C3

Queen's POV

Nasa canteen kami ngayon at kumakain ako ng paborito kong fries. Bigla akong napa-ngiti at naalala ang mga memories naming magkakapatid. Kumusta na kaya si Kuya Nick?

"Pagkatapos ng class natin punta tayo sa amin ah?"

Nagtaka naman ako sa pag-aya ni Dove sa amin. Hindi kasi papayag si Tita na pumunta ako doon. Alam niya mga pinag-gagagawa ko sa school kahit sa labas pa ng school.

Alam kong hindi niya hahayaan na makapasok ako sa loob ng bahay nila.

"Ano ba Dove! Lagot tayo kila Mama pag may pumunta sa bahay ng hindi nila alam." Agad na tutol ng kapatid nito. Tama naman si Dawn, ayoko rin na mapunta sila sa alanganin kapag nakita ako ni Tita.

"Ano ka ba naman Ate Dawn, hindi naman natin sasabihin kay Mom and Dad. Atsaka, wala naman sila sa bahay ngayon. Busy sila sa business, alam mo naman siguro yun Ate." Grabe, kaya naman pala! Kailan pa nag-iba mindset ni Dove?

Ang bait-bait niya dati tapos ganito na siya? Hala, may naiisip na siyang kalokohan!

/Kringgg*kringgg*kringgg/

"Bakit naman nag-bell ngayon? Tapos na ba recess natin?" Nagtatakang tinitigan ni Heaven sina Dawn at Dove.

"H-hindi rin namin alam." Takang sagot din ni Dove.

Kapag nag bell na kasi, either tapos na ang recess or uwian na.

"Baka naman hindi sinasadya na mapatunog yung bell." Singit naman ni Dawn.

"Sige, para naman alam natin kung anong totoo bumalik na tayo sa room natin."

Nagtungo kami agad sa room namin at doon nakita namin si Ms. Agape na nagsasalita.

"Ang aga naman, walang pasok agad? Ilang araw pa lang Ma'am." Galit na tanong ng isang kaklase namin.

"Heaven, mukhang may kalokohan na naman ang pinsan mo. Sabihin mo na kasi sa tatay n'ya ang mga kalokohan n'ya dito sa campus." Seryosong tinitigan ni Dawn si Heaven at nag-hihintay ng sagot.

"Yeah, agree ako kay Ate Dawn. 'Wag mo ng hayaang tumagal pa ng tumagal 'yan. Ilang taon na rin kaya." Pag-sang-ayon naman ni Dove.

"Yeah, halos wala na tayong nalalaman ng dahil sa kan'ya!" Biglang sigaw naman ng isa ko pang kaklase.

Narinig ba niya ang pag-uusap ng tatlo?!

Pagkarating kasi namin, ang sabi ni Ms.Agape wala daw munang class ngayon. Parang half day lang ganun. Kaya ayan, mga kaibigan ko at ibang estudyante nagalit. Yung iba naman masaya, malamang walang class kaya walang sakit sa ulo.

"Tsk, I don't care kung walang klase. Mas mabuti 'yon makakapag shopping ako." Sabi ng isang babae na mahaba ang buhok, mukhang may grupo rin ito ng mga babae. Dami niya kasing alipores na katabi.

"Yeah, come on don't tell me magpla-plastikan tayo dito? Ayaw niyo ring may pasok kaya anong big deal do'n?" Pag-sang-ayon din ng isang babae na kulot ang buhok.

"Malamang big deal 'yon! Wala ka kasing alam kaya hindi mo naiintindihan!" Sabat ng kaklase kong maikli ang buhok. Mukhang nerdy dahil may salamin ito at may hawak na mga libro. Mukha itong mahiyain pero ang tapang niyang sumagot ah.

"Teka, sino ka ba ha?! Nakakalimutan mo ata kung sino kausap mo, nerdy girl!" Nakita namin na sobrang nainis ang babaeng makulot ang buhok sa sinabi ng nerd kaya natawa ako.

"Anong nakakatawa babae?!" Sinamaan ako ng tingin nung babae na mahaba ang buhok. Agad lumapit sa akin ang mga kaibigan ko at humarang sa harapan ko na para bang pro-protektahan ako laban sa babaeng 'yon.

Palihim na bumulong si Heaven sa akin. "Mag-iingat ka, nananakit ng kung sino yan." Sabi nito sa akin.

Nananakit ng kung sino? Bakit, SINO ba ako sa tingin niya?!

"Oh, mapanakit pala. Sige, sasaktan mo ba ako babae, sa harap ng teacher natin?" Pang-iinis ko rito.

"Tsk, anong akala mo sa akin? Hindi ko sasayangin oras ko ng dahil sayo, hmp!" Pagmamatigas nito.

"Oh, alam ko na yang sagot mo. Meaning niyan duwag ka, tama ba ako?" Ngisi kong tanong dito.

Bigla namang naging panget lalo ang mukha niya ng marinig nito ang sinabi ko. Ops, nagalit sa sinabi ko, parang yun lang eh pft.

"What the?! Sinong duwag! Kapal naman ng mukha mo, bagong salta ka lang dito kung umasta ka para kang reyna!" Nag-iinit na ba mukha niya? Hindi ko kasi mapansin dahil sa mukha niyang nasobrahan sa makeup.

Sasabat pa sana mga kaklase ko pero itong si Ma'am sumingit na sa eksena.

"Tumigil na kayo students! Wala kayong galang, nasa campus kayo at nasa harapan ko pa nagtatalo!" Nagalit na si Ms. Agape, kung sa bagay. Nakikita naman namin siya pero parang wala lang siya dito sa loob.

Malakas na hinampas ni Ms. Agape ang dala nitong mga libro sa lamesa nito. Bahagya pa ngang lumipad ang ibang pages nito sa ibang direksyon at nagsimula na namang sumigaw si Ma'am.

"Umuwi na kayong lahat! Wala ng maiiwan dito!"

Agad namang kumaripas ng takbo ang iba na nakikinig lang, yung iba naman inayos agad mga gamit nila sa school at lumabas, ako naman kalmado lang. Syempre sanayan lang 'to, ikaw ba naman halos araw-arawin ang pagsigaw ng ibang tao na parang gawing music na lang sa tenga mo, hindi ka kaya masanay?

"Kalmado ka ngayon Haisley ah. Buti hindi ka binulyawan ni Ms. Agape kundi lagot ka na naman sa parents mo." Napatawa na lang ako sa sinabi nito, pero totoo naman 'yon.

"Hindi naman masama si Ms. Agape, sabihin na nating slight lang pero aminin niyo mabait naman siya." Mukha naman silang sang-ayon sa sinabi ko.

"Teka, kilala mo na ba si Ms. Agape? Para kasing matagal mo na siyang nakilala." Pagtataka naman ni Dawn at doon bigla kong naalala, hindi ko pala nasabi sa kanilang tatlo.

"Matagal ko na siyang kilala, sa dati kong school nandoon siya kaya ganun na lang ako kung makipagsagutan sa babae kanina." Pagpapaliwanag ko sa kanila. Kilala ako ni Ms. Agape, I never do wrong pero kung sisimulan nila ako, syempre lalaban ako.

"Halika na, naka labas na sila..." Nabitin ang sasabihin ni Dove ng marinig namin ang boses ni Ms. Agape.

"Nice to see you again Ms. Severenity, balita ko'y matagal ka na rito pero lumipat ka ng school," paninimula nito. "Alam kong kilala mo na ako, wala na akong sasabihin pa tungkol sa ZU pero tandaan mo." Bigla itong lumapit sa akin at bumulong. "Never trust anyone, ok?" Payo nito sa akin at umalis din, teka payo nga ba yun?

"Ano yung last words na sinabi sayo ni Ma'am, Haisley?" Curious na tanong ni Dawn sa akin, hindi ko na lang pinansin dahil ayokong sabihin sa kanila.

"Let's go, baka masaraduhan pa tayo rito." wika ko at agad naman silang sumunod sa akin.

Bigla akong humindo ng mapadaan kami sa may gate ng school.

"Bakit Haisley, may problema ba?" Pag-aalalang tanong sa akin ni Heaven. Maging ako ay hindi ko alam kung bakit may nararamdaman akong panganib dito sa labas ng school.

"Hindi ko gusto ang nararamdaman ko ngayon, parang may panganib na hindi ko alam."

Nagtinginan naman silang tatlo sa sinabi ko. Noon lang ako nakaramdam ng ganito, bakit nararamdaman ko ulit?!

"Kung gano'n, tawagin ko lang mga bodyguards namin para sure tayo." Suggestion naman ni Dawn.

"Yeah, tawagin ko na rin si Manong driver ng makauwi tayo." Dagdag pa ni Heaven.

Dahil sa sinabi ko ay tinawag na nga nila ang mga bodyguards ni Dawn at Dove, agad naman itong dumatin pero yung driver ni Heaven hindi.

Kailangan pang mag-intay dahil hatid pa daw nito ang kapatid ni Heaven sa mansion nila.

"So, saan muna tayo? Don't worry Haisley, anim na kasama nating bodyguards ngayon."

Hindi ko iniisip yung panganib, ang iniisip ko kung ano o SINO ang may gawa.

Sana ay hindi siya, kung hindi...hindi ko sila mapro-protektahan.

"Haisley, ano ba! Nag-aalala na ako sa'yo! May gumugulo ba sa isip mo kaya ka ganiyan?" Pagpupumilit ni Heaven, hindi ko napansin na kanina pa pala kami naglalakad ng hindi ko alam.

"Kilala niyo ba yung lalaki kahapon?" Pag-iba ko ng topic.

"Anong meron dun, yung kahapon ba?" Pag-iisip ni Dawn sa tanong ko.

"Oo, bakit kilala nyo ang isa't-isa? I mean, dun sa kasama na Titus Five na nakausap n'yo." Kasi, ang sasama ng ugali nila. Ok, mabait yung isa or dalawa pero yung lider nila. Nako! Daig pa babae sa sobrang moody!

"Ang mga lalaki kasi mga manloloko mga yan..." Paninimula ni Heaven.

"Anong connect no'n Heaven?" Nagtataka na ako sa sagot niya. Bakit naman niya sinabi 'yon?

"Ah, mag boyfriend-girlfriend kasi yang dalawa kaya ganyan yang si Heaven. Ultimate enemy niya kaya 'yon." Singit ni Dove sa usapan.

"Ehh kung hindi rin naman kasi talagang manloloko yung gunggong na yun edi sana sila parin." Jusko, affected naman masyado si Dawn.

"So dalaga ka na pala Ven? Akala ko never ka ng magkaka-jowa eh." Panunukso ko kay Heaven, mahirap kasi paniwalaan.

"Nako Haisley, sakit lang dala ng pagmamahal na 'yan." Wika ni Heaven at nagmadaling naglakad, siguro hindi pa s'ya totally naka move on.

Habang naglalakad si Heaven ay dumating na 'yong kotse nila at huminto sa harapan nito.

"Nandiyan na pala eh, sige na umuwi na kayo." Nagulat ako sa sinabi ni Dawn at agad na nagtanong.

"What?! But why?! Paano kayong dalawa?"

"May bodyguards naman kami, ok lang kami. Inintay lang talaga namin na dumating kotse nila Heaven para makauwi na kayo. Iniintay na rin naman namin kotse ni Mom."

Si Tita? Oh no!

"Sige, hindi nga pala ako pwede makita nila Tita. Sige uuwi na kami, mag-iingat kayong dalawa." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Ingat din kayo sa byahe niyo, bye!"

Pumasok na kami sa kotse nila Heaven at nakita ko sila Dawn at Dove na kumaway sa amin kaya ganun din ang ginawa ko.

Pinaandar na ng driver ang kotse at umalis na kami. Ok lang kaya silang dalawa? Kung sabagay, may kasama naman silang bodyguards.

"Huwag mo na silang intindihin, tatawagan naman natin silang dalawa pagkauwi natin d'ba?" Halata namang pinapakalma ako ni Heaven. Hayst, tawagan ko na lang sila mamaya.

"Nga pala Heaven, kung pinsan mo ang may-ari ng school edi kilala ka na rin sa campus?"

"Maaaring oo, maaaring hindi, basta ang alam ko lang ngayon malaya ako sa kung anong gusto kong gawin."

"Wala ka bang plano na isumbong ang pinsan mo sa Dad niya?"

"Wala, hindi naman alam ng magulang nito kung papaano patakbuhin ni Kieffer ang ZU dahil wala rin namang pake ang ama nito lalo na sa kaniya."

"Huh? Bakit mo naman nasabi 'yan?"

"Noong nasa kanila ako, si Kieffer lang ang nasa mansion nila, syempre bukod na yon sa mga butler, maids, driver, etc."

"So, wala siyang ibang kasama na kapamilya niya?"

"Yes, teka nga, alam kong may past kayo ng pinsan ko. Hindi mo ba alam lahat ng 'yon?"

"H-hindi, malay ko ba! Hindi rin naman kami nagtagal..."

Natigilan na ako sa pagsasalita ng sabihin ng driver nito na nandito na daw kami sa bahay namin kaya no choice na ako kundi bumaba sa kotse nila. Kakausapin ko pa sana si Heaven, hayst.

Ibinigay naman sa akin ni Heaven yung bag ko kaya nagsimula na akong pumasok, pagkabukas ko ng gate namin may naaninagan akong isang lalaki.

Nang makalapit na ako ay tyaka ko lang nakita kung sino ito.

"K-kuya Nick?!"

"Hello Leley..."

Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita at agad na niyakap ang kapatid ko at niyakap din ako nito.

"I missed you, Kuya Nick! I really, really missed you!" At nagsimula na ngang magluha ang mga mata ko.

"Oh, calm down. I missed you too, kumusta ka na?"

"I'm fine! Wala naman akong kalokohan ngayon, Kuya."

Matapos kong sabihin 'yon ay bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin.

"May ginawa ba sila sa'yo? Napasok ka na naman ba sa gulo?"

"Kuya naman, kilala mo naman siguro ako."

"Yeah, I know you very well pero hindi lahat ng nakakasalamuha mo kilala ko."

"Ok, ok, fine, kasama ko naman sina Heaven, Dawn at Dove."

"Good to know, ayoko lang mangyari yung noon."

"Tama na yan, pumasok ka na sa loob sweetheart at magbihis ka na ng uniform mo. Mamaya na kayo mag-usap, ok?" Singit naman ni Mom kaya wala na akong magawa kundi pumasok na sa loob.

Kieffer's POV

"Young Master Kief, pinauwi niyo na naman ang mga estudyante? Nakaka-ilang araw pa lang pero paulit-ulit na." Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Young Master Kief, may pinapasabi po si Madam sa inyo at si Master Kirshawn." Si Mom and Dad?

"What is it?"

"Pinapasabi po ni Madam na uuwi daw po ito sa pinas para sa business trip nito." Anong business na naman ang pupuntahan ni Mom? "Si Master Kirshawn naman po uuwi rin ng pinas dahil marami daw po itong aasikasuhin dito sa pilipinas."

"Tsk, puro trabaho, kinalimutan na nilang may anak sila."

Umakyat na lang ako patungo sa kwarto ko. "Young Master Kief, ready na po pagkain niyo."

"Kayo na kumain niyan, wala akong gana."

Pagkapasok ko sinara ko agad ang pintuan ng kwarto ko at humiga sa kama ko.

Kailan ba ulit ako magiging masaya? Yung may nakakasama, hindi yung nag-iisa lang ako.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height