+ Add to Library
+ Add to Library

C8 CHAPTER 8

Queen's POV

"Tigilan mo na yan."

Hindi ko ito pinansin at patuloy lang sa pagpindot dito sa cellphone ko.

Nasa kotse ako ngayon, uhm...kotse ni Kuya Nick dahil lilipat na ako ng matutuluyan. Sabi nga ni Nisha sasama siya pero madami pa siyang homework na tatapusin kaya hindi na siya pinasama sa amin.

Si Kuya malamang nagmamaneho, ako naman panay post sa FB ko. After ng isang linggo hindi naman ako active sa social media. Ngayon na lilipat na ako, hindi naman masama mag post tungkol sa paglipat ko diba?

"Hindi ka talaga titigil diyan? It's your choice kung gusto mong iwan kita dito sa loob ng kotse."

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Nick, iiwan niya ako dito?!

Bigla akong tumingin sa driver's seat pero wala na ito rito. Teka! Nandito na pala kami!

"Psh, ako na mauuna."

"Nooo!"

Agad akong lumabas ng kotse at hinarangan si Kuya Nick.

"Ako ang mauuna sa loob, atsaka wala naman sayo ang susi!"

"Wala nga, pero susi ng kotse mo nasa akin."

*beep* *beep* *beep*

Tumingin ako sa direksyon kung saan ko narinig ang busina ng kotse. Lumabas naman dito ang isang babae.

"Heaven?!" Gulat kong tanong.

"Ako nga, gulat na gulat ka ata?"

Pa-papaanong nandito siya?!

Tinitigan ko ng masama si Kuya Nick at tinitigan naman ako nito ng parang ewan! Hindi niya ako maloloko sa titig niya!

Yung titig niya na gulat na gulat at parang walang alam sa nangyare.

"Paano ka nakapunta rito? Paano mo nalaman na dito na ako nakatira?!"

Tumawa naman si Heaven na para bang wala ng bukas.

"Girl, nakalimutan mo ba na puro ka update sa FB account mo? Don't tell me nakalimutan mo na yun? Hahaha!"

Tinignan ko ulit si Kuya at ngayon siya na ang masama kung makatitig sa akin.

"Tara! Pasok na tayo!" Excited na saad nito kaya pumasok na kami. Wala naman na akong magagawa, nandito na siya. Malamang alam na din ng iba, hayst. Nakalimutan ko na baguhin yung audience sa FB.

Kung sabagay, malalaman at malalaman naman nila. Haynako Hais, kung hindi ka ba naman excited sa pag post-.-

"Girl, saan ba dito?" Atat na tanong ni Heaven.

Psh...

"There," turo naman ni Kuya Nick.

Tsk, sinagot pa niya talaga.

"I see it na! Where's the key?"

Hindi na ako nagsalita pa at agad na pumunta sa harapan ng pinto. Binuksan ko naman ito at agad na bumungad sa amin ang ganda ng lugar na pinili namin ni Dad.

"Oh, ang ganda. Si Tito kasama mo hindi ba? Ang galing naman, sila Mom kasi hindi ako sinasamahan."

Kagaya kay Kief, mga busy din parents niya. Hmm, mahirap siguro yun. Puro butler, maids, driver, gardener at iba pa ang kasama mo.

Teka, bakit ba iniisip ko siya?

"Pst! Ok ka na ba? I know naman na ilang araw na ang lumipas. Baka naging ok na yang pakiramdam mo pero bakit ang lungkot mo?"

Napansin pala ni Heaven yon. Syempre, matagal kahit papaano kami naging kaibigan ni Kieffer. Sa tagal na taon na 'yon nakalimutan ko na ibang nangyare sa amin.

I mean as best friends, not anything else.

"Malungkot lang ako dahil hindi niyo ako sinamahan. Si Dad pa nakasama ko dito, tsk."

Agad na sumingit si Kuya Nick sa sinabi ko.

"Mag-uusap na lang ba kayo o aayusin na gamit mo?" Bored na tanong nito.

"Pft, sige na tulungan ko na kayo." Parang napilitan naman si Heaven. Pumunta siya dito kaya dapat tumulong siya.

Hindi na kami nagdaldalan at nagsimula ng mag-ayos dito. Ako na bahala sa kwarto ko, syempre ayoko na pumasok sila sa kwarto ko, tsk. Lalo na sa mga gamit ko kapag ginalaw nila.

Busy lang ako sa pag-aayos dito. Minsan may naririnig akong tawag sa cellphone ko, kapag naman kukunin ko biglang mamamatay. Nung tinignan ko naman kung sino, unregistered number yung nakalagay.

Lahat naman ng may number na kakilala ko nilalagyan ko ng pangalan pero paano nalaman ng taong ito yung number ko?

Kasi naman, isipin niyo. Unregistered number tatawag sakin eh lahat ng kilala ko nasa contacts ko naman at nakalagay mga pangalan nila. Siguro may stalker ako na humingi ng number sa mga kakilala ko.

Baka naman mga kalaban ko ito o kaaway? Hindi malabo, kasi hindi naka-registered number nila sa'kin.

Hindi naman siguro, huwag naman sana. Lumalayo na'ko sa gulo-.-

"Haisley! Kulang ka pa sa mga gamit."

Lumingon ako ng marinig ko boses ni Heaven mula sa pintuan.

"Kulang pa talaga ako sa mga gamit, gamit ko lang ang nandito para sa kwarto pero wala pa akong gamit para sa ibang bagay."

Nag-isip naman ito at tinignan ako sabay ngiti nito ng nakakaloko.

Ano naman kayang naiisip ng babaeng 'to?

"Bukas lalabas tayo, dahil sa hindi ka namin nasamahan sa pagbili mo ng bahay. Sasamahan ka namin bumili ng mga gamit mo."

Aba, gusto niyang bumawi ah pero teka...

"Tayo bibili? Hindi ba para namang hindi niyo kaya magbuhat ng mabibigat."

"Tsk, sinabi ko bang tayo magbubuhat?" Nagtaka naman ako sa tanong niya. "Isasama natin mga butler, driver at bodyguards namin para may tutulong sa atin."

Oo nga pala, nakalimutan ko yun.

Kahit saan naman sila pumunta may sumusunod sa kanila. I mean, butler at bodyguards hindi mawawala sa kanila yun. Mayayaman kaya sila, kung hindi nga ako napunta sa pamilya Severenity baka mahirap na ako.

Mayaman naman talaga kami nila Mom and Dad pero simula noong nawala sila hindi ko alam kung anong gagawin ko. Mabuti at kasama ko si Mr. Kirshawn noon kahit papaano hindi kami nagugutom.

Madami rin kasing itinagong pera sila Mom and Dad. Siguro nga alam na nila na mangyayari ito. Protektadong protektado at tagung-tago siya.

"Girl? Ano na naman iniisip mo? Anong desisyon mo?"

Hmm, ok lang naman siguro hindi ba? Atleast may kasama kami. Hindi kami mahihirapang magbuhat.

"Ok sige, papayag ako pero hindi tayo magtatagal bukas."

"Siyempre naman hindi, lagot din ako kay Mom kapag nagtagal ako."

Pinasok na namin lahat ng mga bagay na nasa kotse, more on damit lang naman. Bibili pa ako ng appliances at iba pa. Madami naman akong pera, tapos nagbigay pa sila Mom and Dad ng pangdagdag at si Kuya Nick naman binigyan din ako ng pera.

Nakalimutan ko pa na may kotse nga pala akong aasahan sa kaniya. Siya kasi bumili dba gamit pera ni Dad? Iba talaga kapag mayaman.

Masaya ako dahil sa kanila ako napunta at alam ko naman na kahit ampon lang ako mahal nila ako. Gano'n din naman ako sa kanila, mahalaga sila sa akin.

Kahit ano gagawin ko maprotektahan lang sila, pero paano kung malaman nila kung sino ako? Kung anong mundo talaga ako nabibilang? Paano kung magalit sila sa'kin, matakot o hindi kaya...kamuhian nila.

"Snap out of it girl, ano na naman yang iniisip mo ha?" Hindi na lang ako nagsalita sa tanong ni Heaven.

"Psh, ok sasama ako. Lutang ka na naman girl! Kung ako sayo umayos ka na. Tara at sasamahan kita bumili dba? Tatawagin ko lang magiging kasama natin."

Masaya itong umalis at ako? Ito nakatayo lang, hinanap ko si Kuya Nick. Nag-aayos pa pala siya ng mga gamit. May mga dinala rin kasi ako, mga bagay na ibinigay nila Kuya Nick.

"Ok lang kung maiwan ka muna dito Kuya Nick?" Tanong ko dito. Nakakahiya naman na siya lang nandito, nag-iisa, tapos mag-aayos ng mga gamit.

"Lumabas na kayo, mas maganda kung walang maingay na babae dito."

Bigla naman akong tumingin kay Heaven, pft. Ayaw niya kay Heaven? Hmm, well ngayon niya lang ulit nakita si Heaven, alam ko hindi nakikipag kaibigan si Kuya Nick sa mga babae. Syempre maliban samin ng kapatid ko.

Ewan ko ba sa lalaking yun, galit sa mga babae pft.

"Haisley, halika na at aalis na tayo! Parating na daw sila!" Sigaw nito mula sa pintuan. Ang energetic naman niya ngayon.

Lumingo na ako kay Kuya Nick at nagpaalam na. Mukhang seryoso naman siya na ok lang siya kung nag-iisa lang dito.

Papunta na ako sa pintuan at sakto namang dumating ang kotse nila Heaven kasama ang limang bodyguard nila at isang driver.

"Wait, bakit naman limang bodyguard sinama mo? Ang dami naman."

"Psh, mas marami mas masaya! Atsaka, sa laki ng bahay na kunuha mo madaming gamit ang kailangan mo!"

"Ok, ok, pero kakasya ba tayo sa iisang kotse?"

"Halatang lutang ka na girl. Malamang dalawang kotse gagamitin natin."

"Na saan yung isa kung gano'n?"

Tinuro naman nito ang kotse ng kapatid ko. So, gusto niyang gamitin kotse ni Kuya Nick?

"Gagamitin mo kotse ni Kuya Nick?"

"Anong ako, baka ikaw?"

"What?! Ayaw niyang ginagamit ko kotse niya!"

"So what?! Jusko, hindi mo naman sisirain kotse niya girl. Walang gasgas yan pagkauwi natin."

Confident si Heaven sa mga sinabi niya. Nako, lagot ako kapag ginamit ko kotse niya!

"No, kotse niya ang gamitin niya." Bigla namang sumulpot si Kuya Nick dito sa harapan namin.

"Tsk, wala siyang kotse 'no!"

"Meron..." At tinuro nito ang direksyon kung na saan naka park yung kotse na may kulay na red.

"Wow!/Seriously?!" Sabay naming reaksyon.

"Now, umalis na kayo, ito ang susi ng kotse mo." Inihagis nito ang susi sa akin, buti nasalo ko ito.

"Bakit pinapaalis mo kami?! Bahay ni Hais ito kaya bakit kami aalis?!"

Ohh no, bahala na sila diyang dalawa. Umalis na ako sa tabi nila. Mukha namang hindi nila ako napansin at patuloy lang silang nagsagutan. Psh, mapapagod din silang dalawa.

Lumapit ako sa limang bodyguard ni Heaven. "Ok lang sa inyo kung tulungan niyo kaming magbitbit ng mga gamit para dito sa bahay?" Tanong ko dito.

Galing sila sa pamilya Eclipse, wala naman akong problema sa pamilya nila pero para sa pamilya nila ang mga bodyguard na ito hindi sa akin.

"Ok lang po Ms. Queenie, utos naman ito ni Lady Heaven."

Sana all may bodyguard na, may driver pa, pft.

"Tsk, bakit mo ako iniwan kasama yung pesteng lalaking yon?"

Oh bumalik na pala si Heaven, tapos na sila mag-usap este mag sagutan? Hahaha.

"Alangan namang sabayan ko pa kayo? Aalis na tayo dba? Anong oras na kaya."

"Tsk, alright umalis na tayo." Tumingin agad si Heaven sa limang bodyguard nito at nagsalita. "Kayong dalawa sumama kayo sa amin at kayong tatlo doon sa kotse nila Mom."

"Masusunod po Lady Heaven." Nagmadali na silang umalis at nagtungo sa dalawang kotse na gagamitin namin.

"Tsk, hindi ko alam bakit ayaw ng kapatid mong gamitin natin kotse niya. Tsk, wala namang masamang mangyayare."

Pft, akala mo lang yun.

Third Person's POV

Unang umalis ay ang kotse ng pamilya nila Heaven at sumunod naman sila Queenie.

"Magsuot na kayo ng seatbelt niyo." Utos ni Queenie sa mga ito.

"Seryoso ka girl? Nag jo-joke lang siya, as if naman na—"

"Ok, sinabi mo eh."

Agad na pinaandar ni Queenie ang kotse sabay pinaharurot ito dahilan para mapabilis ang pag-andar ng sasakyan nila.

Seryosong nakatingin lang si Queenie sa harapan at kinokotrol ang steering wheel na para bang katawan niya ito.

Dahil sa sobrang bilis nito ay nalagpasan na nila ang kotse ng pamilya ni Heaven. Hindi rin maiwasan ni Heaven na matakot nang makita niya si Queenie na sobrang saya na para bang nasa racing ito.

Lahat sila ay nakahawak ng matindi sa kanilang upuan at natatakot para sa kanilang buhay.

"Lord, ayoko pang mamatay!" Sabi ng isang bodyguard.

"Tsk, akala ko ba walang kinakatakutan ang mga bodyguard yun pala sa isang kotse tiklop na sila agad." Ani nitong si Queenie habang nakatingin sa daan.

"Gi-girl, a-ang bi-lis natin. Ba-bagalan mo naman, baka habulin tayo ng pulis." Garalgal na sambit ni Heaven.

"Hindi naman ito mabilis, hindi pa nga tayo nasasagasaan, hindi ka lang sanay." Sagot nito.

Dahil sa bilis ng kotse ni Queenie ay muntik ng masagasaan nito ang isang kotse buti ay mabilis nitong naiiwasan ang mga kotse ng hindi tumatama o nagagas-gasan man lang.

Unti-unti ay bumabagal na ang takbo ng sasakyan nila kaya nakahinga na ng maluwag sila Heaven pero nandoon parin ang trauma nila sa nangyari.

"Ok, nandito na tayo!" Sabi nito habang masaya at lumabas ng kotse na para bang walang nangyare. Lumingon ito sa likod nito dahil hindi niya makita kung na saan sila Heaven.

Nakita na lamang niya ito ng sumusuka pa pala ang dalawang bodyguard na kasama nila at si Heaven naman na hanggang ngayon hindi makatayo sa upuan nito.

"Anong nangyari sa inyong tatlo?" Takang tanong nitong si Queenie.

Agad na lumabas si Heaven sa kotse at nagsalita. "Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw ng kapatid mo na ikaw ang magmaneho ng kotse niya. Hindi pala sa ayaw, takot pala siya." Bulong nitong si Heaven.

"Anong sabi mo Heaven?" Mas lalong naguluhan si Queenie sa bulong ni Heaven.

"Wala, sige na at pumasok na tayo sa loob. Para akong masusuka."

Agad na silang pumasok sa loob at bumili ng mga gamit na kakailanganin ni Queenie para sa bahay nito.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height