+ Add to Library
+ Add to Library

C16 CHAPTER 16

Queen's POV

—Kinabukasan—

"Pagpasensiyahan mo na is Crave, ganon talaga ugali no'n."

Tumingin ako kay Keiffer na ngayon ay katabi ko sa kusina. Naghuhugas kasi ako ng plato dito. Ayaw pa sana nila pero hindi ako nagpatinag. Ayoko naman maging bisita lang dito lalo na at dito ako natulog sa kanila at kumain.

"No worries, ok lang sa'kin. Hindi naman big deal ugali ng mokong na 'yon."

Natapos ko nang hugasan lahat ng pinagkainan kahapon kaya naman nagluto na din ako. Alam ko naman kung papaano magluto.

"Need help?" Alok ni Kieffer sa akin. Bakit, kaya niya ba maghiwa ng gulay? "Kung gusto mo ako na maghiwa ng iluluto mo." F*cking seriously?

"Nagluluto yan Queenie, don't worry hindi naman yan kagaya nila Dous at Ron na basta-basta na lang nilalagay mga ingredients sa lutuan hahaha!" Biglang sulpot naman ni Vash dito sa tabi ko. Hindi ko siya napansin na bumaba dito?

Speaking of, napansin ko na lumabas na din ng kuwarto yung dalawang lalaki. Humikab pa sila at nagsalita.

"Umagang umaga kami agad bukang bibig mo." Paunang wika nito. "Bakit hindi na lang si Boss ang sinabi mo, hindi lang naman kaming dalawa ang hindi sanay magluto dito."

Natigilan naman si Vash sa sasabihin nito nang mapansin din niya na nasa gilid si Crave at halatang kanina pa nakikinig sa amin.

Nagtaka naman yung dalawang mokong. Pft, patay sila ngayon.

Bago pa sila mag-ingay ulit ay humarap na ako sa refrigerator at naghanap ng kung anong pwedeng lutuin.

Pagkabukas ko ng ref doon ko napansin na halos walang laman ito. No'ng sinara ko ay napabaling ang tingin ko kay Kieffer na ngayon ay naghihiwa na ng mga lulutuin.

Ayan, naunahan tuloy ako. Kanina pa niya siguro kinuha mga pagkain sa ref.

"Good morning boys! Oh, gising ka na pala Hais. Halika rito at may sasabihin ako sayo." Pagkasabing iyon ni Ms. Agape ay umakyat ako, nandoon kasi ang mga kuwarto. "Pasok ka, may pag-uusapan tayo." Pumasok naman ako kagaya ng sinabi ni Ms. Agape.

Kahit na nagtataka silang lahat ay nanahimik na lang ang mga lalaki. Mukha namang wala silang alam sa gustong sabihin ni Ms. Agape sa akin.

Isinara na ni Ms. Agape ang pintuan, sakto nun ay madilim pala dito sa loob kapag sinara iyon.

"Sorry, wala palang ilaw dito." Binuksan nito ang ilaw kaya napansin ko kung gaano ka ganda dito sa kuwarto ni Ms. Agape. "Bago tayo magsimula, kumusta ka naman dito? Hindi ka naman siguro kinukulit ng mga 'yon?"

Umiling ako sa tanong nito. "Maayos naman pakikitungo nila sakin." Totoo naman, yung iba.

"Mabuti kung gano'n, hindi na ako magsasabi pa ng kung ano." Bigla namang sumeryoso ang mukha ni Ms. Agape. Nakakapagtaka pero hindi na lang ako nagpahalata sa kaniya. "May alam ka ba tungkol sa mga gangster?" Diretsong tanong nito.

Hindi ko inaasahan na magtatanong siya diretso ng ganito.

"Sa totoo lang may alam ako Ms. Agape, dahil kalat na iyon sa ibang bansa kung saan si Kuya Nick naninirahan noon." Inosenteng sagot ko, kalmado naman ako kaya alam ko na hindi siya maghihinala. At totoo naman na kalat na sa ibang bansa ito.

"Kaya ka hindi nagulat ng sinabi kong ako ang Boss ng BBG?" Takang tanong nito.

Umupo ako sa study table ni Ms. Agape, may nakita akong globe doon kaya lumapit ako.

"Hindi naman nakakagulat kung malaman ko 'yon. Lahat ng bansa may itinatago. Hindi lang naman isang bansa ang tinataguan ng mga gangster. Alam kong alam niyo yan Ms. Agape." Pagkasabi ko no'n ay inikot ikot ko ang globe na nasa harapan ko.

"Kumakalat ang mga grupo ngayon, hindi lang naman aasenso ang isang grupo kung mananatili sila sa iisang lugar. Alam ko na ang mga gangster ay grupo ng mga kriminal, tama ba ako?" Agad namang nag iba ang reaksyon ni Ms. Agape sa sinabi ko.

"Pero iba na..." Pinutol ko ang sasabihin nito at nagpatuloy sa sasabihin ko.

"Iba na ang patakaran ngayon at gawain ng mga gangster ngayon. Hindi lahat ng gangsters ay masasama, alam ko 'yon. Alam ko na may mga gangster na gumagawa ng mabubuti katulad mo Ms. Agape." Bigla namang kumalma si Ms. Agape pero nagpatuloy parin ako sa sinasabi ko.

"Pero hindi niyo makakaila na hanggang ngayon may bahid ng dugo at krimen ang kamay niyo Ms. Agape."

Sa huling mga sinabi ko ay doon ito natigilan. Kahit na sabihin nating nagbago na ang isang tao. Nandoon parin ang nakaraan na ginawa nila. Mabuti man o masama, mananatili 'yon sa kanila at mananatili iyon sa mga taong nakapalibot sa kaniya.

"Tama ka Haisley, at wala na akong magagawa pa para malinis ang mga kamay na ito." Malungkot na wika nito at unti-unti itong umupo sa sahig.

"May magagawa ka pa Ms. Agape, 'yon ay ang itama ang lahat. Kung ano man ang nagawa niyo noon, hindi na natin mababago o maibabalik ang nakaraan. Ngayong nagbago ka na, kailangan niyong itama ang lahat." Tumingin ito sa akin na para bang naguguluhan sa mga sinabi ko.

"Kailangan niyong humingi ng tawad sa kanila, mahirap man para sa kanila na patawarin kayo. Sa ganitong paraan, alam ko hindi kayo paniniwalaan pero kung mapatawad nila kayo maaari naman kayong gumawa ng panibagong alaala hindi ba? Alaala na wala kayong ginawang masama ngayong nagbago na kayo."

"Pero, ang daming magagalit sa amin."

"Para saan kung matatakot kayo sa mga galit nila? Harapin niyo 'yon dahil kapag nalagpasan niyo 'yon hindi ba mababawasan yung bigat na nararamdaman mo?"

Tumahimik lang si Ms. Agape at hindi na siya nakapagsalita pa.

Ito lang ang nakikita kong paraan para kahit papaano ay mabawasan ang bigat na nararamdaman ni Ms. Agape.

Alam kong madaming tao ang magagalit sa kanila, madaming tao ang hindi maniniwala sa kanila, at madaming tao ang huhusga sa kanila pero ito ang kahihinatnan ng lahat matapos ang ginawa nila.

Kung magbabagong buhay ka, mas maganda kung alam mong wala ka ng nasasaktang tao. Mas maganda kung magbabago ka, humingi ka ng tawad, yung sincere ka.

"Imposible yang sinasabi mo." Lumingon ako sa kung sino ang nagsabi no'n. "Humingi ng tawad? Tsk, lahat sila galit samin, iisipin mo mapapatawad pa nila kami matapos ng lahat ng yon?!" Narinig ni Crave lahat ng napag-usapan namin?

"I know my mother! Nagbago na siya, kung hihingi siya ng tawad. Galit lang ang ibibigay nila sa kaniya!" Galit itong lumapit sa akin at ramdam ko sa kaniya ang pagpipigil.

"Sige, gusto mo akong saktan?! Gawin mo! Pero tandaan mo, hindi lahat ng bagay makukuha mo agad! Kaya nga kailangan mong maghintay! Isa lang ang sagot diyan, hindi ka katulad ng magulang mo! May proseso ang lahat Crave!" Nakita ko yung apat na nasa pintuan din at nakikinig.

"Kung sasabihin mo lang ang paghingi ng tawad at wala kang gagawin malamang hindi sila maniniwala sayo! Hindi ka naman hihingi ng awa para patawarin ka nila! Hindi 'yon ganun-ganon na lang! Alam kong mahirap magpatawad pero sana naman isipin mo yung taong na apektuhan ng ginawa niyo!"

Matapos ng lahat ng sinabi ko ay umalis na ako sa kuwartong iyon at nagtungo na sa kuwarto ko at doon nagsimulang tumulo ang mga luhang pilit kong itinatago.

Naisip ko ulit ang mga magulang ko. Noong araw na huli ko silang nakita.

"Mom, Dad, bakit hanggang ngayon ang sakit-sakit parin. Gusto kong marinig sa kanila yung word na yon! Gusto kong maghiganti, oo galit ako sa kanila pero wala namang mangyayare kung gawin ko 'yon hindi ba? Hindi parin naman kayo babalik sa akin! Gusto ko lang—gusto ko lang magsisi sila sa ginawa nila sa inyo! Gusto kong magsisi siya sa ginawa niya!"

Lahat ng galit, inis, at lungkot inilabas ko sa kuwartong ito habang gumisigaw sa pagitan ng unan na ngayon ay yakap-yakap ko na.

Sobrang sakit, sobrang sakit dahil hanggang ngayon hindi ko parin alam ang lahat! Nasasaktan ako dahil wala akong alam. Wala akong magawa dahil sa ngayon, para parin akong bata na walang alam sa kung anong nangyayare sa paligid ko.

Hanggang ngayon hindi ko alam kung bakit pati ako dinadamay nila!

Wala na akong ibang nagawa pa dahil sa pag-iyak ko ay gusto kong mapag-isa at matulog na lang.

———

Nagising ako dahil sa mga ingay na naririnig ko galing sa pintuan.

"Tsk, ikaw magbigay niyan. Matapos mong makinig sa pinag-uusapan nila Tita Karen at galitin si Queenie dapat lang yan." Si Kieffer iyong narinig ko sa may pintuan.

"Oo nga Boss, pati tuloy kami nadamay sa galit ni Tita K, huhuhu." Umiiyak ba talaga si Ron?

"Boss sige na, ibigay mo na yan. Sige ka, grabe pa naman magalit si Tita hehehe alam mo naman 'yon bomba kung magalit hehehe." Pati si Vash nandito din?

Teka nga! Ano bang ginagawa nila sa pintuan, ang iingay nila!

Dahil sa ingay nila napagdesisyonan ko na buksan ang pintuan at iyon ang pinaka maling ginawa ko.

"Psh, nananadya ka ba?" Bigla kasing tumapon sa mukha ko yung pancake, yung part na may syrup kaya ayun ang lagkit, hayst.

"Opss, ikaw ng bahala diyan Boss, sibat na kami!" Ilang segundo lang ang nawala na silang lahat sa paningin ko. Bukod kay Crave na nakatayong nandito sa harapan ko.

"Ano na namang kailangan mo?" Panimula ko.

Nagbuntong hininga naman ito atsaka nagsalita. "Mom said you should eat, because you haven't eaten since this morning." At ibinigay niya sa akin yung plato na may pancakes.

"No thanks, dumikit na yan sa mukha ko." Papasok na sana ako sa loob ng kuwarto pero pagkarinig ko sa sinabi nito ay parang hindi ako naniniwala.

"Ano ulit sinabi mo? Parang mali ata pagkakadinig ko." At inulit naman nito ang sinabi niya.

"I'm sorry." Simpleng saad nito.

"Ah ok gets ko na, napilitan ka lang kaya mo sinabi yan. Don't worry wala sa akin 'yon, sige na."

Umikot ako para sana pumasok na ulit sa loob ng kuwarto ko pero itong kumag na 'to biglang humarang sa pintuan at isinara iyon.

"I’m not being forced, I apologize for whatever I said earlier."

Wait, himala?!

"Ok, sige kakain na lang ako sa baba."

"Ako na kukuha, wait here."

Bumaba ito at nagtungo sa kusina, pagkabalik nito ay may dala na siyang bagong pancakes. Seryoso? Bumait ata siya ngayon? Ganiyan ba epekto ni Ms. Agape kapag galit siya?

"Eat well." Umalis na siya sa wakas at ako naman ito pumasok na sa loob at kinain yung pancakes na dinala niya.

Kailangan ata palaging galit si Ms. Agape para mabait mga mokong na 'yon. Pft, natatawa ako, maging ang Boss nila takot din kay Ms. Agape, hahaha.

Teka, kailangan ko nga palang mag-isip kung paano ako makakakuha ng impormasyon mula kay Mr. Kirshawn. Hmm, ok na kaya ang school?

*tok tok tok*

Sino naman kaya ang kumakatok na 'to?

"Wait lang!" Sigaw ko para marinig nang kumakatok.

Inayos ko mga pinagkainan ko at nagsimula nang pumunta sa pintuan. Pagkabukas ko nasa harap si Ms. Agape.

"Anong kailangan mo Ms. Agape? Tungkol pala kanina..." Natigilan ako sa pagsasalita ng hawakan ni Ms. Agape ang kamay ko.

"Haisley! Gagawin ko kung anong sinabi mo, gumana man o hindi." Seryoso? Akala ko galit siya sa akin? Ibig sabihin nito magpapakita siya sa mga taong nagawan niya ng kasalanan.

"Si-sigurado ka Ms. Agape? Kung ayaw mo talaga, huwag mong ipilit." Hinila ako nito sa loob ng kuwarto at isinara ang pintuan.

"Siguradong sigurado ako Hais. Kahit sa ganitong paraan lamang mabawasan mga kasalanan ng pamilya ko."

Gusto nga niyang gawin, pero kasalanan ng pamilya niya? Kasama ba magulang, kapatid o kamag-anak tinutukoy niya?

"Sige Ms. Agape, kung sigurado kayo sa desisyon niyo. Sasamahan ko na din kayo."

"Pero wala kang kinalaman sa pamilya ko."

Hindi ko alam kung bakit, oo wala akong kuneksyon sa kanila pero gusto ko ding malaman kung anong klaseng mundo ang meron sa underworld.

"Ako ang nag-suggest nito Ms. Agape, wala namang masama kung sasama ako. Unless may tinatago kayo?"

"Sige Haisley, pero hindi ito alam ni Crave."

"Mas mabuti kung alam ito ng anak mo Ms. Agape. Ayoko din naman na isipin niyang pinilit kita na gawin 'yon."

"Sige, sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko kailangang maglihim sa kaniya. Maraming salamat, Haisley."

"Wala naman akong naitulong sa inyo Ms. Agape."

"Ang pakiramdam na may sumusuporta sa desisyon ko, ok na 'yon bilang tulong mo. Malaking malaki na yon."

Dahil sa pag-uusap naming iyon ni Ms. Agape, mas lalo ko siyang nakilala.

Hindi ko na muna iisipin ang tungkol sa mafia organization nila Mom and Dad. Ok na din na mag focus sa ibang bagay. Sila na din naman makakasama ko dahil mahirap ng mag labas-masok ngayon.

Report
Share
Comments
|
New chapter is coming soon
+ Add to Library

Write a Review

Write a Review
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height