C2

—Kinabukasan—

Queen's POV

Busy ako rito dahil sa mga gamit, syempre papasok na ako ng school.

"Nie!!! Gising na!!!"

"Ayy palaka! Mom naman eh."

"Hahaha gumising kana kasi dyan at mag-aalmusal na."

"Hayst, okay Mom maligo lang muna ako bago bumaba."

"Ohh okay, para magising diwa mo 'nak? Hahaha sige intayin ka namin sa baba."

"Okay Mom."

Lumabas na nga si Mom sa kwarto ko. Hayst, si Mom naman ngayon ang nagpagising sa akin. Sino susunod, yung Dad ko naman? Hayst, maaga naman akong natulog kahapon pero bakit parang kulang pa yung tulog ko. Makaligo na nga lang.

*Fastforward*

"So it's your first day of school in Zortron University my daughter." my Dad said.

"And I'm excited to see THEM." saad ko, hindi ko kilala mga lalaki kahapon pero wala akong pake, baka hindi nila alam kung sino kinakalaban nila.

"And why you're excited huh?" napansin kong naging curious si Mom sa sinabi ko.

"Secret Mom and what's with our deal yesterday? May car na ba ako and hahanap na ako ng dorm?" Masaya kong mga tanong sa kanila. Syempre, dapat may car ako at the same time dorm na malilipatan.

"Hon, ikaw na magsabi sa kanya." Walang pakeng tumingin ito sa dyaryo at tinitigan lang, anong nasa isip ni Dad ngayon?

"Okay, we decided to give you a car and for your allowance, Daddy will provide it for you. Ikaw na din 'nak ang mag-hanap ng dorm na gusto mo. Ibigay mo na lang sa amin yung address ng magiging dorm mo." sagot naman ni Mom sa akin.

"Ahh okay Mom." Speechless ako, sa wakas may kotse at dorm na ako.

Sila Mom and Dad kasi ayaw akong bigyan ng car, you know. Delikado raw para sa isang babae, which is alam ko naman yun, pero gusto ko rin ng ganun.

"Hindi ka ba masaya 'nak? Akala ko yun gusto mo?" Ganito lang pala kadali magkaroon ng kotse, jusko nakipagtalo pa ako noon sa kanila, tsk.

"Ah masaya naman po ako, speechless lang hehe." Baka mamaya alam nila binabalak ko nako huwag naman.

"Hon, we're getting late now and Prin—I mean Haisley, you need to go now." Agad naman akong natauhan sa sinabi ni Dad kaya nagmadali akong umakyat at nagbihis sa kwarto ko tyaka bumaba na.

"Sige po Mom and Dad, I need to go now. Bye!" Pagmamadali kong sabi. Kinuha ko naman gamit ko then nagmadali na akong umalis.

Mamaya ko na lang kukunin yung ibang mga gamit ko pagka-uwi ko.

Naglalakad ako ngayon sa shortcut namin syempre, kahit papano hindi ako mapapagod kakalakad papunta sa school na yun. Ako lang naman may alam about dito so alam kong ako lang din makakadaan dito pero bakit ganun. May nakikita akong isang pigura ng tao mula sa malayo? Hmm...

Nagmadali akong naglakad papunta dun at tama nga. May tao rito at nakasandal pa ito sa dingding habang may headset sa tenga n'ya.

"Anong oras na ba?" Agad kong tanong at tinignan kung anong oras na nga, nang malaman ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"7:05 na, limang minutong late na ako, sh*t!" Nataranta naman na ako at tumakbo ng mabilis.

"Hala! Terror teacher pa naman una ngayon!" Pagka-alala ko, nasa schedule ko kasi na dating terror teacher ko ang mauuna.

Ilang minuto din ay nakarating na ako sa gate pa lang ng campus at may naririnig din akong mga sigaw, tilian o kahit na anong ingay.

Hindi pa ba start ng class ngayon?

"Ang ingay naman nun. Saan ba nagmumula yun?" Agad kong narinig ang isang boses ng babae.

"Dawn!" tawag ko rito.

"Sa stage ata ate eh." sagot naman ng isa pang babae.

"Dove!" at parehas naman silang tumingin sa akin.

Yeah magkapatid nga pala yung dalawa sa grupo namin. Si Dawn at Dove yun, tapos may isang babae pa na kababata ko.

"Puntahan natin, ano game?" Masayang aya ni Dove sa amin kaya nag-agree na kami ng ate nito at umalis na nga kami dun. Dumedetsyo kami sa stage at tama nga, daming estudyante rito na may iniintay sa pag dating.

"Titus Five! Wahhhh!"

"Crave! Wahhh, akin ka na lang!"

"Ang gwapo mo Kieffer! Handa na akong maging asawa mo!!"

"Andito na ako mahal ko! Uwi kana! Kyahhh!"

"Dous! Mahal kitaaa! Pansinin mo na ako!!"

May mga grupo ng mga lalaki ang dumating. Alam ko na kung bakit sila nagsisitilian dito-.- Yung kahapon na mga lalaking akala mo parang mga hari ng campus, pero bakit lima na sila ngayon? Apat lang sila kahapon ah...

Bago pa lang ako magtanong ,nagpaliwanag na si Dove.

"Sila ang Titus Five, si Crave Forder Cresty ang leader ng grupo nila. Si Kieffer Sword Zortron naman ang anak ng may-ari nitong school. Si Rondel Cradel Vallerion ang kinikilalang playboy. Si Feydous Arson Amithon s'ya naman at matahimik sa kanila, Si Vash Erix Detecio ang sobrang mabait sa kanilang lima." Mahabang pagpapakilala ni Dove sa mga lalaking 'yon.

"Mukhang kilalang-kilala na nga sila dito pero kailan pa sila nalipat dito?" Kasi nung nandito rin ako wala naman akong nakikilalang mga ganyan ang pangalan.

Yeah, dati akong nag-aaral dito kaya nga sabi nila buti bumalik ako pero pinalipat ako nila Mom sa school ko dati dahil nga sa iba ang mga ugali dito sa Z.U at suki na din ako ng faculty namin dahil na rin sa mga ginawa kong panggugulo rito-.-

"Oo naman 'no, bukod sa gwapo sila at mayaman, kilala din sila sa buong mundo kaya hindi na rin nakakapag taka kung isang araw may pumunta ditong mataas din ang estado sa buhay 'no!" Pag-sang ayon naman ni Dawn sa sinabi ng kapatid nito.

"Teka nga, ang dami mong alam sa kanila ah. Stalker ka ba nila Dove?" Sabay ngisi ko naman sa tanong ko.

"Uhm hindi naman pero alam mo na... Nangunguha lang naman ako ng info at alam mo yun, magaling kaya ako d'yan hahaha! " Nababaliw na si Dove, hindi ko kinakaya confidence ng isang 'to!

"Magtatagal pa ba kayo rito?" Inip na tanong ni Heaven.

"Jusko, paanong nandiyan ka? Hindi ka naman namin napansin na pumunta rito." Gulat na reaksyon nitong si Dawn.

"Hello girls!" Biglang may sumulpot namang lalaki dito sa pwesto namin.

"Pft, kaya naman pala ganiyan mood mo dahil may dahilan." Hala anong sinasabi ni Dawn?

Agad tinignan ni Dawn at Dove yung lalaki ng masama. Ewan ko ah, pero parang may something.

"Bye girls!" Agad umalis si Heaven kaya sinundan agad namin siya.

"Hoy! Paki explain nga sa akin kung anong nangyayare dito ha?!" Pag-sisisigaw ko habang tumatakbo at sinusundan si Heaven.

Aba! Ako lang ang walang naintindihan sa mga 'to ah!

"Uhm sorry Haisley, mamaya na lang. Male-late na nga tayo sa klase natin." Bigla kong naalala na may class pala kami, mabuti at sinabi ni Dove 'yon.

Ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng Class B? Ano naman 'to?

"Dito tayo magkaka-klase!" Masayang sagot ni Dove.

"Magkaka-klase? Teka sinong nagsabi?" Takang tanong ko.

"Ako..." sagot ng isang babae sa 'di kalayuan ng upuan.

Nasa desk kasi kami tapos s'ya doon sa dulo, nakaupo siya, wala kasing ilaw sa dulo ng upuan. "Ako ang nag sabi sa kanila na dito ka ilipat ng room."

Bigla namang binuksan ni Dawn ang mga ilaw.

"H-heaven?? Pero paano mo na gawa yun?"

"Simple lang naman, pinsan ko lang naman ang anak ng may-ari nitong school."

"Ano? Hindi naman na sabi sa akin nila Mom yun at hindi ko alam yun. Matagal na tayong magkakaibigan, childhood best friend kita pero ngayon ko lang na laman 'to?"

"Ahh oo nga, kasi hindi naman kami nagkakausap ng Tito ko since ipinanganak ako pero matagal ko ng alam na Tito ko may-ari ng school na ito."

"Pero bakit hindi mo sinabi sa'kin?!"

Tinignan ko ng masama sina Dawn at Dove para humingi ng kasagutan.

"Ahh nung dating lumipat ka ng school, do'n lang namin nalaman ng sinabi n'ya sa amin." sagot ni Dawn.

"So ako lang naman pala ang walang kaalam alam dito."

Mahinahong sabi ko at pumunta sa dulo ng upuan. Nakasalubong ko pa si Heaven ng pumunta ako doon pero dinaanan ko lang s'ya at hindi pinansin hanggang sa maka-upo ako sa dulo. Tumingin lang ako mula sa bintana at hindi ko na sila pinansin pa.

Nang biglang umingay ang room namin doon lang bumalik ang diwa ko. Matagal na pala akong nakatingin sa labas mula sa bintanang 'to.

"Beh, sino yung nasa dulo ng upuan? Babae yun right?"

Narinig ko mga bulungan ng mga babae na akala mo naman may nagawa akong masama.

"Ayy oo nga beh babae yun pero sino? At ngayon ko lang s'ya nakita ah."

"Wala na akong pake dun pero bakit d'yan pa sya umupo? Ang lakas naman talaga ng loob nya. Akala nya maaagaw nya sakin si..."

"Good Morning Class!" Napatingin ako kung sino ang nagsalitang yun. Babae s'ya at mukhang mataray. Parang terror teacher nga talaga s'ya. Sabi na nga ba.

"Good Morning, Ms. Agape!" Pagbati lang din nila sa babaeng nasa harap o ang Teacher ata namin.

"Hmm, ayun! Nandito ka na pala, ang bagong classmate nyo. Introduce yourself here Ms. Severenity."

Agad naman na akong bumaba pero nasa gitna pa lang ako ng may biglang pumasok na limang lalaki???

What the?! Sila na naman!

Parang wala lang silang napansin sa harapan na teacher at agad na umupo sila sa mga upuan nila at yung isang leader ata nila 'to ang dumaan kung saan ako bababa dapat para magpakilala. Tinignan n'ya muna ako bago s'ya dumaan at sinadya n'ya akong isagi sa balikat n'ya!

Bigla ko s'yang tinitigan sa ginawa n'ya pero ang walang modo! Hindi manlang tumingin sa akin at nag-sorry? Hutaness!

Woooh! Haisley chill ka lang, inhale...exhale...in­hale...exhale...okay­, go na ako.

Bumaba na lang ako para magpakilala na.

"Hi, I'm Queenie Haisley Severenity or you can call me Haisley or Ley in short, 20 years ng nabubuhay, galing na ako rito noon, yun lang." Hindi ko na hinintay sasabihin ni Ms. Agape at agad na'kong bumalik sa upuan ko.

"Oh my gosh! Katabi nya ang Titus Five! Wahhhh!"

"Gosh! Ang lakas ng loob talaga ng babaeng 'to!"

"Pag tri-tripan yan malamang hahaha!"

Yan ang mga sabi ng mga babae.

"Pre ang ganda nya 'no."

"Oo nga pre at ang kinis pa nya, hmmm."

"Ang sarap jowain n'yan pre. Ano, pagtripan natin?"

"Hahaha sige ba, game ako dyan."

Tsk, mga lalaki nga naman, pero hindi yan uubra sa'kin psh kahit na babae ako. Kaya kong makipag basagan ng bungo-.- Subukan lang nila bali-bali buto nila.

"Class tama na yan! Mag simula na tayo." saway naman ni Ms. Agape sa mga kaklase ko.

Naglesson na si Maam pero wala naman akong maintindihan. Hayst, sabayan pa ng mga nakapalibot dito sa'kin na mga lalaki. Madali naman silang tandaan base sa sinabi sa'kin kanina ni Dove.

Yung nasa harapan ko, s'ya yung kaninang gustong kumausap sa amin, Ron ang name kung tama ako.

Yung nasa kaliwa ko naman, siya yung Vash ata kasama yung Feydous na tahimik.

Yung dalawang nasa likuran ko naman, yung leader na si Crave, pwe! Pangit ng pangalan!

At ang may-ari ng school na ito, yung... K-kieffer.

Oh diba! Ang dali lang nilang kilalanin base sa sinabi ni Dove hehehe.

*Fastforward*

/­Klinggg*Klinggg*Kling­gg/

Yes! Tapos na din, tatlong subject pero wala naman akong naintindihan, tsk!

Nag-ayos na ako ng mga gamit ko para makapag recess na'ko pero biglang nahulog ballpen ko. Sh*t, baka mawalan ng tinta 'to mamaya. Pupulutin ko na sana pero...

"Here miss, next time mag-iingat ka sa gamit mo." Binigay naman n'ya sa akin yung ballpen ko na nahulog at sabay ngiti nito sa'kin.

Hmm okay fine, he's handsome like para na din s'yang anghel. Wait what?! Anong sinabi ko? No! I mean argh! Nevermind!

"Haisley..." Tawag sa pangalan ko na ikinalingon ko naman. Nakita ko silang tatlo na magkasama at may sasabihin ata sila sa akin.

"Haisley, I'm sorry, we're really sorry." yumuko naman si Heaven pati sila Dawn at Dove tapos pumikit.

Anong ginagawa nila?

"Akala namin na hindi ka na babalik dito kaya 'di na namin nagawa pang sabihin sa'yo." paliwanag ni Dawn.

"Sasabihin naman sa'na namin kaso---" hindi ko na pinatapos sasabihin ni Dove at nagsalita.

"Yeah, okay lang sa akin pero nakakapagtampo lang na sa ating apat wala akong alam sa inyo lalo na sa iyo Heaven, ang tagal na nating mag best friend."

"We're really sorry Ally." sabay nilang sabi.

"Tama na yan, oras ng break time ganyan kayo." Pag-iba ko ng topic.

"So, okay na ang lahat kaya kumain na tayo!" masayang ani nitong si Dove.

Napangiti ako ng matamis, pag silang tatlo ang kasama ko, nagiging masaya ako kahit papaano.

Na miss ko sila...

Someone's POV

Nakalipat ka na pala rito My Queen, makakasama na ulit kita at makikita kahit dito man lang sa campus. Gusto kitang kausapin kanina pero hindi ko magawa kapag nandiyan ka na at katabi ko.

Siguro hindi pa ngayon ang tamang panahon, maaaring bantayan muna kita kahit nasa malayo lang ako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height