C5

Queen's POV

Argh! Ayoko talaga nang nasa clinic or nasa hospital!

"Ms. Agape..."

Bigla akong sumilip sa pintuan para tignan kung sino ang kausap ni Ma'am.

Kaso hindi ko naman makikita dito. Hindi ko matatanaw dahil masakit pa rin siya ngayon.

Hinayaan ko na lang, malamang naman si Kieffer kausap ni Ma'am dahil siya lang naman kausap ko kanina lang.

Wala akong nagawa kaya humiga na lang ako at narinig ko na lang na may tumatawag sa phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot kahit hindi ko tinignan kung sino 'yon.

[Susunduin kita mamaya, kasama ko rin si Nisha.]

Seryoso siya, kasama niya si Nisha?! Nako, hindi pa nga ako nakakapagpaliwanag sa kaniya tungkol sa school ko.

Kung minamalas ka nga naman, tsk. Ngayon na makikita niya kung saan ako nag-aaral mangungulit na siya na pumasok dito.

"Ganiyan ka ba kung kumausap? Wala man lang bati?" Grabe, bungad agad yun, walang "Hi" or "Hello" man lang?

[Sayang lang sa oras.] At doon nanlaki ang mga mata ko.

"Seryoso? Segundo nga lang yun para makapagbati ka."

[Is that important?] Hayst, malamang wala siyang friends kaya hindi alam kung ano ang salitang pagbati!

"Nah, do not mind me. Yun lang ba sasabihin mo?"

[Mom tells me to tell them where your address is.]

Oh no, tungkol ba sa dorm tinutukoy nila Mom?

"Ah, sige ako na kakausap kay Mom and Dad. Pakisabi na din na matatagalan akong umuwi."

[Hindi ka pa nakakahanap ng matutuluyan mo, d'ba?]

"Tsk, shut up! Ano naman kung oo?! Tsk, bye na nga!"

Bigla itong tumawa kaya naman pinatay ko na agad ang tawag nito bago pa ako sumabog sa inis!

Nag ring na naman ang phone ko kaya sinagot ko ito at sinigawan ko siya agad.

"Kung hindi mo ako kakausapin ng maayos edi 'wag mo na akong tawagan!"

[Chill ka nga lang Haisley, sino na naman yang kasagutan mo at nag-iinit na naman yang ulo mo?]

Si Heaven pala ang tumawag sa akin. Opps! Malay ko ba na siya pala yun. Basta sagot lang ako ng sagot sa tawag.

"Nothing, nga pala pwede niyo ba akong samahan sa paghahanap ng matutuluyan?"

Sila lang naman makakasama ko kahit saan. Atsaka kung hindi nila ako sasamahan baka magsisi sila.

"May gagawin pa kasi ako mamaya, baka sila Dove at Dawn na lang sumama sa'yo. By the way, uuwi kasi sila Tita Asia at si Tito Kirshawn kaya asahan mo na hindi mo ako makakausap."

"Huh? Sila Tita Asia at Tito Kirshawn? Edi maaga ang uwian kung ganon?"

"Haha, sino nagsabi na maaga ang uwian? Nakalimutan mo na ba ilang araw walang sapat na pagtuturo ang mga teacher. Narinig ko sa kanila na ganung oras parin ang pag-uwi."

"I see, wala namang problema sa akin."

"Yung schedule mo nga pala, ise-send ko sayo sa FB mo para hindi na mawala, masira o kung ano mang pwedeng dahilan ang gawin mo."

"Hahaha, don't worry, ako pa ba?"

"Yeah, yeah, narinig ko na yan noon at anong nangyare? Noong nagpasahan na ng project hindi alam kung na saan nilagay, tsk. Sige na, bye."

Grabe naman yun, last minute babanggitin yung nakaraan? Siya nga si Heaven.

Kieffer's POV

—After first class—

"Saan ka galing, dude?" Tanong ni Dous.

"Kay Ms. Agape, pinapatawag niya ako kanina." Sagot ko.

"Oh, tungkol ba yan sa pag-uwi nila Tita Asia at Tito Kirshawn?" Tanong ng Vakla.

Tumango lang ako biglang tugon at umupo na sa upuan namin.

"Sus, kung tama ako. Uuwi sila Heaven at Kieffer sa kanila pero tayo nakatengga lang dito, hayst." Pagrereklamo ni Rondel.

Hindi ko na lang siya pinansin at nagbukas na lang ako ng cellphone ko.

"Nako busy na naman si Pareng Kief mamaya, teka! Pupunta din ba sila Tita at Tito dito?!" Hindi ko ito sinagot.

"Binge ka na din ata Mr. Kief—" Naputol sasabihin ni Ron ng patahimikin ito ni Crave.

"Just shut the f*ck up, Ron!" Kaya tumahimik na ito kasabay nang pagtingin ng lahat ng estudyante dito sa lugar namin.

"Hehe, sabi ko nga shut up na'ko." At nagtakip na lang ito ng libro. Pft, ingay kasi.

Napansin kong busy si Crave sa tinitignan nitong larawan. Pagkasilip ko ng kaunti dito nakita ko ang larawan ni Queenie at mga impormasyon nito.

Hindi ko na lang ito pinansin, kilala ko naman na dati pa si Queenie.

"Cous, pinapauwi na tayo." Sabi nitong si Heaven at agad na umalis.

Ganiyan talaga siya. Hindi naman kami nag-uusap ng matagal. Kung mag-uusap kami, may dahilan.

Tumayo na ako at pumunta na sa locker room namin.

Queen's POV

Umalis na daw sila Heaven kaya ito ako bored na bored dito sa clinic. Hayst, onti na lang ang sakit niya ngayon kumpara sa kaninang nararamdaman ko.

Nagbukas naman ang pintuan at nakita ko sila Dawn at Dove kaya naman nabuhayan ang dugo ko.

"Hay sa wakas pumunta din kayo dito. Kanina pa ako nabo-bored!"

Nagtinginan naman sila sa isa't-isa. Nagtaka naman ako kung bakit ganon ang kilos nila.

"Girl, nakalimutan mo bang masakit na TALAGA ang puson mo? Don't tell me nawala agad?" Oh, I see, alam na nila.

"Dawn, hindi naman pwede na hanggang mamaya nandito lang ako?"

"Girl, parang sa pagkakaalam namin. Kanina lang sigaw ka nang sigaw tapos ngayon sasabihin mo yan sa'kin?" -Dawn

"Oo nga, tama si Ate Dawn. Kanina sabi ni Ms. Agape grabe ka daw kung sumigaw. Halatang namimilipit ka sa sakit pero pinipigilan mo lang." -Dove

May pagkamadaldal din pala si Ms. Agape-.-

"Ano na naman yang mukha mo? Sinabi ko lang naman yung sinabi ni Ma'am ah!" -Dove

"Sige na girl, bye na muna. Katatapos lang kasi ng class at ngayon recess na. Ito nga pala pagkain mo, pagaling ka!"

Ibinaba naman ni Dawn ang mga pagkain na bitbit nilang magkapatid. May inumin, pagkain, at dessert pa, grabe naman sila kung mag-alaga sa akin, pft.

Umalis na sila kaya kumain na din ako. Mamayang uwian naman makakasama ko sila. D'ba? Pero kung hindi sila pumayag ako na lang hahanap sa online, hayst.

"Ms. Severenity, ok na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Ms. Agape sa akin. Teka nga, kailan pa nandito si Ma'am?

"Onti na lang Ma'am. Onting sakit pero nanghihina parin ako dahil sa nangyare kanina."

"Mas maputi pa kung matulog ka ulit, matindi ang pananakit ng puson mo. Ano bang ginagawa mo?"

"Hi-hindi ko po alam, dahil siguro sa anemic ako?"

"Hmm, may possibility nga yan. In case na anemic ka, ang katawan mo manghihina especially kapag meron ka talaga. Much better kung magpatingin ka sa dugo mo."

Hayst, yeah. Naaalala ko noong bata pa lang ako. Noong 5 years old ako, hindi ko alam pero nagising na lang ako at nakita ko nasa ibang lugar na ako.

Third Person's POV

—Flashback—

"Na saan ako ngayon? Mommy! Daddy!" Sigaw ng batang babae.

"Gising na pala ang tagapagmana ng pamilya Beaumont."

Agad namang lumapit ang isang lalaki at nilapitan ang mukha nito.

"Ano nang sunod na gagawin natin sa batang 'yan?" Tanong ng kasama nito.

"Ano pa ba? Edi hintayin ang mga magulang nito na gawin ang pinag-uutos natin sa kanila."

"Sure ba tayo na hindi sila tatawag ng pulis? Underboss, malakas ang pamilya ng batang 'yan, anumang oras pwede tayong mamatay!"

"Tsk, para saan pa at nandiyan si Boss? Masyado kang matatakutin! Bilisan mo at ilabas mo na yang bata!"

"Masusunod..."

Agad binitbit ang batang babae kasabay nito ang isang time bomb. Sumunod naman ang isa pang lalaki na may hawak na sniper.

"Ok na Underboss, pupunta ba talaga sila?"

"Stupid! Malamang! Hindi nila pababayaan ang nag-iisang anak nila. Siya ang tagapagmana ng pamilya nila, kapag nawala siya sino magmamana ng lahat na meron sila? Sige nga!"

"Hehehr, sabi ko nga po Underboss."

May narinig naman silang kotse kaya nagsimula na silang magtago.

"Arcadia, my daughter!" Agad na tawag ng Mom ng bata.

"Mommy! Huhuhu!" Iyak ng batang babae.

"Nandito na si Mommy, shhhh, sinaktan ka ba nila?"

Hindi nakasagot ang bata ng mapansin ng Mom nito na hawak-hawak na ng lalaki ang bibig ng bata.

"Who are you?! Bakit pati bata dinadamay niyo?!"

"Sino ba ang nagsimula nito Hellvoira? Kayo lang naman ni Hellios ang pumatay sa anak ko kaya bakit hindi rin natin iparamdam sa inyo kung gaano ka sakit ang mawalan ng anak!"

"Huwag mong tatangkain na saktan ang anak ko!"

"Baka ikaw ang huwag tatangkain na saktan ang anak mo Hellvoira, hahaha!"

"Anong sinasabi mo?!"

Ipinakita ng lalaki ang isang remote na may red button sabay tingin ni Hellvoira sa anak nito na meron ng time bomb sa katawan.

"Mommy!" Sigaw ng batang babae habang patuloy na umiiyak.

"Sweety, don't worry I can handle this. Make sure to close your eyes, ok?"

Agad namang ipinikit ng batang babae ang kaniyang mga mata. Kahit na natatakot at nanghihina ito ay may tiwala siya sa kaniyang Mommy.

"Tsk, dinamay mo anak ko! Nang dahil sayo malalaman niya ang tungkol sa organization! Magsisisi kang gumanti sa amin!"

Mabilis na hinugot ni Hellvoira sa binti nito ang dalawang baril at sabay na pinatamaan ang dalawang lalaki.

Papunta na sana ito sa lugar kung na saan ang bata ngunit may isa pa palang kasama ang dalawang lalaki.

"Long time no see, Hellvoira."

"You! Tsk, bakit nga ba madaming gustong pumatay sa pamilya ko? Lagi namang ikaw, hindi ka pa rin maka-move on kay Hellios?!"

"Ni kailan man hindi naman siya sayo! Sa'kin lang si Hellios at kinuha mo ang dapat nasa akin!" Pinindot naman ng babae ang pulang buton dahilan para magsimula ng gumana ang time bomb na nasa katawan ng bata.

"F*ck! Mag sisisi ka—" Hindi na natapos pa ang sasabihin ni Hellvoira ng mawala na ito sa paningin niya. "Simula ngayon, hindi na ako aatras sa laro mo!" Dagdag pa nito.

"Mommy! Huhuhu! Help me, please!"

Nagmadaling tumakbo si Hellvoira at pinuntahan ang anak nito.

"Sweety aalisin natin ang vest sa katawan mo ok? Malaki siya onti kaya matatanggap natin siya agad. Huwag ka lang gagalaw." Tumango naman ang batang babae bilang sagot nito.

Dahan-dahang inalis ni Hellvoira ang vest kung saan nakakabit ang time bomb. Matapos nitong tanggalin ang time bomb ay nakahinga na ng maluwag si Hellvoira.

"Sweety, parating na sila Daddy. Mag-intay kay sa may gilid. Magtago ka sa may damo. Kapag nakita mo si Daddy tyaka ka lang lalabas, maliwanag?"

"Ano pong gagawin mo Mommy?"

"Don't worry, makikipaglaro lang si Mommy. Tatapusin lang ni Mommy ang laro, ok?"

"Pwede pong sumali Mommy?"

"No, sweety. Basta tatandaan mo na uuwi agad ako. Babalikan kita, ok?"

"Ok po, galingan mo po Mommy ah?" Sabi ng bata at sabay ngiti nito ng sobrang tamis.

Agad na nagtungo si Hellvoira sa loob ng gusali habang si Arcadia naman ay nagtungo sa gilid at nagtago sa may damuhan.

Agad namang dumating ang Daddy nito kasama ang mga pulis kaya lumabas na ang bata.

"Sweetheart! Are you ok?" Agad na tanong ng Daddy nito.

"Daddy bakit may mga pulis?"

"Nothing, where's your Mommy?"

"Nasa loob po, nakikipaglaro doon sa babae po." Inosenteng sagot ng bata.

"Damn it! Sabi ko huwag siyang susugod ng mag-isa!

Agad pumunta si Hellios sa loob ng gusali. Pagkapasok nito ay saktong sumabog ang buong gusali.

Nagulat silang lahat maging ang mga pulis sa nangyari. Matapos ang pagsabog ay tumawag sila ng mga bumbero para paapulahin ang sunog.

Natulala naman ang bata sa nakita nito.

"M-mommy? D-daddy?" Tarantang tanong ng bata.

Agad nagtungo ang Underboss ni Hellios kay Arcadia at niyakap ito ng mahigpit, pinaharap nito ang bata sa kaniya upang hindi nito tignan ang gusali na nasusunog.

"Mr. Kirshawn! Si-sila Mom and Dad nasa loob!" Malapit ng umiyak ang bata kaya pinatahan naman ito ni Kirshawn.

"Umuwi na tayo Ms. Arcadia."

"Pero paano sila Mom and Dad?!"

"Ang utos ni Boss pauwiin kayo ng ligtas Ms. Arcadia, kaya tara na po."

Pinipilit namang papasukin si Arcadia sa loob ng kotse kahit na ayaw pa nitong pumasok pero wala na itong nagawa pa.

—End of flashback—

Queen's POV

Simula ng araw na'yon. Hindi na ako makatulog ng maayos, hindi na rin ako kumakain ng maayos.

Tuwing gabi napapanaginipan ko sila Mom and Dad. Sumisigaw, humihingi ng tulong, at higit sa lahat, nasasaktan sila.

"Ms. Severenity, nakikinig ka ba?"

"Yes, Ms. Agape"

"Sige na at magpahinga ka na ulit."

Umalis na si Ma'am habang ako, naaalala parin ang lahat-lahat.

"Mom, Dad, miss ko na kayo, sobra pa sa sobra." Kung noong mga panahon na yun alam ko na ang lahat, sana natulungan ko kayo.

Pinapangako ko sa inyo Mom and Dad, ipaghihiganti ko kayo. Sa tamang panahon at tamang oras.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height