C4

Queen's POV

Nasa kwarto ako ngayon at kausap sila Heaven. Nakauwi naman ng ligtas sina Dawn at Dove kaya naging ok na ang pakiramdam ko. Hindi ko pa rin makalimutan yung pakiramdam ko kanina.

Gabi na at tapos na ako sa lahat ng dapat kong gawin kaya kinausap ko sila kanina.

"Hayst, hindi ko na alam kung kailan ko huling naramdaman ang bagay na yun, nasa sistema ko pa rin siya hanggang ngayon." Sabi ko na lang, 5 years ago simula ng maalala ko iyon.

"It's been a long time since those things happened, until now you still don't forget, did something happen before?"

Bigla akong tumalikod at nakita ko si Kuya Nick na nakasandal sa pintuan at busy sa pagbabasa ng libro.

"What are you doing here, Kuya?" Takang tanong ko. Hindi ba natutulog na dapat siya?

"I know you, don't change the topic, answer my question."

Tsk, nakalimutan kong isara ang pintuan.

"Nothing..." Sagot ko rito pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Tsk, sa susunod ila-lock ko na pintuan ko dito sa kwarto.

"Ok, ok fine. 5 years ago, noong..." Bigla siyang naglakad papunta sa higaan ko at umupo habang nakapaharap sa akin.

Hindi naman kalayuan ang study table ko sa kama ko kaya ngayon magkaharap na kami at ang seryoso ng mukha nito.

"Spill it," bakit ba naman kasi ang usisera ngayon ni Kuya? "Nag-iintay ako Ms. Haisley." Dugtong nito.

"Huwag mo akong titigan ng ganiyan Kuya! Psh, bigla akong nakaramdam ng kakaiba noong pauwi kami nila Heaven. Same sa pakiramdam ko noon."

Pagkasabi ko no'n ay nagsimula na siyang tumayo at ibinaba ang libro na binabasa niya kanina.

"Noong na-kidnapped ka?" I nodded.

"Anong pakiramdam 'yon?" Tanong nito.

"Takot at...panghihina." Sagot ko rito.

"Ano namang ginawa mo?" Seryoso paring tanong nito at sobra kung makatingin sa akin.

"Sinabi ko sa kanila tapos tumawag agad sila ng bodyguard at driver." Sagot ko ulit.

"I see, I'll pick you up at ZU tomorrow. Don't mind it again, go to sleep." Tsk, sabi ko na nga ba.

"Alright, wait, tinawagan nga pala kita. So..."

"I know you'll call, that's why I'm thinking how to prank you. I called you by your name even though I called you by your nickname so you wouldn't notice. I saw Lolo and said we were going down the airport so I turned off your call."

So that's why, tsk. Minsan hindi maganda mag-prank ang isang 'to.

"Don't look at me like that." Ang sama kasi ng titig ko sa kaniya. Yung parang gusto ko siyang balian ng buto at huwag ng palakarin pa!

"At bakit naman? Hindi magandang prank ang ginawa mo! Akala ko kung ano ng nangyare sa'yo! I thought iba kausap ko non!" Yeah! Mukha akong praning kay Mom!

"Chill, ayokong mapansin mo na uuwi ako." Duh! Wala naman akong clue na uuwi siya so paano ko mapapansin na uuwi siya?

"What?! Then why Kuya?" Kung hindi valid ang reason niya bibigwasan ko talaga siya!

"Nisha is back right? Alam kong iisipin mo na uuwi rin ako." Tsk, hindi ko nga naisip 'yon.

"Kaya gano'n gagawin mo? Ang unfair!" Ako ni minsan hindi nakapag abroad, tsk, balang araw ipra-prank ko kayo ng matindi!

"Pft, stop acting like a kid." Ako pa? Talaga?!

Humarap na lang ako sa laptop ko at hindi na siya tinignan pa.

"Sige na, magpahinga ka na." Sabi nito at tumayo na.

"Hindi pa tayo tapos Kuya Nick!" Bulong ko sa sarili ko habang ginugulo ko mga papel dito na makita ko.

"Yeah, yeah, as always, pft." Tawang sagot nito.

Huwat?! Narinig niya 'yon?! At narinig ko na lang ang pagsara ng pintuan ko kaya tumalikod ako at napansin ko wala na siya, binalik ko ang tingin sa kung anong mga papel ang ginulo ko kanina.

What the?!

"AHHHHH!!!"

—Kinabukasan—

"Hahahahaha!" Tawa ng tatlong pasaway, tsk!

"Don't tell me tatawa lang kayo hanggang mamaya?" Bored na tanong ko.

"Hindi ko akalain na sisirain mo agad yang schedule mo! Kakasimula mo lang kahapon tapos ngayon gusot-gusot na yan hahaha." Sabi ni Dawn at itinaas pa nito yung papel.

Malay ko ba na pang schedule pala yung nagulo ko kahapon noong nag-usap kami ni Kuya Nick?! Argh!

"Haisley, kung galit ka sa kung ano o sino, huwag mo naman idamay mga inosenteng nakapaligid sa'yo hahaha!" Hindi ko mapigilang isipin na kaibigan ko ba talaga silang tatlo?

"Tulungan niyo na lang ako na makuha ulit copy ng schedule ko, dami niyong sinabi. Gagawin niyo ba o hindi?!" Inis kong tanong sa kanila.

"Hahaha, sige ako ng bahala sa copy ng schedule mo. Bago yan, saan ka ngayon pupunta? Haha, hindi na ma-recognized yung schedule mo dito." Napaisip ako sa sinabi ni Heaven.

Yun din ang problema, hindi ko pa naman memorize schedule ko!

"Lagot ka Haisley, mukhang faculty ka agad!" Sabi nitong si Dove habang tumatawa pa.

Tsk, malamang sa malamang. Kung hindi ako makakapunta sa room kung saan ang next subject ko malalagot ako nito. Iisipin nila na nag skip ako ng class!

Kasalanan 'to ni Kuya Nick! Argh!

"Kumalma ka muna Haisley, pft. Ganito na lang, kunware masama pakiramdam mo. Para hindi ka nila hanapin sa next na class mo." Suggest naman ni Heaven.

"What the?!" Agad kong sigaw.

"Oo nga, pero anong idadahilan natin?" Curious na tanong naman ni Dawn.

"Ohh, I think pwede na yung, ehem!" Ako lang ba o hindi ko na-gets yung ehem ni Dove?

Mukhang lahat naman kami hindi mahula kung ano yung 'ehem' na sinasabi niya.

"Ehem!" Ulit pa nito. "Psh, down there!" Tumingin naman kami sa sahig.

"The heck! Gusto mo akong saktan Dove?!" Agad na reaksyon ko.

Sinamaan naman ng tingin nila Heaven at Dawn si Dove.

"What?! No! Ugh! I mean period!"

Bigla naman kaming tumingin tatlo sa isa't-isa.

Doon lang namin naintindihan yung ehem at down there.

Pagkasigaw ni Dove marami ang nagsitinginan dito sa gawi namin.

"Tsk, ayoko nga isigaw pero no choice ako!" Dagdag pa nito.

Bigla naman kaming nahiya.

"Hehe, lipat tayo ng lugar. Daming nakatingin sa atin." Nahihiyang sabi nitong si Heaven.

"Mabuti pa nga." Sang-ayon naman ni Dawn.

Kieffer's POV

"Narinig niyo yun?" Tanong nitong gunggong na si Vash.

"Malamang, hindi kami binge Vakla!" Pang-aasar nitong si Rondel.

"Anong sabi mo Rondel?!"

"Naging bingi ka na naman, sabi ko..."

Nagsimula na naman sila.

"Patatahimikin ko na ba sila?" Pasimpleng tanong ni Dous kay Crave.

"Tsk, hayaan niyo sila. What is Mom's condition??" Tanong nito habang kinakalikot ang cellphone niya.

"Nasa hospital parin, kasama ang iba pang mga kasamahan natin."

"Any updates?"

"As of now, tahimik pa rin sa underground world."

Nandito kami sa private room namin ngayon, nag-uusap ng kung anu-ano.

"Ikaw Kieffer."

"Nothing, still busy pa rin sila sa pag track kung na saan si..." Biglang bumukas ang pintuan kaya tumigil muna ako sa pagsasalita.

"Young Master Kieffer, may tawag po galing kay Madam." Wika ng Butler ko.

Tawag? Bakit naman napatawag si Mom sa'kin?

Ibinigay naman sa akin ang phone kaya sinagot ko na.

[I mis!—]

Hindi ko na pinatapos pa sasabihin niya at agad na pinatay ang tawag.

"Bakit mo naman pinatay tawag ni Tita Asia?" Usiserong tanong ng Vakla.

"Hindi parin kayo nagkakasundo ni Tita Asia, dude?" Tanong din nitong isang gunggong.

"Vash and Rondel, natapos niyo na ba pinapagawa ko sa inyong dalawa?" Bigla namang natigilan ang dalawang gunggong sa tanong ni Crave.

"Ahh... ehhh, sige sibat na ako leader hehe."

At agad nawala sa paningin namin si Rondel at ngayon naiwan na lang si Rondel.

May maisasagot naman kaya ang isang ito?

"Leader, wala parin daw silang balita tungkol sa kanila. Hanggang ngayon hanap parin sila, pero sa pagkaka-alam ko hindi lang tayo, pati narin iba pang grupo naghahanap narin."

Bigla namang napa-isip si Crave at agad na nagsalita.

"Then I'll give you another task, alamin mo kung sinu-sino ang mga grupo na yun."

"Noted Leader."

Bigla namang sumingit si Dous sa pag-uusap ng dalawa.

"Leader, ito na pinapakuha niyo sa'kin."

Agad namang kinuha nito ang isang folder na may lamang impormasyon tungkol sa kaniya.

"Queenie Haisley Severenity..." Unang basa nito.

"Young Master Kief—" Tsk, nandito pa pala ang butler na'to.

"What?" I asked.

Lumapit ito sa akin at bumulong, sakto lang para marinig ko.

"Pinapatawag po kayo ni Ms. Agape."

Si Tita? Hmm...

Queen's POV

"WHAT?!" Agad kong sigaw.

"Pwede naman yun, atsaka valid naman yun. Hindi nila kailangang malaman kung totoo o hindi basta ipakita mo lang na masakit." Paliwanag ni Dove.

Tsk, ano bang klaseng dahilan 'yon? Gusto nila na magkunwari ako na merong period para hindi nila ako papasukin nang room pero... hindi naman ako magaling umarte, tsk.

"Isipin mo na lang, at least hindi ka nila tatanungin kung totoo ba o hindi kasi monthly naman yan." Dagdag pa nitong si Dawn.

"At sure pa na magtatagal ka sa loob ng clinic, hanggang sa makabalik ulit ako at ibibigay ko sayo ang schedule mo." Dahil sa sinabi ni Heaven ay pumayag na ako.

"Good, malapit na pumasok sa mga rooms. Pumunta na tayo ng clinic, galingan mo pag-arte ha? Hahaha!" Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat, magsisimula na naman silang mang-asar sa akin.

Third Person's POV

Agad na nagtungo sina Queenie, Heaven, Dawn at Dove sa clinic.

"Ms. Agape! Sumasakit daw puson ni Haisley." Pag-aalalang sigaw ni Dawn at agad namang nagtungo si Ms. Agape sa kanila.

Nagtanong naman ito kay Queenie ngunit hindi makatingin si Queenie kay Ms. Agape dahilan para magtaka ito sa kinikilos ng dalaga.

"Hmm, sige ihiga niyo muna siya doon." Sabi nito at itinuro kung saan ito ihihiga.

Bigla namang nagsignal ang tatlo at pinahiga si Queenie rito.

"Mamaya pupunta ako dito at tandaan mo Haisly, once na mahalata ka nila. Lagot ka kaya ayusin mo kung ayaw mong mapunta sa faculty agad-agad." Tumango na lamang si Queenie kahit na nahihiya ito sa kaniyang ginagawa.

Lumabas naman na sila doon at nakita nila si Ms. Agape na may hawak ng hot compress.

"Ito iha, ilagay mo dyan at kayong tatlo naman bumalik na kayo sa mga rooms niyo." Maotoridad na sabi nito.

Nagmadali naman ang tatlo na umalis atsaka pumasok sa kanilang rooms.

"Dito ka muna, may bibilhin lang ako." Sabi ni Ms. Agape at umarte naman si Queenie na sumasakit ang puson nito sabay tango nito.

Umalis na si Ms. Agape kaya nakahinga na siya ng maluwag.

"Woh, alam ko nakahalata si Ma'am sa akin. Tsk, bakit kasi ito pa naisip nilang solusyon!" Inis na sigaw nito pero sakto lang na hindi maririnig ng iba.

May narinig si Queenie nang pagbukas ng pinto dahilan para magkunwari itong namimilipit sa sakit.

"Ms. Agape?"

Bigla namang gumaan ang pakiramdam ni Queenie ng marinig nito na lalaki pala ang pumasok pero natigilan din ito ng malaman nito kung kaninong boses iyon.

"Ms. Aga—Queen?" Takang tanong ng lalaki.

"Hinahanap mo ba si Ms. Agape? Lumabas siya, may bibilhin daw."

Napatango naman ito kaya hindi na lamang ito nagsalita.

Matapos ng ilang minutong katahimikan ay may nararamdaman si Queenie na masakit.

'Bakit ganun, parang masakit ang tiyan ko... wait hindi, pu-puson ko ba 'yon?' Tanong nito sa kaniyang sarili.

Nagbukas ulit ang pintuan at doon pumasok na si Ms. Agape at may dala-dala.

"Ms. Agape, anong kailangan niyo?" Tanong agad ng lalaki pagkapasok nito.

"Oh Kieffer, nandirito ka na pala. Maupo ka muna diyan, may aasikasuhin lang ako."

Tumango ang lalaki kaya naman pumunta na si Ms. Agape sa hinihigaan ni Queenie.

"Ms. Severenity, alam ko na kung anong kailangan mo. Huwag ka ng umarte diyan." Panimula nito.

Hindi naman agad sumagot si Queenie at nakayuko lamang ito.

Queen's POV

Argh! Sumasakit siya ng sumasakit! Peste, bakit naging totoo?!

"Ms. Severenity, alam ko na kung anong kailangan mo. Huwag ka ng umarte diyan." Tsk, sabi na at mapapansin niya agad pero...

Hi-hindi na ako umaarte, masakit na talaga siya!

"Ms. Severenity?" Tawag ni Ms. Agape sa akin.

"M-MA'AM... SUMASAKIT... TALAGA... SIYA." Malakas ngunit may diing sagot ko dito.

"What?! Nilagay mo ba hot compress na binigay ko sayo?"

"Y-yes, ni-nilagay ko... na."

"Teka kukuha lang ako ng gamot." Agad namang umalis si Ms. Agape habang ako namimilipit sa sakit!

Argh! Pesteng araw 'to! Bakit ba ganito ang nangyare?!

Ahhhhh!

"Are you ok?"

Nandito pala ang lalaking 'to!

"ANO BA SA TINGIN MO ANG OK SA GINAGAWA KO?!"

"Tsk, mood swing agad."

"Kung concern ka—"

"I'm not!"

"Edi kung hindi, MANAHIMIK KA AT HUWAG MO AKONG KAUSAPIN!"

"Kayong dalawa, tumigil na kayo!" Agad na saway sa amin ni Ma'am. "Queenie, sumasakit na nga yang—"

"Ahhh!" Sigaw ko ulit sabay bigay sa akin ni Ma'am ng gamot at tubig.

"Yan, pain reliever inumin mo at tumahimik ka! Masama na yang nararamdaman mo kaya magpahinga ka!"

Tsk, si Ms. Agape may pasyente na nga siya naninigaw pa. Tsk, pag terror teacher talaga mahirap intindihin.

Agad ko na lang ininom yung gamot at gaya ng sinabi nito ay tumahimik na ako at nagpahinga kahit na namimilipit pa rin siya.

Itutulog ko na lang ito para hindi ko naman maisip ang pesteng sakit na'to!

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height