+ Add to Library
+ Add to Library

C10 Truth

“THE pretty woman is my mother and the man with long hair is my younger brother. My mother is a doctor kaya hindi ka na namin dinala sa ospital dahil sabi ni Mommy hindi naman daw malubha ang nangyari sa `yo. Kailangan lang daw ng katawan mo ang mahabang pahinga kaya hindi ka nagigising kahit anong gawin kong paggising sa `yo.”

Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi nito. “Hindi ako nagigising kahit anong gawin mo?”

Tumango ito.

Napahawak na lang siya sa dibdib dahil sa balitang iyon. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman. Pero naaalala niyang nakakulong siya sa isang matatag na bisig. Hindi iyon noong nagising siya kundi mas nauna pa kaya baka niyakap nga siya nito sa sobrang pag-aalala.

Medyo blurry ang alaala niya ng mga sandaling iyon. Hindi rin siya sigurado kung totoong nangyari iyon o halusinasiyon lamang niya. Ang naaalala lang niya ay ang matipunong bisig na nakapalibot sa kaniya at ang dalawang taong nakatayo sa tabi ng kama.

Napatingin siya rito. Napakaguwapo nito at alam niya at sigurado siya na maraming babae ang naghahabol dito kaya bakit naman ito mag-aalala sa isang babaeng hindi nito kakilala?

May isang tanong din na bumabagabag sa kaniya. Nahihiya lamang siyang tanungin ito. Pero kailangan niyang malaman. “Ahm…s-sino nga pala ang nagbihis sa `kin?” nakayukong tanong niya rito.

Nang hindi ito sumagot, napilitan siyang magtaas ng tingin. Sinalubong nito ang mga mata niya at saka lang ito sumagot. “You yourself.”

“Oh.” Nakahinga siya ng maluwang sa sinabi nito. Mabuti naman kung ganoon. Akala niya ay ito pa ang nagbihis sa kaniya. Nakakahiya kaya iyon. Pero ganoon na lamang ang pagkagulat niya sa sunod na sinabi nito sa kaniya.

“You undress in front of me dahil naiinitan ka kahit na malakas naman ang aircon ng sasakyan ko.” Prankang sabi nito sa kaniya. May kakaibang kinang sa mga mata nito na hindi masyadong nagustuhan ni Lyxelle.

Napasinghap siya sa sinabi nito kasabay nang pag-iinit ng kaniyang mukha. Baka naman ginu-good time lang siya nito. “Liar!”

Bakit naman niya iyon gagawin sa harap nito? May delikadesa naman siguro siya bilang babae. Hindi niya matanggap ang sinabi nito.

“Ano namang mapapala ko kung magsisinungaling ako sa `yo?" nakataas ang isang kilay ni Raziel nang tanungin siya nito.

Umurong din ang dila niya dahil hindi niya alam kung paano itong sasagutin. Wala nga naman itong dahilan upang magsinungaling sa kaniya. But she found his statement absurd.

When she could not come up with any retort, Raziel grinned at her. Now, she's not sure if he's making fun of her or was utterly serious.

Raziel shrugged. "Isa pa tinulungan kita.”

Marahan siyang tumango sa sinabi nito. Iyon din ang hula niya na tinulungan nga siya nito. Why else is she in a stranger's house if he wasn't the one who helped her? And she didn't see anything that could lead her to believe they knew each other before.

Isang eksena ang lumabas sa balintataw niya. Siya, naghuhubad ng damit at lumapit si Raziel para tulungan siya. Ito na ang tumapos sa paghuhubad niya. Hinawakan nito ang dibdib niya at minasahe iyon. She didn’t even flinch at the way he touched her. In fact, she leaned into his warmth.

Napalunok siya sa larawang gumuhit sa kaniyang isip, kasabay ng pamumula ng kaniyang mga pisngi. Totoo ba ang nangyaring iyon o imahinasiyon lamang niya? Please let it be just an imagination. Patung-patong na ang kahihiyang pinaggagagawa niya sa harap ng binata.

But if those images are true, why did he do it to her? And why did she let him do it to her..?

Ipiniling niya ang ulo. Masyado lang nagiging wild ang kaniyang imahinasiyon kaya kung anu-ano na ang kaniyang naiisip. Kailangan niyang ituwid ang kaniyang pag-iisip.

“What I mean is iniligtas kita.” sabi nito.

“Oh,” she said breathlessly. She did know he saved her. Kung paano niyang nalaman iyon, hindi niya alam. Pakiramdam? Instinct? Subalit takot siyang tanungin kung anong klase ng aksidente ang kinasangkutan niya. Handa ba siyang malaman ang pinag-ugatan ng nawawala niyang memorya?

Medyo nanginig ang kaniyang mga kamay kaya ikinuyom niya ang mga iyon. Nagdesisiyon siyang huwag munang magtanong kung paano siyang iniligtas nito. Inaamin niya sa sarili na natatakot siya sa isasagot nito.

Litong-lito pa ang kaniyang isip ng mga sandalling iyon. Hindi niya alam kung saan siya lulugar dahil sa malaking blanko sa kaniyang utak. May kamag-anak ba siyang naghahanap sa kaniya?

Ano ba siya? Single? Married? Complicated?

Sa dami ng tanong sa kaniyang isip ay hindi niya alam kung saan magsisimula. Dahilan din iyon kung bakit wala siyang ganang kumilos at mag-isip. Nakakasakit sa ulo pala itong walang maalala.

Palihim na tiningnan niya si Raziel, ang kaniyang tagapagligtas. Hindi na ito muling nagsalita pa. Tila ba pinapakiramdaman lamang siya. He’d been generous and kind to her pero hindi niya puwedeng pagsamantalahan ang kabaitan nito.

Baka nga napipilitan lang itong patuluyin siya sa bahay nito. Na ang totoong gusto nitong mangyari ay palayasin na siya sa bahay nito.

Nakakailang na katahimikan ang pumagitna sa kanila. Hindi siya nakatiis kaya siya na rin ang unang bumasag niyon.

Wala pa siyang konkretong plano pero nakakahiya kung aasa lamang siya kay Raziel. “Aalis nga pala ako rito sa bahay mo pero—”

“What?! Why?!”

Napapiksi siya dahil sa pagtaas ng boses nito. Kung nagulat siya sa biglaang reaksiyon nito ay halata ring maski ito ay nagulat.

Natigilan ito at muling umayos ng upo. Tumikhim ito bago magsalita. “I mean, bakit ka pa aalis? Wala kang maalala. Hindi mo alam kung saan ka nakatira. At wala kang pera.”

Napahiya siya sa sinabi nito. Wala nga pala siyang kahit na ano. Iyon ang pinag-ugatan ng dilemma niya ngayon. Ano ang unang magiging hakbang niya ngayong wala siyang kahit ano? Ang mayroon lang siya ay ang bahay na ito ng kaniyang tagapagligtas. Hindi rin siya komportableng mabubuhay nga siya ng matiwasay sa loob ng bahay na iyon.

The house was her safe haven. For now.

Raziel seemed to have realized what he said and calmed down. “I’m sorry. I didn’t mean to say—”

“It’s okay. Naiintindihan ko naman ang pinupunto mo. Pero nakakaabala na ako sa iyo. Nagiging pabigat na ako.”

“Silly. Kahit kailan ay hindi ka nakakaabala sa `kin.”

Napatingin siya rito. Seryoso itong nakatitig sa mukha niya. Pakiramdam niya ay isa siyang diyosa at siya lang ang pinakamagandang babae sa buong mundo, mapa-mundo man ng tao o ng engkanto. That's the feeling Raziel was giving her every time he was looking at her intently.

Pakiramdam niya ay matutunaw siya sa klase ng pagkakatitig nito sa kaniya lalo na nang haplusin nito ang kaniyang pisngi.

“Lyxelle, please stay. Hindi ka naman pabigat sa `kin. At nag-aalala ako sa `yo. Kapag umalis ka rito nang hindi mo pa naaalala ang pagkatao mo, mag-aalala lang ako sa iyo. Baka pumuti agad ang mga buhok ko kakaisip kung nasaan ka ba, kung nakakakain ka pa ba.”

Hindi na siya makahinga dahil sa lapit ng mukha nito at dahil na rin sa sinabi nito. Nag-aalala ito sa kaniya! Isang diyos ng kaguwapuhan ang nag-aalala sa kaniya. Kaagad naman niyang pinagalitan ang sarili. Hindi iyon ang oras para lumandi siya.

Napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa kaniyang mga labi. Napalunok siya. Will he kiss her? It might be too ambitious of her to think, but Lyxelle can’t help herself. No woman can for sure.

Muli siyang napalunok nang maglandas ang hintuturo nito sa ibabang labi niya.

Napatingin siya sa mga mata nito at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya roon. Pagnanasa. He wanted her! There is also longing in his eyes. It's making her unconsciously hold her breath. Pakiramdam kasi niya oras na gumalaw siya ay lalamunin siya nito.

“Raziel…” she breathes, trying to calm her raging heart.

“Your lips are inviting, Lyxelle.” bulong nito sa kaniya.

Nagwala ang puso niya nang tawagin siya nitong Lyxelle. Maybe it was her real name after all dahil hindi naman siguro magre-react ang puso niya kung hindi, `di ba?

“I want to taste you, I want to lick you…” Tinitigan siya nito sa mga mata. “But not now, soon.”

She gasped at the pleasure he promised. A shiver ran down her spine and her body trembled in anticipation. Is it too much of her to get this excited about a promise of a hot as hell stranger when she can't remember anything about herself?

“Magpahinga ka muna sa kuwarto, Lyxelle.” seryoso ang mukha nito habang inuutusan siya. Yes, inuutusan. His voice was every commanding. Like a strong leader giving out a command that cannot be broken by his subordinate.

Yes, his voice sounded more of a command than a person asking for a favor.

Wala sa sariling sinunod niya ang utos nito. Nang makarating siya sa kaniyang kuwarto ay napahilig siya sa nakasarang pinto at dahan-dahang dumausdos sa sahig.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon na lang kung makapag-react ang katawan niya sa mga sinasabi ni Raziel. It felt like she was very familiar with him.

Talaga bang hindi sila magkakilala noon pa man? Because she got this feeling that they knew each other a long time ago.

Report
Share
Comments
|
Setting
Background
Font
18
Nunito
Merriweather
Libre Baskerville
Gentium Book Basic
Roboto
Rubik
Nunito
Page with
1000
Line-Height