+ Add to Library
+ Add to Library

C14 CHAPTER 14

Queen's POV

"Ms. Arcadia, habang tumatagal gumagaling kayo makipaglaban!" Halata sa boses nito na masaya ito kaya naman masaya na din ako. May improvement ako kahit naka isang taon na or mag isang taon na? Ewan ko, simula ng mag training ako hindi ko na alam ang panahon.

Nag training kami sa pakikipaglaban, one on one combat, merong dummies na kakalabanin ko, pag gamit ng guns at iba pa. Kahit na nasa 5 years old pa lang ako itinuro na ito sa akin ni Mr. Kirshawn dahil hindi niya daw alam kung papaano niya ako pro-protektahan sa mga kaaway nila Mom and Dad.

"Ipagpatuloy mo lang 'yan Ms. Arcadia may gagawin lang ako sa loob ng mansion." Pumayag naman ako sa sinabi nito. Ipinaintindi sa akin ni Mr. Kirshawn ang mga bagay-bagay kahit na hindi ko maintindihan ay tumatango na lang ako.

Kailangan ko daw malaman kung papaano makipaglaban. Hindi ko alam dahil hindi naman ako bayolenteng bata, hindi naman ako tinuruan nila Mom na manakit ng tao lalo na paghawak ng baril.

Bilang isang bata curious din ako sa ibang bagay kaya ginagawa ko mga sinasabi niya. Hindi ko rin alam dahil natutuwa din ako sa ginagawa ko hehe.

Mom, dad, good girl naman ako pero hindi ko alam kung bakit ganito ako ngayon. Napa nguso na lang ako sa naisip ko.

Teka, na saan na kaya si Mr. Kirshawn? Dahil sa hindi ko na siya makita dito sa labas ay pumasok na ako sa mansion namin.

Simula ng mawala sila Mom and Dad tumahimik na dito. Yung mga tauhan ni Mom and Dad nandito, minsan sumusunod sa akin minsan hindi. Ayoko din namang may sumusunod sa akin hehe.

"Mr. Kirshawn?" Tawag ko dito. "Mr. Kirshawn!" Sumigaw na ako dahil walang sumasagot. Pagkapunta ko sa kusina may nakita akong cake.

"Wow, may cake dito!"

Hindi ko na napigilan na lumapit dahil sa nakita ko hihihi pagkabasa ko sa nakasulat sa cake, birthday ko daw? Teka, anong date na kaya?

Gusto ko sanang kumuha ng icing doon sa cake hihihi kaso may narinig akong pagsabog. Bigla kong naalala sila Mom and Dad noong kinuha ako ng mga bad guys!

"Ms. Arcadia!" Pagkadinig ko sa pangalan ko ay sumigaw ako.

"Mr. Kirshawn! Huhuhu!" Agad namang lumapit si Mr. Kirshawn sa akin at agad akong binuhat.

"Kailangan nating umalis dito, nandito na sila. Lahat kayo! Siguraduhin na ligtas ang mahal na prinsesa!"

Hindi ko naman napansin na nandito na pala yung ibang mga tauhan nila Mom.

"Yes Boss!" Sigaw nila at nagsimula na silang umalis kung saan.

"Ms. Arcadia, kahit anong mangyare huwag mong sasabihin kung sino ka. Kung sino ang mga magulang mo at kung anong pamilya ka nabibilang. Naiintindihan mo ba ako?" Kagaya ng dati tumango lang ako at ginawa sinabi niya. Hindi ako nagsasalita simula ng lumabas kami ng mansion

"Lahat kayo, walang ititira ng buhay! Bata, matanda o may kapansanan man!" Sigaw ng isang babae ang nadinig ko. Iyon ang boses ng babae na kinausap ni Mom!

"Mr. Kirshawn, nandito po siya. Yung nakausap po ni Mom noon!" Sigaw ko dito dahil baka hindi niya ako madinig.

"Sh*t, hindi talaga siya titigil hanggat alam niya na may nabubuhay pa!"

"Ano pong sinasabi niyo Mr. Kirshawn?" Takang tanong ko dito.

"Kirshawn Charlton!" Lumingon kaming parehas nang marinig namin ang pangalan ni Mr. Kirshawn na sinigaw ng isang babae. "Psh, buhay pa pala yang bata na yan!"

"Asia, tumigil kana! Pati ba naman bata idadamay mo pa dito?!" Nagsimula ng magkasagutan sila Mr. Kirshawn kahit wala akong naiintindihan sa usap nila.

"Hangga't buhay ang batang yan! Habang buhay akong galit sa mundo! Galit ako sa kaniya! Galit ako sa lahat!"

"Asia, ikaw ang may mali dito! Bakit hindi mo na lang tanggapin na hindi ka mahal ni Hellios! May anak ka na din Asia! Huwag mong sayangin ang lahat para lang sa galit mo!"

"Dahil kay Hellios kaya nabuhay ang pesteng batang 'yon! Dahil sa pag-iwan niya sa'kin kaya ako nawalan sa posisyon! Wala ba akong karapatan na magalit?!"

Hindi ko alam pinag-uusapan nila kaya habang busy sila umalis na ako doon. Mukhang madami pa silang drama sa mundo na pag-uusapan hehehe.

Matapos ang ilang oras na paglalakad ko ay dumidilim na. Malapit nang maggabi at hanggang ngayon wala pa akong kinakain. Hindi na ako makabalik sa mansion dahil hindi ko alam kung papaano bumalik doon.

Hindi ko na kinaya ang pagod at gutom kaya naman kahit anong gawin ko hindi ko maiwasan na manghina at tuluyan na nga akong nawalan ng malay.

"Queen? Ok lang po ba kayo? Queen!"

"Peste kang Asia ka! Ahhh!"

"Queen! Nananaginip po kayo!"

Hindi ko alam pero bigla kong nakita si Ai sa harapan ko na may hawak ng pagkain. Doon ko lang napagtanto na panaginip ko pala 'yon.

"Na saan si Mr. Kirshawn?!" Lumapit ako at hinila ito papalapit sa akin.

"Q-queen, wala si Mr. Kirshawn dito. Matagal na siyang patay."

"Patay? Pero buhay pa siya! Kitang kita ng dalawang mata ko na buhay pa siya at nasa isang school siya!"

"Queen, baka nagugutom kayo kaya kayo nakakaisip ng ganiyan." Umiling ako sa sinabi nito. Kailangan kong makita si Mr. Kirshawn, pero papaano ko gagawin 'yon?

Hinahanap kami ng tinatawag nilang Black Butterfly Gang nang hindi ko alam! Maaaring ako dahil sa kasama ako ng isang pamilya na hinahanap ngayon. Ang hindi ko lang maintindihan ay alam ba nila kung sino ako?

Iniisip ko din kung si Ms. Agape ang hinahanap nila. Imposible, hindi siya kasali kahit saan man, gangster o mafia organization man. Kung gano'n, alam na nila ang tungkol sakin.

"Ai, hindi mo pa nasasabi sa akin kung bakit ako sinusundan ng Black Butterfly Gang na 'yon." Napansin kong natigilan ito sa sinabi ko. Alam ko may alam siya sa BBG at gusto kong malaman kung bakit naroon siya.

"Queen, kasi..." Mukhang nagdadalawang isip siyang sabihin sakin kung ano man 'yon. Hinintay ko lang siya na sabihin sa akin kung anong alam niya. Hindi ko naman siya tatakutin, para saan pa? Hindi ako ganon kung alam kong wala namang intensyong masama sakin yung tao.

Agad nitong tinuro ang isang pintuan na napapalibutan ng mga sanga galing sa halaman.

Ano naman ang gagawin ko sa pintuan na 'yon?

"Ang lugar na ito ang importante sa lahat. Lahat ng tungkol sa mansion na ito ay naririto. Hindi agad mapapansin ang pintuan na yan kung hindi lang nasira ang pintuan na ngayon ay napapalibutan ng mga sanga."

Anong gusto niyang iparating sakin?

"Ang lugar na ito, dito ang hideout ng organization." Doon ako nagkaroon ng interesado sa sinabi niya. Ang pintuan na yan ang hideout ng org. nila?

Pinagmasdan ko ang paligid ng pintuan na ito. Halata namang sirang-sira na ito, lalo na sa loob.

Tumayo ako at lumapit sa pintuan na iyon, nakita ko kung gaano nasira ang loob nito.

Halata naman, hindi sila nagtira niisa mang bagay o mga palatandaan dito.

"Hindi pa ako nakakapasok o nakarating dito. Ayaw nila akong papasukin dahil sa bata pa ako noon."

Oo nga naman, may gusto akong malaman. "Bakit nga pala Iha ang tawag mo sa akin no'ng unang nagkita tayo? Gayong parang mas bata ka pa sa akin."

Yumuko ito, "Hindi ako ganito ka bata. Dahil lang ito sa pagbabago ko ng mukha. Sinabi ko na pabatain ako ng konti upang hindi nila ako makilala ng husto."

"Ano?!" Sigaw ko dito dahil sa gulat.

F*cking seriously? I-ilang taon siya dapat kung gano'n?

"Dahil alam ko na maghahanap pa sila na maaaring makapag lead sa ibang organization na kasama natin. Ngayon na alam kong buhay ka, maaaring malaman nila na hindi ka pa patay."

Tama siya, walang duda 'yon. Kapag nakuha nila lahat ng miyembro ng organization, magtatanong at magtatanong sila kung may iba pa ba sa ibnag lugar.

"Pero hindi naman 'yon kadali, ang daming miyembro natin na hindi lang dito kundi nakakalat maging sa ibang bansa!"

Umiling ito sa sinabi ko. "Posible iyon Queen. Dumadami na sila, karamihan sa mga kasamahan ng organization natin ay..." Hindi ko na pinatapos pa sasabihin ni Ai dahil alam ko naman na sagot.

"Kumampi sila sa kabila, tama ako?" At sa tanong kong iyon doon siya tumango.

"Gano'n ba..." Tumahimik ako sandali at napansin niya iyon.

"Queen, may n-nararamdaman ba kayo?" Takang tanong nito. Hindi ba siya nag-aalala sa akin?

"Ai, alam mo ba..." Lumapit ako sa kaniya at tinuloy ang sasabihin ko. "Na ayoko sa lahat ay sinungaling?" Naramdaman ko agad ang pagkagulat nito nang maramdaman nito ang isang baril na ngayon ay nakatutok na sa ulo niya.

"Queen! A-anong ginagawa mo?!" Napangisi ako sa pagkataranta niya. Sapat na ang nalaman ko para pagdudahan siya.

"Hmm, anong ginagawa ko? Gusto ko lang namang mawala sa landas ko LAHAT ng mga taong nanakit sa mga magulang ko."

"Hi-hindi ko alam sinasabi mo Queen! Kakampi mo ako dito!"

Natawa ako sa sinabi nito. "Kakampi? Anong sinabi mo kanina? Hindi ko gawaing manakot Ai, lalo na kung wala namang dahilan para gawin ko 'yon, pero ngayon may dahilan na." Nakita ko sa mga labi nito ang isang ngiti, ngiting alam mong niloloko ka lang.

"Tsk! Paano mo nasabi? Wala akong sinabi na nakakapang duda!" At tumawa ulit siya nang nakakaloko.

Tanggalan ko na ba ng dila ang isang 'to?

"Nagduda na ako sa unang sinabi mo, pintuan? Pft, lahat ng maaari kong malaman ay nariyan sa pintuan na yan hindi ba? Utak ng isang kalaban na gustong malaman lahat ng impormasyon!" Naalala nito ang mga sinabi niya kanina.

"Hindi mapapansin ang pintuan kung hindi lang nasira? Hah? Mapapansin yan ng tao lalo na kung kakampi ng mga magulang ko. Pero kung isa kang kalaban, hindi mo malalaman kung hindi mo sisirain ang mansion!" Hindi parin ito makapagsalita sa lahat ng sinabi ko.

"Tama, ikaw ang babaeng narinig ko noong bata pa lang ako! Noong may sumugod sa mansion at nagpasabog! Anong akala mo sa'kin, hindi na ako bata, Asia!" Naramdaman ko na ang galit nya ngayon.

"Tsk, ano ding akala mo? Na basta-basta mo akong mapapatay?!"

Balak nitong agawin sa akin ang baril ngunit huli na nang matamaan ko ito sa leeg at mawalan ng malay.

"Psh, iniisip mo na agad ang mamatay? Wala pa tayo sa exciting part ng buhay mo, Asia."

Hinayaan ko na siya doon habang walang malay ay kumuha ako ng pangtali sa kaniya. Sinigurado ko muna na wala siyang dalang kahit na ano. Nakita ko din sa bulsa niya ang cellphone ko.

Naalala ko sila Ms. Agape, kumusta na kaya sila? Kung tatawag ako, aalamin nila kung na saan ako ngayon. Malamang papunta na din dito mga kasamahan ng babaeng 'to. Kailangan ko ng mapagkakatiwalaan sa panahong ganito.

Si Kuya Nick kaya? Tsk, paano makakatulong 'yon? Ni paghawak ng baril hindi niya alam kung papaano.

Ibababa ko na sana phone ko nang marinig ko ang tawag, nakita ko naman na galing ito kay Kuya Nick. Kahit nagdadalawang-isip ay sinagot ko ito.

[What the hell! Buti naman at sumagot ka na! Kanina pa ako tawag nang tawag sayo hindi mo sinasagot! Where the hell are you?!]

"Uhm, tungkol kasi diyan..."

"Hoy babae! Alalang alala kami sayo dito tapos hindi ka man lang sumasagot!" Oh no! Si Heaven 'to! Pero buti at ligtas sila, hayst.

"Buti at ligtas ka Heaven, kumusta sila Ms. Agape?" Inilagay ko sa may tenga yung phone ipit-ipit ng balikat ko sa taenga ko. Para matalian ko si Asia. Mahirap na baka makatakas ang gurang, bakit? Totoo naman na gurang siya, tsk.

"Na saan ka ngayon! Ok kami, niligtas kami ng Titus Five at ngayon hinahanap ka nila. Maging si Ms. Agape ay tumulong na din."

Psh, ako? Hahanapin ng Titus Five? Pft, imposible yan.

"Oo nga! Lalo na si Keiffer kanina, sobrang nag-aalala sayo! Halos makapatay na siya kanina noong sumugod mga pulis sa school!" Pulis? Ang bilis nila kumilos ah sa pelikula ang babagal nila.

"Dawn, ikaw pala yan. Hanggang ngayon ba naman iniintindi niyo parin yan?"

"Oo naman, alam na alam namin yung ginawa ni Kieffer kanina! Sinapak niya nang sinapak yung lalaki 'no! Nako, kulang na lang mabasag mukha ng lalaking 'yon!"

"Pero kanina lang kinuha sila Ms. Agape? Narinig ko 'yon nung nag-usap kami sa tawag!"

"Hoy babae! Baka nakakalimutan mo yung mahalagang tanong dito! Na saan ka ngayon?!"

"Hindi ko alam, muntik na kasi akong makuha ng mga lalaking 'yon buti nakatakas agad ako. Huwag kayong mag-alala. Ok na ok ako ngayon, humihinga ako, nakakapagsalita, at naririnig ko kayo."

"Anong itsura ng labas diyan? Papupuntahin ko sila diyan!"

"Kuya Nick, don't worry, kaya ko sarili ko. Tatawagan ko na lang ulit kayo, bye."

At agad kong pinatay ang tawag nila. Wohhh! Grabeng investigation naman 'yon!

Hmm, ayokong patayin ang babaeng nakatali ngayon sa tabi ko. Hindi sa dahil naaawa ako, kundi dahil gusto ko pang magtanong at malaman ang lahat ng impormasyon.

Pero nagdududa din ako kung siya nga ba ito? Ang babaeng pumatay sa mga magulang ko. Imposible kasi na agad-agad ko siyang mapapatay. Sobrang dali, hindi kaya isang peke ang babaeng 'to?

Hindi, boses niya 'yon. Kuhang kuha sa boses na narinig ko noong huling nakasama ko si Mr. Kirshawn.

Atsaka ko na iisipin yan. Kailangan kong pumunta sa ibang lugar na maaari kong pagtaguan. Iisipin ko na lang yan once na nasa labas na ako. Ngayon, kailangan kong patayin ang babaeng 'to.

"Kung sino ka man, kailangan mo nang magpaalam. Akala ko mapapahirapan pa kita pero kulang na ang oras ko. Paalam..."

Matapos no'n ay inubos ko ang lahat ng bala na nasa baril. Madami rin 'yon, sakto din sa huling bala ay may narinig na akong mga kaluskos mula sa labas kaya naman agad-agad akong lumabas pero sa ibang lugar ako dumaan.

Dahan-dahan akong umalis sa mansion, sa lugar na tanging hangad ko lang ay makasama sila Mommy at Daddy.

Nakita ko naman na ang daming mga lalaki na nakasuot ng black na hood ang pumasok sa mansion.

Tama ako, mga kasama nga niya.

Mabuti na rin at hindi ako nahuli.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height