C19 Her Boyfriend
“KUYA, may bulate ka ba sa p’wet?”
Masama ang tinging ipinukol ni Raziel kay Alexiel. Kitang-kita sa mga mata nito ang pagkaaliw sa pagiging hindi niya komportable. Sarap tuloy tusukin ng mat anito.
Bumuntunghininga siya. Hindi niya alam kung bakit hindi siya mapakali. Ilang araw na siyang ganoon pero mas malala ang araw na iyon. Ni ayaw na nga niyang lumabas ng bahay