinusubukan ba ako ng isang 'to?

Ibinaba ko naman yung hinuhugasan kong sandok at humarap sa kaniya. Ngumiti ako ng maasim este matamis sa kaniya at hinawakan ang kamay niya.

"Kung ako sayo, hindi na akong magpapaka matigas dahil masasaktan ka lang."

Agad kong hinila ang kamay nito kasabay ng braso niya at inikot ko ang kamay ko kaya pati braso niya damay pagkatapos non lumipad siya sa taas at bumagsak sa sahig.

"What the f*ck?!"

Bumalik ulit ako sa paghuhugas ko at hinayaan ko na lang siya doon sa sahig na nagngingiwi sa sakit habang nagsasalita.

Tsk, kakain ka tuloy ng masakit yang braso mo.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height