C13 Panic Attack
PAGTAPAK na pagtapak ni Lyxelle sa loob ng ospital ay pinagpawisan siya. Hindi siya makahinga at nahihilo siya. Hindi niya maintindihan ang nangyayari sa kaniya nang mga oras na iyon. Nanlalamig din ang kaniyang katawan, nanginginig ang mga kamay.
Napahawak siya sa kaniyang leeg, yaring may hinahanap doon ang kaniyang kamay. Nang wala siyang mahawakan ay mas lalong lumala ang nararamdaman niya