C7

Queen's POV

—2 days ago—

Nandito ako sa kwarto ko at nagmumukmok, walang pasok kasi ngayon.

[Kamusta naman ang paghahanap mo ng malilipatan?] Tanong ni Heaven sa kabilang linya.

"Hmm, ok naman. Mamaya pupuntahan ko yung bahay. Titignan ko sa personal kung ok ba talaga siya."

[Sabihin mo sa akin kung saan yung address ha?]

"Psh, asa ka!"

[What?! Don't tell me hindi mo sasabihin sa'kin yung address?!]

"Bakit naman hindi? Hindi niyo kaya ako sinamahan maghanap!"

[Tsk, nakahanap ka naman na hindi ba? Sus, nonsense naman ng dahilan mo.]

"Kaya nga, nakahanap ako kasama si Kuya Nick kaya s'ya lang sasabihan ko kung saan ang address!"

[Kung hindi mo sasabihin sa akin, hindi kami makakapunta sa lugar mo.]

"Much better! Para naman hindi niyo ako guluhin!"

[Argh! Sabihin mo na kasi kung saan yung address!]

"No! Never!"

[Fine! Kakausapin ko na lang Kuya mo!]

*toot* *toot* *toot*

The f!

Grrr! Hindi na nga nila ako sinamahan maghanap, nonsense daw. Kaya sabi ko magsisisi sila kapag hindi ako sinamahan dahil HINDI, NO, and NEVER kong sasabihin ang address, hmp!

Nagtatampo ako, hindi ba nila alam yun? Hindi ko na sila nakasama ng matagal kaya gusto ko magkasama kaming maghahanap ng malilipatan ko.

*Ringing*

Sino naman kaya ang tumatawag sa akin ngayon?

Kinuha ko na yung phone ko at nagsalita. "Hello," bati ko.

[Hello Ma'am, galing po ito sa ****, pinapa-alam po namin na mamaya po ang oras nang pagpunta niyo dito.]

"Yes, pupunta ako mamaya. Send niyo lang yung oras and location, kasama ko Daddy ko."

[Yes Ma'am, sabihin niyo lang po kung may kailangan pa kayo.]

"Sure, thank you."

[Thank you rin po Ma'am. Bye na po.]

*toot* *toot* *toot*

Sana pagnakita ko ok yung lugar at maayos. Actually, sakto lang siya. Malapit sa school at malapit onti dito sa bahay, malapit din onti sa may dagat kaso nga lang malayo sa mall.

Yeah, buti na lang may ni-request ako kay Dad ng kotse kaya ayun. Hindi na ako mahihirapang maglakad.

About sa kotse, gusto ko sana yung motor pero...

"No! Diba ang sabi ko sayo delikado ang motor?!"

Yan ang sagot ni Dad sa akin. Si Mom naman agree din sa sinabi ni Dad kaya naman no choice ako kung hindi kotse ang bilhin, tsk.

Si Kuya Nick ang naghanap ng kotse na babagay at pwe-pwede sa akin. Wala namang problema dahil alam ko magpaandar ng kotse at alam ko naman na ok kung pumili si Kuya Nick ng kotse.

Tinignan ko ang cellphone ko ng bigla itong tumunog. Na-send na ata yung time and location. Tinignan ko at 9am yung oras sa location naman si Dad na bahala. Si Dad naman kasi ang magiging driver ko.

As usual, gusto niya makita kung saan ako lilipat at kung anong itsura. Ayaw ko sana pero mapilit, atsaka malalaman din naman nila so pumayag na talaga ako.

"8am na pala, ang bilis pala ng oras?"

Nag-ayos na ako ng dadalhin ko para mamaya. Nag-ayos din ako ng sarili ko, suklay, pulbos at onting lipstick ok na yun.

"Haisley, anong oras tayo aalis?"

"Bago mag 9am Dad, uhm siguro 8:30? Baka kasi matraffic, alam niyo na."

"Oo nga pala, sige 8:30 tayo alis. Mag-ayos kana."

"Yes Dad, ikaw din."

Umalis na si Dad kaya naman inayos ko na din bag ko.

May nakita akong kwintas na may pangil, naalala ko tuloy si Daddy. Binigyan niya ako ng kwintas bago sila mamatay.

Isinuot ko na yung kwintas na ibinigay sa akin ni Daddy dahil hindi pwedeng makita ito ng ibang tao. Sabi ni Daddy hindi daw pwedeng makita na nasa akin yung kwintas o na ako ang may-ari ng kwintas.

Hindi ko alam kung bakit hindi pwedeng makita ito, basta ang alam ko lang. Konektado ito sa org nila Mommy and Daddy.

Kaya dapat kong malaman ang lahat-lahat tungkol sa org nila Mom.

"Haisley, ok ka na ba?" Kumatok si Dad kaya naman binuksan ko na ito.

"Yes Dad, I'm done."

"Pumasok kana sa loob ng kotse. Magpapa-alam lang ako sa Mom mo."

"Yes Dad." Agad akong bumaba ng kwarto ko at nakita ko si Mom na busy sa gawaing bahay. "Mom, alis na po kami." Pagpapa-alam ko.

"Ingat kayo ah!"

"Yes po, bye!"

Lumabas na ako ng bahay at nakita ko si Dad na kinausap si Mom. Hinayaan ko na lang at dumeretyo pasok na sa loob ng kotse.

Matapos ng pag-uusap nila Dad ay lumabas na ito at pumasok ng kotse.

"Mag seat belt ka na."

Sinuot ko na yung seat belt at nagsimula na si Dad mag maneho.

"Dad, na saan si Nisha?" Bigla kong tanong dito.

Busy itong nakatingin sa daan pero nagsalita parin ito.

"Kasama ng Kuya Nick mo."

Sinama niya si Nisha para sa kotse? Bakit naman kaya?

"Na saan na sila ngayon?" Kasi kaninang umaga sila umalis. Medyo maaga nga sila lumabas.

"Sabi ng Kuya mo on the way pa lang sila. Sabi naman ni Nisha malayo pa kaya medyo matatagalan sila."

Oh, I see, ikaw ba naman mapili sa kotse at matagal pumili. Nako Nisha, sana kayanin mo.

"Haha, huling naalala ko. Noong pumili si Kuya ng kotse unabot na hanggang hapon bago kami nakauwi."

"Alam mo naman Kuya mo, adik sa kotse. Ok na yun kesa adik sa droga o 'di kaya sa babae." Pft, si Dad talaga.

"Dad, maitanong ko lang. Kailan kayo nagpakasal ni Mom? Paano kayo nagkakilala? Mahal mo ba agad si Mom? Paano mo siya niligawan?"

"Haha, ang dami mong tanong Haisley. Nagkakilala kami noong college. Noong una ko siyang nakita, hindi ko siya type noon. Mainit ang ulo, seryoso, moody, masungit..."

"Pero minahal mo ba agad si Mom?"

"Minahal ko siya simula no'n nakilala ko siya." Bigla akong naguluhan sa sinagot ni Dad. "Hindi ko siya nakilala sa totoong siya mismo. Nalaman ko lang lahat sa kaniya noong wala siyang makausap, malungkot siya, nag-iisa."

Hmmm, ibig sabihin. Noong una negative ang first expression ni Mom sa kaniya tapos nakilala niya ng lubos si Mom kaya napamahal na si Dad kay Mom.

"Niligawan ko siya noong college rin, nagpakasal kami noong tapos na kami sa college at nagtra-trabaho na."

Gusto kong malaman kung ano nga ba talaga ang pagmamahal?

"Bakit, may nagugustuhan ka na ba?" Seryosong tanong ni Dad.

"Haha, wala Dad. Gusto ko lang malaman history niyo ni Mom para naman hindi ako magmukhang ampon."

Bigla ko namang napansin ang mata ni Dad sa mirror kung saan nakaharap sa'min. Seryoso itong nakatingin sa akin.

"Hindi ka ambon, tunay na pamilya ka namin Haisley. Huwag mo ng uuliting sabihin yan samin."

Ang cold ng sagot nito. Matapos ng sinabi niyang 'yon ay tumingin na ulit siya sa daan. Buti kami lang ang nandito sa kalsada.

"Y-yes Dad."

Simula non tumahimik na kami.

"Nandito na tayo." Sabi ni Dad kaya naman tumingin ako sa labas.

Tama, nakarating na nga kami.

Lumabas na ako ng kotse at nakita ko naman ang mga tao na busy.

"Hello po Ma'am, ikaw po ba si Ma'am Queenie?" Tanong ng isang babae.

"Yes, ako nga at siya naman ang Daddy ko." Sabi at tinuro si Daddy.

"Good morning po Ma'am and Sir. Pasok po kayo, gusto niyo po ng tea?"

"Ah 'wag na, saan nga pala yung..."

"Ahm...nandito po Ma'am."

Feeling ko kinakabahan siya.

"Ok ka lang Miss?" Tanong ko.

"Yes, ok naman po hehe."

"First time?" Diretyong tanong ko.

"Hehehe, opo eh, pasensiya po."

"No problem, sige na magsimula na tayo."

Nagsimula na kaming maglakad at pumasok kami ng elevator papunta sa taas. Hindi ko alam kung pang ilang floor pero nung pinandot niya yung number nakita ko 4.

Lumabas na kami ng elevator at pumasok sa isang pintuan.

Pagkatapos naming pumasok nagsimula ng magpaliwanag yung babae.

Nakikinig lang ako sa sinasabi ng babae si Dad naman nagtatanong siya minsan, ako naman tumitingin-tingin lang.

Wala akong alam na pwedeng itanong kaya shut up na muna ako. Sila na bahala mag-usap.

All in all, gusto ko yung lugar, maayos tignan at maaliwalas. Kita nga ang dagat kahit onti pang.

Nakaka-relax, sana maging ok ang bahay na'to kay Dad. Si Dad parin naman ang mag dedesisyon, siya ang may pera at syempre siya ang may alam sa ganitong bagay.

Matapos kong libutin lahat ay bumalik na ako kung na saan sila.

"Ok ka ba dito Haisley?" Tanong ni Dad habang tinitignan pa ang buong lugar.

"Para sa akin, ok na ok Dad. Maayos, malawak at maaliwalas dito."

"Kung ga'non kukunin na namin 'to."

Yes! Buti naman at nagustuhan ni Dad dito. Siguro umabot sa standard niya itong napili kong bahay. Ang saya ko, pwede na din akong lumipat dito mamayang hapon. Pero syempre aayusin ko muna mga gamit ko sa bahay.

"Mabuti po at nagustuhan niyo dito Ma'am and Sir, this way po Sir."

Sabi nito at silang dalawa pumunta na sa kung saan. Baka kukuha na sila ng contract.

*Ringing*

May tumatawag na naman.

"Hello"

[Leley, ok na ba?]

"Yes! Pumayag si Dad at ang ganda pa dito. Kung nandito ka siguro hindi ka na rin tatanggi!"

[Pft, no need, may bahay na ako.]

"Tsk, oo nga pala. Heir ka nga pala ng pamilya niyo, hahaha. Kaso nga lang hindi ka naman pwede lumabas nang lumabas!"

[Iniinis mo ba ako Leley?]

"Ops! Bakit naiinis ka ba?"

[Kung sabihin ko na lang kay Dad na 'wag kang ilipat?]

"Haha, sus, hindi ka naman mabiro. Kumusta naman ang pagpili ng kotse? Hirap ka na naman magdesisyon?"

[Nope, gusto ko lang itanong kung anong kulay gusto mo?]

"Blue!"

[Pft, ang bilis, sige. Lilipat ka na ba ng hapon?]

"Hindi ko pa nakakausap si Dad tungkol...

Bigla akong tumigil sa pagsasalita ng makita ko si Dad at yung babae na pabalik na.

"Ok na Haisley." Wohhh! Approve! May bahay na ako!

"Ma'am Queenie, kailan po kayo lilipat? Para ibigay ko na po sa inyo yung susi."

Agad naman akong sumagot. "Mamayang hapon sana kung pwede."

"Yes po Ma'am, pwedeng-pwede po."

"Ok, settled na. Bumalik ka na sa kotse Haisley. Ako ng bahala sa iba pa."

"Sige Dad, intayin kita sa kotse."

Lumabas na ako at naalala ko na kausap ko nga pala si Kuya Nick.

"Kuya Nick?!"

[Wag kang sumigaw, hapon huh?]

"Yes! Lilipat na ako mamayang hapon!"

[I see, sige. Asahan mo mamayang hapon nandyan na rin yung kotse mo.]

"What?! Ohmy, sobrang saya ko—"

Natigilan ako ng may mapansin akong tao paglabas ng elevator.

"Yes Dad...I'm on my way now...See you later...Bye."

Natigilan lang ako sa pagtayo at unti-unti ay dinaanan niya lang ako.

[Leley, are you there? Leley! Queenie Haisley Severenity!!!]

What the heck!

"Nandito ako Kuya Nick! Wag kang sumigaw, ang sakit kaya sa tenga!"

[Sino ba kausap ko? Pipe o binge?!]

"How dare you!"

[Tsk!]

*toot* *toot* *toot*

Arghhh! Walangya! Binabaan ako ng tawag!

Padabog akong naglakad at pumasok ng elevator.

Humanda ka sa'kin Mr. Nick Huxley Severenity!

Kieffer's POV

"Sir, ok na po."

"Good, ito yung bayad ko." Iniabot ko naman sa kaniya yung bayad na para sa bahay. Ako ang gumawa no'n, pinababa ko ang presyo para doon siya lumipat. Mukhang effective naman ginawa ko.

"Nagustuhan niya ba sa loob?"

"Yes Sir, base sa nakita ko kanina. Ang saya niya nang makita niya yung bahay. Sobrang mahal mo talaga si Ma'am Queenie, Sir Kief."

"Sige, makakaalis ka na."

Dito rin ako nakatira, hindi na sa side ng magulang ko. Pumayag sila na maghiwalay ako ng matitirhan. Kaya dito ko rin gustong tumira si Queenie.

Gusto ko syang bantayan at alagaan.

Tapos na ako dito, kailangan ko ng umuwi.

Nagtungo na ako sa bahay at agad na umupo.

*Ringing*

Si Rondel?

Sinagot ko yung tawag kahit na alam ko na si Heaven lang naman bukang bibig niya.

[Hello, Dude!]

"Spill it."

[Hehehe, nandyan ba si Heaven?] Tsk, sabi ko na nga.

"Wala dito, hindi ko alam kung na saan. Kung hinahap mo s'ya, doon sa bahay nila 'wag sa'kin. Hindi ako hanapan ng nawawalang babae!"

[Ok, chill lang, Bro. Hindi naman talaga yun ang sasabihin ko. I mean kasama na yun pero hindi talaga yun ang una hehe.]

"F*ck, sabihin mo na lang agad!"

[Si Crave kasi, I mean si Boss...]

"What? Tsk, pa-intense ka pa.)

[Na-nawawala si Tita Arcadia.]

"Ano?!"

[Hindi namin alam buong pangyayare pero ang sabi ng nurse nawawala si Tita kaya ngayon nagwalala si Boss dito sa hospital.]

"Sh*t, intayin niyo ako!"

[Bilisan mo! Hindi na kaya ng mga nurse si Boss, maging kami nila Dous walang magawa.]

*toot* *toot* *toot*

Bakit biglang nawala si Tita? Saan naman siya pupunta?

Lumabas na agad ako ng bahay at nagtungo sa motor ko saka pinaharurot ito papunta ng hospital.

Pagkarating ko ay nakita ko agad ang mga tao na nagkakagulo sa labas ng kwarto.

Tsk! Ang laking gulo nito. Hospital pa ang napuntirya niya.

"Sir, huminahon po kayo, sir!"

"Where is she?!"

"Sir huminahon po kayo, hinahanap na po namin siya.

"Tell me, where the f*ck is she now!"

Agad akong humarang kay Crave.

"Crave, tigilan mo na! Pinapalala mo na ang lahat!"

"Then what?! Pinabayaan nila siya!"

"Malay mo bumili lang ng pagkain, Dude. Chill ka muna, calm down. Hindi masasagot yang tanong mo kung ganito gagawin mo."

Nagsimula naman itong huminahon at ibinaba yung upuan na buhat-buhat nito.

"Hahanapin namin siya Sir—" Hindi ko na pinatapos sasabihin ng nurse dahil baka magalit na naman ito.

"Shhh, umalis na kayo." Bulong ko lang sa kanila.

Tumango naman sila at umalis na din.

Pinaalis na rin nila yung mga tao na nasa labas.

Saan naman kaya pupunta si Tita?

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height