C32 His Feeling
Jasmine'sPOV
Nang matapos kami ni Ate Tessa sa pagligpit sa mga pinamili niyang groceries, sinimulan na namin maghanda para sa hapunan. Alas-kwatro na rin kasi ng hapon. Ayaw man ni Ate Tessa na tulungan ko siya, dahil sabi niya magpahinga nalang daw ako, nagpumilit pa rin ako dahil kaya ko naman na walang ginagawa. Hindi naman mabigat ang mga gagawin. Hinayaan nalang ako ni Ate Tessa
