C33 Plans to Escape
“WHAT the hell?!”
Sinalakay ng kaba ang dibdib ni Raziel nang makita ang magulong bahay ni Aldin. Kanina pa siya kumakatok sa pinto nito pero walang sumasagot, kaya sinubukan niyang buksan ang pinto. Nagulat siya nang malamang hindi iyon naka-lock.
Hindi siya makapaniwala sa nakita sa loob ng bahay nito. Naging alerto naman kaagad si CL sa kaniyang tabi. May hindi magandang nangyari
