C6

Queen's POV

"Maaari ka ng umuwi Ms. Severenity." Sabi nito sa akin habang inaayos ang mga gamit sa lamesa nito.

"Ms. Agape, totoo bang pauwi na sila Tito Kirshawn at Tita Asia?" Nagulat naman ito sa tinanong ko.

Bakit naman ito magugulat?

"Kilala mo ang pamilya nila?" Takang tanong nito.

"Yes, isang araw nakasalubong ko si Tito Kirshawn sa daan, doon ko lang din nalaman na mag-ama sila ni Kieffer."

"Hmm, talagang close kayo ni Kieffer huh? Haha, oo pauwi na sila. Actually, baka naka-uwi na sila ngayon. Bakit po naitanong Ms. Severenity?"

Umiling ako sa tanong nito. "Wala naman, gusto ko sanang makasama si Heaven kaso uuwi pala sila Tito." I lied, hindi naman lahat ng sinabi ko totoo. Gawa-gawa ko lang naman yun as usual.

"Natural lang naman sa kanila yun, sige na at may nag-iintay din sayo sa labas."

Nag-iintay? Si Kuya Nick ba yon?

"Psh, nakalimutan ko. Sige alis na ako. Maraming salamat sa pag-aalaga mo sa'kin Ms. Agape!" Sabi ko sabay ayos ng mga gamit ko. Syempre inayos ko na din mga gamit dito para hindi naman nagmukhang burara ako.

"As always Ms. Severenity, as always." Sabi nito pero bahagyang mahina ang boses nito kaya as always lang narinig ko.

Ah ewan, kailangan ko ng umuwi.

Agad akong tumakbo pero sh*t nakalimutan kong masakit pa onti puson ko, tsk!

"Dahan-dahan, don't force yourself." Rinig ko namang sabi ni Kuya Nick.

"Kuya, ikaw pala! Teka, kasama mo ba si Nisha?"

"Yes, nasa car siya nag-iintay. Wait, kaya mo ba?"

"Uhm, yes I think so? Mabagal nga lang kumilos."

"Obviously, halata naman sa'yo. Let's go."

Inalalayan naman ako ni Kuya Nick na maglakad at pumasok sa loob ng kotse.

"Ate Ninie!" Agad nitong tawag sa akin sabay yakap ng mahigpit.

Hindi na kaya siya galit sa'kin?

"Are you sure na onti na lang yung sakit Ate?" I think hindi na siya galit sa akin. Pft, ang cute niya talaga.

"No worries, monthly naman nangyayari sa akin 'to at ok naman ako d'ba? So..."

"Magiging ganiyan din ba ako Ate Ninie? Wahhhh!"

"Pft, kung magpapasaway ka maybe."

"Kuya Nick, si Ate oh!"

Hahaha, nagsumbong na siya.

"Tama na yan, let's go."

Agad ko naman isinuot ang seat belt ko at pati na rin kay Nisha bago kami umandar at tuluyang naka-alis.

-----

Matapos ang byahe namin ay nakauwi na kami sa bahay at nakita ko naman na wala sila Mom and Dad.

"Na saan sila Mom?" Tanong ko kay Kuya.

"Meeting with someone." Tipid na sagot nito.

Someone? Sino naman kaya 'yon? Baka business partners nila. Maka-akyat na nga muna at magbibihis pa ako.

"Ate Ninie! Pwede ko bang malaman kung anong pinagkaiba ng wings sa non-wings bukod sa spelling nila?"

Pft, what the?! "HAHAHAHA!"

"Eh? Bakit ka natatawa Ate Ninie?"

"Bakit mo naman naitanong yan Nisha?"

"Kailangan kong mag-handa Ate, malay mo bukas makaramdam ako ng kagaya sa'yo. Wahhh! Ate hindi naman sobrang sakit d'ba?"

Pft, hahaha! "Gusto mo bang magkaroon agad?"

"Ate naman! Sagutin mo na lang yung tanong ko." *pout*

"Ok, ok fine pero sa ibang lugar tayo." Pumunta kami sa kwarto ko at doon kami nag-usap.

"Uhm, ang wings kasi merong nakadikit sa gilid non, ang non-wings malamang wala siyang nakadikit sa gilid."

"You mean Ate may pakpak ka kapag may wings d'ba?! Cool!"

"What the?!" Humagalpak na ako sa tawa, HAHAHA. Ewan ko, ini-imagine ko pa lang na lilipad ako habang may period jusme.

Anong itsura ko nun? Lumilipad yung part ng bewang ko tapos yung katawan ko nasababa? Nako naman!

"Teka paano mo ba nalalaman yan ha? HAHAHAHA, sige na bumaba ka na. Tyaka mo na ako kausapin kapag malaki ka na hahaha."

"Bakit naman Ate?" Malungkot na sabi nito.

Sumeryoso naman ang mukha ko, hayst. "Nisha, ang bata mo pa. 7 ka pa lang, oo nga at palaki ka nang palaki pero huwag kang magmadali. Huwag mong kalimutan kung ano ang present mo ngayon, huwag ka munang titingin sa future mo. Maging masaya ka habang bata ka pa, kasi kapag lumaki ka na baka ma-miss mo ang childhood mo." Mahabang paliwanag ko dito at niyakap siya.

Tumango naman ito at ngumiti sa akin. "Sige po Ate, gagawin ko po ang sinabi mo!" Masiglang ani nito.

"Sige na, bumaba ka na at magbibihis lang muna ako ok?"

"Ok po, alis na po ako!"

Masaya itong umalis kaya isinara ko na ang pintuan ng kwarto ko.

Bigla kong naalala mga sinabi ko kanina.

'Maging masaya ka habang bata ka pa, kasi kapag lumaki ka na baka ma-miss mo ang childhood mo.'

Naging masaya ba ako noong bata pa ako? Siguro oo, noong nabubuhay pa sila Mom and Dad pero ngayon?

"Miss ko na ang childhood memories ko."

Kung naaalala lang sana ni Tito Kirshawn ang tungkol sa Beaumont Org. alam ko na sana ang lahat-lahat.

-Flashback-

Nandito ako ngayon sa ZU, hinihintay ko si Mr. Zortron na pumasok sa office niya pero kanina pa siya hindi dumarating.

Hayst, siguro hindi ngayon ang tamang panahon. Bumalik na lang ako sa room ko, tumalikod ako at bigla akong natumba ng may kung anong tumama sa akin.

"Sorry Iha, ok ka lang ba?" Isang boses ng lalaki ang narinig ko.

Dahil sa pagkakatumba ko ay tumayo ako at nakita ko siyang muli.

"Mr. Kirshawn..." Bigla ko na lang nasabi.

"Yes? What can I do for you? May masakit ba sa'yo?"

Tulala lang ako at hindi makagalaw nang pumitik agad ito sa harapan ko at bigla akong umayos.

"Hello po, Mr. Kirshawn, nakikilala niyo po ba ako? Matagal ko na po kayong hinahanap, nandito lang po pala kayo." Paunang salita ko.

"Sino ka?"

Oo nga pala. "I'm..."

"Sorry, hindi kita kilala. Kung may kailangan ka pwede mong sabihin sa teacher mo, excuse me."

At umalis ito agad habang may kausap sa telepono.

Hindi niya ako kilala? Bakit? Paano?!

-----

Ngayong araw kailangan kong malaman kung hindi niya ba talaga ako kilala o umiiwas lang siya sa akin. Kung hindi niya ako kilala, paano?! Kung iniiwasan namN niya ako, bakit?!

"Mr. Kirshawn, pinapatawag po kayo sa clinic may emergency daw po." Sabi ng isang teacher.

Agad naman silang lumabas kaya ako naman pasimpleng pumasok sa loob.

May CCTV sa labas at sa loob, bakit naman? May itinatagao ba si Mr. Kirshawn?

Agad akong nagtungo sa lamesa nito. Hindi naman ako mapapansin ng CCTV nila. Tsk, nasa iisang direksyon lang naman nakatutok. Tsk, anong klase yun?

Teka balik tayo sa mission ko. Ngayong nasa lamesa na ako, may idinikit ako sa ibaba ng lamesa siya. Voice recorder na pwede nang makarinig ng buong office ni Mr. Kirshawn kahit na may kausap siyang ibang tao maari kong marinig basta abot lang sa range na kaya ng voice recorder.

Pagkatapos kong ilagay 'yun ay nagsimula na akong umalis. Kagaya kanina nag-ingat ako na hindi makita ng CCTV nila.

Pagkatapos ay bumalik na ako sa loob ng room ko.

Mga ilang minuto ay wala pang mga estudyante dito kaya inilagay ko sa tenga ko ang isang earphone at nagsimulang makinig.

"Mr. Kirshawn, kailangan niyo na pong pumunta ng hospital para sa treatment niyo."

Boses ng isang babae, hindi ko kilala kung kaninong boses iyon pero anong klaseng treatment ang gagawin niya?

"Sabihin mo mamaya pupunta ako, tatapusin ko lang ito."

"Yes, Sir."

Narinig ko namang bumukas ang pintuan at palayo na yung babae. Umalis na ata ito.

Pagka-alis ng babae tyaka naman may tumawag sa kaniya.

"Hello Asia...I'm fine...may tinatapos lang ako dito...yes...don't worry pupunta ako ng hospital...wala, wala pa rin akong naaalala...simula no'ng nakita niyo ako sa bangin wala parin."

Asia Huh? So ibig-sabihin nito may amnesia siya?

Sapat na ito kung bakit, naaalala ko na magkasama kami noon. Kaya pala, ito yung nangyare matapos ng gabing 'yon.

-End of flashback-

Nang malaman ko 'yon, hindi ko na makalimutan kung paano ko siya makakausap ulit.

Lalo na si Tita Asia sobra kung dumikit kay Mr. Kirshawn. Hayst, iba talaga kapag may love life.

Kinabukasan naman kinuha ko yung recorder na yun, nandoon parin naman siya at hindi napansin kaya nakahinga na ako ng maluwag no'n. Pabalik na sana ako sa room ko no'n pero nakasalubong ko nga siya...si Kieffer.

Simula no'n, naging close kami. Hindi ko pa nakikilala sila Heaven no'n bukod tanging siya lang ang naging kaibigan ko.

Hindi ko alam na anak pala siya ni Mr. Kirshawn, teka erase yun. Hindi ko alam na ama-amahan niya pala si Mr. Kirshawn. Akala ko father niya yun pero hindi, si Tita Asia naman ang tunay nyang ina.

Para sa akin, yung Asia lang ang tumulong kay Mr. Kirshawn na maging ok, matapos ng lahat-lahat. Nalaman ko din na iniwan si Tita Asia ng dati nitong kinakasama. I don't know why kaya si Mr. Kirshawn na lang ang nagtayong ama para kay Kieffer.

Pero dahil sa sinabi ni Heaven, nalaman ko na nag-iisa lang pala siya sa manaion nila. May tumataying ama at may tunay na ina pero busy naman sila sa ibang bagay, hindi sa anak nila.

Kung tutuosin, may matatawag siyang ama at may tunay siya ina. Samantalang ako, wala akong tunay na mga magulang.

Yung tinatawag kong Mom and Dad? Inampon nila ako, akala kasi nila hindi sila magkakaroon ng anak na babae, na ngayon ay si Nisha. Kaya inampon nila ako at ipinangalan sa kanila pero ibang name.

Pansin niyo ba na hindi letter N yung first letter ng name ko? Silang magkapatid naman both letter N.

Ang pangalan ko, Queenie Haisley Severenity, samantalang si Kuya naman ay Nick Huxley Severenity at si Nisha Healey Severenity.

Oo na mahaba pero yan name namin wala kayong magagawa.

Sa first letter pa lang ng name namin halatang iba ako sa kanila, hayst.

"Leley, are you done?" Boses ni Kuya Nick yun.

"Yeah, patapos na akong mag-bihis."

"Bilisan mo d'yan, tulungan kita."

"Tutulungan naman saan?"

"Sa malilipatan mo."

Oh my! Oo nga pala.

"Sige sige, pero sa online na lang ha? Madami akong na skip kanina sa classroom kaya need kong humabol."

"Pft yeah, bumaba ka na diyan, kain ka muna."

"Aye aye!"

Narinig ko naman itong umalis na kaya naman tinapos ko na ang dapat kong tapusin.

-----

"Ate Ninie! Bakit mo naman kami iiwan?" Bungad na tanong sa akin ni Nisha.

Tapos na kaming kumain kaya ngayon kinukulit ako ni Nisha tungkol sa lilipatan ko nga daw.

"Lilipat lang naman ako ng matutuluyan Nisha, hindi ibig-sabihin no'n iiwan ko na kayo. Sa cute mong yan iiwan kita? Hahaha."

"Pero Ate Ninie, pwede naman kitang dalawin dba? O di kaya pupunta ka pa rin naman dito?"

"Yes, sure ako diyan, pupunta at pupunta pa rin naman ako dito. Syempre pamilya ko kayo 'no."

Dahil sa sinabi ko ay naging masaya na siya.

"May nahanap ka na ba?" Agad na tanong naman ni Kuya Nick.

"Wala pa, actually ang hirap maghanap." Sagot ko naman.

"Akin na."

Ibinigay ko naman sa kaniya yung tablet ko at nagsimula na siyang mag search tapos mag scroll hanggang sa paulit ulit lang yun.

-After 30 minutes-

"Come here." Nanunuod kami ni Nisha ng bigla itong magsalita ka naman lumapit na ako.

Hay sa wakas tapos na ata siyang maghanap, jusme ang tagal kaya naman nanuod na lang muna kami ni Nisha.

"Tignan mo kung pasado sayo, kung ayaw mo naman may labing lima pa diyan."

Bigla akong nagulat sa sinabi nito.

"May labing lima pa?! Seryoso ka diyan?"

"Chill, pipili ka na lang. 'Wag ka ng mag-inarte." Naiwan akong tulala sa sinabi nito.

"Anong sinabi mo?! Hindi ako maarte!"

"Pft, sabi mo eh." At umalis na siya.

"Saan ka naman pupunta?!"

"Pft, thank me later."

Huh? Thank...

Teka, agad kong tinignan yung tablet ko at sobrang gulat ko na lang ng sobrang baba nung price ng mga bahay dito.

What happened?!

Agad kong iniscroll ang screen pero wala namang convo dito kaya naman sa private messages ko tinignan.

"WHAT THE HECK?!!"

Lahat ng nasa convo ko puro lalaki at owner sila ng mga building.

Pinag-usapan lang naman nila na babaan ang presyo, pinakilala pa niya kung sino siya at binantaan pa niya. Jusko, Kuya Nick anong ginawa mo?!

Account ko pa naman ang gamit niya. Malilintikan ka sa'kin ngayon!

"Ate Ninie, ang ganda nito oh, at ang mura ng singil!" Sumisilip pala ng patago si Nisha.

Tinignan ko naman ito, mababa nga ang singil pero hindi tulad sa iba na kinausap ni Kiya Nick. Ito ang hindi niya kinausap pero ang baba ng bayad.

Ang ganda ng pagkaka-ayos. Ito na lang pinili ko kaya kinausap ko na ito, madali naman silang kausap at kinausap ko yung head nila, pwede akong pumunta doon sa kanila at tignan yung lugar. Nakapag deal naman na ako sa sinabi niya. Matapos nun sinugod ko na si Kuya Nick sa kwarto nito.

"Kuya Nick! Lumabas ka diyan! Peste! Anong thank you later sinasabi mo! Bibigyan mo pa ako ng broblema! Lumabas ka nga dyan!"

Sigaw ko dito at kinatok nang kinatok ang pintuan nito.

"Pft, hindi totoo lahat ng nakita mo. Masyado kang nag-aalala." Sabi nito mula sa kwarto nito.

Hindi nya parin binubuksan!

"Anong hindi totoo?! Kitang kita ko sa PM lahat ng pinag-usapan niyo! Pag nalaman ni Lolo 'to lagot ka! Sinabi mo pa talaga sa kanila kung sino ka?!"

"Chill, sabi ko sayo hindi totoo lahat ng nakita mo."

"Paano ako makakasiguro na hindi totoo lahat ng nandoon?!"

"It's just a prank, mga kaibigan ko sila galing sa ibang bansa. Pft, kung may napansin ka na hindi ko kinausap. Yun ang totoong nagpost ng mga bahay."

"WHAT?!"

"Nag post lang sila pero hindi yon totoo."

"Ano na namang kalokohan 'to Kuya?!"

"Look..." Binuksan ni Kuya ang pintuan niya kaya naman nakita ko na ito na ngayon ay nakangiti.

Anong nakain ng isang 'to?

"Gusto ko lang ipakita sa'yo kung sino ang manloloko sa hindi. Kung may makita kang nag post at ang baba ng presyo, hindi ba kukunin mo?"

Tumango ako sa tanong nito.

"May mga manloloko na magpopost ng bahay pero hindi sila ang may-ari, sabihin nating niloloko nila ang ibang tao. Kapag sila ang pinili mo maari nilang kunin ang pera mo. How? Simple lang, kapag nagbayad ka agad sa kanila ng hindi ka nakakakita ng proof."

Oh, I see. Yung mga downpayment ata tinutukoy niya? Ah ewan, wala akong alam sa mga bahay-bahay.

"See?"

"Well, ok. Sorry, malay ko ba? Psh, sa susunod na mag prank ka, 'wag mo naman idamay pangalan mo at yung account ko."

"Pft, yeah, yeah."

Ayaw niya akong maloko, hayst. Pero, wala naman akong naintindihan sa sinabi niya-.-

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height