+ Add to Library
+ Add to Library

C13 CHAPTER 13

Queen's POV

Nandito kami ngayon sa bahay ni Ms. Agape parin, kaso kasama ko na itong gunggong na ito. Si Crave kasi ang tuturuan ko dahil punishment ko daw iyon.

Napaisip ako, kasi teacher si Ms. Agape dba? Bakit hindi si Ms. Agape ang magturo kay Crave kung ganon?

Kung dahil busy si Ms. Agape maiintindihan ko naman kaso may school naman kami. Bakit pa-VIP ang isang ito kung turuan kailangan ay personal pang magtuturo?

"Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko na lang siya pinansin, may ginagawa din kaya ako dba? Hindi lang siya ang estudyante dito 'no. "I'm asking you."

Blah blah blah, bahala siya dyan.

"Tsk, nevermind." Hindi naman na siya nangulit kaya bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. Ako kasi nagsasagot ng mga assignments dito habang yung isa naman dyan ang dami palang activities hindi manlang ginawa.

Mga ilang minuto lang ay nagsalita na naman ito. "Tapos na'ko." Nagulat naman ako sa sinabi nito. Tapos na siya, agad-agad?!

Agad akong lumapit sa kaniya at tinignan yung gawa niya. Seriously? Tapos na nga siya!

"Ngayon, pwede na akong lumabas?"

"Wait! Bakit ganon, ang bilis mong magsagot, ayoko namang sabihin na halos lahat dito walang halong biro mong sinagot pero totoo naman kasi halos lahat mukhang tama. Well ang galing ko naman kasing magturo pero, paano?!"

"Psh, hindi ako grade one para lang hindi ko maintindihan yan. Ang dali lang niyan, gulat na gulat ka."

"Psh, cheater!"

"What?! You're f*cking accusing me for this f*cking activities?!"

"Hoy! Ayusin mo yang bibig mo kung ayaw mong masaktan ulit!"

"Do it, I'm not afraid!"

"Aba't ikaw na nga itong tinutulungan!"

"I don't need your f*cking help!" Hindi talaga siya natatakot?!

"Ok fine! Ayoko din namang tumulong sa taong kagaya mo! Kung ayaw mo p'wes mas ayaw ko!"

Matapos no'n ay umalis na ako doon sa bahay nila at iniwan siya. Tsk, anong akala niya sa akin ginusto kong turuan siya? Tsk, may alam nga masyado namang mainit ulo niya, damn it!

He's so f*cking arritating! Huwag ko lang siyang makita talaga nako!

Habang naglalakad ako dito sa kalsada may tumawag sa pangalan ko. Syempre yung gunggong na lalaki 'yon.

"Ano na naman kailangan mo?!"

"Nothing..."

"Then get out of my way! Nakakaharang ka dyan!" Dahil sa inis ko ay tinabig ko siya sabay lakad parin dito sa kalsada.

"Ihahatid na kit…"

"Manong sa Stelking Street." Sabi ko kay Manong driver at pumasok na ako sa loob ng kotse.

Habang siya nakatulala sa daan. Tsk, may dala akong pera hindi ko kailangan ng tulong niya! Argggh! Nakakainis talaga siya!

Pinakalma ko muna sarili ko dahil baka mamaya kung anong gawin ko dito sa kotse, grrrr!

Kahit papaano ay kumalma ako pagkatingin ko sa labas. Buti na lang ma puno dito, magandang tignan kapag may byahe.

Saan nga pala ako pupunta pagkauwi ko?

Heaven's calling...

"Oh bakit Heaven, napatawag ka ata?"

"Sabi ni Ms. Agape huwag ka daw aalis sa bahay niya!"

"Huh? Pauwi na ako!"

"What?! Sige sabihin ko kay Ms. Agape. Ma'am, pauwi na daw si Haisley!" Katabi niya lang ba si Ma'am?

"What?! Ang aga naman nila matapos?! Kausapin ko siya." Ibinigay naman ni Heaven kay Ms. Agape yung phone at kinausap nga ako.

"Pauwi na ako Ms. Agape, tapos na kami at ipapaayos ko pa kotse ko dahil sa nangyari kagabi."

"Kaya nga Haisley, nalaman ko na hinahanap tayo no'ng sumusunod sa atin! Sa ngayon nandito kami sa isang classroom, bigla silang nanggulo dito sa ZU at ngayon nagkakagulo na rito."

"A-ano?!"

"Huwag kang lalabas dyan! Dapat magkasama kayo ni Crave! Bumalik ka doon, bago ka nila—toot toot toot!"

"Ms. Agape! Heaven!"

Anong nangyayare! Anong big deal sa amin ni Ms. Agape?!

Kieffer's POV

"Anong nangyayare?!" Sigaw ng teacher namin ngayon sa takot.

"Tsk, anong ginagawa ng Black Butterfly Gang dito?" Takang tanong no Vash.

"Wala si Crave dito, mabuti at wala siya dito. Malamang hinahanap nila si Crave." Wika naman ni Dous.

"Wala naman tayong ginawa sa ibang mga gang bakit sila nandito?!" Takang tanong din ni Ron.

"Simple lang, hindi si Crave ang hanap nila kundi ibang tao." Wika ko na din.

"Ibang tao, may ibang gang pa dito?" - Dous

"Hindi imposible, hindi natin alam kung sino pa ang mga kasali sa underground world." - Me

"Hanapin natin sila Heaven!" - Ron

"Wow! May specific na babae ka talagang tinatawag ah?" - Vash

"Wag kayo mag biruan ngayon! Pati mga teacher dito nadadamay sa ginagawa nila!" - Dous

"Tama si Dous, hanapin natin si Ms. Agape at si Heaven pati mga kaibigan niya. Yung iba itago niyo sa isang malaking room ng ZU, pagkatapos magkita-kita tayo sa secret passage!" Utos ko sa lahat, nagtanguan naman sila kaya nagpunta na kami sa iba't-ibang classrooms.

"Dous, tignan mo sa kaliwa at ako naman sa kanan." Nagsimula na kaming maghanap kung na saan sila Ms. Agape, Heaven at kaibigan nito.

Tumigil ako sa paghahanap nang marinig ko ang boses ni Ms. Agape.

"Sa ngayon nandito kami sa isang classroom, bigla silang nanggulo dito sa ZU at ngayon nagkakagulo rito."

Agad akong tumakbo sa loob kung na saan ko siya narinig at hinila ko si Ms. Agape, kasama pala nito si Heaven.

"Na saan ang mga kaibigan mo cous?" Agad kong tanong dito.

"Nandito na kami nila Dawn at Dove!" Sigaw naman ni Dous kasama ang dalawang magkapatid.

Mabuti na lang wala si Queenie dito.

Agad kaming nagtungo sa secret passage ng ZU at nakita namin sila Vash at Ron na paparating pa lang.

"Heaven!" Sigaw agad ni Ron at niyakap si Heaven kasabay nito ay pagkurot ng tenga ni Heaven kay Ron.

"At sinong nagbigay ng pahintulot sayo para yakapin ako?!"

"Yakap lang naman eh," At nagsimula na naman siyang mag makaawa kay Heaven. Psh, mahal niya pinsan ko pero kung kani-kanino dumidikit.

"Umuwi na agad tayo sa bahay!" Biglang sigaw ni Ms. Agape kaya naman napunta ang atensyon namin sa kaniya.

"Bakit naman Ms. Agape?" Curious na tanong ni Ron pero hindi naman niya ito sinagot.

Queen's POV

"Manong bababa ho na ako, ok na dito, ito yung bayad."

Pagkababa ko biglang may humarang sa akin na isang babae.

"Sino ka?!" Agad kong tanong dito. Wala naman itong sinagot sa tanong ko. Matapos non ay may lumabas ulit na dalawang lalaki.

Don't tell me ito yung sumusunod sa amin kahapon?

"Kaya mong lumaban iha?" Huh? Anong klaseng tanong naman 'yon? Gusto niya ba akong hamunin sa paglaban? "Hindi kita sasaktan. Kaya mo bang makipaglaban?" Pero wala naman akong nararamdaman na kung ano sa kaniya. Para pa ngang baliktad.

"Oo, kaya ko naman." Sino kaya ang babaeng 'to?

"Humawak ng baril, kaya mo?" Teka? Bakit puro siya tanong?

Bigla nitong hinagis ang isang baril sa akin at sinalo ko naman ito. Nagulat na lang ako may hawak na din itong baril at dalawa pa.

Bigla niyang binaril ang dalawang nasa paligid namin pagkatapos ay lumapit ito sa akin at ipinatong nito sa balikat ko ang dalawang baril sabay kasa nito. Pagkatingin ko may dalawang lalaki ang nasa likod ko ngayon.

Ngayon ko lang nakita kung gaano sila kadami! May mga hawak din silang baril. Wala kaming laban sa kanila. Sa aming dalawa hindi ko alam kung ilan ang nakapalibot sa amin ngayon at anumang oras pwede na kaming mamatay dito kung ikakasa nila ang mga baril nila sa amin ngayon.

"Pagsinabi kong takpan mo ilong mo gawin mo habang papunta sa gubat, maliwanag?" Wika nito, hindi naman ako natatakot or what sa kaniya. Parang may tiwala agad ako sa kaniya. Anong nangyayare sayo Haisley?!

"Go!" Pagkasigaw nito agad akong nagtakip ng ilong at bigla na lang may usok ang pumalibot sa amin ngayon. Nag-iingat kami na dumaan papuntang gubat at hinila na niya ako palayo doon.

"Teka sino ka ba?!" Tanong ko ulit dito. Hindi niya kasi sinagot kanina. Hangang ngayon wala paring sagot!

"Tumakas lang ako mula sa hideout nila, mabuti na lang at sakto akong nakarating dito."

"Sino ka nga kasi?!"

"I'm Aizera, galing sa Black Butterfly Gang."

"Black Butterfly Gang? Ano?!"

Ang gulo ng utak ko today! Mas lalong gumulo ngayon!

"So ano naman ang Black Butterfly Gang na sinasabi mo?" Gusto kong malaman kung mabuti ba sila o masama.

"Ang BBG ay grupo ng mga gangsters." Grupo ng mga gangster?

"Ano namang kinalaman ko sa grupo nila?" Totoo naman kasi, anong kinalaman ko sa mga gangsters na yon? Nasa mafia ang focus ko bakit makikisingit ang mga gangster?

"I don't know, pero sa pagkakadinig ko kasama mo daw ang kapatid ng isang reyna."

Reyna? Sinong reyna naman tinutukoy niya? Hmm, ang kasama ko lang naman ay si Ms. Agape so kapatid niya ay isang reyna?

Wait, may bunso siyang kapatid pero sino ba iyon?

"Halika na, huwag tayo dito dahil anumang oras makikita nila tayo." Umalis naman ito kaya sinundan ko siya. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit kita tinutulungan? O baka naman isa akong kalaban?"

Napaisip din ako sa tanong niya. Bakit ako nagtitiwala sa kaniya? Bakit ang dali kong sumunod sa kaniya? Hindi ko naman siya kilala ng matagal.

"Pft, mukhang hindi ka makasagot. Hindi ko din alam kung bakit kita tinutulungan. Noong nakita kita at sinusundan ka ng mga 'yon agad akong pumunta kung na saan ka ng hindi ko alam kung bakit."

Napangiti ako sa sinabi niya, basta ang sarap pakinggan.

"Nandito na tayo," agad akong tumigil sa pagtatakbo at nakita ko ang isang lugar na dapat ay kinalimutan ko na.

"May problema ba? Hindi ko pala naitanong pangalan mo."

"I'm Queenie Haisley Severenity, bakit tayo nandito?"

"Member ng isang mafia org. ang mga magulang ko. Naaalala ko pa noon, sabi sa amin ng Godfather na kailangan kong protektahan ang tagapagmana ng organization nila. Hindi ko iyon nagawa, biglang nawala ang isang tao na tutulong sa amin upang makabangon muli."

Mafia organization? Godfather?

"Ang tinutukoy mo bang organization ay mula sa pamilyang Beaumont?" Tanong ko dito at doon niya ako tinignan ng masama.

"Sino ka?! Isa ka din bang kalaban ng pamilya Beaumont?!" Walang pag-aalinlangan niya akong tinutukan ng dalawang baril.

"Hi-hindi ako kalaban. Kakampi ako ng pamilyang iyon."

"Paano mo mapapatunayan na hindi ka kalaban?!"

"Teka nga! Kung isa kang kasamahan nila, na saan mga magulang mo?"

"Sagutin mo muna tanong ko!"

"Ok fine, kaibigan ko ang anak nila, si Arcadia Beaumont." Sana maniwala siya.

"Kaibigan? Walang kaibigan ang tagapagmana ng Beaumont Organization." Tsk, talagang kilala niya ang pamilya ko. "Yung totoo, sino ka?! Huwag kang magsisinungaling sakin!" Mukhang nagalit ito sakin.

Ikaw ba naman magsinungaling. Mukha namang loyal sya sa pamilya ko. Baka may maikwento siya tungkol sa mafia organization na matagal ko ng hinahanap. Makakatulong siya kung masasagot niya lahat ng mga katanungan ko.

"Magaan ang loob ko sayo, hindi ako nakakaramdam ng kung ano sayo kaya sasabihin ko ang totoo." Pagkasabi ko nun ay ipinakita ko sa kanya ang wrist ko. "To see is to believe." Pinunasan ko ang parte ng pulso ko hanggang sa lumabas ang tatlong tuldok doon.

"Hindi pwede! Ang simbulo ng Beaumont family!" Gulat na sigaw nito. Magugulat talaga siya, kausap niya yung tinutukoy niya lang kanina na tagapagmana, hayst.

"Hello, ako si Arcadia Beaumont, anak nila Hellvoira at Hellios."

"Pe-pe-pero!"

"Yeah, alam niyo na patay na ako. Well, malapit na ding mamatay noon pero nakaligtas ako dahil sa pamilya ng Severenity."

"Mahal na prinsesa!" Nagulat ako sa sinabi nito at agad siyang yumuko sa harapan ko.

"Wait, wait, hindi mo naman kailangang yumuko."

"Pero isa kang Beaumont. Lahat ng pamilya na may simbulo ng tatlong tuldok ay tinitingala."

Uhm, hindi ko alam 'yon. Basta ang alam ko lang, lahat ng pamilya namin, kahit mga sinauna pa ay may tatlong tuldok na talaga kahit saang parte ng katawan nila gustuhin.

Nagtataka kayo kung bakit tatlong tuldok? Ipapaliwanag ko kung anong itsura niya. Beaumont o 'Beautiful Mountain', so ang tatlong tuldok na nasa pulsuhan ko ay naka triangle like mountain simple as that.

"Tama na yan, ang mahalaga ngayon malaman ko lahat-lahat ng tungkol sa naiwang organization nila Mom and Dad." Lumapit ako dito at muling nagsalita. "Kailangan mong sabihin sakin lahat ng nalalaman mo Aizera."

"Masusunod mahal na prinsesa, kailangan na nating magtago. Doon tayo sa mansion, may lugar doon na pwedeng pagtaguan."

Punayag naman ako sa sinabi niya, nauna siyang pumunta doon kaya sumunod lang ulit ako. Dahan-dahan lang ang pagpunta namin doon. Ayaw naming mapansin kami or gumawa ng ingay dahil mayayari kami.

Pagkapasok namin ng mansion ay doon ko muling naalala ang lahat-lahat sa pagkatao ko. Nandito lang pala ito nakatayo? Sa gubat talaga nila Mom and Dad itinayo ang mansion. Hindi nakakapagtaka kung bakit muntik na akong mamatay noon.

"Nandito na tayo mahal na prinsesa. Gusto niyo bang magpahinga muna? Pwede kayong matulog dito habang titignan ko muna ang paligid kung may nakasunod ba sa atin o wala."

Pumayag naman ako sa suggestion niya. Gusto ko din kasing matulog. Ano ba namang problema ito. Nakakainis ah, imbes na wala akong iniisip ito ako ngayon. Gusto kong magwala, gusto kong magtanong, gusto kong isigaw na bakit ganito ang mundo sakin?!

Ang dami kong gustong malaman, tungkol sa nangyari noon at kung anong nangyayare ngayon. Tungkol sa mga taong nakapalibot sa akin. May dapat ba akong paghinalaan? O ako lang itong nag-iisip ng kung anu-ano?

"Mahal na pri—"

"Queen na lang, huwag mo akong tatawagin sa pangalan ko noon. Queen na ang itawag mo sa akin. Queenie Haisley Severenity ang pangalan ko at hindi Arcadia Beaumont, maliwanag ba tayo?"

"Masusunod Queen."

"At ayusin mo din pakikipag-usap mo sa'kin. Like friends, gusto ko natural lang ayoko ng formal. Baka makahalata sila. Ayokong malaman nila na buhay pa ako, naiintindihan mo naman hindi ba?" Tumango lang ito at bumalik na sa ginagawa nito.

Napagpasyahan kong matulog muna. Gusto kong magpahinga, gusto ko pagkagising ko malakas ako.

Pumunta na ako sa higaan na sinasabi ni Ai at natulog na doon.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height