+ Add to Library
+ Add to Library

C15 CHAPTER 15

Queen's POV

"Ano na Hais, saan na tayo pupunta nito?"

Hayst, bakit ba kausap ko pa sarili ko? Hindi ako pwede magpakita sa mga 'yon. Sa bahay ko kaya? Hmm, baka mamaya alam na nila kung na saan 'yon. Hindi, hindi, baka may ibang lugar pa na pwede?

Anong lugar pa ba ang maaaring hindi alam ng lahat? Kung sa mansion hinding hindi, kung sa bahay naman nila Kuya Nick mas lalong hindi pwede. Ayokong madamay sila sa problema ko ngayon. Kung sa mga kaibigan ko naman...ayoko! Hindi dapat sila madamay dito.

Kung...tama! Si Ms. Agape! Alam ko maaari ko siyang makausap. I mean, gusto kong malaman kung anong tinatago niya sakin. Kung anong pakay ng mga sumusunod sa amin noon.

Kung may kinalaman man siya sa lahat ng ito. Kailangan kong malaman 'yon. Pero paano kung kalaban ko pala siya?

Hindi naman, edi sana una pa lang may ginawa na siya sa akin noon. Kung babalik ako sa lugar nila, hindi ba malalaman nila kung na saan ang lugar ng pamilya nila?

Siguro tawagan ko muna siya, tutal hindi ko pa siya nakakausap. Gusto ko ding makasiguro na ok siya.

Tumigil muna ako sa paglalakad ng maramdaman kong nagri-ring ang cellphone ko. Tawag galing kay Ms. Agape? Saktong sakto...

"Ms. Agape?" Tanong ko agad dito.

"Mabuti naman at sumagot ka na." Bakas sa boses nito ang pag-aalala, kahit na kalmado ito ay nararamdaman ko mula sa salita niya.

"Kumusta ka Ms. Agape? Nakausap ko na sila..." Hindi ko na natapos pa sasabihin ko nang marinig ko ang boses ng lalaking 'yon.

"Queen! Where are you?!" Boses ni Kieffer 'yon!

Nako, kasama pala ni Ms. Agape si Kieffer?! Baka mamaya kmasama din niya...

"Calm down Bro, gusto mong matakot yan sayo?" Sabi ko na nga ba, boses ni Vash naman 'yon.

"Tsk, as if matatakot ang babaeng 'yon. Amasona kaya yun kung alam niyo lang!" Tsk, ang lakas mong magsalita Ron. Akala mo hindi ko narinig 'yon? Sasapukin ko 'to ng malala kapag nakita ko siya.

"Dude, naririnig ka ni Queenie baka nakakalimutan mo? Pft!" Tumawa naman silang dalawa ni Vash at Dous kaya narinig ko ulit nagsalita yung gunggong.

"Hehehe, joke lang 'yon Queenie." Pagbibiro nitong sabi. Hindi ko kakalimutan 'yon.

"Are you ok?" Nakuha nang pansin ko si Kieffer na nag-aalala sa akin. Kalmado na siya ngayon, ang bilis naman?

"Yeah, I'm fine..." Sagot ko dito.

"Akin na nga yan! Ako kumakausap ikaw kukuha?!" Agad namang inagaw ni Ms. Agape yung phone kay Kieffer at nagsitawanan naman yung tatlong lalaki.

"Tsk, i-loudspeaker mo kaya." Si Crave 'yon ah?

"Psh, mga walang galang!" Pft, natawa naman ako sa reaction ni Ms. Agape sa mga loko-loko na 'yon.

"Anyway, ok ka ba talaga?"

"Yes, ok na ok ako ngayon Ms. Agape." Kailangan kong sabihin sa kaniya kung anong nangyari sakin kanina. Kaso maririnig naman ng limang kumag. "May mga lalaki lang humarang sa akin noong bumaba ako ng kotse."

"Mga lalaki? Naka black hood ba sila?" Nagtaka ako sa tanong ni Dous. Black hood, kilala kaya nila 'yon?

"Shh!" Pinatahimik niya si Dous at nagsalita ulit. "Hayaan mo na 'yon Hais..."

"Yes, mga naka black hood sila at may gamit na mga armas."

"Tama nga, Black Butterfly Gang nga ang sumusunod sa inyo Tita." - Dous

"Tsk, bakit naman nila pag-iinteresan ang isang babae na hindi naman nila kilala? Psh!" - Vash

"Baka dahil sa atin? Kalaban ng gang natin ang BBG...OPPS!" - Ron

Kalaban nila? So dapat sila ang pinupuntirya pero bakit ako?!

"Tsk, shut up Ron! Ang ingay mo palagi!" - Crave

"Hehehe, sorry na Boss." - Ron

Hmm, si Crave ang Boss nila? Which is leader ng gang?

"Kung grupo kayo ng gang, bakit damay kami ni Ms. Agape?" Tanong ko sa kanilang lahat.

"Haisley, ako ang huling leader nila. Ang BBG ang dati kong hawak na gang group." - Ms. Agape

Doon na ako nagulat ng sobra. "Ano namang ibig sabihin non?"

"Simple lang, hindi nila matanggap na binitawan ko sila. Hindi sila payag sa pagbaba ko bilang normal na tao lamang." - Ms. Agape

"Si Tita ay isang kilalang gangster Boss." Pagsisimula ni Ron. "Hanggang sa nagkaroon si Tita ng anak kaya naman gusto nitong hindi na madawit sa anumang away."

Para sa kapakanan ni Crave, naiintindihan ko naman 'yon pero...

"Bakit ngayon si Crave naman ang Boss niyo? I mean, halata naman sa pag-uusap niyo na boss niyo siya." Pag-uusisa ko pa sa kanila.

"Ang dami mong tanong." Rinig kong sinabi ni Crave sa kabilang linya.

"Tsk, wala ba akong karapatan? Damay ako dito hoy!" Hindi ko na napigilang sumigaw dahil sa sinabi nito.

"Tama na yan! Ikaw Crave sumusobra ka na!" Sigaw nito kay Crave. Siguro ngayon galit na si Ms. Agape. Ewan ko, wala namang problema sakin kung ganon sila sakin. Bakit naman ako papaapekto?

Pakakalmahin ko sana si Ms. Agape pero may narinig akong kaluskos na galing sa likod ko kaya tumigil muna ako sa pagsasalita at pinakinggang mabuti ang paligid ko.

May narinig ulit akong kaluskos galing naman sa kaliwa ko. Nakalimutan kong nasa gubat pa pala ako, tsk! Kung minamalas ka nga naman. Agad na akong tumakbo ng mabilis.

"Mukhang nahanap nila ako Ms. Agape! Kailangan ko nang ibaba ang tawag!" Agad kong sabi sa kaniya.

"Sh*t, na saan ka ngayon!" - Kieffer

"Nasa gubat ako ngayon. Hindi ko alam kung na saang gawi ako ng gubat." - Me

"May nakikita kang tore d'yan?!" Tore? Malapit sa mansion ba iyong tinutukoy niya?

"May nakita akong tore kanina malapit lang pero hindi ko na pinuntahan dahil may mga naka itim na lalaking naroon."

"Ano?! Tsk, sige pupuntahan ka namin diyan. May malapit diyan na malaking puno. Maaari kang umakyat doon. Unahan mo sila para hindi ka mapansin sa pag-akyat."

"Sige Ms. Agape, maraming salamat."

"Mag-iingat ka Hais."

Ibinaba ko na ang tawag at nagsimula ng maghanap ng malaking puno.

Buti naman at hindi mahirap malaman kung saan ang malaking puno dito. Halos magkakasing pantay lang ang mga puno dito.

Ito na siguro 'yon, malaking puno at mukhang matanda na din ito.

Habang nasa malayo pa sila ay agad akong tumalon sa puno at nagsimulang umakyat hanggang sa taas nito. Nagtago na din ako sa mga dahon nito at hindi na kumilos pa. Ayokong marinig nila ako.

"Bro, wala na siya, natakasan tayo!" Inis na sigaw nito kaya naman umalis na sila. Ako naman nandito parin sa taas, ayoko munang bumaba baka may mga nagtatago pa silang kasama. Mahirap na, ayokong malaman nila na nandito ako sa malaking puno.

Tinigna ko ang simbulo na nasa pulsuhan ko. Tatlong tuldok na naka-triangle. Kita parin pala ito, kailangan kong itago ang simbulo na ito bago nila ako makita dito.

Saktong sakto at may concealer ako ditong dala-dala palagi. Buti hindi kinuha nung babae. Ano na kayang balita sa mga kalaban. Siguro ngayon galit na galit na mga miyembro niya.

"Bumaba ka na diyan," May narinig akong boses lalaki, nalaman ko agad kung kanino ito, syempre kay Kieffer. "Tulungan na kita."

"Kaya ko sarili ko, hintayin mo ako diyan."

Bumaba na agad ako mula dito sa malaking puno at nakita ko din si Crave na kasama ni Kieffer.

"Sundan mo kami, pupunta tayo sa hideout namin." Saad nito. Pumayag lang ako sa sinabi nito at sinundan ko na silang dalawa.

Talagang silang dalawa ang nandito? Na saan yung tatlong makukulit?

Naalala ko, nagkasagutan pa nga pala kami ni Crave bago ako umalis ng bahay nila. Hayst, noong naalala ko 'yon bigla akong nainis. Hayaan mo na, hindi ko naman kailangang kausapin itong gunggong na kasama ko.

"Nandito na tayo..." Tumigil kami sa isang lugar na madamo, parte parin ng gubat ito. Na saan dito 'yon?

May kinapa si Crave sa lupa at matapos ng paghahanap niya biglang may bumukas na pinto mula sa lupa. So ito ang pintuan papasok ng hideout nila?

"Let's go."

Nauna na si Crave at sumunod naman ako, atsaka naman si Kieffer. Syempre madilim pagkapasok pero may ilaw silang dalawa. Pagkakita ko nga galing sa mga relo nila 'yong ilaw. High tech pala mga gamit nila?

May nakikita na akong liwanag sa dulo nito hanggang sa nakarating na kami at nakita ko sobrang laki ng hideout nila! Nasa ilalim sila ng lupa at hindi mo aakalain dahil ang laki ng ispasiyo nila dito!

"Haisley! Kumusta ka na?! Hindi ba nila kayo nasundan?" Pag-aalalang tanong ni Ms. Agape sa aming tatlo.

"Hindi naman Tita, siniguro namin na walang nakasunod sa amin." Sagot naman ni Kieffer.

"Hayst, mabuti naman. Halika dito Haisley, kumain ka muna at magpahinga saglit atsaka tayo mag-uusap." Ihinatid ako sa kusina at pinaupo sa hapagkainan nila.

"Maraming salamat Ms. Agape." Pagpapasalamat ko dito.

"Nako wala iyon, teka lang at may ginagawa kasi ako sa taas." At umalis din ito kaagad.

Yeah, may second floor sila at third floor. Astig hindi ba? Ewan ko paano nangyare 'yon, pft.

"May iba ka pa bang kailangan?" Pagkalapit nito sa akin ay tanong agad ang bungad nitong si Kieffer.

"Wala naman, hideout niyo ito?" Tanong ko dito.

Wala ba silang ibang mga kasamahan? Kasi, ang isang gang group madaming miyembro dapat. Sa pagkakaalam ko kasi sa sinabi ni Mr. Kirshawn noon sa akin noong bata palang ako.

May mga grupo ng mga gangster ang kumakalat ngayon sa pilipinas. Hindi alam kung ilan at kung saan kaya kailangan kong mag-ingat. Sa ngayon, hindi ko naman ramdam na nasa panganib ako, hindi naman nila alam kung sino ako.

"Hideout ng pamilya nila Crave." Simpleng sagot nito.

"Bakit may hideout sila?"

"Dahil hindi araw-araw ligtas para sa lahat ng gangster ang nasa iisang lugar. Dapat may hideout din kami."

Hmm, kung sabagay. Kagaya ngayon, nagtatago kami dito dahil sa kalaban nila, hayst.

"Anong meron sa Black Butterfly Gang na sinasabi niyo?"

"Ang BBG ang unang gang na kalaban namin. Umpisa pa lang na malaman nila kung sino ang magulang ni Crave ay lagi na silang nakikipaglaban sa amin." Ohhh, boss nga pala nila dati si Ms. Agape.

Nakita ko sila Vash, Dous at Ron na naglalakad sa gasi namin, pasimple naman akong umusod ng konti at inilabas din konti yung paa ko. Habang naglalakad silang tatlo nadapa si Ron at ngayon nasa sahig na 'yong mukha niya, pft.

Nagsitawanan naman sila at ininis si Ron. "Ang lampa mo rin pala Rondel! Hahaha!" At nagsitawanan lang silang dalawa.

"Ikaw may gawa nito! Pinatid mo'ko!" Sigaw ni Ron sakin.

"May proof ka na ako ang gumawa no'n?" Simpleng tanong ko dito. Wala naman siyang maibibigay na pruweba na ako ang pumatid sa kaniya.

"Wala! Pe-pero hindi naman ako lampa!" Pft, mukhang iiyak pa ata ang isang 'to!

"Huy Rondel, ano na naman yan?!" Opss! Si Ms. Agape.

"Titaaaa! Si Queenie pinatid ako!"

Hindi ko inaasahan na lalapit ito kay Ms. Agape at magsusumbong na parang bata.

"Rondel! Hindi ka naman bata para gawin yan! Binata ka na, sa dami mong babae mas malambot ka pa kesa sa kanila!"

"Tita namannn!"

Pft, totoo naman sinabi ni Ms. Agape, kulang na lang umiyak na siya.

"Umayos ka na! Tigil tigilan mo yang drama mo at baka sabihin ni Haisley kay Heaven kung gaano ka kabata kung kumilos!"

Agad namang tumayo ng tuwid ang mokong at kumilos na para bang walang nangyare. Umalis na ito at bumalik sa dati.

Basta tungkol kay Heaven talaga, iba din tama ng isang 'to sa bestfriend ko.

"Doon ka sa second floor matutulog, inayos ko na magiging kuwarto mo. Katabi mo kuwarto 'ko at kuwarto ni Crave."

Pumayag naman ako sa sinabi niya pero ok lang sa kanila na matulog ako dito?

"Hindi ba sobra naman ako kung dito ako matutulog sa lugar niyo?" Ayoko namang maging pabigat sa kanila.

"Syempre gagawa ka ng gawaing bahay dito, anong akala mo bisita ka dito palagi?" Wika ni Crave.

"Sino ba nagsabi na bisita ako dito ha kutong lupa?!" Sigaw ko dito.

"Nasa teritoryo ka ng pamilya namin kaya ayusin mo yang bibig mo!" Sigaw nito pabalik.

"Sabihin mo yan sa sarili mo huwag ako! Ikaw itong panay ang sigaw sa akin at murahin ako harap harapan!"

"You deserve it!"

"At deserve mo ding tawaging kutong lupa dahil mukha kang kuto na amoy lupa!"

"What did you f*cking say?!"

"Inuulit ko, isa kang kutong lupa!"

"What the?!"

"Ano, magsasabi ka na naman ng f*cking, f*cking diyan! Kainin mo yan baka sakaling bumango yang bibig mo!"

Hindi parin kami tapos ni Crave sa pakikipagsagutan pero naririnig ko naman sila Ron sa gilid ko na parang nanonood ng show. Kumakain pa yung kumag!

"Wow, nice, hindi talaga papatalo si Queenie kay boss." - Ron

"Hmm, kahit anong sabihin ni boss may banat si Queenie." - Vash

"Agree, d'yan nagsimula yung lolo at lola ko." - Dous

"SHUT UP!" - Crave

Hayst, ano ba naman itong napasok ko. Tatagal ba ako dito o gugustuhin ko na lang na makita ako ng mga kalaban kesa kasama ko ang isang kutong lupa na ito?!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height