+ Add to Library
+ Add to Library

C9 CHAPTER 9

Queen's POV

Sure ako na ang daming binili namin ni Heaven.

Napabuntong hininga ako dahil yung ibang mga bagay pinadeliver na lang. More on pagkain ang nasa kotse at ibang mga gamit na kakasya sa kotse, pati damit bumili na din ako.

"Nakakapagod bumili, hayst." Sabi nito habang nanghihina dito sa loob ng bahay.

"You almost bought everything at the mall." Seryosong wika naman ni Kuya Nick.

"What? Ako? Hindi lang ako ang bumili!" Pagrereklamo nito pero sumingit na din ako.

"Halos ikaw ang bumili ng mga gamit at pagkain, Heaven." Napansin ko na umirap pa ito sa akin, pft.

Totoo naman, mga gamit ko lang at pagkain ang binili ko. Siya na bahala sa appliances pero grabe lang, halos sa isang araw binili niya na lahat ng gagamitin ko.

Parang wala ng bukas pag bumili siya, akala ko buong building na binili ko hahaha. Nakulangan pa siya sa mga damit at pagkain na binili ko. Akala ko naman yung bibilhin namin kahit papaano pwede sa ngayon tapos bukas ulit bibili yun pala hindi na masusundan.

"Nakakatakot ka kasi magmaneho, naisip ko na bumili na ng madami. Halos atakihin ako sayo kanina, mukhang masaya ka pa habang nagmamaneho. Grrrr, nakakatindig ng balahibo." Ang dami naman ng sinabi nito.

"Tsk, sinabi ko naman kasi sayo mag seatbelt ka, ayaw niyo naman tapos ako pa may kasalanan?"

"Aba! Hindi ko alam na may alam, teka mali...HINDI KO ALAM NA NAKAKATAKOT KA MAG MANEHO!"

"Pft!"

"Anong tinatawa-tawa mo dyan lalaking matatakutin?!"

"Not only am I scared of it, but you've also already experienced for yourself how she drives, you're slow to notice that."

"I didn't even know she was good at driving! Madami na ring nagbago noong naghiwalay kaming apat!"

"It's not my fault if you're slow enough to notice that." Boom, talagang inulit pa yung salitang slow, pft. "I'm going home now, it's already late. Shut down all the doors and windows so that no one can enter." Sabi nito sakin habang nanlilisik ang mga mata.

"Huwag kang mag-alala Kuya Nick, ligtas naman ako dito." Sagot ko naman dito.

"Siguraduhin mo lang." Sabi pa nito at pumunta na ng kusina.

"Anong gagawin mo diyan sa kitchen?" Curious na tanong ko.

"Napansin ko siyang nagluluto kanina noong umuwi tayo, mukhang inaayos niya makakain mo kanina pa."

Hmm, napansin ni Heaven yun? Hindi ko nga siya nakita na nasa kusina kanina.

"Hayaan mo na yang Kuya mo, aalis na din ako. Baka mapansin kami ni Mom na wala sa mansion, nakalimutan ko na nakalipat pala ako sa mansion nila Kieffer, bakit kasi umalis yon doon?! Tsk, sige na bye!"

At nagmadali na itong umalis. Magtatanong pa sana ako tungkol kay Kieffer pero huwag na siguro.

Bakit naman kaya siya umalis sa kanila? May nangyari kaya sa kaniya? Argh, bakit ko ba siya iniisip ha? Ginulo ko ang buhok ko dahil sa hindi ko alam na dahilan. Basta naguguluhan ako.

"Umayos ka, pumapanget ka lalo."

"How dare you Kuya Nick?!"

"Pft, kidding aside. Hinanda ko na makakain mo, aalis na ako, mag-iingat ka."

"Yeah, umalis ka na baka kung ano pang masabi mo. Goodnight sa inyo, pakisabi kay Nisha uuwi ako kapag may free time!"

"Yeah, goodnight din."

At umalis na siya, wala na akong kasama. Ang tahimik ng buong bahay.

Teka, ano naman kayang ginawa ni Kuya Nick sa kusina? Baka mamaya nagkagulo na doon!

Dahil sa naisip ko ay agad akong pumunta sa kusina pero laking gulat ko ng sobrang linis ng kusina.

"Wow, hindi ko alam na ang galing niya magluto. Isa ba ito sa mga natutunan niya sa ibang bansa?"

Ang sarap tignan nung mga pagkain, nilapitan ko yung isang pagkain na niluto ni Kuya Nick.

"Ohh, may noted pa na nakaiwan dito."

Kinuha ko yung notes na nakadikit sa tabi ng plato. Nakadikit lang siya sa lamesa tapos may masaya pang mukha dito, alam niya pala yun? Ang sweet naman, swerte magiging asawa ng loko na yun.

Babasahin ko na sana yung nakasulat pero biglang may nag doorbell kaya nagtungo na agad ako doon. Sumulip ako sa may pintuan kung sino yung bisita ko.

Bisita nga ba?

Laking gulat ko nang makita ko si Kieffer sa labas ng pintuan na may dalang plastic bags? Bakit siya nandito?

Binuksan ko na lang yung pintuan at totoo nga, si Kieffer nga ito.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko agad dito.

"Ikaw pala ang bagong lipat dito, diyan lang ako nakatira sa may tabi ng bahay mo." Sabay turo nito sa kaliwang pintuan na katabi ng bahay ko.

"What? So dito ka lumipat?" Tumango lang siya at ipinakita yung mga plastic bags na bitbit nito.

"Pwedeng pumasok? I brought food to welcome you. Hindi ko alam na ikaw pala..."

Bigla naman itong tumigil sa pagsasalita at biglang bumulong ng hindi ko alam kung bakit?

"Uhm, may pagkain na kasi ako dito. Kakaluto lang ni..."

"Sige, ok lang."

Hayst, ayoko namang tumanggi, baka isipin niyang ayaw ko sa kaniya. Psh, make friends Hais, lalo na kapitbahay mo naman yan at may-ari ng school. Hayst, bahala na nga.

"Ok lang, pasok ka na. Hindi pa naman ako kumakain at pagod din ako dahil sa pag-aayos. Madami pa akong aayusin..."

"I can help you, if it's ok with you."

Nagulat ako sa sinabi nito, tutulungan niya ako? Hmmm, pwede naman pero hindi kaya iba naman isipin ni Heaven. Pinsan niya tinutulungan ako?

Baka mamaya isapin niya may namamagitan sa amin ni Kieffer. Tsk, lalo pa yung dalawang magkapatid.

"Huwag na, kaya ko naman maglinis mag-isa."

Pumunta na ako sa loob at dumeretyo sa kusina. Siya naman pumunta sa may lamesa at inaayos mga pagkain.

"Dahil kay Heaven kaya ayaw mo?" Natigilan ako sa tanong nito.

"Bakit naman nadamay si Heaven dito?" Tanong ko dito.

"Or because of what happened before?" Ano naman kaya ang tinutukoy nito?

Si Heaven sabi niya kanina, tapos sasabihin niya nangyare noon? Naguguluhan ako.

"Huh? Mukhang gutom ka na, salamat sa pagdala ng makakain. Don't worry kakainin ko yan. May tatapusin lang akong gawin."

Kinuha ko yung notes na nakadikit sa lamesa at agad na inilagay sa bulsa ko. Mamaya ko na lang babasahin, ilalagay ko na lang sa lamesa ng kwarto ko.

Umakyat na ako papunta sa kwarto ko pero hindi parin siya tumigil at nagsalita ulit.

"Pwede bang samahan kita kumain?"

Ano naman kaya ang binabalak ng isang 'to?

"Sorry pero pwede ba na lumabas ka na? Pasensiya ah, pero ang dami ko pa kasing gagawin. Na appreciate ko na gusto mong tumulong at dinalhan mo ako ng pagkain pero kaya ko naman sarili ko."

"Alam kong kaya mo sarili mo, gusto ko lang na tulungan ka, protektahan ka, kagaya noon."

"Tsk, pwede bang kalimutan mo na kung anong nangyare noon? Ilang taon na ang lumipas Kieffer!"

"Na miss ko pagtawag mo ng pangalan sa'kin."

"Please lang, ano na naman bang sinasabi mo? Matagal na ang nakalipas. Utang na loob lumabas ka na, please lang!"

"Get out of here or you want to taste—" Ginala ko ang aking mga mata ng biglang may narinig akong nagsalita.

"Kuya Nick?!" Gulat kong tanong.

Kanina pa ba siya nandito?!

"May nagpro-protekta na pala sa'yo, pft, huli na ba ako?"

"Kieffer umalis ka na, please!"

Biglang lumapit si Kieffer sa akin, hinila niya ako mula sa hagdan at niyakap ng mahigpit.

"I miss you, I'm still missing you, My Queen." Anong pinagsasasabi ni Kieffer? Bakit wala akong maintindihan sa mga sinasabi niya?!

"Sabing layuan mo siya!" Out of nowhere nakaramdam ako ng malakas na paghila kaya naman napabitaw si Kieffer sa akin at ngayon katabi ko na si Kuya Nick.

Sinuntok agad ni Kuya si Kieffer at agad na dumugo ang ilong nito. Napabagsak ito at pinahid ang dumudugong ilong nito.

Pinigilan ko si Kuya Nick pero ayaw niyang magpapigil. Hinila nito ang kwelyo ni Kieffer at nagsalita.

"This is the last time I will tell you this, get out of here!"

Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatingin kay Kieffer, bakit ba nagagalit si Kuya Nick?

Dahil ba sa niyakap niya ako o dahil anak siya ni Mr. Kirshawn?

"Kieffer, umalis ka na dito. Seryoso si Kuya Nick, huwag ka ng magmatigas!"

Hinila ko si Kieffer papunta sa pintuan pero bago siya makaalis bumulong ito na tama lang para marinig ko.

"I will continue to protect you, even when you no longer need to."

Matapos ng sinabi niyang iyon, nagkusa na siyang umalis at umuwi.

Agad akong pamasok at sinigawan ko si Kuya Nick.

"Bakit mo naman ginawa yun?! Jusko, hindi mo naman kailangang manakit!"

"Anong gusto mong gawin ko? Do you want me to let him and hurt you?"

"Why would he hurt me?! He wants to protect me and help me! Tapos bigla kang susugod dito! Akala ko umuwi ka na?!"

"Tsk, anong sinabi niya sayo kanina, may alam ka do'n?"

"Malamang wala akong alam sa sinasabi niya! Tsk, anong akala mo sa'kin? Wala akong panahon para magka-boyfriend! Ngayon lumayas ka na bago ko sipain yang pagkalalaki mo!"

"Chill—"

"Get OUT!"

Nagmadaling lumabas si Kuya Nick dito sa bahay ko habang ako nanggigigil sa nangyare kanina. The heck?!

"Bakit ba ang gulo ng mga lalaki?!"

—KINABUKASAN—

Oh my! Tsk, hindi maayos tulog ko ng dahil sa dalawang peste na yun!

"Good mor— mukhang hindi good ang morning mo Haisley."

Hindi ko namalayan nandito pala sa harapan ko sina Heaven, Dawn at Dove. Iniintay ba nila ako?

"Bakit nandyan kayong tatlo nakatayo?"

Nasa harapan ko sila, papasok pa lang ako ng gate dito sa school kaya nagtataka ako bakit nandito sila.

"May usap-usapan kasi na napaaway itong pinsan ni Heaven, hahaha! Kung nakita mo lang mukha niya, grabe, nabawasan kagwapuhan, hahaha!" Hindi ko alam kung nakakatawa ba 'yon o nang-iinis lang si Dawn?

"Pero madami paring malungkot kahit na gano'n ang nangyare sa kaniya." Yeah, tama si Dove. Ramdam ko na ang lungkot ng mga babae dito sa school. Hindi naman lahat pero marami-rami, ikaw ba naman madaming fangirls?

Pero napaisip ako, ok na kaya siya? Lalo na ako ang dahilan bakit siya sinugod ni Kuya Nick. Hindi ko ba naman alam bakit niya bigla-biglang susugurin yung tao ng wala namang ginagawa?

"Ohhh nandiyan na ang Titus Five, teka wala ata yung pinsan ko?" Naagad agad pansin ko sa Titus Five na kakasabi lang ni Heaven.

Tama siya, wala si Kieffer, na saan kaya siya? Kailangan kong mag sorry sa kaniya, teka bakit ako magso-sorry sa kaniya? Dapat si Kuya Nick, siya sumapag sa kaniya 'no!

*Kringgg* *Kringgg* *Kringgg*

"Nag-bell na, pumasok na tayo sa loob."

Pumasok na kami sa room namin at doon namin nakita si Kieffer, busy itong inaayos niya ang mga gamit niya sa bag.

Umakyat na ako para umupo sa upuan ko pero bigla itong tumingin sa gawi ko kaya nagulat ako at ilang minutong tumingin sa kaniya pero inalis ko rin paningin ko ng pumasok na ang next teacher namin.

Napansin ko na ibang teacher itong nasa harapan namin, hmm...

Baka naman busy si Ms. Agape kaya naman ibang teacher muna ang magtuturo? O baka naman may pinuntahan siya? Hindi malabo dahil kahit saan naman talaga 'yon pumupunta, ang dami kayang pag-mamay-ari ni Ms. Agape.

Madami din siyang kilala, kulang na lang buong angkan niya maging kamag-anak namin pero biro lang yun.

"Good morning class, wala si Ms. Agape ngayon dahil may emergency na nangyare sa pamilya nila kaya ako ang mauunang magturo sa inyo ngayon." Bigla itong tumigil sa pagsasalita at pumunta sa harapan kaya naman tumingin kaming lahat dito. "Lahat kayo lumabas ng kwartong ito! Sa court tayong lahat!"

C-court?! Parang hindi ko ito gusto.

"Ano pang hinihintay niyo, LUMABAS NA KAYO!" Nagsitakbuhan naman ang lahat ng estudyante palabas ng classroom. Teka wala manlang pagpapakilala kung sino yung teacher namin ngayon?!

Pagkarating naming lahat sa may court nakita namin na ang daming bola ng basketball sa sahig.

"Tsk, sabi ko na nga ba." Agad kong dinig sa sinabi ni Dawn.

"Ok, umagang-umaga papagurin tayo, hayst." Reklamo agad ni Heaven.

"Huwag naman kayong ganiyan, mas maganda nga yun—" Hindi na natapos sasabihin ni Dove ng simigaw yung dalawa.

"ANONG MAGANDA DON?!" Napansin ko naman na tumingin yung teacher dito sa gawi namin kaya lumayo ako sa kanilang tatlo.

Hehe, shempre para hindi ako pagalitan, hahaha!

"KAYONG TATLO DIYAN! ANONG SINISIGAW NIYO?!"

Doon lang napansin ng mga loka-loka na may teacher sa harapan nila. Oh dba, hindi na ako magtataka kapag nagkaroon ng punishment yang tatlo mamaya. Hmm, ok na yung singkwentang curl ups.

"Hehehe pasensiya po." Pagpapaumanhin ni Dove.

Sinamaan naman ako ng tingin nung dalawa, sino paba edi si Heaven at Dawn.

Natawa na lamang ako sa isip ko.

"Mukha namang alam niyo na kung anong gagawin natin ngayon, bukod sa maglalaro kayo ng basketball. Kailangan niyong malaman kung papaano muna ito isyut!" Hayst, pagpapawisan na naman ako nito.

Lahat ng mga babae syempre ayaw sa basketball pero aminin na natin, mahirap naman mag-basketball.

"Alam ko na mahirap gawin para sa mga babae ang pag syut ng bola sa ring kaya naman ang mga lalaki ang magtuturo nito para sa inyo."

Dahil sa sinabi ng teacher namin biglang kuminang mga mata nila at naging masaya naman ang mga lalaki.

Psh, ano naman kayang kalokohan ang naisip ng teacher namin ngayon?

"Humanap na kayo ng ka-partner niyo. Girl and boy hindi pwede ang same gender!"

Mga ilang segundo lang ay nagmadali na silang pumunta sa Titus Five at ang ibang mga lalaki. Ayun, walang lumalapit sa kanila na mga babae.

Ay teka, kaming apat lang pala ang hindi lumalapit sa mga lalaki.

"Hayst, panibagong gulo na naman ito." - Dawn

"Hindi lang gulo, g'yera na yan." - Heaven

"Manahimik na lang kayo, hindi ba kayo hahanap ng ka-partner niyo?" - Me

At nagsisisi akong tinanong ko yon. Hindi ko alam pero ang sama lalo na pakiramdam ko.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height